Kaliwa’t kanang putukan ng baril ang maririnig sa b****a ng palasyo. May mga sundalo sa loob nito na nakikipagpalitan ng bala ng baril sa mga armadong kalalakihan na nasa labas nito. May ilan na ring mga katawan ang nakahandusay sa lupa at mga wala ng buhay. “Paano ito nangyare?” hindi makapniwalang wika ng isang reporter habang pinagmamasdan ang nangyayare sa labas. “Miss Annie, delikado po dyan. Umalis po kayo sa bintana.” Wika ng kanyang cameraman. Napalingon ang reporter dito. Bukod sa kanila ay kasama rin nila ang ibang mga reporter sa ibang istasyon. Nababalot ng takot ang mga mukha nito habang ang iba ay nagtatakip pa ng tainga. Hindi mapigilan ni Annie ay makaramdam ng takot. Pakiramdam niya ay nahahawa siya sa atmosphere ng paligid. Maya-maya ay sabay-sabay silang napa

