Chapter 12
Ailey’s POV
“Ano nanamang ginagawa mo rito, Sissy?”gulat na gulat kong tanong habang papalapit kay Dani. Ang sarap na ng kain nito. Natigilan ako nang makita kong may pasa siya sa mukha.
“Gaga ka! Anong nangyari?”gulat na gulat kong tanong sa kanya napahampas pa ako sa braso.
“Aray naman, Sissy!”sabi niya at hinaplos ang braso niya. Tinaas ko naman ang sleeve na ‘yon, kita kong may pasa rin siya. Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Natawa lang naman siya.
“Ayos lang me, Sissy, huwag kang mag-alala.”natatawa niya pang saad at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi ko naman siya makapaniwalang tinignan. Natawa naman siya dahil sa tingin ko kaya lang ay hindi ko magawang matawa dahil mukhang bugbog sarado ito at alam kong hindi siya ayos.
“Ano? Kumain na muna tayo, mamaya mo na ako tanungin ng tanungin.”sabi niya at tumawa pa sa akin na parang walang nararamdaman na kung ano. Nagkatinginan naman kami ni Mama na siyang mukhang nag-aalala rin kay Dani, parehas na lang kaming napabuntong hininga.
Sobrang dami nitong nakain tila ba hindi ito kumain mula kagabi. Hinayaan ko na lang siya kahit na hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kanya, may malaking pasa siya sa pisngi at sa gilid ng labi. Expected na namin na hindi siya matatanggap ng Daddy niya pero ang ‘di namin inexpect ay ang saktan siya ng ganito. Hindi ko mapigilang mapakunot ng noo.
“Kumain ka muna, Sis, bago mo ako examine.”natatawa niyang saad sa akin kaya ‘yon na lang ang ginawa ko kahit na madalas ay binabalik ko sa kanya ang tingin.
“Ano?”tanong ko sa kanya nang matapos kaming kumain. Siya ‘tong sobrang tagal na kumain e.
“Well, Sissy, obvious naman, ‘di me tanggap ng Daddy ko, kita mo nga, ginawa ba namang punching bag mukha ko, Girl, nakakaloka!”sambit niya pa but I know him too well, alam kong nasasaktan din ‘to. Kahit na patawa tawa’y alam kong mabigat sa loob niya ang lahat.
“Gigil na gigil ang Papang ko, Sissy, hindi na napigilan ng ermat ko, maski nga mga mamahaling vase at plate ni Mommy’y nabasag, kung normal na araw lang ‘yon paniguradong nategi na ang Daddy ko.”natatawa niyang kwento. Naiiling na lang ako sa kanya dahil nagagawa niya pang magbiro gayong halata naman na talagang pinanggigilan siya ng Daddy niya kagabi.
“Pinalayas na rin ako, Sissy, lahat ng galing sa kanya ibalik ko raw, well, mabuti na lang talaga ay nakapagpundar ako ng café, Sis.”natatawa niyang kwento.
“’Yong condo mo?”tanong ko sa kanya.
“Wala na akong access.”sabi niya sa akin. Napatango na lang ako roon.
“Saan ka titira ngayon?”tanong ko sa kanya.
“Dito.”sabi niya at malapad na ngumiti. Nagpuppy eyes pa ang gaga kaya napatawa na lang ako.
“Nak, Dani, kuhanin niyo na ‘tong maleta at ayusin mo na sa kwarto mo, do’n ka na lang sa akin matutulog.”sabi ni Mama na siyang dala dala na ang maleta ni Dani galing sa labas. Aba’t mas nauna pa ata siyang nakapagpaalam kay Mama. Kinuha ko na lang ang maleta niya at dinala papasok sa loob ng kwarto ko.
Well, kung gugustuhin talaga ni Dani’y marami naman siyang pagtitirahan dahil mga bigatin din ang kaibigan nito. Hindi ko nga alam kung bakit dito niya pa gusto gayong mas madalas pa kaming nag-away kaysa ang magkasundo. Malaki rin ang utang na loob ko sa kanya kaya wala pa ‘to sa kalingkingan ng mga naitulong niya sa akin.
Kung hindi ako nagtatrabaho sa café niya noong high school at senior high hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Laking pasasalamat ko rin talaga na kaibigan ko ang may-ari ng café dahil naadjust ko ang schedule ko.
“Ang Mama mo? Anong sabi?”tanong ko habang inaayos ang ilang gamit niya sa kwarto ko.
“I’m not really sure, si Daddy lang kasi ang nagsalita or should I say sumigaw, Girl, kung nandoon ka lang ay paniguradong mabibingi ka sa sigaw ni Daddy.”natatawa niyang saad kaya napailing na lang ako sa kanya.
“Galet na galet talagang nanaket.”sambit niya pa kaya kukurutin ko na sana siya sa tagiliran kaya lang ay pinigilan ko na lang ang sarili dahil madagdagan pa ang pasa sa kanya na halos wala ng mapaglagyan.
Nailing na lang ako sa kanya habang inaayos namin ang mga gamit niya dito sa loob, hindi ko alam kung hanggang kailan siya rito o ano pero bukas na bukas ang pintuan ng bahay namin para sa kanya.
Nang maayos na ‘yon ay nakipag-unahan pa siya sa akin sa banyo, aba’t para kaming aso’t pusa na nagtutulakan.
“Hoy, late na ako, Dani, kukutusan kita diyan!”sigaw ko sa kanya.
“Ako rin.”sabi niya at itutulak pa sana ako kaya lang ay nauna na si Mama sa kubeta. Parehas tuloy kaming natigilan at nagkatingan.
“Walang hiya ka, parehas talaga tayong malelate nito.”sabi ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
“Sissy, fashion show ‘yon!”halos maghesterikal na siya sa gilid ko. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil do’n. Nang matapos si Mama’y talagang siya pa ang nauna. Inis na inis naman ako sa kanya dahil dito.
“Dalian mo!”malakas kong sigaw dahil halos isang oras ata ‘tong naliligo. Nang matapos siya’y ngiting tagumpay ito habang nakatingin sa akin. Inirapan ko na lang siya at pumasok na ako sa may kubeta.
Nang matapos ay nadatnan ko pa siya sa kwarto samantalang nakabihis naman na ako. Sinuot ko na lang ang sapatos na nasa kwarto ko at naiiling habang nakatingin sa kanya.
“Ano, Girl, hindi ka pa rin tapos diyan?”natatawa kong tanong sa kanya. Tinatakpan pa nito ang pasa sa kanyang mukha gamit ang concealer niya. Maliban do’n ay mukhang wala naman na siyang pinaglalagay sa mukha niya. Casual lang din ang damit nito. Polo na black na may mga kadena kadena na hindi ko alam kung saan niya nakuha at pantalon na black. Well, magaling talagang pumorma ang bruho. May itsura rin ito kaya madalas na ang mga babae sa fashion show ay siya ang tinitignan kaya lang ay hindi sila talo.
Nang makapag-ayos ako’y lumabas na ako ng kwarto. Si Mama’y nakaalis na rin kanina pa kaya kami na lang ni Dani ang natira rito, well, wala namang malisya sa amin kahit na magtabi pa nga kami sa kama.
Habang palabas ng bahay ay natigilan ako nang makita ko si Ino na siyang naroon din at mukhang paalis na rin. Napatingin siya sa akin kaya nag-iwas ako sa kanya ng tingin. Naiinis pa rin kasi ako kapag naalala ko ang sinasabi nito kanina.
“Hoy, Sis—“hindi natuloy ni Dani ang sasabihin nang makita ang tao sa gilid ko. Lumapit siya sa akin at bahagya pa akong inakbayan para lang bumulong.
“Sissy, hindi mo naman sinabing may gwapo kang kapitbahay, edi sana madalas na akong tumambay dito.”pabulong niyang saad sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o ano, palihim ko siyang kinurot sa tagiliran.
“Aray naman, Girl.”natatawa niyang saad. Naiiling na lang akong bumulong pabalik sa kanya.
“That’s Ino.”pabulong na saad ko dahil naikwento ko na rin naman si Ino sa kanya.
Nang mapatingin ako kay Ino nakita ko ang naguguluhang reaksiyon niyo bago nakasimangot na nagpatuloy na lang sa paglalakad. Napairap na lang ako, aba’t hindi man lang ako binati? Well, paki ko? Naiirita pa rin ako kapag naririnig ko sa aking isipan ang pinagsasabi niya kagabi.
Hindi ko na lang din siya pinansin at sumakay na sa kotse ni Dani. Halos ayaw pang pumasok ni Dani kaya ako na mismo ang humila sa kanya.
“Girl, hindi mo man lang ba babatiin ang handsome mong kapitbahay?”natatawang tanong sa akin ni Dani.
“Tigil tigilan mo nga ako, Dani.”nakasimangot kong saad na naiiling na lang.
