Chapter 10

2129 Words
Chapter 10 Ailey’s POV “Tiyansing ka.”natatawang saad ni Ino nang matapos ang napakatagal na yakap na ibinigay ko sa kanya. Inirapan ko lang siya at umupo na lang sa tabi niya. Parehas lanh kaming nakaupo sa may semento dito sa labas ng bahay nila. Ginamot niya lang ang sarili niyang sugat habang nanatili naman akong nakatingin lang sa kung saan. Matagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa pagkatapos niyang gamutin ang sugat niya. “Anak ako sa iba ng Mama ko..”pag-uumpisa niya. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kanya na nanlalaki ang mga mata. Natawa naman siya ng bahagya sa reaksiyon ko bago niya pinitik ang noo ko. “Don’t look at me like that.”sambit niya na naiiling pa. “Mabait naman si Papa, ‘yon nga lang kapag si Isagani na ang usapan at sabayan mo pang nakainom siya, do’n na talaga siya magagalit.”sabi niya ng natatawa. “Hindi naman niya ako madalas saktan, nagkataon lang talaga ngayon, wrong timing ka masiyado, ano ba yan?”sambit niya pa na nilingon ako. Hindi ko naman alam kung paano ako magrereact. Aba’t hindi pa nga ako nakakamove on sa sinabi niyang iba pala ang tatay niya. All this time kasi’y akala ko happy family talaga sila sa bahay nila. Well, happy naman sila saka kahiwag rin kasi niya ‘yong Papa niya kaya nakakagulat. Kaya pala hindi sila ganoong magkamukha ni Isagani pero parehas naman na may itsura, baka mayroon ding itsura ang Papa ni Ino. “Don’t get me wrong, masaya naman ako sa buhay ko, hindi ko naman iniisip na iba ama ko, saka tanggap din naman ako ni Papa.”sabi niya at napakibit ng balikat. “’Yong biological na ama ko, nakakausap ko pa rin hanggang ngayon, nagkikita pa rin naman kami madalas, hindi naman ako pinagbabawalan ni Mama na makita erpat ko e.”pagkukwento niya pa. Nakikinig lang naman ako sa kanya. “Musikero erpat ko, hanggang ngayon hinahabol pa rin niya ‘yong pangarap niya.”sambit nito. Napatango naman ako roon. “That’s cool, walang edad ang pangarap.”hindi ko mapigilang sambitin. Napatingin namam siya sa akin dahil do’n. Medyo napaawang pa ang labi sa akin. “Normally, when I said that to someone, they’ll laugh at my father, telling me na bakit daw hinahabol pa ng erpat ko ang pangarap niya gayong matanda na ito, paniguradong sa kangkungan na lang siya pupulutin.. na marami ng mas magaling.. na bakit hindi na lang siya sumuko at bigyan pa ng kahulugan ang buhay niya..”pagkukwento nito sa akin. “That’s what my Mom said the last time they fought each other, simula no’ng araw na ‘yon ay wala na talaga. Bigla na lang nagbago ang lahat, naghiwalay sila..”sambit niya. “Naiintidahan ko naman si Mama dahil kailangan nga naman ng decent job ni Papa para sa amin pero naiintindihan ko rin si Papa kung hindi niya kayang bitawan ang pangarap niya, siguro’y sa kanya talaga ako nagmana, when the day comes na hindi ko pa naaabot ang pangarap ko? Baka ganoon din ako.”sabi niya at ngumiti. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil do’n. “I’m rooting for you. Yaka mo ‘yan, you pa ba.”natatawa kong saad at nginitian siya. Tinawanan niya naman ako dahil do’n. Natahimik naman kami aftet niyang magkwento tungkol sa kaniyang ama. Hindi ko maiwasang maalala ang papa ko. Miss ko rin tuloy bigla erpat ko. “Same with my father.. katulad ng papa mo marami ring pangarap sa buhay ang papa ko.. pero siguro magkaiba rin pala sila nang kaunti.. slight lang..”natatawa kong saad kaya napatingin siya sa akin na siyang may ngiti sa labi. “Si Papa ko naman, sobrang taas no’ng pangarap no’n, lagi niyang kinukwento sa akin na gusto niyang maging doctor no’n kaya lang dahil dumating ang tatlong anghel sa buhay niya’y naiba na ang pangarap niya.”nakangiti kong saad habang inaalala ang kwento sa akin ni Papa no’n. Ang mga mata niyang kumikislap kapag kinukwento niya ang pangarap na maging doctor at ang ngiti sa kanyang mga labi. “Sobrang