KASALUKUYAN akong kumakain ng tanghalian na dala ng isang maid kanina. Until now, hindi parin ako lumalabas. Wala din akong gana kaya ganon. Sa dami ng nangyare, para bang bigla nalang nakakawalang gana. Wala akong ibang ginawa sa kwartong ito kung hindi ang magmuni-muni. Madalas ay manood ng TV.
Ngayon nga ay naninibago ako. Ang laman ng balita ay walang iba kung hind ang mga missing person. Sa sobrang tagal ko ng nakatago sa loob ng kwartong ito, para bang nakakapanibago ang mga nangyayare. Padami nang padami ang mga nawawala. Hindi na rin magkanda-ugaga ang mga pulis at maski ang mga tao sa pagkalap ng mga impormasyon ukol dito.
Ayon sa mga nababasa ko sa social media, talagang pinaghigpitan ang curfew sa ilang mga lugar. Ultimo umaga ay hindi na pwedeng lumabas. Nakaramdam tuloy ako ng kaba para kay Jasmin. Hanggang ngayon kase, hindi pa siya nakakabalik dito. Si kuya naman hindi ko ma-contact.
“Miss Llana?” mula sa pinto ay narinig ko nanaman ang maid. Familiar na rin ako sa boses ng mga taong ito. Sanay na rin ako sa tuwing tinatawag nila ako sa second name ko, which is my real name too.
“Yes?” sigaw ko mula sa kama. Nakatingin lang ako sa pinto at inaantay ang susunod na sasabihin ng maid.
“Ipinasasabi po ni Syncro na lumabas daw po kayo dyan.” sambit nito. Bumangon ako sa pagkakahiga ko. Ano naman kayang kailagan nila?
“Why?” tanong ko. Naglakad ako dahan-dahan sa pinto at pinakiramdaman ang nasa likod nito.
“May kailangan daw po kayong pag-usapan.” sagot muli ng maid. Napapikit nalang ako. Paniguradong hindi naman ako patatahimikin dito kapag ipinasawalang bahala ko ito.
Binuksan ko ang pinto at bumungad si Syncro. Nasa likuran niya ang maid. I knew it. Alam kong kasama nya rin si Syncro dito. Ano bang kailangan niya ngayon?
“What?” tininganan ko si Syncro sa mata although it was covered with his sunglasses. Seryoso ang mukha nya habang nakatingin sakin at sa tingin ko ay seryoso ang pag-uusapan namin. Hindi na ako nagsalita pa. I close the door and follow him.
Pumasok kami sa office niya. Naabutan ko duon ang matandang lalaki na si Fernando. Umiinom ito ng alak at mukhang seryoso din. Hindi maganda ang kutob ko dito. Kahit hindi nila sabihin, alam kong may hindi magandang nangyare kaya ganito ka-seryoso ang mg mukha nila.
“We have a major problem, Sync.” sambit niya. Hindi na ako nagulat. Inaasahan ko naman talaga na may problema. Hindi lang ako sigurado kung ano ito. Kung gaano ito kalaki kaya sinabi niyang ‘major’ problem ito.
“What is it?” I ask. They both look at me. Kasabay non ang pagtingin nila sa TV kung saan nakaflash ang breaking news regarding sa mga missing persons.
“Malakas ang kutob namin na may kinalaman ang The Coetus dito.” panimula ni Syncro. Napakunot ako ng noo. Anong ibig niyang sabihin? Anong ibig niyang iparating?
“How?” nakita kong huminga ng malalim si Syncro at may inabot na papel sakin. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat duon. Mukhang isa itong test result ng isang gamot. May mga percent na nakalagay dito kung ilang persyento ng mga chemicals ang meron dito. Ngunit isang bagay ang umagaw ng atensyon ko. Ang THC.
Muli kong naalala ang sinabi ni kuya about sa gamot na ibinigay ko sa kanila. Naglalaman din ito ng THC. Don’t tell me…
“Tama ka ng iniisip. Iyan nga ang narecover naming gamot na ginagawa ng organisasyon ni Clark.” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam na nakarecover pa pala sila ng gamot mula sa nasunog na laboratory. Pero teka, anong kinalaman nito sa mga nangyayareng k********g at sa mga missing person?
Muli kong tiningnan ang papel na ito. Binasa ko pa ang ilan sa nakalagay duon. Napahinto ako ng may mabasa akong ‘Manipulation’. May idea na pumapasok sa utak ko ngunit hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko. Until now, wala din akong balita kina Riabelle. Wala akong alam kung nasaan na sila ng grupo niya.
“Sa pagkaka-alam ko tapos na nilang gawin ang gamot na iyan, hindi ba?” Bulalas ni Fernando. Napatingin ako sa kanya. Bigla kong naalala ang araw bago ako dakpin nila Riabelle. Duon sa laboratory, may mga doktor at mga pasyenteng sa tingin ko ay inoobserbahan nila. Naalala ko na may itinurok silang isang uri ng gamot sa mga pasyente duon. Kasabay non ang pagtitipa ng isang doktor sa tablet niya. Naalala kong sabay-sabay pang kumilos ang mga iyon ayon sa ginagawa ng doktor sa kanyang tablet.
“Mukhang may idea kana rin, Sync.” wika ni Syncro. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. May idea na ako ngunit hindi ko naman alam kung anong dahilan at ginagawa nila ito. Wala akong alam sa maaaring dahilan o rason bakit gagawin iyon ng grupo nila Clark.
“Ano ang dapat nating gawin?” Tanong ni Fernando.
“Wala. Maghintay muna tayo. Ang isipin muna natin ay si Jasmin.” Sambit ni Syncro sabay tingin sakin. Ganon din si Fernando. Salitan ang tingin ko sa kanila. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng mga tinging iyon.
“What?” Tanong ko sa kanila. Napapikit nalang si Syncro dahil duon. Hindi ko rin naman sila maintindihan kung anong pinupunto nila.
“Baka maaari mo ng sabihin sa amin ang tungkol ay Jasmin.” Sambit ni Syncro sabay baba ng kanyang salakot. Napataas ang kanang kilay ko. Kung ganon ay iyon pala ang ibig niyang sabihin. Akala ko naman ay kung ano.
“Nasaan si Jasmin?” Tanong ni Fernando. Huminga ako ng malalim bago magsalita.
“Don’t worry. I know she’s safe. Kasama sya ng kuya ko.” Sambit ko.
“Kuya?” bulalas ni Syncro. Natigilan ako at napakagat ng labi. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo lalo na ang tungkol sa kuya ko. Hindi ko akalain na madudulas pa ako sa sasabihin ko. Sh*t!
“What do you mean? Kuya?” Tanong ulit ni Syncro. Tiningnan ko sya ng may pag-aalinlangan. Hindi pa naman ganoon ka-buo ang tiwala ko sa kanya. Bukod sa hindi ko pa siya lubusang kilala, wala din akong idea sa pinagmulan niya. Hindi ko alam kung ano pang meron bukod sa organisasyong ito na naglalayong patumbahin ang The Coetus. Isa pa ay takot na akong magtiwala. Gaya ng kay Riabelle, baka dumating din ang araw na traydorin din niya ako.
“Trust me, she is safe.” Yun lang ang naisagot ko. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at muling inilipat ang tingin sa papel. Ngunit pinakikiramdaman ko parin ang mga tingin nila sakin.
Sa totoo lang, wala akong idea kung nasaan na sila Jasmin. Hindi pa ako nakaka-receive ng kahit na anong text message mula kay kuya. Pero siguro naman ay kasama na niya si kuya dahil kung hindi ay malamang na tinawagan na ako ni kuya.
“Aalis na ako.” Sambit ko sabay tayo. Hindi ko na inantay pa ang susunod nilang sasabihin. Dire-diretso ako sa pinto. Pagsara ko nito, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa kwarto ko. Muli ko nanamang napansin ang mga paintings na nakasabit sa dingding. Lahat ito ay puro abstract expressionism. Siguro mahilig talaga sa mga ganito si Syncro.
“Ang dati kong asawa ang mahilig sa mga ganyang uri ng pinta.” Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Syncro sa likod ko. Hindi ko namalayan na sumunod pala siya sakin. Dahil sa mga painting ay nawala ang atensyon ko sa paligid.
“G-Ganon ba?” Hindi pa ako maka-get over sa biglaan niyang pagsulpot. Medyo lumayo ako sa kanya upang makahinga manlang. Mukha namang napansin niya kaya umiwas siya ng konti.
“Paumanhin.” Maikli niyang tugon. Tumango-tango ako sa kanya.
“It’s okay.” sagot ko. Nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. Pinagmasdan ko ulit ang mga painting na ito. Napakagagandang tingnan. Hindi ko maalis ang paningin ko sa kanila.
“Ganyan na ganyan din kung tumingin ang dati kong asawa sa mga paintings na iyan.” Nilingon ko si Syncro. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nilingon ko siya ngunit isang kakaibang Syncro ang nakita ko. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang mga ngiti niya habang nakatingin sa mga pintang ito. Hindi ko na napigilan pa at napangiti na din ako habang nakatingin sa kanya.
“Sa wakas, nakangiti kana din.” Sambit ko. Tumingin siya sakin at muling nagseryoso.
“Maraming salamat.” Sagot niya. Tumango ako sa kanya at muling tumingin sa mga painting.
“Bakit hindi mo pala muna kamustahin si Lexin? Malamang na nag-aalala na sa iyo ang binatang iyon.” Dahan-dahan akong napalingon kay Syncro. Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa office niya. Naiwan akong puno ng tanong sa isipan. Paano niya nakilala si Lexin? Anong ibig niyang sabihin?
Ginapangan ako ng kaba dahil sa mga salitang iyon ni Synro. Tama siya. Dapat kong kamustahin manlang si Lexin. Lalo na at kilala na rin siya nila Riabelle. Kailangan kong alamin kung ano ang lagay niya. It’s been a while since huli kaming nagkausap. Tinakasan ko pasiya nung huling beses kaming nagkasama.
I immediately rush to my room. Nagbihis ako at lumabas ng kwarto. Bumungad sakin ang isang maid at may iniabot na susi. Hindi na ako nagsalita. Malamang na si Synro din ang nagbigay nito sakin.
Nakasunod lang ako sa maid. Sya ang naghatid sakin sa sa parking lot kung saan nakaparada ang mga kotse nila. Inihatid niya ako sa tapat ng isang kulay asul na kotse. Ngumiti ako sa kanya bago ako sumakay. Umatras siya upang bigyan ako ng space. Agad ko ng pina-andar ang kotse at umalis na. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Syncro at naisipan niyang payagan ako. Kung sabagay, tama naman siya. Kailangan ko na ring magparamdam kay Lexin. Lalo na at hindi maganda ang huli naming pagkikita.
Inabot ako ng ilang oras sa byahe. Nanibago talaga ako sa sa kalsada ngayon. Sobrang tagal ko ng hindi nakakadaan sa mga ganitong uri ng kalsada. Ang pinagkaiba lang dati sa ngayon ay walang gaanong tao na naglalakad. Siguro ay dahil sa mga balita ngayon. Paniguradong nagdala ng takot sa mga taong iyon ang mga balitang gayan non.
Hindi ko naman sila masisisi. Wala rin naman kaseng nakaka-alam kung ano bang nangyare sa mga taong nawawala ngayon. Kung patay na ba sila o hindi. Kung nasaan na ba sila ngayon. Lahat ay walang nakaka-alam. Palaisipan.
Habang nagmamaneho, pumasok sa isipan ko ang tungkol sa nalaman ko about sa gamot na ginawa nila Clark. Maaaring ito ang posibleng dahilan kung bakit nawawala ang mga tao. Paniguradong ang The Coetus ang nasa likod nitong lahat.
Pagdating ko sa tapat ng condo na tinutuluyan ni Lexin ay agad ko na itong pinark. Walang gaanong tao dito sa parking lot. Medyo tahimik at tunog ng syudad ang maririnig. Nagdadalawang isip pa akong bumaba. Nakakapanibago kase. Nasanay lang ako sa mga mansion. Mga lugar na malayong-malayo sa syudad.
Huminga ako ng malalim bago napagpasyahang lumabas. I walk towards the entrance. May ilan akong nakakasalubong na palabas. Ngunit isang tao ang umagaw ng atensyon ko. May dala itong maletang malaki. Huminto ako upang bigyan ito ng daan. Mukhang hindi naman niya ako napansin dahil busy ito sa paghahatak sa maleta.
Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo dahil sa tila hirap na hirap siya sa paghahatak non. Nang makalabas na siya ay mabilis lang ang lakad niya. Mabilis na rin siyang nawala sa paningin ko ng sumakay na ito ng taxi.
Napailing nalang ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla-bigla nalang akong naging ganon. Hindi naman ako ganito. Pero siguro ay naninibago nga ako. Naninibago sa paligid kaya siguro kung ano-ano nalang ang napupuna ko.
Muli na akong naglakad at tinungo ang front desk. Sa sobrang tagal ko ng hindi nakakapunta dito ay nakalimutan ko na ang unit number ni Lexin.
“Sa fourteenth floor po. 1456.”
“Thank you.” Sambit ko. Naglakad na ako patungo sa elevator at sumakay. After a minute, narating ko na rin ang tapat ng condo niya. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Paano ko ba sya babatiin? Anong sasabihin ko? Hindi ko talaga alam.
“Napakahirap naman nito.” Napakagat ako sa labi ko. Napakahirap talaga. Nakakainis naman.
“Alin ang mahirap?” Nanlaki ang mata ko at napalingon ako sa gilid ko. Bumungad sakin si Lexin na mukhang kagagaling lang sa trabaho. Pagod na pagod ang kanyang mata habang nakanguso.
“L-Lexin?”
“Bat ngayon kalang? Saan ka galing? Anong nangyare sayo?” Sunod-sunod niyang tanong. Muli nanaman akong napakagat sa labi ko. Ito na nga bang sinasabi ko e. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Napayuko nalang ako dahil hindi ko magawang tumingin sa kanya. Naramdaman ko naman ang dahan-dahan niyang paglapit sakin. Kitang-kita ko naman ang sapatos niya na papalapit sakin.
“Ganto lang ba ang isasagot mo sakin? Matapos mo akong iwan?” Napaka-awkward talaga ng ganitong scenario. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa ginawa kong pang-iiwan sa kanya.
“Sorry.” Maikli kong sagot sa kanya.
“Yan lang?” wika niya. Tumingala ako ng makita kong nasa tapat ko na siya. Tila napako ang paningin ko sa mga mata niya. Ang pagod niyang mata ay napalitan ng kung anong saya. Masya sya ngayon. Duon ako nakaramdam ng ginhawa sa loob ko. Masaya ako ngayon dahil ayos siya.
Hindi ko na napigilan pang ngumiti at agad siyang niyakap. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya. I really miss him so much. Lahat ng nangyare sakin nitong mga nakaraang ay para bang nawala sa isang iglap.
Naramdaman ko ang pag-yakap sakin ni Lexin. Ramdam na ramdam ko ang katawan niya na nakapalibot sakin. Hindi ko nalang namalayan na nakangiti na pala ako sa kanya.
“I’m really sorry.” wika ko.
“It’s okay. Ang importante ay nandito kana.” Sambit niya. Muli nanaman akong napangiti. Kahit kailan talaga ay hindi pumapalya si Lexin na pangitiin ako.
Matapos non ay sabay kaming pumasok. Napag-alaman ko sa kanya na maski siya ay walang balita kay kuya. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Saan naman sila nagpunta ni Jasmin?
“Nga pala, mag-iingat ka. Sa panahon ngayon sobrang daming nangyayare.” Wika ni Lexin. Nakita ko siyang papasok sa CR. Hindi ko alam kung bakit napatitig ako sa topless nyang katawan. Nahihibang na ata ako.
“Sobra talaga akong nag-alala sayo lalo na at maraming nababalitang nawawala. Bakit ba kase hindi ka tumatawag o nagtetext manlang.” Sambit ni Lexin at humarap sakin. Mabilis kong ibinalik sa niluluto ko ang paningin ko. Shocks!
“Pasensya na talaga.” Sambit ko habang hindi nakatingin sa kanya. Naramdaman kong lumapit siya sakin kaya naman mas lalong nataranta ang puso ko. Hindi mapakali ang isip ko. Kinakabahan ako.
“Nakita ko yun.” Bulong niya sa tenga ko. Nakaramdam ako ng kung anong kiliti na gumapang sa buo kong katawan. Mabilis akong lumayo sa kanya sa pagkabigla. Nakita ko naman tumawa siya ng pagkalakas lakas habang naglalakad papasok sa banyo. Hindi ko nanaman napigilang ngumiti dahil sa inasal niya. Si Lexin talaga.