“Why? LQ? Parang no’ng nakaraan lang ay ang dami dami mong kwento tungkol diyan sa boylet mo, huh? Halos araw araw ‘yan ang topic natin. Si Ino ganito, si Ino rin ganyan.”natatawa niyang pang-aasar, ang ngisi sa mga labi’y hindi maalis. Hindi ko na talaga sigurado kung ayos ba talaga ‘to o sadyang nililibang lang ang sarili para hindi mag-isip ng kung ano.
Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa gawi ni Ino nang madaanan namin siya. Tinted ang sasakyan kaya hindi niya ako nakikita, kita ko namang nakatingin lang siya dito, kung hindi ko lang alam na tinted ito’y baka isipin ko na sa akin talaga ang tingin ni Ino.
“Sissy, LQ, talaga kayo no?”natatawang tanong sa akin ni Dani. Hindi naman ako nagsalita. Anong LQ, hindi naman kami ni Ino.
Patuloy lang siya sa pang-aasar hanggang sa makarating kami sa café.
“Bye, ingat!”nakangiti niyang saad habang pakaway kaway sa akin. Pumasok naman na ako sa café.
“Oh, hindi na pupunta si bossing dito?”tanong nila sa akin dahil nakita nila ang kotse ni Dani. Friendly naman kasi talaga si Dani sa mga empleyado niya e.
“Hindi na raw. May fashion show pa ata sila ngayon.”sambit ko na napakibit ng balikat. Napatango naman sila sa akin. Nagsimula ma rin naman kaming magtrabaho.
Buong araw lang din akong naging abala sa café, nothing special happenned, katulad ng mga normal na araw ay ganoon lang din. Pauwi na sana ako kaya lang ay nakarecieve ako ng tawag mula kay Rest.
“Sissy, can you come here? Dani want to drink e.”sabi ni Rest sa akin. Napabuntong hininga ako dahil alam ko na talaga na mangyayari ‘to. Kunwari pa ang beklabush na ‘yon, halatang nasasaktan din naman siya, hindi dahil sinaktan siya physically, kung hindi ay dahil nasasaktan siya emotinally. Sino ba naman kasing matutuwa na itatakwil ka ng magulang mo dahil lang sa kung sino ka talaga, hindi ba?
Para sa akin lang ahh, it’s they freedom naman to express themselves, hindi naman kinababa ng pagkatao mo kung ano sila, kung wala rin naman silang ginawang kung ano sa’yo, bakit kailangan silang pigilan, hindi ba?
“Gesi, Sissy, sakay na akong tric, diyan ba sa beerhouse malapit sa inyo?”tanong ko kay Rest. Sumagot lang naman siya ng ‘oo’ bago namin pinatay ang tawag.
Nagtungo na rin naman ako sa kung nasaan sila. Nang makarating do’n ay hinanap ko lang sila. Agad kong nakita si Dani na tungga lang ng tungga ng alak. Napanguso na lang si Rest at painom inom na lang ng kaunti. Sus, mamaya lang ay isa na ‘to sa tungga ng tungga. Basta may isang hindi lasing sa amin ay ayos na. Kumain na lang ako ng pulutan nila rito habang hinahayaan ko silang uminom.
Maya-maya lang ay ito na ang pinakahigh light ng gabi, umiiyak na ang gagang si Dani, maski si Rest ay naiiyak na rin habang nagsasalita si Dani.
“For how many years tinago ko kung ano talaga ako, minsan naiisip ko may puwang ba ako sa mundo? I was too scared to let my parents know, I know that my Dad won’t accept me for who I am pero kahit paano’y umasa akong baka sakali, baka sakaling mas matindi ‘yong pagmamahal niya sa akin kaysa sa kung anong gusto niya lang.”sambit niya ns humahagulgol niya.
You deserve people who accept you for who you are, people who love you the most.”sambit ni Rest sa kanya habang umiiyak, maski ako’y napaluha na rin dahil sa kanilang dalawa.
“But hell f*****g yeah, I’m already free. I want to do things on my own now, I want to do those things na hindi ko nasubukang gawin dahil takot na mahusgahan ng iba, takot na malaman ng pamilya ko.”sabi niya pa na tumango tango habang tumutungga pa rin ng alak.
Nakinig lang kami ni Rest sa kanya habang nagkukwento siya. World is really cruel place lalo na sa mga taong hindi tanggap ng lipunan. Magdadamit ng mga kasuotang tanggap sa lipunan, aakto sa kung ano lang ang pwede, kung ano man ang tama para lipunan, ‘yon na ang basehan kung ano nga ba ang mali. How I wish we can change that.