Chapter 11
Ailey’s POV
“Hey, what’s up!”napalingon ako kay Dani na siyang kararating lang dito sa café. Bakasiyon ng mga college student habang ang mga high school naman ay noong nakaraang buwan pa nagsimula ang pasukan.
“Oh? Anong tingin ‘yan, Girl? Alam ko namang pretty ako ngayong araw.”sabi niya kaya napatawa ako sa kanya. Ang fresh nga ng lola mo, akala mo’y kagagaling lang sa pakikipagdate.
“Bakit naman ganyan ang pormahan mo ngayon, ‘te?”natatawa kong tanong sa kanya. Wala kasi ang lipstick nitong makapal at hindi rin nakaayos ang buhok. Para siyang galing ng kubeta at kaliligo pa lang.
“Well, Sis, kagagaling ko sa meeting with my parents. Mabuti nga’y hindi ako nastress ng bongga, girl.”natatawa niyang saad sa akin. Ang alam ko’y hanggang ngayon hindi pa rin niya nasasabi sa Papa niya na iba siya, na hindi niya kayang ikasal sa kauri niya, aba’t ako lang ang nasstress sa kanya e.
“Alam mo ba, Girl, para akong masusuffocate habang nasa hapag ako namin, kalerkey, ang dami pa niyang dinalang pagpipilian ko raw na pamilya. Sissy, tatay ko paniguradong itatakwil ako kapag nalaman niyang iba ako sa anak na akala niya’y perpekto.”sabi niya na nakanguso. Hindi ko naman maiwasang pitikin siya sa noo.
“Sis, siguro’y itatakwil ka nga talaga niya but the thing is paniguradong wala na ‘yang tinik sa puso mo kung sakali. Saka I got your back, Sissy, kapag pinalayas ka pwede kang makitira sa amin.”sambit ko sa kanya na nakangiti sa kanya. Alam ko naman mahirap ‘yon dahil sobrang tagal niya ring tinago.
“Girl, parang sobrang simple lang ahh?”natatawa niyang tanong.
“But yeah, tama ka naman, hindi ko lang talaga kaya sa ngayon. Basta walang bawian ahh, pwede akong makitira sa inyo.”malapad ang ngiting saad niya. Aba’t ‘yon lang ata ang narinig. Inirapan ko na lang siya.
“Lul mo, Sis, ang dami dami mong kaibigan na pwedeng matakbuhan, huwag mo nga akong lokohin.”natatawa kong saad sa kanya at inirapan siya. Napatawa na lang din siya kalaunan.
“Ley! Pwedeng ikaw na magdeliver sa comp shop sa kabilang kanto? Dami kaming deliver ni bilog ngayon e.”sabi ng kasama namin sa café.
“Sige, Sissy, nandiyan ba scooter?”tanong ko.
“Oo, Sis, ‘yong isa nandiyan.”sabi niya kaya napatango ako. Kinuha ko lang ang idedeliver sa kitchen bago ako naglakad palabas, sinakyan ko na ang scooter at nagtungo sa computer shop.
Pagpasok ko roon ay hinanap ko lang ang may-ari ng comp shop at inabot ang order niya. Kinindatan ko pa si Ino na siyang napatingin sa akin. Dito ito nagtatrabaho sa ngayon, habang bakasiyon pa kami. Nagbabantay siya dito sa comp shop saka nakikiconnect. Well, kilala niya ata ang may-ari.
“Ley, bigay mo na number mo sa akin.”sabi no’ng isang laging tambay dito sa comp shop, madalas ko itong makita kapag magdedeliver ako ng milk tea ng owner. Aba’t akala mo’y close kami.
“Aba’t hindi ka pa nga ata nagmumumog ay nandito ka na sa comp shop, Winwin, mahiya ka naman.”sabi no’ng isang tambay din at nginitian pa ako. Napailing na lang ako sa kanila at kinawayan pa si Ino na siyang sinulyapan ako nang makitang paalis na.
Well, this past few months ay mas lalo lang kaming nagiging close dalawa, hindi naman kasi siya mahirap pakisamahan, siguro’y dahil na rin parehas kami ng pinanggagalingan. Napakibit na lang ako ng balikat at nagtungo na ulit pabalik sa café.
Napatingin naman ako kay Rest na siyang nandito sa café ngayon, nagdadrawing lang ito sa isang gilid habang ginugulo ni Dani. Sa aming tatlo nina Dolo, si Rest itong mahaba ang pasensiya kaya natatagalan niya rin ang kakulitan ni Dani. Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa at nagpatuloy na rin sa pagtatrabaho.
“Uyy, musta na, Luke, looking good ahh.”nakangisi kong bati kay Luke na siyang kararating lang. Kumindat naman ‘to sa akin kaya natawa na lang ako. Maya-maya lang ay may kasunod na siyang magandang babae, napatingin ‘yon sa akin at kay Luke, nginitian ko na lang din ngunit masamang tingin lang ang ibinaling niya.
Napanguso na lang tuloy ako at hindi na sila pinansin. Nagpunta na muna ako ng kusina para asikasuhin ang ilang orders.
“Ley! Say hi!”nakangising sambit ni Rest nang madaan ako sa table nila. Napatingin naman ako sa phone at kumaway lang kay Dolo na siyang kausap ng mga ito.
Ngumiti naman ‘to sa akin, although hindi pa rin umaabot ang ngiti sa kanyang nga labi. Bumalik na rin naman agad ako sa trabaho kalaunan.
Naupo rin ako sa table nina Rest nang wala ng gaanong customer dahil tinatawag nila ako ni Dani.
“Nagpunta nanaman ex ni Dolo, tinatanong kung nasaan siya and you know what happenned to her father, right?”nakangusong saad ni Rest habang sumisimsim sa kanyang inumin.
“Kapag sinusubukan kong banggitin, agad niya akong pinuputol, mukhang ayaw pag-usapan.”sambit ko naman dahil kapag nakakausap ko siya’y limited lang talaga ang mga impormasiyon na masasabi ko sa kanya. Nabalitaan ko rin na nagpatayo ng bahay ang step sister niya malapit sa kanila. Well, hindi na rin naman kasi kami nagagawa s bandang bahay nila dahil halos lahat ng kasambahay ay umalis na rin. Ilan na lang ang nanatili roon para panatilihin ang ayos ng mansiyon nila.
Naging madali na rin naman ang oras at natapos na rin naman ako sa trabaho.
“Sabay na kayo sa akin.”sabi ni Dani sa amin ni Rest, tumango naman kami parehas, minsan lang naman ‘yan mag-alok kapag wala talaga siyang pagkakaabalahan saka minsan lang ‘yan mabait kaya sulitin na.
“Talagang gagawin niyo akong driver niyo no?”tanong ni Dani sa amin dahil parehas kaming naupo ni Rest sa backseat. Napatawa naman kami sa kanya at hindi na rin pinansin ang hinaing niya sa buhay.
“I think I’ll be telling my parents na.”sambit ni Dani kaya parehas kaming napatingin ni Rest sa kanya na nanlalaki ang mga mata. Napaawang naman ang mga labi namin ni Rest habang nakatingin sa kanya.
“Sure na ba ‘yan, Sis?”tanong ko sa kanya.
“Oo, kung kakayanin? Sana kayanin ko.”natatawa niyang saad. Nakatingin lang ako sa kanya dahil ngayon lang talaga siya nagkaroon ng courage na sabihin sa magulang niya kung ano talaga siya. Para sa akin wala naman kasi talagang masama roon pero alam ko rin kasi na hindi talaga matatanggap ng parents niya kung ano talaga siya or baka ‘yon lang ang akala namin?
I met his parents thrice or twice, hindi ako sigurado pero no’ng mga panahong nameet kasi namin amg parents niya, masiyadong istrikto ang papa nito at hindi lingid sa aming kaalaman ang pagiging homophobic nito. Hindi ko naman sigurado sa kanyang ina.
Saka halos araw araw kinukwento ni Dani sa amin ang experience niya sa bahay nila na dapat ganito siya, dapat ganyan. Pero sa tingin ko naman ay may alam na kahit paano ang Papa niya. Kahit ano kasing pilit nitong magsundalo ang anak ay hindi ginawa ni Dani kaya ipinapakasal na lang niya sa mga anak ng business partner niya.
“He thinks that I like some model kaya napaadalas ang pagbisita ng ilang modela sa bahay.”pagkukwento niya. Or not? Baka mali rin ako. Well, I don’t know.
“Madalas akong makita ng kung sino sa mga fashion show kaya akala niya ata’y may natitipuhan ako sa mga ‘yon.”sabi pa niya at napanguso.
“Well, actually marami.”sabi niya at humagikhik pa kaya binato ko siya ng bite habang natatawa na lang si Rest sa kanya.
“Maharot ka talagang bakla ka, bakit hindi mo ako retuhan ng matuwa tuwa naman ako sa’yo.”natatawang saad ko sa kanya na siyang inirapan niya lang ng natatawa.
“Mag-advance na kaya tayo ng inuman? Alam ko na agad magiging resulta nito.”natatawa niyang saad sa amin.
“Hay nako, Sis, saka na tayo mag-inuman kapag talagang pinalayas at tinakwil ka na.”sabi ko sa kanya kaya agad siyang napangiwi at inirapan ako.
“Talagang ineexpect mo ng papalayasin at itatakwil ako, walang hiya ka. Hindi mo man lang na pagagaanin ang loob ko na baka tanggapin din naman ako?”sambit niya sa akin kaya natawa ako. Si Rest ay naiiling na lang sa aming dalawa.
“Sus, para hindi ka na gaanong masaktan. Expect the expected na lang, Sissy, got your back naman. Inom agad tayo kapag kakailanganin mo ng kainuman.”sabi ko at ngumiti pa sa kanya. Napanguso na lang siya.
“True, Sissy, Dito lang us always.”sabi naman ni Rest.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa tapat ng bahay nina Rest kaya pakaway kaway na lang kami ng makababa siya. Lumipat na rin naman ako sa front seat nang makaalis si Rest.
“Sissy, welcome talaga ako sa bahay niyo ahh?”pangungulit niya sa akin kaya natawa na lang ako.
“Oo nga! Good luck!”sambit ko sa kanya. Ramdam ko na agad ang kaba nito kahit wala pa naman siya sa bahay nila.
“Inom na lang kaya muna tayo?”tanong niya. Pakiramdam ko’y kinakabahan nanaman ‘to.
“I know you can do it. Don’t worry about anything else.”seryosong saad ko sa kanya. Napatango naman siya sa akin ngunit alam kong wala na siya sa sarili.
“Text text na lang, Sissy, text mo ako kapag nasabi mo na, hindi lowbat phone ko sa’yo.”sambit ko sa kanya. Tumango lang ulit siya. Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa tapag ng bahay.
“Tawagan mo na lang ako, hihintayin ko tawag mo.”sabi ko at nginitian siya nang makababa ako sa kotse niya. Nagthumbs up lang siya kaya napatawa na lang ako. Hinintay ko lang siyang makaalis at kumaway pa ako sa kanya.
“Boyfriend mo?”halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Halos hampasin ko na si Ino dahil do’n, ang gagong ‘to, bigla bigla na lang sumusulpot.
“Bakit ba ang hilig hilig mong manggulat, Inocencio?”malakas kong sigaw sa kanya. Sinamaan ko pa siya ng tingin ngunit wala naman siyang karea-reaksiyon.
“Gara ng kotse, tiba tiba ka roon.”sabi niya bago ako nilagpasan. Napakunot naman ang noo ko roon. Siguro kung ibang tao ang magsasabi sa akin nito’y hindi ako maooffend pero hindi ko alam kung bakit nagpupuyos ako sa galit sa kanya ngayon.
“Anong pinaparating mo?”masama ang loob na tanong ko sa kanya.
“Sinasabi mo bang mukha akong pera?”kunot noong tanong ko kay huminto siya sa paglalakad bago ako nilingon.
“Bakit? Ikaw na rin naman nagsabi na ang gusto mo sa lalaki’y mayaman.”seryosong saad niya. Napaawang naman ang labi ko roon, oo, sinabi ko naman talaga ‘yon. Saka bakit nga ba naooffend ako gayong sanay naman na ako makarinig ng ganito. Napakuyom ang kamao ko sa sobrang inis, hindi matanggap na sinasabi niya ito sa akin. Bakit ba hindi ko matanggap gayong totoo naman na ‘yon talaga ang requirements ko sa lalaki. Kahit kailan ay hindi pa ako nainsulto kapag sinasabihan nila akong mukhang pera o ano, pero bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko ngayon?
Tinalikuran ko na lang siya dahil ayaw ko na makipagtalo pa, alam kong ako ang talo. Hindi ko lang matanggap na sa kanya ‘yon nanggaling, bakit nga ba hindi ko matanggap na ininsulto niya ako? Dahil akala ko’y iba siya? Bullshit.
Yamot na yamot akong nagtungo sa cr at naglinis ng katawan bago ako ulit ako nahiga sa kama ko. Ramdam ko pa rin ang iritasiyon dahil do’n. Ang kapal ng mukha niyang insultuhin ako!
“Anak, kain na muna tayo, dire-diretso ka diyan sa kama mo, kanina pa kita tinatawag.”sabi ni Mama sa akin.
“Hindi na po ako kakain, Ma..”mahinang saad ko kaya tinitigan niya lang ako sandali bago tinanguan. Gutom ako kanina ngunit parang nawalan ako ng ganang kumain.
Hinintay ko ang tawag ni Dani habang naalala ko pa rin ang sinasabi ni Ino. Akala ko’y makakalimutan ko na agad ‘yon kinabukasan ngunit iritado pa rin talaga ako. Nakasimangot na lang akong lumabas sa kwarto ko.
“Dani?”halos pasukan na ng langaw ang bibig ko dahil sa pagkakabuka, prenteng prenteng nakaupo si Dani sa may hapag at talagang libang na libang sa pagkain.