Chapter 14

2120 Words
Chapter 14 Ailey’s POV Medyo maaga akong nagising para magdilig ng halaman sa labas ng bahay namin, day off ko rin sa café ngayon kaya lang ay may racket naman ako mamayang gabi. Mag-eemcee ako sa event sa plaza mamaya, sina Ms. Cruz kasi ang event organizer at as usual ay kinuha nanaman ako nito bilang emcee. Tuwang tuwa talaga ako dahil nalilibang naman ako roon. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko si Ino na siyang nagwawalis sa bakuran nila ngayon. Ang bakuran kasi namin ay nadidivide lang sa malaking halaman dito sa gilid. Napakibit na lang ako ng balikat at hindi siya pinansin. Sumama pa rin talaga ang loob ko kahit anong gawin kong pagpapakalma sa aking sarili. Napalingon naman ako sa kanya nang makita ko ang paglapit niya rito, halos bakuran na rin namin ang walisan niya. Hindi ko pa rin siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagdidilig kaya lang ay nakarating na talaga siya sa bakuran namin. Nilingon ko siya dahil do’n. “Pinapalinis din ni Mama.”sambit niya. Ang bait naman ng Mama nito kung ganoon. Hidmi ako nagsalita. “Galit ka pa rin ba?”tanong niya na siyang nasa tapat ko na talaga ngayon. “Galit sa?”tanong ko naman ngunit hindi ko talaga siya nilingon. Dinungaw niya naman ako, talagang nagpaliit pa para tignan ang ekspresiyon ng mukha ko na siyang nakasimangot ngayon. “Sorry..”sambit niya na napanguso pang umayos ng tayo. “I don’t really mean it, I’m sorry if I ever offended you.”saad niya pa. “Sorry, nadala lang ng emosiyon.”pabulong na saad niya kaya napakunot ako ng noo sa kanya at nilingon siya. “Huh?”tanong ko kaya napaawang ang labi niya. “Huh?”tanong niya rin at agad na napakamot sa magulo niyang buhok. “Basta, sorry, I don’t mean what I said. Hindi ko ‘yon gustong sabihin sa’yo.”sambit niya na nag-iwas ng tingin. “Ayos lang, ‘yon naman ang totoo.”saad ko na lang kahit na hindi naman talaga ‘yon ayos lalo na kung galing sa kanya. “No, hindi naman ganoon ang tingin ko sa’yo. Sorry. Pinagsisihan ko agad ‘yon pagkabukas ng bunganga ko.”sambit niya na mukhang iritadong iritado sa sarili. “Ayos na, okay lang.”sabi ko naman sa kanya. Well, somehow gumaan naman ang loob ko sa paghingi niya ng tawad kahit na medyo nagtampo talaga ako sa kanya. Well, tinuturing ko na rin kasi siyang kaibigan kaya siguro’y hindi ko ‘yon matanggap. “Libre mo na lang akong fishball, para matuwa naman ako sa’yo.”nakangiti kong saad sa kanya dahil hindi pa rin siya umaalis do’n na mukhang guilty pa rin talaga sa nasabi. “Ayos na nga!”natatawa kong saad at inakbayan pa siya patungo sa labas ng bakuran namin. Naroon na kasi ang dumadaan na nagtitinda ng fishball. Hindi naman talaga ako nagtatanim ng sama ng loob lalo na kung sincere naman na humingi ng tawad. Natawa pa ako dahil dala dala ko pa ang pandilig habang may dala dala pa siyang walis, kunwari pang nagwalis gayong kinalat niya lang din naman ang mga ‘yon. Napatawa naman ako sa naisip at bumili na lang ng fishball. Nang magbabayad na’y agad kong nilingon si Ino. “Ano, Ino, bayaran mo na.”utos ko sa kanya. “Wala akong dalang pera, hila ka ng hila.”sabi niya naman sa akin na sinamaan ako ng tingin. Akala ko’y nagbibiro lang ‘to kaninang sinasabi niya ‘yon. “Saka ka kumain!”sambit ko na sinamaan din siya pabalik ng tingin. Ito namaman kaming dalawa sa pagtuturuan kung sino ang magbabayad. “Oo na, ako na ang magbabayad.”sabi niya naman dahil masama na talaga ang tingin ko sa kanya. Ngiting tagumpay naman ako ng matapos dahil ang dami kong nakain. “Dami talagang pera, Inocencio, huh?”nakangisi kong saad sa kanya at inakbayan pa siya gayong mas matanggap siya kaya ang ending talagang nakayuko pa ito habang naglalakad kami pabalik ng mga bahay namin. Agad ko naman siyang binitawan ng makita ko si Dani na siyang naniningkit ang mga kata habang pinagmamasdan kami. Mang-aasar nanaman ito and worst baka mamaya’y sabihin niya pa kay Ino na madalas ko ‘tong kinukwento. Agad akong umayos ng tayo at malapad na nginitian si Dani, pinanlakihan ko pa siya ng mga mata kaya palihim siyang natawa. Kinabahan talaga ako dahil sobrang daldal ni Dani baka mamaya’y maging awkward kami ni Ino kapag katapos ng araw na ‘to. Kakaayos pa lang naman namin. “Sainyo na talaga nakatira ‘yang boyfriend mo?”pabulong na tanong sa akin ni Ino. Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil dito. Anong pinagsasabi ng hinayupak na ‘to? “Ano, Sissy, ang aga aga’y nakikipaglampungan ka sa kalsada.”natatawang saad ni Dani at talagang ngumisi pa ng malapad. Napaawang naman ang labi ni Ino na siyang katabi ko, hindi ko alam kung anong kinakagulat. “Tigil tigilan mo ako, Girl, sinasabi ko sa’yo, kukurutin ko singit mo.”sambit ko sa kanya. “Ino, ‘di ba?”nakangisi niyang tanong kaya agad akong napatakbo patungo sa kanya at tinakpan ko ang bibig niya. “Sissy, talagang tatapalan ko ‘yang bibig mo.”sambit ko na sinamaan siya ng tingin. “Oo na, oo na, mananahimik na, Sis.”natatawa niyang saad kaya inirapan ko siya. “Ino, nandiyan ka pala, hijo, sumabay ka na sa amin at kakain na kami ng almusal.”sabi ni Mama kay Ino na siyang nakatayo lang doon. Napapikit naman ako dahil ayaw kong magkasama sa hapag ‘tong si Dani. Mas nauna pa ang pagfifishball namin sa kanto kaysa sa pagkain ng almusal. Nagtungo naman na kami sa loob ng bahay. Maski si Ino’y nakasunod. Nakadikit naman ako kay Dani dahil talagang binabantaan ko siya. Well, ayos naman ang nga pinagsasabi ko, hindi ko nga alam kung bakit ba ako natatakot na malaman niyang ikinukwento ko siya sa kaibigan ko gayong ayos lang naman ‘yon. Wala namang malisya. Naupo naman na kami sa hapag, katabi ko si Ino habang katapat ko si Dani na siyang malapad ang ngisi sa akin. Si Mama naman ay nagtatakang nakatingin sa aming dalawa. Napailing na lang siya habang nag-aahain ng pagkain. Tinulungan ko na lang din siya habang binabantaan si Dani. “Sissy, wala ka bang balak ipakilala ako sa ‘yong boylalu.”malakas na tanong ni Dani sa akin kaya matalim ko siyang tinignan. Napalingon naman si Ino ngayon at pinagtaasan ako ng kilay. “Ino, si Dani, kaibigan ko, Dani, si Ino, friend ko rin.”sabi ko kaya napatawa si Dani. “Hi, fafa, I’m Dani.”nakangisi niyang saad kaya tinapik ko ang kanyang kamay na nakalahad kay Ino. “Ino.”sabi naman ni Ino nang natatawa at naglahad din ng kamay. Parang kanina lang ay seryoso pa ang mukha nito kay Dani, tila ba nanantiya. Agad naman ‘yong tinanggap ni Dani na siyang agad ko ring nilayo. “Girl, don’t worry hindi ko naman aagawin ‘yang Ino mo no.”sabi niya kaya maski si Mama’y nabulunan sa tabi ko. Binantaan ko naman si Dani gamit ang mga mata ko kaya lang ay mukhang walang katalab talab ‘yon sa kanya. Tuwang tuwa pa rin siya habang nakaupo sa tapat ko. “Kahit naman gwapo si Ino’y hindi kami talo, crush mo ‘yan, ‘di ba?”tanong niya pa kaya napatingin sa akin parehas si Mama at Ino. Pucha naman talaga oh, kaya ayaw kong magkwento itong si Dani dahil may halo na ang kwento niya, aba’t bagay din talaga sila ni Kath pero ang pinagkaiba lang ay sa harap ko mismo nagdadagdag ‘yang si Dani. Ang walanghiyang ‘to, pinapakain at pinapaligo ko siya rito sa pamamahay namin tapos ganito lang ang ibabalik sa akin? Agad ko siyang sinubuan ng kanin na mismong nasa pinggan ko. Natawa naman siya pagkatapos niyang manguya ‘yon. “Walang hiya ka.”sabi niya at maligalig na nakatingin sa akin. “Makikita mo ang ganti ng isang api, hayp ka.”pabulong na saad kaya mas lalo siyang natawa. “That’s not true, Ma, hindi naman katulad ni Ino ang mga tipo ko no, ang payat payat niyan, ang gusto ko ‘yong may pandesal saka marunong magsuklay.”awkward pa akong tumawa ngunit silang tatlo ay nakangisi lang habang nakatingin sa akin. Nakataas pa ang kilay ni Ino nang lingunin ko siya, malapad na malapad din ang ngisi nito. “Sus, obvious naman na crush mo ako, ayos lang ‘yon, Ley.”pang-aasar niya rin sa akin kaya nginitian ko siya ng nanggigil. Nakakainis amfee talaga! “Alam mo ba, Tita, madalas kayang ikwento ni Ailey si Ino sa akin, si Ino ganito, si Ino ganiyan, hindi ako makakasabay pauwi kasi kasabay ko si Ino, si Ino magaling sa ganito, si Ino kasama kong gagawa ng ganito, si Ino ‘yong tumulong sa akin sa ganiyan.”pagkukwento ni Dani, well, true naman ‘yon pero hindi na niya kailangan sabihin dahil hiyang hiya na ako rito at ang feeling din nitong si Ino na siyang kasama pang nang-aasar ni Dani. Samantalang si Mama’y natatawa na lang sa amin. “Ikaw ahh, hindi ko naman alam na ganiyan na pala ang tingin mo sa akin, tsk.”nakangising saad ni Ino habang inaasar ako. “Huwag ka ngang paniwalain diyan kay Dani, aba’t iba ‘yang kwento niyang babaitang ‘yan!”sambit ko na sinamaan si Dani nang tingin. Parang wala lang naman ‘yon sa kanya at nagpatuloy na lang sa pagkain, hindi ko tuloy maiwasang mapasimangot dahil do’n. Hindi talaga nila ako pinatahimik hanggang sa matapos kaming kumain. Paminsan minsan pang nakikisama si Mama sa pang-aasar sa akin kay Ino. “Pasado naman ba si Ino sa’yo, Tita, kung sakali?”tanong ni Dani na nakangisi. Hindi ko naman mapigilang kurutin na siya sa tagiliran. “Oo naman, mabait na bata naman ‘tong si Ino, walang problema sa akin, basta ang mahalaga’y gusto siya ni Ailey at gusto niya rin ang anak ko.”sabi naman ni Mama kaya napatili pa ang walang hiyang si Dani. Nailing na lang ako at inayos na ang hapag. Napakaingay talaga ng walang hiya. Hindi talaga ako titigilan hangga’t hindi niya pa ako tuluyang napipikon, talagang babawi ako sa pang-aasar dito next time. Naiwan naman kaming dalawa ni Ino rito sa may kusina nang magtungo sila sa sala para manood ng paborito nilang drama. Hinayaan ko na lang sila. “Ako na.”sabi ko kay Ino ngunit tinulungan pa rin niya ako. “Hindi mo naman sinabing crush mo pala ako, handa naman akong magcrush back e, basta ikaw. Lakas mo sa akin e.”mapang-asar niyang saad kaya napatawa ako. Para lang kaming high school student na may pacrush back crush back pa. “Amfee mo! Hindi kita type no!”natatawa kong saad, hindi naman mawala ang ngisi niya sa mga labi. “Ako na rito, keribels ko na itech.”sambit ko na tinulak pa siya paalis ng kusina. Hinayaan na rin naman niya ako. Dinala ko lang ang mga huhugasan sa lababo. Tahimik lang ako habang naghuhugas. “Malala ka na, Sis.”halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa gilid ko. “Ano ba?”sambit ko na sinamaan siya ng tingin. “Pucha, ngiting ngiti ka sa mga pinggan, Girl, sana nakikita mo ang sarili mo, bilhan kita ng salamin next time, Sis. Inlove ka na, Sissy!”natatawa niyang saad sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapanguso dahil nakangiti nga talaga ako habang naghuhugas ng plato. “Tigil tigilan mo nga ako, Danielo! Kanina ka pa ahh. Makukurot na talaga kita! Wala nga! Hindi ko nga gusto si Ino, maissue ka! Bawal ngumiti na kaunti lang ang huhugasan ko, huh? Do’n ko nga’t nanggigil ako sa’yo.”sabi ko kaya natatawa naman siyang napataas ng kamay na para bang sumusuko na. Natatawa naman siyang umalis sa tabi ko. “Nasa indenial stage ka na, Sis, baka bukas lang ay aamin ka na sa akin na may gusto ka ro’n sa tao!”malakas niyang sigaw sa akin. “Ulol mo!”sigaw ko naman pabalik sa kanya. Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa mga hugasin. Tama kaya si Dani? May gusto na ba talaga ako? Totoo nga ata ang sinasabi nilang malalaman mong nagugustuhan mo na ‘yong tao kapag napapangiti ka na maski sa mga masesebong hugasin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD