Chapter 21

2082 Words
Chapter 21 Ailey’s POV “Hoy, ano pang ginagawa mo? Ang tagal.”sambit ko kay Ino dahil naghihintay ako rito sa tapat ng comp shop. It’s already our vacation kaya naman nagpapart time na ulit siya habang ganoon din naman ako. “Ito na, Ssob, tapusin ko lang sandali ‘to, palabas na ako.”saad niya kaya pinatayan ko na lang siya ng tawag at nanatili na lang akong tahimik dito sa labas ng comp shop. Maya-maya lang ay lumabas naman na ‘to. Ngiting ngiti pa siya sa akin na inirapan ko lang naman. “Ang tagal mo! Kanina pa kita hinihintay.”nakasimangot kong saad sa kanya. “Amfee mo! Kanina pa ako pabalik balik sa labas, huwag ka nga.”sabi niya ng natatawa. Napanguso naman ako dahil ‘yon ang totoo. Kakatawag ko lang din talaga sa kanya. Nagtungo naman kami sa plaza dahil mayroon pa kaming trabahong dalawa. Malapad naman ang ngiti naming parehas ng batiin kami ni Ms. Cruz. Matagal pa ang tingin nila sa aming dalawa na siyang tinawanan lang namin. “Kayo na ba?”tanong ng madalas makakita sa aming dalawa. Halos masamid naman tuloy ako dahil dito. “Hindi pa po.”natatawa kong saad at agad umiling. “Hindi pa?”tanong naman ni Ino na nakataas ang kilay. Malapad din ang ngisi mula sa kanyang mga labi kaya agad akong napatikhim. “I mean hindi po.”sabi ko at naglakad na lang patungo sa may loob oara makapag-ayos. Reunion kasi ang event na mayroon ngayon dito, dito nila sa plaza ginanap dahil mga kabatch ata ni Mayor. Maya-maya lang ay nagsimula na ang event, kasama ko ang isang matandang lalaki na mukhang kaibigan ni Mayor. “Good evening po.”nakangiti kong saad sa kanya. “Good evening din, Hija.”bati niya sa akin. Mukhang sana’y na sana’y na rin naman ‘to sa paghohost. Naging maayos naman ang takbo ng event. “Can you call the girl in emerald green?”tanong ng matanda sa akin. “That’s my wife and it’s our anniversary today.”sabi niya na ngumiti pa sa akin. Napaawang naman ang mga labi ko dahil dito at nakangiti na lang na tumango. “Can I call the girl in emerald green to join our last game for today?”nakangiti kong tanong kaya medyo nagulat naman ang babae. Kanina pa rin kasi ‘to nakikipagkwentuhan sa isang tabi. “Happy anniversary, Darling.”nakangiti niyang saad sa asawa iniabutan ito ng isang bungkos ng rosas. Naghiyawan naman ang matatanda. Kusa na lang akong napangiti dahil dito. If my father’s still alive, sigurado akong ganito rin ang pagmamahalan na mayroon sila ni Mama. That everlasting love. ‘Yong kahit na gaano katagal, ganoon pa rin. I never really wish that kind of love, ang gusto ko lang no’n ay ang makapangasawa ako ng mayaman. Nothing more, nothing less. Napatingin ako sa kung nasaan si Ino, nakatingin lang siya sa kung nasaan ang dalawang matanda at may tipid lang ngiti mula sa kanyang mga labi, nagulat na lang ako nang napatingin din ito sa akin. Matagal lang kaming nagkatinginan at walang ni isang gustong mag-iwas ng tingin kaya pinagtaasan ko na lang siya ng kilay. Nang matapos ang event ay kumain lang din kami dahil marami rin naman silang inihandang pagkain. Kalaunan ay parehas na kaming naglalakad pauwi ni Ino. Ni hindi ko rin maisip kung ano bang iniisip nito. “Ice cream muna tayo!”sambit ko sa kanya, hindi naman na siya umangal pa kaya nagtungo lang kami sa convenience store sa malapit. “Daming customer ngayon? Mukha kang pagod.”sabi niya habang inaayos ang nalaglag kong buhok. Isiniksik niya lang ito sa aking tenga. “Sinasabi mo bang ang pangit ko ngayon?”tanong ko na sinamaan siya ng tingin. Napatawa naman siya dahil do’n at naiiling akong tinignan. “Aba, wala akong sinasabing ganyan, ikaw ang nag-iisip ng kung ano.”natatawa niyang saad kaya agad akong napairap at sinamaan siya ng tingin. “Lagi ka namang maganda, arte.”natatawa niyang saad habang pinapahid ang ice cream na mayroon sa aking gilid na labi. Hindi ko maiwasang mapanguso dahil dito. Sumakay na rin naman kaming tricycle kalaunan habang nagkukwentuhan lang ng kung ano. Nang makarating sa bahay, nagpaalam na rin naman agad kami sa isa’t isa. “Mas lalo ka talagang napapalapit sa anak ni Madel, nak..”halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Mama na siyang nakatayo sa may tapat ng pintuan namin. “Ma! Bakit ba ng gugulat kayo?”natatawa kong tanong sa kanya bago kinawit ang mga kamay ko habang papasok sa loob ng bahay. “Kailan ka ba aamin sa akin, huh? Ayos lang naman sa akin na magkaroon ka ng nobyo, Nak.. huwag kang mag-alala.”sabi pa niya kaya hindi ko maiwasang matawa. “Ma..”naiiling ko na lang na saad. “Mabait naman na bata si Ino saka nakikita kp rin naman na talagang gusto mo ito.”sabi niya pa kaya nailing na lang akong nag-iwas ng tingin. “Mama talaga oh.”napatawa pa ako lalo nang magsalita nanaman siya. “Alam mo ba kung ano ‘yong bagay na siyang pinasasalamatan ko hanggang ngayon?”tanong niya habang nakangiti. Nakinig lang naman ako sa kanya. “’Yon ‘yong pakasalan ang papa mo. Na hindi ko siya iniwan kahit na anong mangyari dahil nagkaroon akong kayo.”sabi niya at hinalikan ako sa noo. Napangiti na lang ako dahil do’n. Masaya naman akong natulog pagkatapos no’n. Nagising na lang ako dahil sa ingay dito sa laba. “Good morning, Ley!”nagulat naman ako nang makita si Ino na nandito sa bahay. Agad ko siyang pinagtaasan ng kilay ngunit nakita ko si Isaw na siyang may dalang pandesal. “Ate, dito daw po muna kami kakain sabi ni Mama ko, ibinilin kami kay Aling Imelda.”tukoy niya sa Mama ko. “Oh? Nasaan si Aling Madel?”tanong ko sa kanya. “Nagdate sila ni Papa.”nakangiti pang saad ni Isaw na siyang kinutusan lang ni Ino nang mahina. Agad namang napanguso si Isaw dahil do’n at sinamaan ng tingin si Ino. “Nasa hospital sila ngayon, mabilis lang naman.”sabi ni Ino at ngumiti sa akin. “Halina kayo’t kumain na muna tayo.”sabi ni Mama sa amin kaya tatlo naman kaming nagtungo do’n. Napangiti na lang ako dahil buhay na buhay ang bahay namin dahil sa magkapatid. “Kuya, crush mo si Ate Ley no?”tanong ni Isaw sa Kuya niya na siyang tinawanan ni Mama. Sinubuan na lang niya ang kapatid ng pandesal na may itlog kaya napatawa ako. “Manahimik ka, Isagani, sinasabi ko sa’yo ihahagis talaga kita sa kabilang kanto.”banta ni Ino sa kapatid. Ngumuya nguya muna ito bago nagsalita. “We? Crush mo lang si Ate e! Nakita kita nakatitig lang sa kanya! Saka no’ng pinalamanan mo ng itlog sobrang kapal!”reklamo ni Isagani na siyang tinawanan naman ni Mama. Aliw na aliw talaga ‘to kay Isagani. Siguro’y naalala ang mga taong tuluyan na kaming kinalimutan. Tsk. “Isagani, ibabalik talaga kita sa sinapupunan ng nanay mo.”bulong ni Ino sa kanya na siyang ikinanguso lang ni Isagani. Natawa na lang ako sa kanilang magkapatid at pinagtaasan ng kilay si Ino na siyang nakatingin sa akin ngayon. “Tapos ka na? Halos ‘di ka kumain.”sabi niya na nag-abot ulit ng pandesal sa akin. Nakatitig naman sa aming dalawa si Mama at ito nanaman ang malisosiya niyang tingin na siyang inilingan ko na lang. “Ayos lang po ba talagang iwan si Isagani sainyo?”tanong ni Ino na nahihiyang nakatingin kay Mama nang paalis na kami at tutungo na ngayon sa comp shop.. “Ayos lang, hijo, pauwi na rin naman ang Mama’t papa mo, hindi ba? Susunduin din naman nila ang kapatid mo.”sabi ni Mama na nginitian siya. “Pasensiya na po talaga. Saka advance na po akong humihingi ng tawad.”sabi niya pa kaya napahagalpak ako ng tawa. Alam na kasi agad niyang may kung ano nanamang magagawa si Isagani, ang kulit pa naman ng kapatid niyang ‘yon, hindi mapirmi sa isang tabi. “Siya sige na, baka mahuli pa kayo sa trabaho.”sabi ni Mama sa amin. Kumaway lang naman ako sa kanya paalis. Naglakad naman na kami palabas ng kanto, hindi ko naman maiwasang mapanguso para pigilan ang ngiti nang dumampi ang mga kamay ni Ino sa akin at katulad ng dati’y hinawakan niya ito. “Susunduin kita rito, huwag ka agad aalis.”sabi niya nang ihatid ako sa café. Malapad naman akong ngumiti sa kanya at tumango. “Yes, Ssob!”sambit ko na sumaludo pa. Pinitik niya lang ang noo ko bago siya nagpaalam sa akin. Papasok pa lang ako’y narito nanaman ang mga matang nanliliit habang nakatingin sa aming dalawa. Natawa pa ako habang pinagmamasdan ang maiissue’ng tingin ng mga kasamahan ko sa trabaho. Hindi pa rin talaga sila nasasanay hanggang ngayon. Pumasok na lang ako sa kitchen at nagsimula na ring magtrabaho, si Dani’y abalang abala rin naman sa cellphone niya. Binati niya lang ako sandali bago siya nagpakalulong nanaman sa cellphone niya. Naging normal naman ang araw ko ngayon, si Ino’y bumibisita pa rin dito kapag lunch, sabay kaming kumakain ng mga baon namin. Nang matapos naman ang trabaho’y nandito na rin siya para sunduin ako at sabay na umuwi. “Aba’t hindi mo pa rin sinasagot ‘yang manliligaw mo, Ley?”tanong ni Dani na siyang sinamaan ko ng tingin. Natawa lang naman si Ino sa kanya bago siya nagpaalam dahil aalis na kami. “Ingat kayo, sagutin mo na, ‘te, kung ako sa’yo pipikutin ko na ‘yan.”natatawang saad ni Dani na siyang binantaan ko lang. Tumawa lang naman siya sa akin. Habang naglalakad patungo sa tricycle, katulad ng dati hinawakan niya lang ulit ang kamay ko. Nang nasa tric na kami’y hindi ko maiwasang pagmasdan ang kamay naming magkahawak. Hindi ko na talaga sigurado kung ano bang meron. Hindi ko alam kung gusto niya ba ako o sadyang maharot lang ang mokong. Kumportable naman ako sa katahimikan naming dalawa habang nasa tricycle, kinukwentuhan niya lang din ako patungkol sa nangyari sa shop. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa kanto namin, do’n na rin kami binaba ni Manong dahil nagmamadali raw siya, may bawas naman kaya ayos lang. Napatingin ulit ako sa kamay naming hindi pa rin niya binibitawan hanggang ngayon. Huminto ako sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng street light. “Bakit? May problema?”tanong niya nang nakakunot ang noo. “Ano ba tayo?"tanong ko sa kanya nang lingunin ko siya. "Tao?"tanong niya naman pabalik na siyang ikinasimangot ko. Sinamaan ko siya ng tingun dahil dito kaya napatawa siya ng mahina, halatang walang balak magseryoso. "Pucha naman, Inocencio, kokonyotan nakita."sambit ko sa kanya at inambaan pa siya. Tinaas niya naman ang dalawang kamay tila ba sumusuko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa itsura nito. "Gusto mo ba ako?"walang kangiti ngiting tanong ko. Seryoso lang ang mga mata ko habang nagtatanong sa kanya. Naging seryoso rin naman ang mukha niya nang makitang hindi ako nakikipagbiruan sa kanya, matagal bago siya nakasagot. "Liligawin kita kapag mayaman na ako."sabi niya at nag-iwas ng tingin. Wala naman ata akong tinanong na ganoon. "Ang tanong ko gusto mo ba ako?"tanong ko ulit na nakataas ang kilay sa kanya. "Oo.”seryosong saad niya habang nakatingin sa akin. Malapad naman akong napangiti dahil do'n. Hindi ko na napaigilan pa ang mapangiti. "Sige na nga, syota na kita."sabi ko at hinalikan siya sa labi. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob. Naestatwa naman siya dahil do'n. Hindi niya rin alam kung paano ba siya magrereact. Napangiti na lang ako nang matapos ang halik. Tinalikuran ko na siya at maglalakad na sana paalis kaya lang ay nahawakan niya ang palapulsuhan ko. “Am I joke to you, Ailey? Anong syota? Sa tingin mo ba pang short period of time lang kapag naging tayo?"tanong niya na nakasimangot. Napatawa naman ako dahil do'n. "Edi nobyo! Oo na, nobyo na kita, dami pang say."sabi ko nang natatawa sa kanya, maglalakad na sana ulit ngunit nagulat na lang ako nang dumampi na ang malambot na mga labi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD