Jasmin’s point of view
“It’s all illusion.”
Paulit-ulit tumatakbo sa utak ko ang mga salitang binitiwan ni Llana o mas maganda siguro kung tawagin ko siyang Sync, ang taong matagal ko ng hinahanap. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Although nakita na mismo ng mga mata ko, ang hirap paring paniwalaan.
Nanatili akong nakatayo mula sa pwesto kung saan ko huling nakita si Sync. Isang minuto na ang nakararaan ng umalis siya. Isang minuto na rin akong nakatitig sa kawalan habang iniisip ang mga nangyare at mga nangyare na. Lahat ng iyon ay parang unti-unting nabasag sa isipan ko. Akala ko nakahanap na ako ng totoong kaibigan. Akala ko totoo si Llana. After all, ang Llana na kilala ko ay hindi pala talaga nag-eexist. Nakakainis. Nakakairita.
Napalingon ako sa paligid. This is not the right time to think about my feelings. I am here for a mission. Ayokong masira ako kay Daddy. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. I don’t need any distraction. Lalong lalo na ang tungkol sa pagitan namin ni Sync.
Huminga ako ng malalim. Pagkatapos ay naglakad ako papalapit sa baril kong wala ng bala. Kung minamalas ka nga naman. Sa lahat ba naman ng pagkakataon ay ngayon ka pa nawalan ng bala. Nakakabwisit.
Dinampot ko na ang baril na tumilapon dahil sa pagsipa ni Sync ngunit isang pagsabog ang narinig ko. Napakunot ako ng noo at sinundan ng tingin ang pinanggalingan ng pagsabog. Ito ay nagmula sa direksyon tinahak ni Sync kanina.
Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa pinang-galingan ng pagsabog. Habang papalapit ako ng papalapit, may mga nakakasalubong na akong tumatakbo palabas duon. Ngayon ay nakita ko nang malinaw na ito ay ang laboratory ng The Coetus. May malaking apoy na sa loob nito at makakapal na usok. Muli din akong napayuko ng madagdagan muli ang pagsabog. Tinutupok na ng apoy at mga pagsabog ang laboratory. Nasaan ba si Daddy?
“What do you mean, Dad?” Tanong ko kay Daddy ng ipatawag niya kami lahat. Seryoso ang mukha niya kahit na nakasuot siya ng salamin na itim.
“Narinig moko Jasmin. Susugod tayo sa The Coetus.” Napakunot ang noo ko. Bakit naman biglaan? Bakit bigla-bigla nalang siyang magsasabi na susugod kami duon ng wala manlang pagpa-planong gagawin?
“Fernando, alam mo na ang gagawin mo.” Sambit ni Daddy. Napalingon kamng lahat kay Fernando na ngayon ay humihithit ng tabaco. Tumingin siya sakin bago lumingon kay Daddy.
“Naka-ayos na ang lahat, Syncro.” Sambit nito. Hindi ko sila maintindihan. I know that there’s something between their stares. I don’t exactly know it but I’m sure there is. Hindi basta-basta magdedesisyon si Daddy ng ganito.
“Ihanda mo na rin ang mga tauhan mo, Jasmin. Hindi ba’t sinanay mo na sila?”
“Yes.” Mabilis kong tugon ng daddy. Tumango-tango siya sakin. Pagkatapos nun ay tumalikod na siya at naglakad papasok muli sa loob ng mansyon. Huminga ako ng malalim ngunit napalingon lang din ulit ako kay Dadyy ng tawagin niya ako.
“Your mission is to get the drugs from The Coetus.”
Napapikit ako ng maalala ko ang tungkol sa mission na iyon. Paano pa ako makakakuha ng mga drugs kung ganito na ang nangyare sa laboratory nila? Bwisit talaga. If I was here earlier before the explosion, baka may nakuha pa ako. Edi sana matatapos ko ang mission ko. Nakakainis talaga.
Nanatili ang mata ko sa laboratory habang tinutupok ito ng apoy. Mula sa hindi kalayuan, natanaw ko si Llana. Napakunot ako ng noo dahil hindi siya nakatingin sa laboratory kung hindi sa malayo. Tila ba may pinagmamasdan siya duon. Muli nanaman akong nakaramdam ng inis sa kanya. Nakakairita.
Napa-iling ako. Kailangan kong magfocus. Kailangan kong alisin si Llana sa isipan ko. May tamang panahon para dito. Kailangan kong gawin ang gagawin ko. Pinagmasdan ko muna si Llana sa huling pagkakataon bago ako tumalikod.
Until now, hindi ko pa nakikita ang pinuno ng grupong ito. Nasaan na kaya iyon? Napigilan namin ang pag-alis nila kanina. Malamang ay nandito pa sila. Kung hindi ko man lang naisalba ang mga gamot, malamang na meron ang mga taong iyon. Kailangan ko silang mahanap. In this case, matutuwa sakin si Daddy.
Zerrie’s POV
MULI kong pinagmasdan ang malaking apoy na tumutupok sa laboratory bago ako tumalikod. Hindi maganda ang kutob ko sa mga galaw ni Riabelle kanina. May hindi tama. Hindi ko lang maipaliwanag ngunit may hindi talaga tama sa nangyare. Para bang sinadya nila ang pagsabog na iyon.
Iyon ba ang tinutukoy ni Clark kay Riabelle?
Hindi ko maiwasang mairita. Kung sakali man na matalo ang grupong ito, maaaring maging ebidensya ang mga gamot na nasa laboratory. Pero ngayon ay wala na. Nabura na at malamang ay wala ng natira. Hindi ko na tuloy alam ang takbo ng isip ng organisasyong ito. Para bang may sarili na silang galaw ng hindi ko alam.
Baka kase hindi na ako kasama.
Tama, darating ang oras na isasama na ako ni Clark sa mga traitor. Darating ang oras na ako naman ang ipa-papatay niya. Kasama ni Syncro. Natigilan ako ng maalala ko si Syncro. Siya ang huli kong mission sa organisasyong ito. Ngunit hindi ko alam kung paano ko siya papatayin. Para bang may kung anong pumipigil saking gawin iyon.
Naramdaman kong may mga tumatakbo papalapit sa pwesto ko. Inihanda ko ang sarili ko upang lumaban ng mano-mano. Wala akong baril. Naubos na ang bala ng baril na ito.
“Duon kayo sa kabila, dito kami.” Rinig kong sabi ng isa sa mga paparating. Naghiwalay na rin sila pagkatapos iyon sabihin ng kung sino man. Mabilis kong ipinusisyon ang sarili ko ng maramdaman kong papalapit na ang isa sa kanila sa pwesto ko.
Pagdating niya sa pinagtataguan ko. Mabilis akong lumitaw at binigyan siya ng isang sipa sa baba. Agad kong kinuha ang kamay niya at hinatak siya pababa. Tumambling siya at bumagsak sa sahig. Hawak ko pa ang kamay niya ng lumapit ang isa niyang kasama. Mabilis ko din itong sinipa sa tiyan. Napa-atras siya. Sinamantala ko na ito upang patayin siya gamit ang baril na hawak ng lalaking nasa sahig ngayon. Ipinaputok ko ito sa kasama niya habang hawak niya, kasabay ng pagpapaputok pati sa kanya.
Hingal na hingal akong tumayo at kinolekta ang mga baril na meron sila. Pinagmasdan ko maige ang mga ito. Mga tauhan sila ng The Coetus. Kung malalaman ito ni Clark at Riabelle, malamang na talagang sasabihan nila akong traydor dahil sa ginawa kong ito.
Pagkatapos ko sa lugar na ito ay naglakad na ako papalabas ng mansion. May mga nasasalubong ako iilan sa mga nakaligtas, ang iba ay pinatatamaan pa ako ng bala ng kanilang baril. Wala na rin naman akong paki-alam kung kanino silang grupo.
Paglabas ko, bumungad sakin ang mga sira-sirang sasakyan na malamang ay mga sumabog kanina. Mataas na ang araw. Hindi ko namalayan ang oras. Parang ang bilis lang ng mga pangyayare. Ang bilis lang dumaan ang oras sa amin na hindi ko namalayan na mataas na ang araw.
Habang naglalakad sa kakahuyang bahagi ng mansion ay pumasok sa isipan ko si Riabelle kanina. Kung nasaan man siya ngayon ay malamang na masayang-masaya siya dahil nabura nila ang maaaring maging ebidensya.
Sa mga oras na ito, walang pumapasok sa utak ko kung saan ako pupunta. May mga gusto akong gawin ngunit hindi ko alam kung saan mag-sisimula. Alam na kaya nil kuya Steve ito? Malamang na natunugan na sila. Sa pagkaka-alam ko may ilan silang kasama na kasali din sa organisasyong ito. Lalo na ang dalawang lalaki kanina. Malakas ang kutob kong mga pulis sila.
Ipinagpatuloy ko na muli ang paglalakad. Rinig ko parin ang mga putukan ng baril mula sa pwesto ko. may pangilan-ngilang pagsabog rin akong naririnig. Muli kong tiningnan ang mansyon na ngayon may may makapal na usok ng bumubalot sa bubungang bahagi nito.
“Saan ka naman pupunta niyan, Sync?” Mabilis akong lumingon sa likuran ko. Nagulat ako ng makita ko ang hindi inaasahang tao na lumabas mula sa likod ng puno. Suot-suot niya ang natural niyang itsura.
“Syncro?” Hindi ako makapaniwala. Anong ginagawa nya dito? Pinagmasdan ko ang buo niyang itsura. Wala siyang galos at mukang hindi nakisali sa labanan kanina.
“If they tell you to kill me, then do it.” Sambit niya. Itinaas niya ang kanyang kamay na para bang sumusuko na. Napakunot ang noo ko. I look at his face one more time. Hindi ko makita ang mata niya. Nakasuot parin siya ng salamin na itim. Although I didn’t clearly see his face, I can tell that he is serious.
Kinuha ko ang baril ko at itinutok ito sa kanya. Ngunit walang bakas ng takot o pangamba ang nakita ko sa kanya. Para bang tiwala siya na hindi ko ito gagawin. Hindi ko aiwasang kabahan. this is so simple Zerrie. Napakadali nalang to. Bakit hindi ko magawa?
Malakas na hangin ang pumagitna sa aming dalawa. Rinig na rinig ko ang pagsasalpukan ng mga puno at ang mga dahon na nalalagas mula rito. Nararamdaman ko ang lamig ng hanging ito na tila ba yumayakap sa akin. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa tagpong ito.
Huminga ako ng malalim at unti-unting ibinaba ang baril. Nakita kong ngumiti siya na tila inaasahan na niya ang gagawin ko. Hindi ko talaga maintindihan ang taong ito. Bakit ba parang lahat nalang ng bagay inaasahan na niya? Naiinis ako sa kanya.
“Bakit hindi mo ituloy?” Tanong niya sakin. Napakagat ako sa aking labi dahil sa tanong na iyon. Hindi ko rin kase alam kung bakit hindi ko magawa. There’s something wrong and I don’t exactly know what is it.
“Tell me, what will happen to this organization?” sambit ko sabay tingin sa nasusunog na mansion. Narinig kong nagakad siya papalapit sa tabi ko at tumingin din sa mansyong iyon.
"This battle is only the beginning.” Nilingon ko sya.
“What do you mean?” Nakita kong ngumiti siya sakin. naguguluhan ako sa sinasabi niya.
“You will understand it soon. But for now, we have to get out of here. Ilang oras nalang parating na ang mga pulis dito.” Sambit niya. Nakita kong tiningnan niya ang kanyang relo. Tumalikod na rin siya pagkatapos. Muli kong sinulyapan ang mansyon bago ako tumalikod dito. Ngayon ay sigurado na ako. Hindi ko man maintindihan ang pakiramdam kong ito para towards Syncro but I know I will understand it soon.
Naglakad na ako kasunod ni Syncro. It feels like I’m entering to another season of my life. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ko sa organisasyon ni Syncro but I will make sure that I will survive it. Lalo na ang tensyon sa pagitan namin ni Jasmin.
I didn’t mean to hurt her feelings. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Siguro ayoko lang siyang mahirapan. Alam ko at ramdam kong target niya ako… si Sync. Paniguradong mahirap sa kanya kung sasagabal ang emosyon niya. Ramdam ko rin naman na darating ang araw na kailangan naming harapin ang isa’t isa.
“Anong iniisip mo?” Rinig kong tanong ni Syncro. Hindi siya nakatingin sakin. Nakatalikod siya at nakatingin lang sa dinaraanan.
"Si Jasmin." Maikli kong tugon. Saglit siyang natigilan. Ngunit nagpatuloy na rin ito. Hini ko naman na masyadong pinansin iyon.
"What about her?" Muli niyang tanong. Huminga ako ng malalim bago siya sagutin.
“She already knew that I am Sync.” Sagot ko sa kanya. Hindi na siya sumagot pagkatapos nun. Ilang saglit lang ay nakarating na rin kami sa kalsada kung saan may mga itim na van na nakaparada duon. Una kong natanaw ang matandang lalaki na palaging kasama ni Syncro. Nag-iintay siya sa amin.
"Kamusta Syncro?” Bungad niya samin. Tinapik lang ni Syncro ang balikat ng matandang lalaki sabay tingin sakin. Tumingin naman sakin ag matandang lalaking iyon. Ngumiti siya sakin na para bang inaasahan na rin niya ako.
“Let’s go.” Sambit ni Syncro.
“How about Jasmin?” Tanong ng matandang lalaki.
“Sir, hindi po namin siya makita.” Sambit ng isa nilang tauhan na kararating lang. Gumuhit sa mukha ng matandang lalaki ang pag-aalala. I look at him with confusion. Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumalikod.
“Don’t worry Fernando.” Mahinang wika ni Syncro. Nakita kong tumingin ang Fernando kay Syncro at tila hindi parin naniniwala.
“Trust me.” muling wika ni Syncro kay Fernando. Ang kaninang mukha ni Fernando ay naging maaliwalas. Speaking of Jasmin, saan nga ba talaga iyon? Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina ay hindi ko na alam kung nasaan siya. Muli akong lumingon sa pinanggalingan namin. Tanaw ko parin ang usok mula sa mansion.
Third person’s point of view
Makapal na usok ang bumabalot ngayon sa buong mansion ng The Coetus. Wala ng katao-tao ang loob nito. Tila pinaghandaan nila ang mga nangyareng ito. Hindi nila inaasahan na ganito kaaga ang gagawing pagsugod ng kabila.
Kasalukuyang tinatahak ni Jasmin ang daan patungo sa kabilang wing. Kung saan matatagpuan ang rooftop. Malakas ang kutob niya na dito ang magiging exit way nila Clark. Hindi siya papayag na uuwing hindi tapos ang mission. Kailangan niyang may maipakita manlang sa ama. Ilang beses na siyang hindi nakakatapos ng mission. Hindi siya papayag na ang ganitong kadaling mission ay hindi nya pa magawa.
Tahimik siyang naglalakad. Natigil na rin ang putukan. Malamang ay nagsi-alisan narin ang iba pa nilang kasamahan. Kahit na ganoon man, desidido parin siya na mahanap sila Clark at makakuha ng drugs na ginagawa nito sa laboratory. Alam nya ring hindi nagkataon ang pagkasunog ng laboratory. Sinunog ito.
Pagdating niya sa rooftop ay wala siyang nakitang helicopter duon. Napakagat siya ng labi. Mali ang calculations niya. Ito lang ang maaaring maging exit nila. Kaya naman labis ang pagtataka niya ng makitang walang kahit na ano ang nandito.
“So, you are looking for me, maiden.” mabilis siyang lumingon sa likod niya. Nakita niya si Clark na nakatayo duon habang nakalagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay. Napangiti si Jasmin.
“Afterall, hindi parin talaga ako nagkakamali sa mga hula ko.” Nagbago ang itsura ni Clark mula sa nakangiti na ngayon ay nagseryoso na. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Hindi naman nagpatinag si Jasmin sa kanya.
“I know something about you that you didn’t know.” malambing na wika nito. Napakunot si Jasmin ng noo. What he’s talking about? wika ni Jasmin sa kanyang isipan.
“Sa tingin ko naman ay iba ka kaysa kay Sync.” nagbago ang reaksyon ng mukha ni Jasmin ng marinig ang codename na iyon. Mukhang nagustuhan naman ni Clark ang reaksyong iyon kaya naman mas lumapit pa siya dito.
“How about I offer you a job?” Nanatiling nakatitig si Jasmin kay Clark. Hindi niya maipaliwanag kung bakit hindi niya maialis ang tingin sa lalaki.
“W-What job?” Sa wakas ay nagawa nya na ring makasagot. Ngunit tila hindi niya ito magugustuhan kahit na sabihin ito sa kanya ni Clark.
“I want you to kill Sync for me.” Sambit ni Clark ng nakangiti.