Third person’s point of view
Natahimik si Jasmin ng marinig niya ang mga salitang iyon. Tila nag-aalangan siyang tanggapin iyon. Nagakagulo ang lahat ng nararamdaman niya. Hindi niya alam kung alin bang damdamin ang kailangan niyang pairalin. Naiinis niya kay Sync, kay Llana. Naiinis din siya sa sarili niya. Gusto niyang saktan si Sync ngunit ayaw nya rin itong gawin sa kaibigan. Nalilito na siya kay Jasmin. Nanatili ang titig niya sa matipunong katawan ni Clark hanggang sa makawala na ito sa kanyang paningin.
Napaupo nalang si Jasmin dahil sa patong-patong na nararamdaman. Tirik na tirik ang araw at kahit na ganon, hindi niya naaramdaman ang hapdi nito sa balat. Para bang namanhid na ang kanyang katawan.
Sa unang pagkakataon, ngayon nya lang naramdaman ang kakaibang uri ng pighating ito. Wala naman kase siyang naging kaibigan. Kaya hindi niya alam ang pakiramdam ng pagtraydoran. Napapanood nya lang ito sa mga palabas ngunit hindi niya akalain na mangyayare ito sa kanya.
Sometimes, fiction was made by reality. Hindi malilikha ang mga kwentong ito kung hindi nangyare sa totoong buhay.
Napakagat nalang sa labi si Jasmin habang umiikot sa kanyang isipan ang mga salitang iyon. Ngayon ay kailangan talaga niyang pag-isipan ang gagawin. Kung nararapat bang tanggalan ng buhay si Sync ayon sa gusto ng kalaban nila.
Si Jasmin ay hindi tipo ng tao na sunod-sunuran sa kung sina. Naninilbihan lang siya sa kanyang ama. Ang tangi nalamang niyang pamilya. Hindi niya nakilala ang kanyang ina. Ang sinabi lamang sa kanya ni Syncro ay namatay ito nung isinilang siya.
Huminga ng malalim si Jasmin ng muli nanamang maalala ang mga bagay na iyon. Sa mga ganitong pagkakataon, palagi nalamang napupunta sa ibang bagay ang kanyang isipan. Kaya hindi niya nagagawa ng maayos ang kanyang misyon.
“Bwisit!” Hindi maiwasan ni Jasmin ang mapasigaw sa inis. Maya-maya ay natigilan siya ng makarinig ng sirena ng bumbero at mga pulis. Mabilis siyang sumilip sa baba mula sa rooftop at duon niya natanaw ang pagdating ng mga pulis at bumbero.
Shit.
Dali-daling naglakad pababa si Jasmin. Hindi niya namalayan ang oras. Nakalimutan niya na may darating palang mga pulis. Pagdating niya sa ikatlong palapag ay may naririnig na siyang mga nagtatakbuhang pulis pa-akyat sa posisyon niya ngayon. Hindi maiwasan ni Jasmin makaramdam ng pagkataranta dahil hindi na niya alam kung saan dapat pumunta.
Nasa hallway lang siya at nag-iintay ng may bubungad na pulis sa kanya para barilin siya. Dahan-dahang umatras si Jasmin habang nakatitig sa kabilang hallway. Hindi niya inaasahan ang mga ganitong pangyayare.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, aramdaman ni Jasmin ang isang kamay na humawak sa braso niya. Mabilis siya nitong hinatak at saka tinakpan ang kanyang bibig. Nagpupumiglas siya ngunit tila mas malakas ang taong ito sa kanya.
“Wag kang maingay o gusto mong mahuli ka nila?” Natigilan siya ng makilala ang boses na iyon. Kahit saglit na pagkakataon lang sila nagkausap ay hindi siya maaaring magkamali.
Dahil ito, marahas siyang lumingon sa taong nasa likuran niya. Tama nga siya, ito ang taong ipinakilala sa kanya ni Llana. Ngunit nakalimutan na niya ang pangalan nito. Hindi niya maalala kung ano ang pangalan nito.
Ilang saglit lang ay nawala na rin ang mga pulis na tumatakbo at umaaligid kanina. Binitiwan narin siya ng binata. Marahas na humarap si Jasmin sa lalaking ito at tiningnan ng may pagtataka.
“What are you doing here?” diretsong tanong ni Jasmin.
“Uhm! You’re welcome?!” May pag-aalinlangan pa sa boses ng binata. Ngunit alam naman ni asmin na sarkastik iyon at inaasar lang siya.
“Anong ginagawa mo dito? Don’t tell me kasapi ka din ng organisasyong ito? Parehas kayo ni Llana.” Sambit ni asmin. Natigilan ang lalaki sa kanya at nagulat sa mga sinabi ni Jasmin.
“So, alam mo na?” Tanong nito kay Jasmin. Inaantay nito ang magiging sagot ng dalaga. Ngunit iba ang ibig nitong sabihin.
“Thank you for helping me. I need to go.” Sagot ni Jasmin. Akmang aalis na siya ng muling hawakan ng lalaki ang kanyang braso.
“Hindi ka na makakalabas kung dadaan ka sa harap. May alam akong daan palabas dito.” Wika ng lalaki. Nagdadalawang isip parin si Jasmin kung papayag ba siya sa binata gayong hindi parin niya maalala ang pangalan nito. Napansin naman iyon ng lalaki kaya naman pinangunahan na niya ito.
“We have to go. Ilang minuto lang ay mapupuntahan na rin ng mga pulis ang lugar na ito. By the way, I’m Hans.” Sambit nito sa kanya. Duon niya naalala ang pangalan ng lalaki. Steve Hans. Wika niya sa kanyang isip.
Hindi na siya nagpapigil pa at sumama na kay Steve. Sa ngayon, kailangan niyang maka-alis dito.
Zerrie’s POV
Nanatili lang ang mata ko sa bintana habang binabagtas namin ang mahabang kalsadang ito. Puro puno lamang ang nakikita ko. May pangilan-ngilan kaming mga sasakyan ang nasasalubong. Hindi ko rin maiwasang tumingin sa cell phone ko.
“Kuya, I have a favor.” sambit ko. Sinabihan ko muna si Syncro na may tatawagan ako bago ako sumakay ng kotse.
“What is it?” mahinang sabi ni kuya mula sa kabilang linya. Napag-alaman kong pupunta nga ang mga pulis. Hindi ko alam kung paano sila natunugan o baka naman alam na talaga nila dahil may ilan ding undercover agent na kasali dito.
“Si Jasmin. She is still in the mansion.” Saglit na natahimik sa kabilang linya. Inaantay ko ang sagot niya ng may lumapit saking lalaki. I sign it to wait.
“You mean, yung pinakilala mong kaibigan? How did she end up here?”
“Mahabang kwento. I’m gonna tell you later. Kailangan niyang maka-alis dyan bago pa dumating ang mga pulis.” Sambit ko.
“Alright. Hahanapin ko siya. Babalitaan kita.” At agad na ring pinatay ni kuya ang tawag.
Napapikit nalang ako at muling tumingin sa bintana. Sobrang ganda ng tanawin ngayon. Aakalain mong walang nagaganap na digmaan. Tirik na tirik din ang araw at walang bahid na ulam ang padaan daan sa asul na kalangitan.
Muli kong nilingon ang cell phone ko ng mapansin ko si Syncro na nakatingin sakin mula sa rear mirror. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako sumama sa kanya. Siguro ay dahil ‘no choice’ na ako. Isa pa, wala din naman akong balak na sundin ang ipinag-uutos ni Clark. Kahit anong gawin ko, hindi ko mapatay-patay si Syncro. This is a mystery for me.
“Is there any problem?” Natahimik ang isipan ko ng marinig ko si Syncro. Napalingon ako sa kanya ngunit nilipat ko rin ang paningin ko sa rear mirror dahil duon pala siya nakatingin.
“Nothing.” Maikli kong tugon sa kanya. Ilang segundo kaming nagtitigan ni Syncro na tila ba binabasa niya ang nakikita niya sa mga mata ko. Iniwas ko muli ang paningin ko at itinuon ulit sa bintana. Nakalayo na kami sa mansyon. Sa tingin ko ay hindi na ito magagamit nila Clark. Bago ako umalis, kitang kita ko ang pagtupok ng apoy sa buong mansyon.
Isa pa ay pala-isipan sakin ang kay Riabelle. Malakas ang kutob ko na sinadya nila ang pagkasunog ng laboratory. Hindi kaya ganon din sa mansyon? Para ano?
Sa tagal kong nawala sa mansyong iyon, ang dami ko ng hindi nalalaman. Sa tingin ko, hindi nagkataon ito. Pero ewan ko. Nalilito ako. Hindi ko rin alam kung anong dahilan ng pagsugod nila Syncro dito. Kung ano ang pakay nila. Ngunit naging advantage nila Clark ito para sa pag-alis ng mga ebidensya. Bakit naman nila gagawin iyon?
Naguguluhan na ako o baka ako lang ang magulo. Pinapakumplekado ko lang ang mga ito sa utak ko. Bwisit kase. Ano bang nangyayare sakin? Hindi naman ako ganito dati.
Agad akong nabuhayan ng maramdaman kong nagvibrate ng cell phone ko. Mabilis ko itong tiningnan. I text message from kuya Steve. Nang mabasa ko ang mensahe niya. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at nakalabas na sila ng Mansyon. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa loob ko.
Kahit naman nagkaroon kami ng hidwaan ni Jasmin, hindi ko rin maunawaan kung bakit pumasok sa isip kong iligtas siya. Bigla-bigla nalang kumikilog ang katawan ko upang iligtas siya. Hindi ko rin talaga maintindihan tong sarili ko. Nakakainis.
ILANG ORAS ang byahe namin ng makarating kami sa mansyon nila Syncro. May mga tauhan silang nag-aantay sa pagdating namin. Naunang bumaba si Syncro kasama ang matandang lalaki na sa pagkaka-alala ko, Fernando ang pangalan. Kasunod non ay bumaba na ako. Ngunit may dalawa namang lalaki ang nasa magkabila kong gilid. Hindi naman ako tatakas. Tss.
“Ihatid nyo na si Llana sa kwarto niya.” Utos nung Fernando sa dalawang maid na lumapit sa kanya. Napalingon sila sakin at nag-aalinlangang lumapit. Huminga ako ng malalim at ako na mismo ang lumapit sa kanila. Malamang na may idea sila kung sino ako. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito ang reaksyon nila towards me.
“T-This way, Ma’am.” Sambit ng isa sa kanila. Tahimik akong naglakad. Nang dumaan ako sa tapat ni Syncro, nakita ko ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Tila ba ay kung ano akong naramdaman ng magtama ang mga mata namin. Ako na rin ang unang umiwas.
Tahimik na akong naglakad habang nakasunod sa dalawang maid. Ramdam ko ang mga tinginan nilang dalawa mula sa harap ko. Kita ko din ang mga pakonti-konti nilang siko sa isa’t isa. Alam kong may gusto silang sabihin.
“You can speak. Hindi ako nangangain ng tao.” panimula ko. Muntik na akong matawa ng makita kong para bang nagulat sila.
“A-Ano kase… totoo po bang kasali na kayo dito?”
“Hindi po ba kayo yung sinama ni Miss Alex dito dati?”
“Totoo bang kayo si Sync? Yung killer?”
Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang mga tanong nila. Hindi ko alam kung kaninong tanong ang uunahin ko. Kung anong dapat kong isagot o kung sasagot ba ako. Natahimik din silang dalawa dahil sa reaksyon ko.
“Wag nyo na pong sagutin yon, miss.”
“Oo nga po. Alam na rin naman po namin ang sagot.”
“Pasensya na po.”
Tinanguan ko sila pareho. Pagkatapos nun ay ipinagpatuloy na namin ang paglalakad. Natahimik nanaman silang dalawa. Napailing nalang ako. Mukhang naging rude ata ako sa kanila. Hindi ko rin naman kase alam kung paano sila pakitunguhan. All my life, I use to be alone. Kaya naman hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin sa mga ganitong pagkakataon. Hindi ako sanay.
