Chapter 13
Ailey’s POV
“Ma, Ihahatid ko po muna sina Rest, baka matagal pa akong makauwi.”sambit ko kay Mama nang tawagan ko ito. Pinayagan niya rin naman ako lalo na’t nang sabihin kong lasing na ang dalawa at ako ang maghahatid.
Aalis na sana ako kaya lang ay napatingin ako sa may cellphone ko nang may nagtext. Akala ko si Mama lang ‘yon pero napaawang ang mga labi ko nang makita si Ino ‘yon.
Inocencio:
Hin
Napakunot ang noo ko dahil ‘yon lang ang text niya. Napanguso na lang ako at hindi na lang pinansin. Inalalayan ko si Dani habang nasa kabilang gilid ko namang si Rest na pagewang gewang lang, kumpara kay Dani ay hindi naman ‘to gaanong lasing. Nadaig ko pa ang inang may dalawang bagong panganak na sanggol. Halos masubsob kaming tatlo habang naglalakad. Ang tagal bago ako tuluyang makalabas ng beerhouse.
Pumara lang ako ng tric na maghahatid sa amin pauwi dahil kahit na nandito pa ang kotse ng mga ito, natatakot din naman akong gamitin, aba’t baka mamaya’y mabangga ko na lang ‘yon bigla.
Pinagsiksikan ko silang dalawa sa loob habang pumwesto na lang ako sa upuan na maliit para mabantayan ko rin ang mga ito. Natawagan ko na rin naman si Tita kaya nang makarating kami roon ay agad na may sumalubong sa aming nga kasambahay nina Tita para tulungan kami sa pagdala sa loob ng bahay nila.
“She’s wasted again, kahit kailan ay hindi na talaga natuto ‘yang si Everest tapos kinabukasan she’ll say na she won’t drink ever again.”sabi ni Tita na napailing pa. Napatawa naman ako ng mahina ro’n dahil nakikita ko na agad ang reaksiyon ni Rest habang sinasabi ang mga katagang ‘yon. Naiiling na lang ako.
“Huwag ka ng umuwi, Hija, dito ka na matulog, marami namang damit si Everest diyan.”sabi niya sa akin kaya napatango na lang ako. Pagod na rin naman ako para umuwi pa saka gustong gusto ko na ring mahiga. Dinala naman na si Dani sa guestroom habang inaasikaso naman ng mga kasambahay nila si Rest. Sanay na sanay na sila dito dahil sa aming magkakaibigan si Rest talaga ang lagi sa party-han, siguro’y dahil na rin nasa pinakasentro ang bahay nila.
Saka madalas din kasi siya sa mga event dala na rin ng pagiging model niya. Naging hobby na niya kasi talaga ‘yon simula ng tumuntong kami sa college. Dati naman ay wala talaga siyang interes do’n.
“Ayos ka na ba rito, hija? Ayaw naman kitang itabi kay Everest sa ngayon dahil alam mo naman kung anong pinaggagawa no’n kapag lasing na.”natatawang saad sa akin ni Tita.
“Ayos na po ako rito, Tita, matulog na rin po kayo, gabing gabi na. Pasensiya na talaga sa abala.”sambit ko dahil kung daldalhin ko pa ang dalawang ‘to sa bahay, mahihirapan akong buhatin sila papasok, buti dito’y sanay na sanay naman na silang binubuhat su Rest pauwi.
“Walang problema, ikaw pa nga ‘tong nahirapan kay Rest. Alam mo naman na ‘yon.”natatawa niyang saad at nagpaalam na rin paalis. Nang makaalis si Tita’y nagtungo na ako ng banyo para maglinis ng katawan. Nang humiga na’y natulala lang ako sa kisame. Napanguso naman akong kinuha ang phone para tignan ang text ni Ino sa akin kanina.
Hindi naman nadagdagan ‘yong text niya. Ano ba ‘yon? Wrong send o ano? Pinagkibit balikat ko na lang.
Kinabukasan, nagtungo naman na ako sa kusina para gumawa sana ng hangover soup sa dalawang kaibigan. Nakita ko naman si Mama na nandito, nilingon niya ako ng makitang pababa na ako. May sasabihin sana siya ngunit tinikom na lang din ang bibig. Napakibit na lang ako ng balikat at binati siya.
“Nag-almusal ka na ba? Uuwi ka pa ba sa atin?”tanong niya sa akin.
“Hindi na siguro, Ma, may damit pa naman akong naiwan dito kina Rest kaya baka ‘yon na ang suotin ko patungo sa trabaho, sayang pamasahe e.”sambit ko at napakibit ng balikat. Napatango naman siya sa akin dahil dito.
“Magandang umaga po, Tita.”bati ko rin kina Tita na siyang nakangiti sa akin.
“Kumain ka na rin, hija.”anyaya niya.
“Sabayan ko na lang po sina Rest mamaya, luto lang po muna akong soup.”sabi ko at ngumiti. Tumango naman ito sa akin at kinausap na si Mama.
Nang matapos naman akong makapagluto’y hyper na hyper ko namang binisita ang kwarto ng dalawa dahil ako lang naman ang hindi lasing sa aming tatlo. Sila ‘tong shenglot ma shenglot kagabi.
“Magandang umaga!”malakas kong sigaw nang makapasok sa kwarto ni Rest.
“Magandang umaga, Everest.”sigaw ko pa at hinila ang kamay niya.
“Uh.. stop it, Ley, I want to sleep pa.”sambit niya kaya ginulo ko lang lalo siya.
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka pa tumatayo diyan.”sambit ko sa kanya.
“5 more minutes.”reklamo niya na nagtalukbong pa ulit ngunit hindi ko naman na siya hinayaan pa at hinila na ulit siya.
“My head is killing me. I’ll never ever going to drink again. Omg!”sambit niya na napahawak pa sa kanyang ulo. Hindi ko naman mapigilang mapailing sa kanya. Ilang beses na rin kaya niyang nasabi ‘yon pero hanggang ngayon ay buhay niya na talaga ang pagpaparty at kasama na roon ang alak.
“Gumising ka na, Everest, may practice pa ulit kayo sa fashion show, ‘di ba?”tanong ko pa at nahiga sa tabi niya. Natawa naman ako nang tumayo na ito nang nakasimangot habang nakatingin sa akin. Alam niya kasing hindi rin ako aalis do’n hangga’t hindi siya tumatayo.
Hila hila ko pa rin siya habang palabas kami, hinila ko siya patungo sa kabilang guest room kung nasaan si Dani, aba’t mas lasing ‘yon kumpara kay Rest kaya naman talagang si Rest ang inuna ko.
“Hoy, gising na!”malakas kong sigaw nang makapasok kami sa guest room. Kita ko namang tinatakpan ni Rest ang tenga niya dahil sa ingay ko. Tinawanan ko lang siya at lumapit kay Dani. Talagang nilapit ko pa ang mukha ko sa tenga niya.
“Gising na!”sabi ko kaya napatawa ako nang halos mataranta siya sa pagtayo.
“Pukingina mo talagang hinayupak ka, bwakanginamo.”napahagalpak naman ako ng tawa dahil do’n. Napahawak pa siya sa kanyang ulo. Talagang masakit halos isang case kaya ang nainom nitong beer. Aba’t nakapatindi.
“Pucha naman, Ailey, hindi mo talaga gagawing tahimik ang buhay ko no?”tanong niya pa na sinamaan ako ng tingin.
“Huwag ka ng magreklamo, nakakahiya kay Tita kung matutulog ka hanggang hapon dito, hoy.”sambit ko sa kanya. Nakasimangot naman ‘tong tumayo, mabuti na lang din ay kasiya sa kanya ang damit ng Kuya ni Rest na si Kuya Drex.
“Huwag na kayong sumimangit dalawa diyan at kumain na tayo sa labas.”sambit ko na parehas silang hinila palabas. Nakapakit pa silang parehas. Naiiling ko na lang hinila ang mga ito at dinala sa baba. Natawa naman sina Tita sa aming tatlo. Para akong ulirang ina na sapilitang pinapapasok sa eskwela ang mga anak ko. Natawa na lang din ako sa naisip.
Napatawa naman ako ng mahina habang pinagmamasdan ang dalawa na siyang nakatunganga lang sa hapag. Pinitik ko na lang ang mga noo ng mga ito.
“Hoy, masamang paghintayin ang pagkain.”bulong ko sa kanila kaya napanguso na lang silang kumain. Naiiling na lang akong natawa sa mga ito dahil mukhang matagal pa bago magigising ang mga diwa nila.
Hinayaan ko na lang din kalaunan lalo na’t nang mag-ayos na ako para sa trabaho, nang makaayos na ako’y parehas pa ring tulala ang dalawa sa sala.
“Papasok na ako, bahala na kayong magrush mamaya.”natatawa kong saad sa kanila at nagmadali na paalis ng bahay nina Rest.
Nilakad ko na lang ang café tutal ay hindi naman ‘to gaanong malayo sa bahay nina Rest. Kahit naman ang beerhouse ay ganoon din, sadyang nagmamadali lang ako kagabi at hindi ko namang titiyagain na ilakad ang dalawa no, ayos na akong mawalan ng kaunting kwarta kaysa umabot kami ng kinaumagahan ay nasa kalsada pa rin.
Nang makarating na ako sa café bumati lang ako sa ilang katrabaho ko. Naging maayos naman ang takbo no’n hanggang sa magtanghali.
Napakunot ang noo ko nang makita ko si Kath na siyang nakaupo sa isang gilid. Mukha siyang problemadong ewan. Well, wala naman akong kailangan sa kanya ngayon kaya hindi ko siya pinansin at magpapatuloy na sana sa paglalakad sa kusina kaya lang ay tumawag ito. Natatandaan kong huling pag-uusap namin ay no’ng pinagbintangan niya akong inaagaw ko raw ang jowa niya. Aba’t paki naman sa relasiyon nila, hindi ba?
“Ano pong order niyo, Ma’am?”binigyan ko pa siya ng plastik na ngiti.
“Ley..”malungkot pa ang tinig nito habang tinatawag ako, ano nanaman kaya ang problema niya?
“Can you do me a favor? Can you call Jeff? I can’t contact him, ayaw niyang sagutin ang tawag ko..”naiiyak pa ang tinig niya habang sinasabi ‘yon. Tuluyan naman na akong napangiwi dahil dito. Ilang beses na silang nagbreak ni Jeffrey at ilang beses na siyang naghabol dito.
Aba’t kung ako lang ang may jowa’y kailanman ay hindi ako maghahabol, kung hindi ka na mahal ay hindi ka na mahal, kung ayaw kang balikan, edi don’t. Paki ko?
“Please.. I already love him.. hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala siya sa buhay ko.”naiiyak niyang saad. Hindi ko alam kung bakit na ako ang pineperwisyo ng pineperwisyo ng dalawang ‘to. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang phone ko. I dialed his boyfriend’s number na sumagot din naman agad. Inabot ko ‘yon sa kanya.
“Thank you.”she murmured. Hinayaan ko na lang na kausapin niya ang jowa niya. Umiiyak na ito at nagmamakaawang balikan siya. Well, I know Kath, mapaglaro rin ito pagdating sa mga lalaki pero hindi ko akalain na kay Jeffrey talaga siya magtatagal. Napakibit na lang ako ng balikat sa kanya.
Nang matapos ang usapan nila’y binalik niya rim ang cellphone ko.
“Thank you, Ley.”sambit niya na pinapahid na ang luha. Nilagpasan ko na lang siya ng makuha ang cellphone ko, well, hindi ko naman kasi kailangan makipagplastikan sa kanya ngayon.
Nang matapos ako sa trabaho’y naglakad na ako palabas ng café. Naglakad ako hanggang sa sakayan ngunit natigilan ako nang makita ko si Ino na siyang pasakay na rin sa tric, tatlo pa ang bakante. Naupo na lang ako sa tabi niya na hindi siya binabati. Aba’t kapag nakikita ko siya’y paulit ulit kong naririnig ang madalas ko naman na talagang naririnig sa ibang tao.
Hindi rin siya nagsalita ngunit pansin ko ang pagbuka at pagsara ng kanyang bibig. Mabuti na lang ay may sumakay na sa isa pang bakante.
“You didn’t go home last night?”rinig kong tanong ni Ino. Alam kong para sa akin ‘yon dahil sa akin siya nakatingin. Ayaw ko sanang sagutin ngunit wala akong nagawa kung hindi ang magsalita na lang din.
“Oo.”malamig kong saad. May itatanong pa sana siya ngunit nilagay ko na lang sa tenga ko ang earphone kahit na mas maririnig ko pa ang hangin sa sasakyan para lang hindi ko siya makausap. Hindi ko na rin siya tinignan pa. Nanatili na lang ang mata ko sa labas. Nakita ko namang tila na nagpipigil ng tawa ang nasa maliit na upuan ngunit nanahimik din.
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ay nagpara lang ako sa tricycle driver dahil mukhang walang balak magsalita si Ino.
“Thank you po.”sabi ko at magbabayad na sana ng pamasahe ko ngunit binayaran na ni Ino.
Kung normal na araw ‘to’y baka nagturuan pa kaming dalawa sa kung sinong magbabayad ngayong araw.
“Thanks.”malamig kong saad at nilagpasan siya. Hinawakan niya naman ang palapulsuhan ko kaya nilingon ko siya.
“Ano?”masungit na tanong ko sa kanya. Seryoso naman ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Inalis niya lang ang kung ano sa mukha ko bago niya ako binitawan.