SA ibang bansa ako nanganak. I haven’t had the chance to tell Luciel about my pregnancy. Wala na rin akong masyadong contact sa mga taong nakilala ko sa Pilipinas except kay Fatima na bukod tanging katawagan ko parati. My parents made sure that no one can track us. Kahit alam nila na hindi naman pwedeng basta ipamigay ang impormasyon ng flight namin noon, sinigurado pa rin nilang walang makakaalam. Dad is an influential person, kaya panatag ako na kung sakaling manghingi si Luciel ng impormasyon tungkol sa pag-alis ko, hindi niya makukuha. Naluha ako nang sa unang pagkakataon ay makita ko ang anak ko. It’s been months since I started living my new life here. Naging madali sa akin ang buhay dahil sa tulong ng mga magulang ko. My father will often visit us. Hindi kasi siya makasama sa am

