Chapter 15

2153 Words
Chapter 15 Ailey’s POV “Basta mamaya ahh?”nangangalumbabang saad sa akin ni Ino na siyang nasa tapat ko ngayon. Ginugulo nanaman ako, simula ng magsimula ulit ang pasukan, talagang araw araw ko na ata itong nakikita. Halos parehas din ang schedule namin dahil sabay din kaming nagpaenroll no’ng nakaraan. “Oo nga! Nakailang ulit ka na bang iremind ako?”tanong ko na sinamaan pa siya ng tingin. Agad naman ‘tong napanguso dahil sa akin. “Sungit naman, nasasabi lang e.”sabi niya na napakamot pa sa kanyang buhok na wala ata talaga siyang balak suklayin. “Wala ka bang pinagkakaabalahan at bakit nandito ka nanaman?”tanong ko sa kanya. Parehas kasi kaming tambay sa cafeteria kahit wala naman kaming bibilhin dito. “Wala, tapos ko na.”sabi niya na nakangisi lang habang nakatingin sa akin. Napailing na lang ako at pinagpatuloy na lang ang pagtitipa ko sa laptop. “Ailey..”napalingon naman ako sa tumatawag sa akin, agad kong nilingon si Liam na siyang tipid na ngumiti nang kawayan at ngitian ko siya. “Diyan nanaman ex.”bulong bulong ni Ino kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. “Ano?”tanong ko sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. “Wala.”sambit niya na napanguso na lang at nag-iwas ng tingin. “Want to grab some food mamaya, my treat.”sabi niya at ngumiti sa akin. “It’s my birthday today, did you forget?”tanong niya na nakangiti pa rin. Napaawang naman ang labi ko dahil nakalimutan ko ‘yon. “Oo nga pala! Oo, sige ba! Happy birthday, Liam!”bati ko pa sa kanya. Napanguso ako dahil wala man lang akong naibigay na regalo rito. “Alright, see you.”nakangiti niyang saad at umalis na rin. “’Di man lang ako binati.”nakasimangot na saad ni Ino. “Aba’t bakit ka naman babatiin, hindi naman kayo close? Saka ikaw nga ang hindi bumati! Birthday no’ng tao!”sabi ko sa kanya. “Bakit ko babatiin? Hindi naman kami close?”pabalik na tanong niya sa akin kaya naiiling na lang ako sa kanya. Nanahimik naman na siya kalaunan, hinayaan ko na lang lalo na nang nakatutok na rin siya sa kanyang laptop. Lumipas ang oras na ganoon kaming dalawa, sanay na rin naman ako roon lalo na’t parehas din kaming may pinagkakaabalahan. Minsan lang talaga’y mabilis siyang natatapos kaya ang hilig hilig niyang guluhin ako. Katulad ngayon.. “Huwag ka ngang tumitig, parang bobo! Susuntukin ko ‘yang mukha mo, sinasabi ko sa’yo!”banta ko sa kanya kaya tinawanan niya lang ako. Paano’y kahit hindi ito nagsasalita, talagang madidistract ka sa paraan ng tingin niya. Para bang minememorya niya ang mukha ko. “Ano? Nanahimik na nga ako.”sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam kong wala namang mali sa mukha ko kaya lang ay hindi ko maiwasang maconcious. “Papasok na ako, pumasok ka na rin.”sambit ko na inaayos na ang mga gamit ko. “Tara.”sabi niya at tumayo na rin. Nakasunod siya sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. “Ano nanaman, Inocencio?”tanong ko sa kanya. “Sabay na tayo, may kukuhanin din ako.”sabi niya na hindi ko naman pinaniwalaan, ang mokong na ‘to, ilang beses na kaya niyang nadahilan ‘yon gayong wala naman siyang gaanong kaibigan sa department namin. “Susunduin na lang kita sa café o uuwi ka pa?”tanong niya sa akin. “Uuwi pa ako.”sabi ko kaya napatango siya. Niyaya niya kasi ako sa isang bar sa bayan, ang sabi niya’y magddj daw siya doon. Libre niya naman kapag katapos kaya ayos lang. Ilang araw na rin niya akong niyaya roon kaya lang ay tinatanggian ko dahil abala ako sa café. Ngayon lang ako magkakaroon ng free time kaya sumang-ayon na ako kahapon pa. “Alright, Bye!”nakangiti niyang saad sa akin at kumaway kaway pa habang paalis. Napasulyap tuloy ang ilang kaklase ko Ino na siyang naglalakad na paalis. Napatingin pa sila sa akin kaya pinagtaasan ko na lang sila ng kilay. Wala naman ang usap-usapan na buntis at nagpalaglag ako no’n dahil masiyado ng matagal ‘yon kaya lang ay may mga nagpakalat ng