MAX POV
"Kritikal ang lagay ngayon ni Alden sa hospital at nangangailangan ito ng plus A na dugo. They only need twenty four hours. Kapag walang nag donate, he's going to die without a doubt. Also, due to his head injury, malabo pa itong magising so he's most likely in comatose. That is enough para malawa ang worries mo."
"I want him dead," seryosong sabi ko pa.
Ang dami nang pumapasok sa utak ko. Napapraning na ako na baka isang araw, magising na lang si Alden at ako ang ituro nito. Kapag nakulong ako, mawawala ang lahat ng mga pinaghirapan kong buuin sa loob ng matagal na panahon.
"Dead? Well, mas maganda ang isang palabas kung 'di mo kaagad papatayin ang kalaban mo. This is going to be so boring. Isipin mo na lang, magpapaka bayani ka sa buhay ni Hazel. Ikaw ang magko comfort rito everytime na malungkot s'ya. Samantalahin mo ang weakness nito upang mahulig ang loob n'ya sayo."
"And you are okay with that?" tanong ko, naguguluhan lang ako sa mga sinasabi ng babaeng ito.
Nilandian n'ya ang ngisi a tingin sa akin, "I have no feelings for you after all. Sa umpisa pa lang, we already know kung ano ang namamagitan sa atin. But as long as binibigay mo kung ano ang dapat sa akin, kahit maging number two ako ay walang magiging problema. You are too handsome in my eyes but you are too old for me. So kung ako sayo, take a blood test at kunwari ay tutulungan mo ang taong gusto mong ipapatay. In that case, it will be hard for Hazel na paghinalaan ka."
Isa sa mga nagustuhan ko sa babaeng ito bukod sa pagiging tuso n'ya ay ang pagiging matalino nitong mag isip.
"I need to leave now, siguraduhin mo na ikaw ang magbabantay dito at wala kang patatakasin sa mga tangang tauhan ko. Pupuntahan ko lang si Hazel sa hospital. She's expecting me to come!"
Hinalikan ko muna ang kanyang labi habang nilalamas ko ang b**bs nito. Sarap na sarap ako sa galing n'yang humalik. Literal na pera ang dahilan ng pagsasama namin ngunit nag aalab ang katawan ko sa paglalapat ng aming mga labing uhaw sa halik.
Umalis na ako, ipinag drive ko ang aking sarili at nagtatago na ang araw sa kalangitan ng dumating ako sa hospital. Nahabag ang loob ko ng makita ko si Hazel na umiiyak sa tapat ng emergecy room. Matalas ang mga mata ko kaya kahit na ilang hakbang ang layo namin, nakikita ko ang pamamaga ng mga mata n'ya. Kung ako lang sana ang piliin nito, hinding hindi n'ya mararanasan na umiyak ng ganito. Mas mahal ko pa s'ya sa sarili ko.
Nang marinig ng mga tenga n'ya ang pasadya kong malalakas na pagyapak papalapit, sinalubong n'ya ako ng may malungkot na mukha. May dugo pa sa mamahalin nitong puting gown. Niyakap n'ya ako ng mahigpit. Niyakap ko rin s'ya ng may malisya. Hinaplos ko ang likod nito at pumikit, dinadama ko ang init ng kanyang katawan na gustong gusto kong matikman. Ilang tao na akong naglalaway sa kanya, kaya bawat segundo ng aming yakapan ay mahalaga sa akin.
Umupo kami at nagsimula na itong mag paliwanag.
"Ninong, umalis na po sila tita Leny at tito Mark, naghahanap na po sila ng pwedeng mag donate ng dugo kay Alden na kritikal pa rin po ang kalagayan sa loob ng emergency room. Muntik pa pong magawala kanina si tito Mark sa galit sa doctor eh." Nangangambang sabi nito.
"Wala ba silang stock ng dugo?"
"Wala po kaya naghahanap kami. Sila na raw ang bahala na maghanap."
"Sa pagkaka alam ko ay type A+ ang dugo ko. Kung pwwede akong mag donate ng dugo, bakit naman hindi?"
Kagaya ng inaasahan ko, ito lang pala ang magpapangiti sa kanya. Ang sarap n'yang tingnang ngumiti, pinapawi nito ang pagod ko sa ilang araw naming paghahanda para sa kasal n'ya at mga naging plano ko. Nang hindi ko na matiis, hinalikan ko na ito sa kanyang pisngi ngunit lumingon s'ya at natamaan ito sa lips. Nabuhay ang alaga ko sa loob ng brief sa isang aksidenteng halik lamang.
Kita ko sa mga tingin nito ang pagkagulat. Ngunit sa lahat ng aksidente, ito yung gusto kong maulit ng mas matagal.
"Sorry, dati naman ay ginagawa ko ito sayo, di ba? Kahit lumaki ka na, ako pa rin ang nagkupkop sayo kaya malaking reward na sa akin yung kiss. Pero lumingon ka kasi kaya labi mo ang nahalikan ko."
"Ayos lang po. Ang mahalaga dito ay magdodonate kayo ng dugo sa boyfriend ko. And also, medyo mahal po pala ang bill nila sa hospital. Kung aabutin pa po ng ilang araw, linggo o buwan ang itatagal ni Alden dito, baka malubog sila sa utang."
Bumaba ang tingin ko sa dibdib n'ya. Handa akong gumastos ng malaki pero gigipitin ko si Hazel. Ang maganda, makinis, maputi at seksing katawan nito ang magiging kabayaran ng bawat pera na ilalabas ko para okay Alden.
"Pwede ko itong gawin ngunit mayroon akong hihingin na kapalit."
Ang tipid nang naging ngiti nito sa akin.
"Ayos lang po. Handa akong magtrabaho ulit sa company mabayaran lang ang lahat ng mga magagastos n'yo. Alam naman po natin na mahirap lang ang pamilya ni Alden na paminsan minsan ay ume ekstra sa atin bilang driver."
"It's more than that. Pag uusapan natin ito mamaya sa condo natin. And this is just between me and you. Walang ibang dapat na maka alam nito."
"Makaka asa po kayo. I will do everything and once na maging okay na ang lahat, kapag nagising na si Alden, pagbabayarin namin ang mga gumawa nito sa kanya. They will never go unpunished."
Nakikita ko ang galit sa mga mata n'ya. Pero di ako papayag na magigising na lang si Alden. Kahit na wala itong ideya na ako ang nagpa bugbog sa kanya. Babantayan ko ang bawat kilos nito at sa oras na imulat n'ya ang mga mata n'ya, ako mismo ang dudungis ng kamay ko para ligptin na s'ya!