daming trabaho na ginawa ng papa ko no’n para lang tustusan kaming magkakapatid pero siguro nga hindi naging sapat dahil sila ‘yong sinisisi ng mga Kuya ko kung bakit kami naghihirap, kung bakit kailanman hindi kami kumain ng masarap, tatlo kasi kaming pinag-aaral ni Papa no’n e. Lagi kong naririnig ang pagrerebelde ng mga kapatid ko, siguro’y dala na rin ng adolescence pero para sa akin ay wala ‘yon kinalaman do’n.”sambit ko ng natatawa. “Tumanda rin naman ako pero bakit parang iba naman ‘yong pananaw nila sa akin.”natatawa kong saad. “I was always been thankful to my father.. natatandaan ko, one time no’n galing akong eskwela, pauwi na sana, nakita ko si Papa sa isang malaking bahay do’n sa amin. Lumabas siya sa bahay na ‘yon habang nakaduro sa noo niya ‘yong isang matandang babae na may marangyang kasuotan.”sabi ko ng nakangiti ngunit hindi ko kailanman makakalimutan ang pangyayaring ‘yon. “”Mangmang, wala kang utak.” ‘Yan ‘yong tumatak sa isapan ko no’n na sinabi ng matanda sa papa ko.”sabi habang inaalala kung paano nagawang tanggapin lang ng Papa ko ang mga katagang binabato sa kanya no’ng matanda. Tubero kasi ang erpat ko. “Pero para sa akin? ‘Yong mga taong panay bibig ang ginagamit at kailanman hindi sinubukang ilahad ang tenga? ‘Yong mga taong nakakulong na lang sa gustong makita ng kanilang mga mata ngunit kailanman ay hindi sinubukang imulat ito para intindihin ang kapwa? Sila ‘yong mga taong mangmang.”sabi ko at ngumiti. Nakatingin lang siya sa akin habang sinasabi ko ‘yon. “They only think about themselves, akala nila’y sobrang lamang sila sa kapwa but little did they know.. na may mga bagay na hindi natuturo sa eskwela bagkus ay natuturo sa kalsada at kung saan pa. Ang dami ko kayang natutunan kay Papa na kailanman hindi maituturo sa akin ng karangyaan.”sabi ko at ngumiti. “Mangmang man sa paningin ng iba.. tanga man ang desisyon para sa kanila.. basta alam mong tama ka, magpatuloy ka..”saad ko sa kawalan. “Kaya ikaw tell your father that he should keep on pushing his dream.. sabihin mo na nagtitiwala ka kasi alam ko, malaki ang epekto no’n para sa kanya.”nilingon ko siya at nginitian. Nginitian niya rin ako pabalik. I can’t believe that I easily said those things to him. Madalas kasi’y wala akong pinagsasabihan ng tungkol sa Papa ko. Matagal lang kaming nanatili roon hanggang sa lumabas ang Mama niya’t napatangin pa sa amin. “Nak.. pasensiya na sa Papa mo, lasing lang..”sambit ng Mama niya sa kanya. Nginitian ko lang si Ino at tinapik ang braso niya bago ako tumayo. “Uwi na ako, Ino. Good night.”sambit ko at nginitian siya. Napatango naman siya sa akin dahil do’n. Nagpaalam na rin ako sa Mama nito na tipid lang akong tinanguan. Naglakad naman na ako patungo sa bahay namin. Hindi ko naman maiwasang mapatingin kay Mama na siyang nasa labas din pala. “Ma, ano pa pong ginagawa niyo diyan?”tanong ko kay Mama, nakita ko naman ang pagpahid niya sa kanyang luha bago ako nginitian. Maybe she miss my brother’s again. Napakibit na lang ako ng balikat at nagpatuloy na sa pagpasok. Ayaw ko ng mas lalo pang palungkutin ang gabi. Naglakad na rin naman ako papasok sa kwarto ko. Matagal akong nakamulagat lang habang nakatingin sa kisame ng bahay. Nagising naman ako kinaumagahan para magluto ng almusal namin ni Mama ngunit nagluluto na ito. “Maupo ka na diyan, Nak, patapos na ‘to.”sabi ni Mama sa akin kaya napatango na lang ako at hinintay na lang siya na matapos magluto. Nag-umpisa na rin naman kaming kumain kalaunan ngunit agad na napakunot ang noo ko nang may kumakatok sa labas ng bahay at sobrang lakas pa na akala mo’y masisira na niya ‘yon. Nakasimangot ko namang binuksan ang pintuan namin. Agad kong nakita si Ino na parang namimilipit na sa sakit sa isang tabi. “Pwedeng pagamit ng banyo? May tao sa cr namin!”natataranta niyang saad. Napatawa na lang ako at hinayaan siyang tumakbo patungo sa cr. Mukhang magpapalabas na ng sama ng loob. Hindi tuloy mawala ang tawa ko kahit na nasa hapag na. “Si Ino?”tanong ni Mama sa akin. “Najejebs, Ma.”natatawa kong saad at nagpatuloy na lang sa pagkain. Katulad namin ay isa lang din ang cr nila kaya naman talagang mapapatakbo ka na lang sa kapitbahay kung may tao pa sa kubeta. Tinawanan ko naman siya ng makalabas siya sa cr namin. “Ano success?”natatawa kong tanong sa kanya. Natatawa naman siyang napairap sa akin. “Oo, salamat.”sambit niya kaya napatawa ako. “Oh, hijo, kumain ka na ba?”tanong ni Mama sa kanya. “Oo naman, Ma, kaya nga punong puno at kailangan ng magbawas.”natatawang saad ko. Ang tagal niya kaya sa cr namin, tapos na kaming kumain at naghuhugas na ako ng pinggan ngayon. Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya mas lalo lang akong natawa. Ilang oras lang ang lumipas ay nasa labas na ako ng bahay namin oara pumasok sa eskwela, napatingin naman ako kay Ino na siyang nasa labas na rin ng bahay nila at mukhang papasok na rin. “Mamaya pa klase mo ahh?”tanong ko sa kanya. Agad itong ngumisi sa akin na parang tanga. “Ikaw ahh, crush mo talaga ako no?”sabi niya kaya nanatawa ko na lang siyang inirapan. “Amfee!”sabi ko ng naiiling kaya natawa na lang din siya sa akin at sumunod na palabas ng kanto. “Ang aga mo nga?”tanong ko sa kanya nang makasakay na kami sa tric, mamaya pa ang pasok nito ang alam ko. “Oo, may tatapusin pa ako.”sabi niya kaya napatango na lang ako. Nag-usap lang kami tungkol sa kung ano habang nasa tric hanggang sa makarating na rin sa school. Kinawayan ko lang siya ng magkahiwalay na kami ng landas dahil medyo malayo dito ang computer science department. Natawa na lang ako sa kanya ng magflying kiss pa siya. Siraulo talaga. “Nagkabalikan kayo?”halos mapatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita sa gilid ko. “Pucha naman, Jeffrey, ano bang ginagawa mo diyan?”gulat na gulat kong saad habang nakatingin kay Jeffrey na nasa likod ko pala. Seryoso lang naman ang mukha niya habang nakatingin sa akin. “Akala ko ba’y ayaw mo sa mahirap? Bakit pumatol ka pa?”tanong niya kaya kumunot na ang noo ko sa kanya. “Pwede ba, Jeffrey? Bakit ba nakikialam ka?”tanong ko na naiiling pa sa kanya. Ang ayos na ng pagkakaibigan namin e, guguluhin nanaman ng hinayupak. Pinatawad ko na nga siya sa pagpapahiya sa akin sa harap ng maraming tao. Tsk. Nilagpasan ko na lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makapasok sa.loob ng classroom. Nanahimik sila ng makita ako, hindi ko mapigilang mapailing na lang dahil do’n, ang tatanda na’y ang hihilig pa ring mangbackstab. Aba’t ano naman kayang problema ng mga ito? “Napakalandi mo talaga! Hindi ka pa nakuntento sa pera ko, talagang gusto mo pa ng pera ng jowa ko.”nagulat na lang ako ng may sumampal sa akin sa pisngi. “Pucha naman..”sambit ko na iritadong tumayo, aba’t ang ganda ganda na ng pwesto ko rito. “Ano bang problema mo nanaman, Kath?”tanong ko sa kanya. Nagpipigil na sampalin ito pabalik. Hindi lang sampal ang gagawin ko rito kung sakali. “Nakipagbreak sa akin si Jeffrey dahil sa’yo!”galit niyang sigaw sa akin. Halos matawa ako dahil do’n. “Oh, pucha, anong kinalaman ko diyan? Tanda mo na ganyan ka pa rin mag-isip. Saka anong pineperahan kita? Bobo ka?”tanong ko sa kanya ng natatawa. “Pucha, kung may problema kayong magjowa, huwag niyo akong idamay, parehas ko kayong ingungudngod sa kumukulo kong dugo.”banta ko sa kanya. Iritadong iritado naman siya sa akin at sasampalin pa ulit sana ako nang makita ang tingin ko sa kanya. Padabog na lang siyang umalis sa harap ko. Bakit ba ganito ‘tong mga taong ‘to? Bakit imbis na ‘yong jowa nila ang sugurin, hindi nila magawang sa jowa ibuntong ang galit? Dahil may pagmamahal ka roon sa nobyo mo? Kung mahal at may respeto sayo ang nobyo mo, kailanman ay hindi nila magagawang magloko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD