“Dito may mga bata pa.” wika ng isang armadong lalaki habang nakaturo sa mga kumpol ng bata. Bakas ang takot sa mga mukha nito. Karamihan pa dito ay mga nasa edad sampu pababa. “Huwag nyo po kaming sasaktan.” Wika ng isa sa kanila na mukhang pinakamatanda sa lahat. Lumapit dito ang lalaki at umupo upang maging kapantay niya ang batang iyon. “Huwag kang mag-alala. Ligtas na kayo ngayon.” Wika nito at saka binigyan ng matamis na ngiti ang bata. Dahan-dahang humupa ang luha ng bata dahil sa sinabi ng lalaki. Dumating narin ang iba pang mga lalaki upang tulungan ang mga batang naiwan dito sa evacuation center. “Nasaan ang mga magulang nyo?” tanong ng lalaki sa batang iyon. “Hindi po namin alam. Bigla nalang po silang pinatawag ni Mayor. May relief daw po.” Wika ng bata. Hindi

