"Hindi kami makakarating sa graduation mo dahil busy rin kami sa pag-o-organize ng party ni Linz. Alam mo naman na nagtapos siya ngayon at kaarawan din niya. Pasensya ka na, kumain ka na lang pag-uwi mo."
Ang mensahe ni Mommy Loth ni Isabelle. Si Linz na naman ang pinaboran. Kahit ang kuya niyang si Steffen ay gano'n din. Napabuntong-hininga na lamang si Isabelle. Susunod na siyang tawagin. Tatanggap siya ng karangalan bilang Summa c*m Laude nang mag-isa, bukod pa sa ibang karangalang tatanggapin niya. Kaya nang tinawag ang kaniyang pangalan ay tumayo na lamang si Isabelle at tumungo ang stage. Hindi lang siya tatanggap ng kaniyang mga pinaghirapan, kundi may speech pa siya. Kaya sa gitna ng kaniyang pananalita sa harap ng karamihan, hindi mapigilan ni Isabelle na tumulo ang kaniyang luha habang ipinaparating ang kaniyang mensahe. Everybody touches her speech because they even know what Isabelle is going through and that makes them feel pity for her. Lalong-lalo na ang kaniyang mga kapwa estudyante, kaibigan at teachers. Pagkatapos, ang ganap na pagtatapos ni Isabelle ay agad din niyang hinubad ang suot na makintab na toga. Tinanggal na rin niya sa kaniyang leeg ang kaniyang mga gintong medalya. Iniligpit na niya ang mga ito para makaalis na.
"Isabelle!" Tawag ng Den ng University.
Napalingon si Isabelle sa tumawag sa kaniya. Nang mapag-sino ang tumawag ay saka lang malawak na ngumiti si Isabelle.
"Maam, nandito po kayo." Ang nangingiting tanong pa rin ni Isabelle.
Agad na hinaplos nito ang pisngi ni Isabelle at tsaka kinuha ang kaniyang dalawang kamay.
"Congratulations! Napakagaling mo."
Ang pagbating iyon na narinig ni Isabelle ang pinakamagandang nangyari sa kaniya sa araw na ito.
"Thank you, Maam." Tugon ni Isabelle, saka nagyakapan silang tila naluluha na sa isa't isa.
Nang pareho na silang bumitiw sa pagkakayakap ay naramdaman ni Isabelle ang mainit na pagpapahalaga ni Ma'am Aurelia sa kaniya.
"Maraming-maraming salamat din po sa lahat, Ma'am Aurelia. Ang tagumpay ko pong ito ay dahil sa aking mga natutunan sa inyo at sa eskuwelahang ito na idinagdag pa sa aking kaalaman." Pahayag ni Isabelle na wala nang luha sa kaniyang mga mata.
"That's my girl." Ang kinikilig na saad ni Ma'am Aurelia.
Sa wakas, muling ngumiti si Isabelle.
"Just go... Celebrate your success!" Pagtataboy pa ni Ma'am Aurelia kay Isabelle.
Masaya namang nag-flying kiss si Isabelle bago patakbong umalis.
Nang napalitan na ng dilim ang liwanag, matatagpuan ang kawalang-ganang si Isabelle na umiinom ng inuming moderate lang naman ang alcohol. Nasa tabi siya ng isang turo-turo na may mangingilan ding kumakain. May mga kasama at kapareha ang ibang nandoon na kumakain, maliban na lamang kay Isabelle na ang alak at barbecue stick lang ang nasa kaniyang harapan. Gan'yan kasimple si Isabelle. Mayaman man ang pamilya niya, kahit hindi ginigipit ng pamilya niya ang sustento para sa kanilang magkakapatid, hindi naging abusado si Isabelle sa kaniyang sariling pera, lalo na sa kaniyang allowances noong nag-aaral pa siya. Ginagamit niya sa tama ang pera. Alam niyang hindi biro ang paggastos sa pag-aaral ng anak.
Nangiting kinakausap ni Isabelle ang kaniyang sarili. "C-Cheers... C-cheers..."
Medyo tinamaan na nga ng alcohol si Isabelle kahit moderate lang ang porsyento ng kalasingan nito. Sumisidhok si Isabelle. Malapit na niyang maubos ang ikalimang bote ng 12 oz na alak.
"Isabelle, Isabelle, Isabelle..." Nalulugtoy na sambit ni Isabelle sa kaniyang sariling pangalan. Pagkatapos malalim na napabuntong-hininga.
"N-Natapos mo rin... Ang lahat! D-dapat ma... M-masaya ka ngayon... 'Di ba? Sila? Pabayaan mo na sila kasi wala naman silang ambag sa 'yo! Wala silang pakialam at lalong hindi ka nila mahal!"
Ang salitang ito ni Isabelle sa kaniyang sarili ang nagpatigil sa kaniya. Parang nagproseso sa kaniyang utak ang lahat ng nangyari, kaya sa huli, kahit may kalasingan na, napaiyak na lang si Isabelle. Naging emosyonal siya sa sandaling ito hanggang sa nakatulog siya sa ibabaw ng kaniyang mesa.
Ilang minuto ang nagdaan. Naramdaman na lamang ni Isabelle na may yumuyog na sa kaniyang balikat.
"Iha, Iha gumising ka. Gising."
Para pang-naudlot ang mahimbing na pagkakaidlip ni Isabelle nang gisingin siya ng may edad na ngang babae.
"Iha, nalasing ka na yata. Umuwi ka na sa inyo. Kanina ka pa rito. Magligpit na kami." Utos ng may edad na babae kay Isabelle.
Parang doon lang nahimasmasan si Isabelle. Lumiwanag ang paningin niya sa paligid. Sapo ng kamay niya ang ulong tila may bahid ng pananakit.
"Pasensya na po. Nagustuhan ko po ang barbeque at alak ninyo kaya nakatulog ako. Pasensya na talaga," paghingi ng despensa ni Isabelle.
Tinapik siya ng may edad na babae sa kaniyang balikat.
"Ayos lang, Iha. Sige na umuwi ka na dahil mukhang pagod na pagod ka at nakasuot ka pa ng uniporme mo. Graduate ka ba?" May pagtataka sa boses ng may edad na babae.
"Ah, o-opo. S-sige po. Aalis na po ako."