Muli kong naalala si Lexin. Sya lang kase ang nagagawa kong kausapin na may halong palabiro. Sya lang din kase ang kasama ko bukod sa sarili ko. Kaya naman wala akong idea sa mga ganitong interaksyon.
Ilang saglit ay nakarating na kami sa kwarto na tutuluyan ko. Hindi gaya ng mga nauna, normal na kwarto ito. Malinis at mukhang inayos at inihanda talaga. Nagpasalamat ako sa kanila bago ako pumasok sa loob ng kwarto. Pagsara ko ng pinto. Ganon ulit. Tahimik nanaman. Well, sanay na ako. Wala ng bago duon.
I take a bath. It feels like a first time to me. Sa sobrang daming nangyare, hindi ko na maalala kung kailan ang huling ligo ko. I took almost one hour inside the bathroom. Those time is enough for me. Nagbabad lang ako sa tubig habang iniisip ang maari pang mangyare sakin.
Hindi ko rin maiwasang isipin ang mga sinabi ni Riabelle sakin about kay Lexin. Hindi malayong galawin nila si Lexin. Bukod duon, ang isang bagay pa na iniisip ko ay ang tungkol sa pagkatao ko na hindi alam ni Lexin. Natatakot ako sa araw na malaman niya kung sino ako. Sobrang dami kong kasinungalingan sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisang magpaliwanag sa kanya.
Lumabas na ako ng banyo. Tanging tuwalya lang ang nakabalot sakin. Maya-maya ay narinig kong may kumatok sa pinto. Hindi na ako nagdalawang isip at lumapit duon para buksan. Bumungad sakin ang isang maid na siya ring naghatid sakin dito. Nakangiti siya sakin habang hawak-hawak ang isang paper bag.
“Ito na po ang inyong damit, miss.” Sambit niya. Tinanguan ko siya at kinuha ito. Tumalikod na rin siya kaya naman sinarado ko na ito.
Kinuha ko ang laman ng paper bag. Isang jeans at Black T-shirt ang laman nito. May mga undies ding kasama. Napakagat ako ng labi dahil saktong-sakto sakin ang mga iyon. I wonder if how they get my size.
DUMAAN ANG MGA ARAW at wala namang pinagbago sa nangyayare sakin sa loob ng mansyon ito. Paulit-ulit lang ang routine ko dito. Hindi ko alam kung mababaliw ba ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nandito lang ako. Simula ng dumating ako dito pagkatapos ng mga nangyare sa The Coetus, hindi ko ginustong lumabas. Ayokong lumabas o makita manlang ang kung sino.
Ilang araw na rin ang lumipas ngunit hindi pa nakakabalik si Jasmin. Ngayon ay wala paring idea sina Syncro kung nasaan si Jasmin. I also contacted kuya about that but I didn’t receive any response from him. Hindi naman akong kinakabahan sa kanya. I know kuya is with her. Alam kong hindi siya pababayaan ni kuya.
“Breaking news. Dumadami na ang bilang ng mga missing person sa Pilipinas. Karamihan dito ay mula sa mga mahihirap na parte ng syudad. Nakikipag-ugnayan na ngayon ang police task force at ang ilang mga organisasyon ukol dito.”
Napahinto ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang balita mula sa TV dito sa loob ng kwarto ko. Nilingon ko ito at pinagmasdan ng mabuti. Nitong mga nakaraang araw, ganito din ang laman ng balita. Ngayon ay hindi ko inaasahan na sobrang dami nang bilang na nawawala.
Karamihan dito ay mga kalalakihan na medyo maayos ang pangangatawan. Ito lang ang tanging na-obserbahan ko mula sa mga litrato ng mga missing person na ipinakita sa TV. Hindi ko maintindihan kung bakit masama ang kutob ko mula dito. Hindi ko maipaliwanag ngunit ramdam kong may hindi magandang mangyayare.
For sure, marami nanamang tatrabahuhin si Lexin. Magiging busy nanaman siya. I hope na hindi na ako dumagdag pa sa iisipin niya. Alam kong pinag-aalala ko na siya ng sobra. Hindi pa ako nakakapag-paalam sa kanya nung umalis ko. I feel sorry for that.