HAZEL POV
Napapansin ko ang mainit na nakaw na tingin ni Ninong Max sa dibdib ko. Mainit kasi ang panahon kaya ganito ang sinusuot ko. But I just ignore it, kung sa ibang tao may malisya, sa kanya malamang ay wala.
Dumating sila tita Leny at tito Mark sa loob ng hospital, mabuti at tapos na akong pakainin si Ninong Max. Tumayo ako at naglakad papunta sa kanila para makapag bless ako. Parati ko naman itong ginagawa kapag dumarating sila.
"Kamusta ang blood transfusion?" tanong ni tito Mark.
"Heto maayos naman po kahit papaano," sabi ko.
Si tita Leny, lumapit kay Ninong Max.
"Maraming salamat sayo Max, habang buhay namin tatanawin na malaking utang na loob ang pagdodonate mo ng dugo kay Alden."
Natutuwa lang ako na ito ang nauna n'yang naisipang gawin. Mahal ko si Alden at tinuturing ko ang pangalawang pamilya ang mga magulang n'ya. Ang swerte ko kasi sila ang magiging biyenan ko. Karamihan kasi sa mga kakilala ko, nagkakaroon talaga ng problema pagdating sa mga manugang nila. Mabuti at napunta ako sa tamang magulang.
"Wala iyon, katulad ng sinabi ko kay Hazel, ang mahalaga sa kanya ay mahala na rin para sa akin. Sa susunod na kaylanganin ng dugo ni Alden, h'wag kayong mag dalawang isip na lumapit at ako ang bahala sa kanya."
"Pero may nakita na kasi kaming magdodonate ng dugo kay Alden. Ayaw naman namin na maubos ang dugo mo pare. Pinapangako namin, ito na yung huling pagkakataon na magdodonate ka ng dugo kay Alden."
"Yes po," gusto ko sanang sabihin na nagkaka edad na si Ninong ngunit nag hold back ako kasi baka maoffend ito, "Pero hahanap din po ako ng ibang magdodonate. For now, rest po muna kayo. Uuwi muna ako sa bahay para makapag pahinga."
"Hindi, uuwi rin ako ngaun, sasabay ako sayo," sabi niya.
"Pare, nandito naman kami eh. Hayaan mo na munang umuwi si Hazel. Sigurado naman na babalik rin s'ya rito eh."
"Opo Ninong, babalik rin ako saglit."
"Sabay na tayong umuwi," sabi ko, "Mas gusti kong magpahinga sa bahay. Pakisabi sa doctor na i discharge na ako dito sa hospital."
"Ha?"
Nagulat ak pero nakita ko ang pagiging seryoso ni Ninong Max. Siguro ay ayaw niya talagang ma confine dito sa hospital. Mataas pa naman ang pride niya. Kaya kahit tutol ako rito, tinawag ko pa rin ang doctor. Nadischarge si Ninong at siya pa mismo ang nag drive for me. Nag aalala pa nga ako rito dahil namumula pa rin ito while driving.
"Ninong, sure po ba kayo na maayos ang lagay n'yo ha?"
"Wag kang mag alala, maayos na ang kalagayan ko. Pagod pero ipapahinga ko na lang ito sa bahay. S'ya nga pala, ibili mo ako ng kahit dalawang boteng alak mamaya ha?"
"Po? Eh di ba sabi ng doctor kanina na bawal pa kayong uminom?"
"Ako ang bahala sa sarili ko. Di kasi ako makakatulog nito mamaya kapag walang laman na alak ang tiyan ko. Dalawang bote lang ang iinumin ko."
Ang tigas ng ulo ni Ninong pero wala na akong nagawa pa sapagkat ipinagpilitan n'ya ang gusto n'ya. Pagbaba namin sa tapat ng bahay namin, dumeretso na ako sa convenience store at bumili ng alak na sinamahan na rin ng mga kaunti chichirya. Medyo mabigat ang dala ko kasi mapayat lang din ako. Pagpasok ko sa loob, nakita ko si Ninong na nasa sala at naka brief lang. Umiinom siya ng alak habang mayroong sigarlyong naka ipit sa kaliwa nitong kamay. Grabe, para bang wala itong pakialam na mayroon pang bulak na naka tape sa kanang kamay nito kung saan s'ya kinuhaan ng dugo.
Napaisip tuloy ako, isang linggo bago ang kasal namin, ipinangako nito na ititigil na n'ya ang mga bisyo n'ya. Pero heto s'ya at pinagpapatuloy ang mga bisyon n'ya. Dito na naubos ang pasensya ko, si Ninong na lang ang natitira kong pamilya. Ayaw ko nang unti unti s'yang malulong ulit sa mga bisyo n'ya. Nahubad pa ito ng damit at nakita ko yung malaking tattoo ng leon sa dibidb n'ya.
Nilapag ko ng padabog ang dala ko at mabilis kong dinukot mula sa kamay n'ya ang sigarilyo. Tinapakan ko ito para mamatay ang apoy. Napangisi langa ng Ninong ko.
"Tama na po okay? Masyado n'yong inaabuso ang sarili n'yo. Naalala n'yo ba nitong nakaraang month? Sinugod ko po kayo sa hospital kasi grabe ang hika n'yo. Sinabi ng doctor na itigil n'yo ang bisyo n'yo pero heto kayo ulit at umuulit. Pinayagan ko kayong uminom kasi mabait pa ako nito pero wag sanang abusuhin ang katawan, okay? Ang sigarilyo at alak, lason sa katawan ng tao."
Nagulat ako ng hawakan n'ya ang kamay ko at hilahin ako papalapit sa kanyang tabi. Napaupo ako sa tabi n'ya at naamoy ko ang pabango n'ya.
"Don't worry about me, sanay na ang katawan ko sa alak. Pero ang paninigarilyo, ititigil ko na talaga."
"Sige po, pero sana ay drink moderately lang ha? Ayaw ko po sanang dumating yung point na uubuhin kayo ulit mamaya."
"Pramis, magbabagong buhay na ako kapag natapos akong uminom. Ayaw kasi kitang nakikitang nagagalit eh."
"Buti naman, kayo na lang nga ang natitira kong pamilya tapos ganito pa?"
"Hahahaha! Sige, magbabagong buhay na talaga ako. Pero maliligo pala ako sa taas pagkatapos kong uminom. Luto ka na ng pagkain natin at kakain na rin ako."
"Bukas na kayo maligo at baka kung mapaano pa kayo."
"Ano ka ba Hazel, masyado kang pinapangunahan ng takot eh wala kang dapat na ikabahala rito. At tsaka, marami naman akong pera, kaya kong ipagamot ang sarili ko sakaling mahospital ako."
Ito na naman ang pagiging mapag biro ni Ninong na wala sa lugar. Nagligpit muna ako sa kwarto ko at tsaka ako ulit bumaba. Kahit na kakakain lang ni Ninong ay pinag lutuan ko pa rin ito ng pagkain. Masiba rin kasi ito sa pagkain at gusto n'ya na maya't maya kumain kaya mas lalong lumalaki ang katawan.
Pero adobong manok ang niluto ko at di yung sisig. Siguro sa susunod na araw ko na ito gagawin.