“Palayain mo na siya!” Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ko iyon habang tinatahak ang daan. Marami sa mga tao rito ang nag-iinuman. Amoy na amoy din ang usok ng vape at sigarilyo. Ang bawat isa ay nagkakasiyahan at animo’y walang pinagdadaanan. Sa mga mukha nila, mababatid na sa kanilang ekspresyon na wala na sila sa katinuan. “Palayain mo na ang anak ko! Maawa ka!” ulit pa ng nakabibinging alingawngaw sa aking isipan. I can’t help but feel the pain of her mother. Nagpupuyos man sa awa at pagsisisi ang puso ko, maging ako ay nais na ring makalaya siya. Napalunok ako at inayos ang suot na shades. Tonight is my escape from those problems. Ang ironic lang isipin dahil kagagaling ko lang ng bakasyon noon ngunit bumungad kaagad sa akin ang ganoong eksena. Limang buwan na ang na

