Miyona Saimori
"Kuya Boyet, dito na lang po sa tabi," sabi ko sa driver ko nang makarating kami sa tapat ng gate ng bahay namin.
Agad din naman niyang inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada.
Mabilis siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto dito sa backseat.
"Salamat po, Kuya Boyet," ani ko habang bumababa.
"Magtatagal po ba kayo, Ma'am?" tanong niya pagkasara niya rin ng pinto.
"Ah, mabilis lang po. Siguro mga thirty minutes. Iiimpake ko pa kasi ang mga gamit ko."
"Sige po." Tumango din naman siya. "Tawagin niyo lang po ako para mabuhat ko sila palabas."
"Sige po."
Tumango ako at nagtungo na rin sa gate.
Binuksan ko ito gamit ang sarili kong susi bago pumasok sa loob.
Sakto lang naman ang laki nitong bahay namin na dalawang palapag ang taas. Hindi mansyon na katulad ng mansyon ni Noah. May garage din ito na kasya ang dalawang car at mayroon lamang pocket garden sa gilid.
Ang car ni Dad ay kasama niyang nawala noon. Habang binenta naman ni Tita Laura ang isa pa na naubos lang sa luho nilang dalawa ni Lynette. Matapos niyang ibenta 'yon, nag-shopping sila nang malala ni Lynette. Kaya ngayon, nagtitiis na lang sila sa pagko-commute.
Pumasok ako sa loob ng bahay.
Ngunit nagulat ako nang maabutan ko ang dalawang taong naglalampungan sa sala—si Lynette na nasa ibabaw ng isang lalaki. Pareho silang hubo't hubad sa sofa. Tumatalbog-talbog ang mga s**o ng kapatid ko habang gumigiling at nagtataas-baba sa ibabaw ng isang lalaki. Pareho silang umuungol nang malalakas.
Napatingin din sila agad sa akin.
"What the f**k?!" sigaw ni Lynette kasabay nang pag-alis sa ibabaw ng lalaki at dinampot ang mga nagkalat nilang damit sa sahig.
Nagbawi din agad ako ng tingin at bumaling sa ibang direksyon. "Wala ka bang kuwarto?" inis kong tanong sa kanya.
"Ano bang pakialam mo?!" sigaw naman niya.
Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagmamadali niyang magsuot ng damit.
"Bakit ka ba nandito?!" aniyang muli. "Hindi ka na dito nakatira, 'di ba? At sana naman, kumatok ka muna bago pumasok!"
Muli ko siyang nilingon at binigyan ng seryosong tingin. "Bahay ko pa rin 'to at may karapatan pa rin akong gawin ang gusto ko."
Bigla siyang tumawa.
Nakangisi rin habang nakatitig sa akin ang lalaki. Nananatili itong nakaupo at nakasandal sa sofa habang tinatakpan lang ng kapirasong tela ang alaga niya.
"Whoa! Isang araw ka pa lang sa poder ng matanda mong fiancé, naging matapang ka na agad," ani ng kapatid ko. Naglakad siya palapit sa akin. "Nagmamalaki ka na agad? Kumusta ang unang gabi niyo? Masarap pa ba siya? Mukhang sobrang kunat na at kulubot pa. Amoy lupa pa!" Tumawa siya ng malakas na may halong pandidiri.
Nginitian ko rin siya. "Okay lang," sagot ko. "Nakikita mo ba itong mga suot ko? Pati itong bag ko? Naaamoy mo ba ang gamit kong pabango?"
Napahinto naman siya bago lumibot ang mga mata niya sa kabuuan ko. Mas lumapit rin siya ng bahagya sa akin at umamoy sa hangin.
"Branded lahat, na 'di mo kayang bilhin," dagdag ko bago ko siya inismiran at nagtungo sa hagdan.
Habang umaakyat ako ng hagdan ay kitang-kita ko ang paghabol niya ng tingin sa akin habang nakakuyom ang mga kamao at may panggigigil sa mukha.
Pagpasok ko sa loob ng silid ko ay agad kong inilabas ang dalawang suitcase ko. Ipinasok ko dito ang mga sinusuot ko pang mga damit, sapatos, at iba pang mahahalagang bagay para sa akin.
Napatitig ako sa teddy bear ko sa kama na binigay pa sa akin ni Papa noong bata pa lang ako. Lumang-luma na siya, pero hanggang ngayon ay niyayakap ko pa rin siya sa tuwing natutulog.
Dinampot ko siya at inilagay sa tabi ng suitcase ko.
Dinampot ko rin ang picture frame na nakapatong sa ibabaw ng bedside table—picture naming dalawa ni Papa noong bata pa lang ako.
Marahan ko itong hinaplos kasabay nang pamimigat ng dibdib ko. Hindi ko mapigilang humikbi at umiyak.
"Iiwan ko muna pansamantala itong bahay natin, Papa. Pero babalik-balik pa rin naman ako dito dahil sa ating dalawa 'to... Hindi ko alam kung gaano katagal ang ipapanatili ko sa ... bagong tahanan na kinaroroonan ko ngayon... Siguro magsasawa din sa akin si Noah at palalayain din ako balang-araw... O maaari ring ... habambuhay ko nang pagbabayaran sa kanya ang napakalaking halaga na ibinigay niya kay Tita Laura..."
Napahinga ako ng malalim.
"Isasama ko ang picture natin, Papa. Para kahit wala ka, parang kasama pa rin kita."
Ipinasok ko rin ito sa loob ng suitcase.
Napalingon naman ako sa pinto nang bigla itong bumukas at bumungad doon si Lynette. Sumandal siya sa gilid niyon habang naka-cross arms at tinataasan ako ng kilay. "Kaya ko ring bumili ng mga suot mo ngayon, okay?" aniya. "Naaalala mo bang may hawak na kami ngayon na 20 million ni Mama?"
Muli na naman siyang tumawa.
"Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa'yo," aniyang muli. "Thank you, my dear sister. Dahil sa'yo, mabibili ko na ang lahat ng gusto ko."
"Yong 20 million na 'yon, presyo lang 'yon ng car na gamit ko ngayon," sagot ko.
Muli naman siyang natigilan. Naglahong bigla ang ngiti sa mga labi niya.
"Hoy!" agad niyang sigaw sa akin. "Sabihin mo dyan sa matanda mong fiancé, may utang pa siyang 20 million kay Mama! Ipinangako niyang ibibigay niya 'yon sa oras na maikasal na kayo!"
"Napakakapal naman ng mukha mo, Lynette," sagot ko. "Ibenta mo rin kaya 'yang sarili mo sa mayayamang matatanda para magkapera ka."
"Hindi na kailangan dahil mayaman na ang boyfriend ko at malapit na rin kaming magpakasal!"
"Mayaman? Parang wala akong nakitang kotse niya sa labas."
"Meron! Hindi mo lang napansin! Pwede ba, bilis-bilisan mo na dyan?! Umalis ka na dahil ginambala mo ang masarap naming activity kanina! 'Yon ang wala ka dahil bata pa at fresh na fresh ang boyfriend ko! Tumitigas pa na parang batuta ang alaga niya. Hindi katulad ng asawa mong matanda na siguradong umiinom pa ng Viagra para lang tumigas ang ari!"
Natawa naman akong bigla sa sinabi niya.
"Fine. Aalis na ako. Magpakasarap kayo, okay?" Binuhat ko na ang dalawang suitcase ko na hindi naman kabigatan. Inipit ko rin sa kili-kili ko ang teddy bear na may kalakihan rin at lumabas na ng silid ko.
Nakasunod naman sa akin si Lynette.
Ngunit pagdating ko sa hagdan ay bigla na lamang may tumulak sa likod ko. Nabitawan ko ang mga suitcase at dire-diretso akong nahulog. Tumama ang balakang ko at ilang parte ng katawan ko sa hagdan.
"Ah!" napadaing ako sa magkakasunod na sakit. Tumama rin ang ulo ko sa isang matigas na bahagi ng hagdan. Nahilo ako at parang nabinging bigla.
"Miyona!"
Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o talagang narinig ko ang malakas na boses ni Noah.
Namalayan ko na lamang na may mga braso nang bumuhat sa akin.
"S-Sino ka?" dinig kong tanong ni Lynette.
Pilit kong idinilat ang aking mga mata at mukha ni Noah ang bumungad sa akin. Napakadilim ng anyo niya at nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig sa itaas ng hagdan—kay Lynette.
"N-Noah..." sambit ko. Manhid ang buo kong katawan sa tindi ng sakit—para akong binugbog ng sampung kabayo.
Yumuko din naman siya sa akin. "Are you okay? I'll take you to the hospital," aniya. Nababasa ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
Hindi na ako sumagot pa. Sumandal na lamang ako sa balikat niya.
"Boyet, get the suitcases," utos niya sa driver ko.
"Yes, boss." Nakita ko ang mabilis na pagkilos ni Kuya Boyet at agad na dinampot ang mga suitcase ko.
"T-Teddy bear ko," mahinang sambit ko.
Dinampot din naman 'yon ni Kuya Boyet at isinama sa paglabas sa bahay.
Nagpatuloy na rin sa paglalakad si Noah patungo sa pinto.
"Sandali!" bigla namang sigaw ni Lynette.
Mabilis siyang bumaba ng hagdan at humarang sa daraanan namin.
"Sino ka ba?!" tanong niya. "Kabit ka ba nitong kapatid ko?! Alam mo bang ikakasal na 'yan sa isang matanda na binili siya sa halagang 20 million?!"
Tumingala ako kay Noah.
Nakita ko ang pag-igting ng panga niya habang nakatitig kay Lynette.
"Tell your mother I’m taking back the 20 million I gave in exchange for the harm you caused my wife," mariin niyang sabi.
Bigla akong napalunok sa pagtawag niya sa akin na 'wife'. Kahit nananakit ang buo kong katawan, nakaramdam pa rin ako ng saya sa puso ko.
Nilingon ko si Lynette at kitang-kita ko ang pagbalatay nang matinding gulat sa kanyang mukha. "A-Ano'ng sinasabi mo? H-Huwag mong sabihing ikaw ang fiancé niya?! Hindi ako nakikipaglokohan dito!"
"Hindi rin ako nakikipaglokohan, Lynette Suarez!" malakas na sagot ni Noah. "If you can’t return the 20 million to me by tomorrow, you’re leaving this house."
"H-Huh?" Lalo pang bumalatay ang matinding gulat sa mukha ng half-sister ko. "H-Hindi... hindi... I-Ikaw talaga 'yon? A-At bata ka pa? At guwapo..." Tumulala siyang bigla kay Noah.
Hindi naman na siya sinagot pa ni Noah. Tuluyan na rin namin siyang nilampasan hanggang sa makalabas na kami ng bahay.
Dire-diretso niya akong inilabas ng gate habang buhat at ipinasok sa mismong kotse niya.
"Carlo, we’re going to VM Health Center," aniya sa tauhan niya. "Hurry."
"Got it, boss," sagot din nito, at segundo lamang ay umandar din kaagad ang aming sasakyan.
"Are you okay?" malambing na tanong sa akin ni Noah habang hinahaplos ang pisngi ko.
Nakasandal pa rin ako sa dibdib niya at yakap naman niya ako.
"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" mahinang tanong ko imbes na sagutin ang tanong niya.
"Tinawagan ko si Boyet kanina at inalam ko kung nakauwi na ba kayo sa atin. He said you went to your house. And since I was already near this area, I decided to stop by."
Hindi na ako sumagot pa.
"Palagi ba itong ginagawa sa'yo ng kapatid mo?" tanong niya. "I saw how she pushed you down the stairs earlier."
"S-Sanay na ako—"
"Sanay?" mabilis niyang tanong habang nagsasalubong ang mga kilay. "You could have died on those f*****g stairs… I won’t allow her to keep doing this to you."
"H-Hayaan mo na. Hindi naman na ako babalik dito."
"I’ll still do what I told her earlier. They don’t deserve that 20 million."
Hindi na ako sumagot pa.
Totoong sadista ang kapatid kong 'yon. Manang-mana siya sa kanyang ina. Marami na silang pananakit na ginawa sa akin na hindi ko na mabilang pa. Kaya may ilang peklat din ako sa katawan dahil sa kanila. Pinaso nila ako ng plantsa. Binuhusan ng mainit na tubig at kung anu-ano pa.
Tama. Hindi ko pipigilan si Noah anuman ang gusto niyang gawin sa mag-inang 'yon. Hindi ko rin kailanman itinuring na kapatid ang Lynette na 'yon kahit pa anak siya ni Papa.
Dahil pareho silang demonyo ng kanyang ina.