usaping kami na ni Ino. Madalas kasi kaming makitang magkasamang dalawa. Well, wala naman talaga akong pakialam sa mga usapin tungkol sa akin kaya ayos lang saka sa tingin ko naman ay ganoon din naman si Ino. “Gwapo sana ni Ino no?”sambit ng ilang babae. Gwapo naman talaga ‘yon, hindi lang marunong magsuklay. “Oo, Sis, kaya lang ay may Ailey na.”natatawa nilang saad. “Sus, wala namang nagtatagal kay Ino saka sigurado akong wala lang ‘yon.”sabi naman ng isa na mukhang may gusto kay Ino. Napakibit na lang ako ng balikat at hinayaan silang mag-usap ng kung ano. Alam ko rin naman na wala lang din ‘yon kay Ino, kung ano man ang relasiyon naming dalawa, pure friendship lang talaga. Walang kahit na ano. Well, baka sa akin meron, never akong nakaramdam ng ganitong feeling sa mga ex ko, ‘yong feeling ng comfort kahit na hindi naman kayo nag-uusap. ‘Yong kahit walang magsalita sa inyong dalawa’y ayos lang dahil ramdam mo pa rin ‘yong presensiya niya. I know to myself that I’m now starting to like him, hindi naman siya mahirap gustuhin but no, I don’t think I should date him, katulad ng sinasabi nila’y parehas naman kaming walang pera, parehas lang naming hihilain pababa ang isa’t isa if we’ll date each other. Nang matapos ang klase’y dumeretso naman na rin ako sa café, naging maayos ang takbo ng pananatili ko sa café kaya lang ay nakarecieve din ako ng message galing kay Liam. Napapikit naman ako dahil nakalimutan kong kakain nga pala kami sandali. Liam: Hi! Where are you? Can’t find you in your room. Kakatapos lang ng klase namin, sorry. Ako: It’s fine, Liam. Nasa café na ako, libre mo na lang ako next time haha Hindi naman na siya nagreply pa kaya napakibit na lang ako ng balikat at nagpatuloy na lang ulit sa pagtatrabaho. Nagulat na lang ako nang makita ko si Liam ilang minuto ang makalipas. “Hi!”sambit nito habang nakangiti. “Liam, anong ginagawa mo rito?”tanong ko sa kanya. “Let’s go?”nakangiti niyang tanong sa akin. Gusto ko sanang tumanggi dahil anong oras na kaya lang ay mukhang nageexpect talaga siya sa akin. Well, nakakahiya naman kung tatanggian ko pa siya gayong nandito na ito. “Ayaw mo bang dito na lang tayo kumain?”tanong ko sa kanya. “My friends are waiting for us e. But if you want to eat here, dito na lang.”nandito pa rin ang friendly niyang ngiti. “Ayy nakakahiya naman kung paghihinatayin mo mga kaibigan mo!”sambit ko at tumango na lang. Alangan naman mag-inarte pa ako, hindi ba? Tinaboy na rin naman ako ni Dani nang magpaalam ako sa kanya ngunit tinitignan pa rin niya ako na tila nanantiya. Naiiling ko na lang siyang iniwanan do’n. Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa bar kaya hindi ko maiwasang mapakunot ng noo. Ayaw ko na sanang pumasok pa roon ngunit nag-aabang si Liam sa akin. “I’m sorry, gusto kasi nilang dumeretso na rito.”nag-aalangan niyang saad habang nakatingin sa akin. Awkward na lang akong ngumiti. Gusto ko ng umuwi lalo na’t naghihintay pa sa akin si Ino. Napalingon pa sa akin si Liam nang makita niya akong nagtitipa rito. Nginitian ko lang siya ng tipid at tinabi na lang ang phone ko lalo na’tbnang pumasok kami’y ang dami ring bumabati kay Liam. Halos mga kaibigan niya rin ang nandito kaya halos lahat ng madadaanan namin ay humihinto siya. Sana pala’y hindi na talaga ako sumama. Talaga namang pinagsisihan kong sumama ako rito. “Kayo pa rin pala hanggang ngayon?”tanong ng isang magandang babae, kung matatandaan ko’y Angeline ang pangalan nito, she looks like an angel katulad ng kanyang pangalan. And I think she lowkey like Liam the way she look at him. “Hindi, Angge, we’re just friends now.”sabi ni Liam at ngumiti na lang sa akin. “Binasted ka no? Friend na like mo pa rin ‘till now.”natatawang saad ni Angeline. They actually look good together ni Liam. “Angeline.”masamang tingin ang ibinaling niya kay Angeline kaya napatawa na lang ‘to at napakibit ng balikat. Nginitian niya pa ako at kinindatan nang makitang nakatingin ako sa kanya. Kahit ako’y magkakacrush dito e, ang ganda at ang bait bait pa. Manhid lang talaga si Liam at hindi niya napapansin ‘yong tao. Napakibit na lang ako ng balikat at kinuha ang phone sa bulsa. May text mula kay Ino. Ino: Uyy, saan ka na? Sunduin na kaya kita? Gabi na.. Ailey: Sorry! I’m stuck dito kina Liam, saan ba ang bar na ‘yon? Punta na lang ako! Mabuti na lang ay nakareply pa ako bago ako kinausap ng kinausap nitong mga kaibigan ni Liam. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko, ang dami dami naman kasi nilang nagtatanong. Hindi tuloy ako makareply kay Ino. Si Liam ay abalang abala na rin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya ngunit madalas pa rin naman akong inientartain. Gusto ko ng tumayo dahil may lakad pa kami ni Ino. Medyo nagulat naman ako nang makita ko si Ino sa isang banda, mukhang kasama nila ng mga kaibigan niya ang ilang kaibigan mula sa ibang department. Mukha ring kararating niya lang dahil naghiyawan sila ng dumating siya. Napanguso naman ako dahil mukhang nainip na siya sa akin kahihintay. Well, maski naman ako’y paniguradong maiinip din sa kanya kung sakali. Medyo kumalma naman na ako nang makita kong maglilibang na rin siya, well, atleast hindi naman pala siya naghihintay, ‘di ba? “Ikaw, Ley? Anong balak mo after graduation? Saan ka na ayy?”tanong nila sa akin. “Ahh, baka sa manila, maggagather muna ng experiences baka mangibang bansa.”sabi ko at ngumiti. “Ayos no? Planadong planado talaga ‘yang buhay mo. Paano naman ‘yong pag-aasawa mo ng mayaman?”tanong ni Jay sa akin. “Edi hindi mo na matutupad? Kayo na ni Ino, ‘di ba?”nakangisi niyang tanong sa akin. “Hindi kami.”sabi ko na lang at nagkibit nga balikat. Agad naman siyang napatingin sa akin dahil do’n. “Oh? Edi pwede pa pala akong mag-apply? Tutal ay mayaman naman ako.”natatawang saad ni Jay. “Gago ka ba, Jay? Kita mo ng kasama ni Liam, ‘di ba? Walang talunan dito!”sabi ng isa nilang kaibigan. “Bakit? Magkaibigan lang naman sila ahh? Saka matagal na ‘yang binasted, buntot pa rin ng buntot!”natatawang saad niya kaya napaawang ang labi ko nang kwelyuhan ‘to ni Liam. “Bobo ka, Jay, huwag kang mang-eskandalo rito!”sabi ng ilang kaibigan nila. Hindi ko naman alam kung paano ako magrereact at hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin. “Tangina, ako nanaman ang may kasalanan.”tumawa ng walang kabuluhan si Jay. “Sino bang unang nantalo? Siya, ‘di ba? Ako ‘tong unang nagkagusto kay Ailey pero sino ‘yong bobong nakiagaw eksena? Si Liam!”galit na saad ni Jay. Si Liam naman ay mukhang galit na galit na rin. Sino ba namang hindi magagalit gayong nasisira ang birthday party niya? Napatingin naman ako sa isang banda nang makita ko si Ino na natatawa na lang sa gilid. Gagong ‘to, parang tuwang tuwa pa na nakakapanood dito. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay nang makitang nakatingin na ako sa kanya. “Bobong bobo ka na ba? Hindi ko kasalanan kung hindi ka pinili.”galit na saad ni Liam. Wala pang isang segundo’y nagsasapakan na sila. “Tama na! Puta naman! Babae lang ‘yan! Walang may kasalanan sainyo! Si Ailey ‘tong malanding—“bago niya pa matuloy ang sasabihin niya’y bumagsak na siya sa sahig. Natigilan tuloy maski si Liam at Jay na siyang nagsasapakan na sa sahig. “Salita ka pa baka tuluyan ko ng hindi ka makapagsalita.”He’s smirking but you can see danger in his eyes. Kita ko pa ulit ang pagsuntok niya sa walang laban na kaibigan ni Liam. “Ino!”inis kong saad at hinihila na siya ngunit ayaw magpaawat. “Putangina naman, Inocencio! Hindi ka titigil ha?”galit kong sigaw at kinutusan siya. Doon lang siya natigilan at nakasimangot na tumayo habang nakatingin sa akin. “Aray, sakit naman ng kutos mo.”inis niyang saad. “Tara na nga, hayp ka, sali sali, agaw eksena ka, gago.”sambit ko na hinila na siya paalis do’n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD