Napipi ako sa mga sandaling iyon. Anumang gising ko sa sarili ko, batid kong hindi na panaginip ito. Humihiling na lang ako na sana iba ang narinig ko. Ngunit nang lumipas pa ang ilang segundo, mahina niya pang inulit iyon. “Minahal kita… noon hanggang ngayon.” Dinig na roon ang pagsusumamo. Lalo pang pumungay ang naninitig niyang mga mata. Hindi ko inakala na sa kabila ng lahat ng ito ay magagawa niyang aminin iyon sa akin. I just told him everything, mula umpisa ng trahedya ko hanggang sa makulong si Cullen. I even told how I fell in love with my current boyfriend. Kaya nakapagtatakang sinabi niya ito sa akin kahit na alam naman na niya ang lahat. Umatras ako ng isang hakbang nang mapansing aamba pa siya ng lapit sa akin. Marahan akong umiling habang ang bibig ay naka-awang.

