KABANATA 5

1009 Words
MAX POV "Sige, ang maigi pa ay tawagin mo na ang doctor sa labas at handa akong magpa test." Tumungo lang ang inaanak ko at mabilis na lumabas. Muling nabaling ang tingin ko kay Alden na nakaratay, mayroong life support sa bibig nito at nakita ko ang mga pasang binigay ng mga tauhan ko sa kanya. Kulang pa ito, dapat ay tinodas na nila si Alden ng sa gayon ay masolo ko na ang pamangkin ko. Pero tama lang din siguro na nangyari ito- gagamitin ko ang sitwasyon na ito para ako pa rin ang makakuha kay Hazel. Sa akin ang katawan nya kahit na sila ang nagmamahalan. Lumapit ako at ngumiti. Nagmistulan akong isang demonyo sa harapan ng lalaking ito. "Paano ba yan Alden? Kahit na wala na akong pag tututol sa relasyon n'yo ng inaanak ko, h'wag kang mangamba, ibibigay ko s'ya sayo kapag nagsawa na ako sa katawan n'ya. Ako kase ang nagpalaki sa kanya sa loob ng mahabang panahon kaya natural na anihin ko kung ano ang pinaghirapan ko." Tila ay tinutulak ako ng demonyo sa utak kong tanggalin ang life support n'ya ng sa gayon ay tuluyan na itong matodas. Ang pumigil lang rito ay ang biglaang pagdating Hazel. Kasama nito ang isang matandang doctor na nakasalamin. Mayroon itong nametag na Joseph ang nakalagay. "Tito Max," napangit ang inaanak ko, "Heto po si Mr. Joseph, s'ya po ang doctor na nag asikaso kay Alden." Nasanay din siguro ako sa kinagawian kong pakikipag handshake sa mga nakakausap ko kaya maging ang doctor na ito ay nakamayan ko rin. Malakas tuloy akong maka kandidato. "Doc, nasa 40's pa lang po ang Ninong ko. Sure naman po ako na qualified po itong mag donate?" nangangambang tanong ni Hazel. Ngumiti ang doctor na ito, "18-65 years old po ang pwedeng mag donate ng dugo as long as they are in a good health condition." In-examine ako ng doctor na ito at nakapasa sa test. Kaya ako na ang nag donate ng dugo kay Alden, ako ang nag dugtong ng buhay n'ya kaya marapat na makatanggap ako ng pasasalamat galing sa lalaking ito kapag gumaling na s'ya. Medyo nanghina lang ako pagkatapos akong makuhaan ng dugo. Siguro dulot na rin ito ng edad ko. Pero yung nag pawi nito ay ang ngiti ni Hazel na alam kong taos pusong nagpapasalamat sa ginawa ko. "Ninong, thank you sa inyo, I will never forget how you helped Alden. I am forever in debted to you," she said with a cheerful smile on her face. "Basta para sayo, lahat ay gagawin ko. Ang mga mahahalagang tao para sa'yo ay mahalaga na rin sakin. Sana ay magising na si Alden at nang mapasalamatan niya rin ako sa ginawa ko." "Don't worry, ako na po ang bahala kay Alden, titiyakin ko na magpapasalamat ito ng taos puso sa inyo kapag nagising ito. Pero kukuha po ako ng pagkain sa labas, ano po ba ang gusto niyo ng mabili ko?" Ngumisi ako sabay sagot ng pabiro, "Alak sana, isang case para mawala ang pagod ko at makatulog ako." Natawa siya sa sinabi ko. Kilala niya ako, minsan ay wala ako sa timing kung mag bato ng jokes. "Ninong naman po, tiis po muna kayo, makaka inom rin kayo pero next time na po ito. Siguro kahit na one week na po." "One week! Grabe 'yun, isang araw nga hirap akong tiisin, isang linggo pa kaya?" pabiro kong sagot. "Sundin na lang natin ang payo ng doctor para makapag donate pa kayo ng dugo sa susunod. Bilhan ko po kayo ng paborito n'yong spicy sisig sa labas. Hahanap po ako, baka may iba pa kayong idadagdag." "Kahit ano basta makakain, ingat ka, balik ka kaagad rito, isang minuto ko lang na hinde makita ang mukha mo, nami miss ko na kaagad," pasimpleng banat ko rito. Mabilis na namula ang mga pisngi ni Hazel sa sinabi ko kahit na iniisip nitong pabiro ang pananalita ko. Ngunit magugulat s'ya kapag tinotoo ko na ito kapag kaming dalawa na lang. Lumabas s'ya at naiwan kaming dalawa ulit rito ni Alden. Abot kamay ko ang saksakan ng life support nito pero wala na akong balak pa na ihinto ang buhay nito matapos kong mag donate ng dugo sa kanya. Para saan pa ang effort ko kung mapupunta ito sa wala? Makalipas ang ilang mga minuto ay dumating na si Hazel. Nasa pintuan pa lang ito subalit nalalanghap ko kaagad ang mabangong sisig na dala dala niya na labis na nagpagutom sa akin. Kung kanina, busog ang pakiramdam ko, taliwas na ito sa pagkalam ng sikmura ko. Pero nahiya siguro si Hazel kaya ito ang nagpakain sa akin. Masarap ang sisig na binili niya at gusto ko ang pagiging maanghang nito. Subalit masayado yatang mapanukso ang kanyang damit at halos lumuwa na ang boobs niya. Mas natatakam akong makita ang mga ito na nagpapagana lalo sa utak ko. "Kamusta po ang lasa ng sisig? Masarap naman ba?" tanong ni Hazel. Napangiti ako, "Masarap, gusto ko ganito ang sisig ang iluto mo sa susunod kapag nagpaluto ako. Di ko sinasabi na ayaw ko ng niluluto mo pero ganito sana kaanghang ang timpla. Wag ka sanang magtampo." Despite what I said, nakasimagot pa rin ito. Sadyang senstive rin minsan itong si Hazel pero naiintindihan ko dahil medyo isip bata pa ito. "May mayonnaise po kasi ito, yung version ko ay wala. Pero bukas po, ganito ang iluluto ko for you so sana ay ipahinga n'yo muna ang katawan n'yo upag may lakas kayo bukas. At s'ya po pala, tumawag po ako kay tiyo Mark at sinabi ko na kayo po ang nag donate ng dugo kay Alden. Even though I was not able to see him, nafe feel ko na grateful po si tiyo sa ginawa n'yo at malamang, magpapasalamat po sila kapag bumalik sila rito." Kung nitong nakaraang araw ay nakita ko ang pinaka malungkot na mukha ni Hazel, ito ay unti unti nang sumisigla. Mas lalo s'yang nagiging maganda sa paningin ko kapag ganitong ngiti ang nilalagay n'ya sa kanyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD