Agathus' POV Sinumpong na naman sa kamalditan ang asawa ko. Sabagay, magde-disi-nwebe pa lang ito at buntis pa. Mahilig pa siyang mag-walkout. Sinundan ko siya sa kusina, pero bahagya akong umatras nang makita ko siyang abala sa pagkain niya. Lihim ko siyang kinuhanan ng litrato—may butil pa ng kanin sa pisngi niya. Sobrang cute talaga ng asawa ko, kaso topakin. Nagkaroon siya ng anxiety matapos ang bangungot niya nung isang gabi. Minsan natutulala siya bigla. Gusto ko sana siyang ipatingin sa kaibigan kong psychiatrist, pero mariin niya itong tinanggihan. Ang masaklap, pinagseselosan pa niya ito. Kanina, nanonood lang ako ng basketball, tapos pangalawa lang naman sa oras ko ‘yung psychiatrist. Pero mula nang mabuntis siya, mas naramdaman ko ang matinding pagseselos niya. Ang hirap

