Chapter 9

2116 Words
Chapter 9 Ailey’s POV Habang naglalakad kami pabalik, napakarami lang kinukwento ni Isaw sa akin. Natatawa na lang ako dahil walang kapaguran ang bunganga nito. Talagang maski ang Kuya niya’y nagawa niya pang ichika sa akin. Hanggang sa makarating kami rito’y wala siyang tigil sa pagkukwento, pakiramdam ko nga’y kilala ko na ang buong pagkatao niya dahil dito. Hinanap naman ng mga mata ko si Ino dahil mukhang hindi pa rin siya nakakabalik hanggang ngayon. “Kuya, si Ino po?”tanong ko sa kasama niya sa sound system. “Kaalis lang ulit bago kayo dumating, wala siyang nadatnan e. Natataranta na ‘yon dahil may nabalitaan diyan sa high way na nabangga daw na batang lalaki.”sabi niya kaya napatango na lang ako. Paniguradong doble na ang pag-aalala no’n, talagang makukutusan niya na ang kapatid. “Kuya, alam niyo po number niya?”tanong ko. Tumango naman ‘to kaya kinuha ko ang numero ni Ino. Hawak hawak ko pa rin si Isaw dahil baka mamaya’y tumakas na lang ‘to bigla. Aba’t mahirap na, napakapasaway kaya ng batang ‘to. “Hello, Ino? Saan ka? Nandito na kami sa plaza, kasama ko si Isaw.”sambit ko ng sagutin niya ang tawag. Matagal na katahimikan ang bumalot doon bago siya nagsalita. “Thanks, pabalik na ako.”sabi niya bago nawala ang tawag. Medyo matagal pa bago siya nakabalik dito sa amin. Nang makita niya kami’y para siyang nabunutan ng tinik. Akala ko’y kukutusan niya na si Isaw ngunit umupo lang siya sa tapat nito habang nakatingin sa kanya. “Huwag mo na ulit uulitin ‘yon ahh?”tanong niya sa kapatid. Nakapagtataka naman na natahimik si Isaw at marahan lang na napatango. “Pinag-alala mo si Kuya.”sambit niya bago guluhin ang buhok nito. Napanguso na lang si Isaw dahil do’n. “Thank you, Ley.”sabi niya at ngumiti pa sa akin. Tumango na lang ako at nilingon si Isagani. Mukhang tahimik na ito ngayon. Wala rin siyang balak asarin pa lalo ang Kuya niya at nanahimik na lang siya sa isang tabi. Maayos naman na natapos ang rehearsal pagkatapos no’n. Imbis na umuwi pa’y pinakain na lang din kami nina Kapitana ng handa nila. Mabuti na lang pala talaga’y nagbaon pa ako ng t-shirt ko. Napalingon naman ako kay Isaw na wala atang dalang extra. “Dadalhan siya ni Mama mamaya, makikifiesta rin naman ang mga ‘yon.”sambit niya kaya napatango ako. Mukhang ayos na rin naman ito dahil nandito nanaman ang playful aura niya kumpara kaninang seryoso lang ang mukha habang nasa may sound system. “Ano? ‘Yang titig mo parang gusto mo na akong sakmalin.”mapang-asar niyang saad sa akin kaya napairap na lang ako sa kanya. “Feeling mo no? Hindi kita type no, suklay ka muna, bago lumandi.”sabi ko sa kanya kaya tinawanan niya ako. Aba’t ang feeling kasi talaga ng lalaking ‘to, ano namang palagay niya’y type ko siya? Ni wala nga sa kanya ang pinakarequirements para magustuhan ko. Pera. Wala siyang datung, gurl. Nalibang din naman ako sa free time namin habang nasa may sound system kami. Nagpatugtog lang siya roon ng kung ano habang nasa gilid namin si Isaw na siyang mukhang inip na inip na. “’Yan, sama pa ahh.”pang-aasar ni Ino sa kanya. Napanguso lang siya habang nangangalumbaba sa inuupuan niya. Natawa na lang ako sa inip na inip niyang mukha. Maya-maya lang naman ay nagsisidatingan na rin ang mga tao rito sa amin, kanya-kanya na silang upo sa kani-kanilang upuan. Well, hindi naman na bago sa akin ang fiesta rito sa amin, mas lalo na kapag fiesta ng buong Isla Soledad, linggo pa lang bago ang pista’y mukha na talagang fiesta. Ang ilan pa’y nakikidalo sa bahay bahay, which is fine naman, kina Dolo ang maraming handa kapag pista, well, always namang maraming handa roon, kahit normal na araw. I can’t help but to think about her. “Call lang me.”paalam ko kay Ino. “Boyfriend?”tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay. Nagkibit lang ako ng balikat bago ako umalis at tinawagan si Dolo. Sinagot niya rin naman ‘to. Para bang kada araw ay pumapayat ang bilugan niyang pisngi no’n. Naging maganda naman ang takbo ng usapan namin at ngumingiti na rin siya sa mga biro ko. Nang matapos ‘yon ay bumalik na rin ako sa pwesto ko, nilingon naman ako ni Ino kaya pinagtaasan ko lang siya ng kilay. “Ailey, tara na rito.”sabi sa akin ng kasama kong isa pang emcee. Tumango naman ako at lumapit lang do’n. Nagsimula na rin naman ang event maya-maya. Mayroon pang naghanda ng ilang performance bago natapos ‘yon. Dumako naman na rin kami agad sa mga palaro, hanggang do’n ay nagsasalita pa rin ako. Talaga kasing pinaghandaan nila ‘tong event na ‘to. “Uh uh.. wala pa ring nakakaakyat sa ating palasebo, sino kaya ang makakakuha ng tumatagingting na isang libo?”nakangisi kong tanong. “Shit.”hindi ko napigilang sambitin nang makita ko kung sino ang susunod na umaakyat, nasa gilid ko lang ang pasaway na Isaw na ‘yon ahh? Anong ginagawa ng batang ‘yan do’n. Nasa sound system ang Kuya niya at ayaw niya raw doon dahil sobrang ingay kaya naman dinala ko siya sa tabi ko. Hindi pa kasi dumadating ang Mama niya, si Aling Madel. Napansin naman ng kasama ko ang pagkabalisa ko kaya siya na ang nagtuloy sa pag-eemcee namin. “s**t talaga ang batang ‘to.”pabulong na kaba ko sa kaba na mahulog ‘to pero wala siyang kahirap hirap na nakaakyat sa tuktok at nakuha ang flag. Nang makababa siya’y tuwang tuwa itong nagtatatalon habang ang damit ay punong puno ng grasa. Bago ko pa siya malapitan ay may lumapit ng dalawang matanda, ang Mama’t Papa nila. “Ikaw na bata ka talaga.”rinig kong saad ng Mama niya. Hindi ko naman makita ang ekspresiyon ng Papa niya. “Ma, tignan mo! May isang libo na ako!”nakangiti niyang saad at pinakita pa ang isang libo niya. Ginulo na lang ng Mama niya ang kanyanh buhok at natawa na lang din kalaunan dahil sa anak. Napatingin naman ako sa isang banda kung nasaan si Ino, nakatayo lang siya roon mukhang nakita rin ang pag-akyat ng kapatid niya kanina. Hindi ko naman tuloy mapigilang maguilty dahil dito. Ang lakas pa ng loob kong sabihing babantayan ko ang kapatid niya rito sa tabi ko ngunit hindi ko nagawa. Maggagabi na rin bago tuluyang natapos ang event. Paalis na sana kaming lahat kaya lang ay tinawag kami ni Kapitana. “Kain na muna kayo bago magsi-alis, nagpabili ulit ako ng pagkain.”sambit niya at ngumiti pa sa amin. Tumango na lang kami at ngumiti. Ang bait talaga ni Kapitana. “Sorry kanina.”sambit ko kay Ino na siyang katabi ko ngayon. “Ayos lang ‘yon, makulit talaga si Isagani e.”nakangiti niyang saad sa akin at nagkibit na lang ng balikat. Nagpatuloy naman na kami sa pagkain. Agad ko siyang sinamaan ng tingin nang magtatangka siyang kumurot sa chicken ko. Natatawa naman siyang napanguso at tinaas pa ang dalawang kutsara na hawak na para bang sumusurrender. Napatawa naman tuloy ako dahil do’n. “Ang cute niyo talagang magjowa no?”sambit ng isang sk officer. Sabay naman kaming nabulunan ni Ino dahil do’n. “Hindi no!”natatawa kong saad at agad umiling. “Wala siya no’ng pinakabasic na hinahanap ko sa lalaki.”sabi ko ng natatawa. “Oh? Gwapo naman si Ino ahh? Saka matalino kaya ‘yan, scholar ‘yan sa springhill e.”sabi ng babae sa akin. Napakibit naman ako ng balikat. “Ano ba ‘yang pinakabasic na ‘yan? Pwede bang mag-apply?”tanong no’ng anak ni Kapitana sa akin. “Wala ka rin no’n..”sabi ni Ino kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya. Nagpatuloy lang siya sa pagkain. “Ano ba ‘yon?”tanong no’ng sk officer. “Pera.”sabi ko na napatawa pa. Tumawa rin sila, akala ata’y nagbibiro lang ako. Maya-maya lang ay natapos na rin naman kami sa pagkain kaya kanya kanya na rin kaming alis pagkatapos magpahinga sandali. Tumayo na rin naman kami ni Ino at nagsimula na ring maglakad paalis do’n. Our walk became peaceful, maririnig lang ang kuliglig na tila ba hinehele ka habang naglalakad, malayo kami sa bayan kaya marami rami ring puno rito. Well, kahit naman sa bayan. “Why do you like rich guys?”tanong niya sa akin habang naglalakad kami. “Talaga bang kasama ‘yon sa requirements kapag manliligaw sa’yo?”natatawa niyang tanong sa akin. “Oo, bakit? Mag-aapply ka?”natatawa ko ring tanong sa kanya. Hindi naman siya nagsalita at natawa sa akin. “Amfee mo.”natatawa niyang saad kaya natawa na lang din ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Maya-maya ay nakarating na rin kami sa may bahay. Nagpaalam na muna ako sa kanya bago ako nagtungo sa loob ng bahay namin. Nakita ko naman si Mama na siyang nagluluto ng dinner. “Ma, kumain na po ako.”sambit ko kahit tinext ko naman na ‘to sa kanya. Tumango naman siya ng nakangiti sa akin. “Pero kung gusto mo pang kumain ay marami pa rito.”sabi niya sa akin. “O siya pala, anak, dalhan mo sila do’n sa kapitbahay tutal ay marami ‘to.”sabi ni Mama. Nagpaalam naman akong maliligo muna ako. Nagtungo na rin naman ako sa banyo namin kalaunan, nang matapos akong maligo’y nagtungo na ako sa kwarto ko, dalawa kasi ang kwarto rito, kabibili lang din ng kama doon sa kabila. Nagbihis lang muna ako ng pajama ko at fresh na fresh na nagtungo sa kusina para kuhanin ang luto ni Mama. Nagpaalam lang ako kay Mama na siyang tutok lang sa dramang sinusubaybayan niya. Tumango lang ito sa akin. Nakangiti pa ako habanh naglalakad patungo roon ngunit natigilan ako nang makarinig ng sigawan mula sa bahay nina Ino. “Tatanga tanga ka kasi, sino bang nagsabi sa’yong dalhin mo ‘yang kapatid mo?”malakas na tanong mula roon. Sa tingin ko’y papa ‘to ni Ino. Hindi ko man gustong makinig sa usapan nila ngunit hindi ko magawa. Para bang naestatwa na lang ako habang nasa tapat ng bahay nila. “Pa, tama na. Maririnig pa kayo ng kapitbahay, nakakahiya.”sambit ng Mama ni Ino. “Hindi, napakabobo niyang anak mo, paano na lang kung anong nangyari dito sa anak ko? Tapos pinaakyat sa palasebo? Ano gusto mo lang ata talagang idisgrasiya si Isagani e!”galit na saad pa no’ng Papa niya dahil do’n. Nakarinig pa ako ng tili mula sa Mama ni Ino. Hindi pa ko tuluyang nakakatalikod nang lumabas ng bahay nila si Ino. Basang basa ang buhok niya na mukhang kaliligo lang din pero imbis na mapansin ko ang buhok niyang walang suklay. Natigilan lang ako nang makita ang mukha nitong may sugat sa gilid ng labi. Namumula rin ang pisngi niya. Natigilan siya ng makita ako, mukhang nagpupuyos din siya sa galit at sadyang pinipigilan lang ang kanyang sarili. Mariin din ang pagkakakuyom ng kanyang kamay. Tumalikod na lang ako at naglakad na lang patungo sa isa pa naming kapitbahay. Iniabot ko lang ang mangkok ng wala sa sarili bago ako pumasok sa loob ng bahay. Hindi naman na napansin ni Mama ang reaksiyon ko dahil abala siya sa panonood ng tv namin. Hindi naman ako mapakali habang nasa loob ng bahay. Wala naman kaming first aid kit dito sa bahay pero meron naman kaming betadine at bulak kaya ‘yon na lang ang kinuha ko bago lumabas. Nakita ko naman si Ino na siyang nasa gilid lang ng bahay nila habang nakatutok sa kanyang laptop, mabilis pa itong nagtipa rito at mukhang imbis na manggigil sa ibang bagay, ang keyboard ng laptop niya ang pinanggigilan. “Hoy.”tawag ko sa kanya. Natigilan naman siya at mapatingin sa akin. “Oh, gamutin mo sarili mo.”sambit ko na nilagyan ng betadine ang bulak. Nilingon niya lang ‘yon sandali bago niya kinuha. “Sorry..”hindi ko mapigilang sambitin habang nakatingin lang sa kawalan. Guilty ako sa part na nagmagaling pa akong nagsabi ma babantayan ko si Isagani ngunit hindi ko rin nagawa ng maayos. “Ayos nga lang. ‘Di mo kasalanan.”natatawa niyang saad pero nang tignan ko ang kanyang mga mata’y tila ba nangungusap ito na may gustong sabihin. Sa hindi ko namang malamang dahilan ay niyakap ko na lang ‘to bigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD