Chapter 20
Ailey’s POV
“Pucha ka.”natatawa kong saad at tinulak siya. This time ay talagang totoo ang ngiti ko, bakit nga ba kailangan ko pang mag-isip ng mga walang kwentang bagay gayong magkaibigan lang naman kami. Hanggang do’n lang.
“Sa wakas, umabot nanaman hanggang sa tenga ‘yang ngiti mo.”nakangiti niyang saad kaya tinulak ko na lang siya ng natatawa bago ako patakbong nagtungo sa backstage kung saan naroon din ang ilang kasama ko.
“Mabuti’t maaga ka, Sis.”sabi nila sa akin at ngumiti. Binalik ko lang naman ‘yon sa kanila habang inaayos ko ang sarili.
Maya-maya lang ay magsstart na rin ang event kaya nagtungo na ako sa taas ng stage. Dalawa kami ni Theo ang nandito sa stage, siya ang kasama kong emcee. Marami ring estudyante sa quadrangle.
“For our next performer, let’s welcome Mr. Morales.”napanganga naman ako nang makita ko ang pag-akyat ni Ino sa stage. May showcase kasi ngayon para sa magpeperform sa christmas dito, manonood kasi ata sina Mayor. Ang sabi’y malaking opportunity ‘yon lalo na’t may makasama si Mayor sa ibang lugar.
Napalingon pa ako kay Theo dahil hindi ko alam ‘yon. Ngumiti lang siya sa akin. Nilingon ko ulit si Ino na siyang pinagtaasan lang ako ng kilay at nginitian. Mas lalo lang akong nagulat nang pumwesto siya sa tapat ng piano at nagsimulang tumugtog. Nakatitig lang ako sa kanya habang tumutugtig siya roon. Kailanman ay hindi ko pa ito narinig na nagpiano o ano. Although alam ko naman na mahilig siya sa music dahil sa papa niya.
Dumagundong ang ingay mula sa quadrangle nang matapos siya. Hindi ko naman tuloy alam kung paano magrereact.
“Mukha ngang napakagaling ni Mr. Morales, dahil manghang mangha rin ang partner ko, right, partner?”natatawang tanong ni Theo sa akin. Umayos naman ako ng tayo roon. Ngumiti na lang din ako at tumango.
“Talaga ngang nakakamangha, partner.”sabi ko at ngumiti pa.
“Dahil diyan, pakinggan naman namin ang inihandang kanta ni Mr. Morales.”sabi pa niya kaya nanlaki ang mga mata ako at napatingin kay Ino na siyang hindi pa rin umaalis ng stage. Naupo siya sa isang gilid. Pinagtaasan niya ako ng kilay lalo na nang makitang nagtagal ang tingin ko sa kanya.
Puppy Love by gani
That's what I want to say to you
"Babe"
Oh I wish that I could say that too
These feeling I'm sensing right now
They make me want to to burst inside
Is this love I'm feeling for you?
Halos kilabutan ako nang magsimula itong kumanta. Hindi ko alam na marunong pala siyang kumanta, ang alam ko lang ay hindi siya marunong magsuklay. Jk.
I'm so confused
Don't know what to do
When I'm around you
I feel my mind go blank
I really like you
I want to confess
But I'm scared to find out the truth
Whether if you like me back or not
I wonder everyday until my mind goes insane
Please tell me how you feel
Ang dami ko pala talagang hindi alam tungkol dito. This is the first time I heard him sing.
Baby I like you a lot
I love it when you look at me with that smile on your face
Just thinking of you makes my heart skip a beat
Can't fall asleep 'cause reality is finally better than my dreams
Parang wala akong ibang naririnig kung hindi ang tinig niya.. walang nakikita kung hindi ang kanyang mga mata..
Darting eyes
I feel the heat rise up to my cheeks
It's so nice
Knowing that you will always be beside me
They say
That it's only puppy love
Regardless of what it is
I am still in love with you
I really like you
I want to confess
But I'm scared to find out the truth
Whether if you like me back or not
I wonder everyday until my mind goes insane
Please tell me how you feel
Sa pangalawang pagkakataon ay nilingon niya ako, seryosong seryoso ang mga mata. Pakiramdam ko nga’y tuluyan na ‘yong tumagos.
Baby I like you a lot
I love it when you look at me with that smile on your face
Just thinking of you makes my heart skip a beat
Can't fall asleep 'cause reality is finally better than my dreams
Darting eyes
I feel the heat rise up to my cheeks
It's so nice
Knowing that you will always be beside me
They say
That it's only puppy love
Regardless of what it is
I am still in love with you
Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin, ganoon din ang mga labi nito kaya napatikhim ako at nag-iwas ng tingin.
I really like you
I want to confess
But I'm scared to find out the truth
Whether if you like me back or not
I wonder everyday until my mind goes insane
Please tell me how you feel
Baby I like you a lot
I love it when you look at me with that smile on your face
Just thinking of you makes my heart skip a beat
Can't fall asleep 'cause reality is finally better than my dreams
Napapikit ako nang matapos ay hindi na siya tinignan pa.
“Happy birthday.”sambit niya bago siya bumaba ng stage. Napaawang naman ang labi ko dahil do’n at nanlalaki ang mga matang napatingin pa ulit sa kanya ngunit hindi na ito lumingon pabalik. He knew! It’s my birthday today at alam niya nga. Hindi ko alam kung paano ako magrereact doon, mabuti na lang ay nadistract naman na ako kalaunan dahil sa mga sumunod na performer.
Matapos ang event ay hindi ko rin naman nahagilap si Ino, saka ano namang sasabihin ko kung nahagilap ko siya gayong may girlfriend ito. Well, magkaibigan kami kahit na may tinatago akong pagtingin.
Naging maayos din naman maski ang takbo ng klase namin no’ng araw na ‘yon, marami pa ring bumabati sa akin na siyang pinasasalamatan ko rin.
“Happy birthday, Ley, I’m sorry for all the mean things na nasabi ko sa’yo, I realize what you say. Tama ka naman talaga.”sabi ni Kath sa akin at sinubukan pang ngumiti sa akin. Napangiti naman ako sa kanya dahil dito. Tinapik ko lang siya bago ako nagpatuloy sa paglalakad, tinanggap na niya ang pakikipaghiwalay sa kanya ni Jeffrey. Well, wala naman talaga akong say sa relasiyin nilang dalawa. Sila naman ang nasa relasiyon, hindi naman ako kaya lang ay hindi ko maiwasang mangialam lalo na’t nakikita kong madalas na si Kath lang ang gumagawa ng paraan para magwork ang relasiyon nilang dalawa. Well, ano nga naman bang alam ko?
Napakibit na lang ako ng balikat at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng department namin ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalabas ay nakita ko na si Ino na siyang pakaway kaway sa akin. Kusa na lang akong napangiti dahil do’n.
“Ano namang ginagawa mo rito?”nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
“Dani said na huwag ka na raw magtungo sa café ngayon, saka pinapauwi ka na rin ng Mama mo.”sabi niya sa akin nang tuluyan ng makalapit.
“Ano ka? Messenger?”natatawa kong tanong. Nakatingin lang naman siya sa akin habang sinusuri ang ngiti ko sa kanya. Napairap na lang ako at marahan siyang tinulak.
“Ino, si Celly hinihintay ka sa labas.”napatingin naman kami parehas sa isang kaibigan niyang si Quilo. Tahimik lang ito at hindi ko rin gaanong nakikita. Hindi ko nga alam kung paano ‘to naging kaibigan ni Ino gayong sa palagay ko naman ay sobrang magkaiba ng personality nilang dalawa.
Nginitian lang ako nang tipid ni Quilo nang makita niya ako, hindi ata ako napansin nang kausapin niya si Ino. Binalik ko lang din ang ngiti niya.
“Gago, Pre, dami mo kasi masiyadong chi—“hindi na ituloy ni Franco ang sasabihin nang makita ako. Sila ‘yong mga kaibigan ni Ino na pinuntahan niya no’ng birthday ni Liam. Nginitian ko lang si Franco dahil napatikhim siya dahil do’n at umayos ng tayo.
“Pre, ‘di mo ba kami ipakikilala?”tanong ni Franco. May binulong si Quilo sa kanya kaya napanguso ito.
“Ley, Quilo at Franco, kaibigan ko.”sabi ni Ino dahil ngayon lang talaga niya ako pormal na pinakilala sa mga kaibigan niya, although kilala ko naman talaga ang mga ito dahil madalas din nababanggit ni Ino.
“Required ba na o ang dulo ng pangalan bago makasama sa grupo niyo?”natatawa kong tanong. Napatawa naman si Franco do’n habang nangisi lang si Quilo at napailing na lang.
“Bakit apply ka?”tanong naman ni Ino kaya inirapan ko na lang siya. Nagpaalam na rin naman ang mga kaibigan niya kaya parehas kaming natahimik habang papalabas sa school.
“Hindi mo na ako kailangan ihatid sa bahay, ayos lang kung may importante kang lakad, sunod ka na lang.”sabi ko at nginitian siya. Napakunot naman ang noo niya sa akin dahil dito.
“Huh?”tanong niya na napasimangot pa habang nakatingin sa akin.
“Ang sabi ko’y ayos lang kung gusto mong ihatid muna ang girlfriend mo o ‘di naman kaya’y gusto mong makipagdate, kaya ko namang umuwi mag-isa, ipagtitira na lang kita ng handa ko.”sabi ko pa at sinubukang ngumiti sa kanya.
“Huh? Girlfriend? Sino? Grabe, buti ka pa alm na may girlfriend ako, Te.”natatawa niyang pang-aasar. Napairap na lang ako dahil do’n.
“’Yan na girlfriend mo.”sabi ko at bahagya pa siyang tinulak nang makitang papalapit sa amin si Celly. Malapad ang ngiti nito hanggang sa tuluyan ng makalapit sa amin.
“Hi, you won’t need my offer na talaga?”tanong niya kay Ino. Napalingon naman siya sa akin at agad akong nginitian. Tipid ko lang dim siyang nginitian.
“Una na ako.”sabi ko kay Ino at maglalakad na sana paalis ngunit agad niyang nahawakan ang palapulsuhan ko.
“Teka lang.”sambit niya.
“Hindi na talaga, Celly, una na kami, salamat na lang sa offer.”sabi ni Ino at nginitian pa ito bago nagpaalam na aalis na kami. Hindi ko naman maiwasang mapalingon kay Ino dahil dito.
“’Yon ba ang dahilan kung bakit ka nanlamig, aba’t akala ko naman ay nakahanap ka na ng kano sa new york.”sabi niya ng natatawa. Agad naman akong pinamulahan ng mukha dahil dito.
“Ano? Amfee mo talaga! Hindi no! Bakit naman akong magseselos sa inyo ni Celly? Gusto ba kita?”tanong ko at napairap pa. Napatawa naman siya dahil sa dami kong sinabi.
“Wala naman akong sinabing nagseselos ka?”natatawa niyang tanong na may mapang-asar pang tingin habang tinititigan ang mukha kong pulang pula na rin sa kahihiyan ngayon. Hayop talaga.
“Pero huwag kang magselos, ikaw lang gusto ko.”sambit niya pa kaya natigilan kaming parehas.
“Huh?”tanong ko.
“Huh?”napakamot pa siya sa buhok dahil do’n.
“Wala sabi ko happy birthday, hinihintay na tayo sa inyo.”sabi niya ng natatawa at hinila na lang ako paalis ng school.
Para tuloy kaming tuod habang nasa tric, dalawa lang kaming pasahero rito.
“Oh.”napatanga naman ako nang nilabas niya ang box ng sapatos mula sa bag niya, sa palagay ko’y ‘yon lang ang laman no’n. Hindi ko naman alam kung paano ako magrereact habang nakatingin sa may puting sapatos na nasa harap ko ngayon.
“Pasensiya na, ‘yan lang nakayanan ng budget.”nakanguso niyang saad habang nakatingin sa sapatos.
“Hala, gago!”sabay naming sigaw ng dumulas ‘yon at nahulog sa tric.
“Manong, wait lang po.”parehas pa kaming nataranta, laking pasalamat na lang talaga namin na saktong dito na sa kanto namin nahulog.
“Parang tanga kasi ‘to, bakit mo naman kasi sa tric ibibigay!”natatawa kong saad sa kanya.
“I don’t know what to talk about!”reklamo niya ng natataw rin. Hawak hawak ko na ang box ng sapatos ngayon, mabuti na lang din talaga’y wala namang nangyarin kung ano dito. Tawang tawa tuloy maski si manong, bumaba na rin naman kami do’n dahil malapit na lang ang bahay.
“Talaga bang para sa akin ‘to?”tanong ko na hindi pa rin makapaniwala sa kanya. Tumango lang siya at ngumiti.
“That’s the reason why I was with Celly, nagpatulong ako sa isang photoshoot.”sabi niya kahit hindi ko naman hinihingi ang paliwanag niya. Napanguso na lang ako para pigilan ang ngiti.
“Alam mo bang sabi nila bad luck daw ang pagbibigay ng sapatos sa isang tao dahil the person will walk away from you daw.”saad ko.
“Oh?”gulat niyang tanong.
“Akin na ‘yan.”sabi niya kaya agad ko siyang sinimangutan at sinamaan ng tingin. Tatangkain pa rin sana niyang agawin ngunit napairap na lang ako.
“Pucha ka, sabi sabi lang ‘yon! Hindi ko ‘to babalik sa’yo!”sabi ko na natatawang napairap na lang.
“But I can promise you one thing.”saad ko pa at ngumiti ng malapad.
“I won’t ever walk away from you, Ssob!”sambit ko at pakaway kaway pang nanakbo patungo sa bahay.