CHAPTER THIRTY-FOUR

2495 Words
Napayuko kaming lahat dahil duon. Ang mga kasama namin ay naglabas na rin ng kani-kanilang baril. Nililingon ko si Riabelle at Clark ngunit maski sila ay hindi rin alam kung anong nangyayare.   “What’s happening?” Tanong ni Clark sa bagong dating na mga tauhan nila. May mga hawak itong baril at pawis na pawis dahil sa kakatakbo.   “Hindi po namin alam Sir. Nagulat nalang po kami ng sumabog ang isa po nating kotse sa baba.” Paliwanag ng isa.   “Pagkatapos po non ay may mga nagpaputok na pong baril mula sa gubat. Hindi po namin makita dahil madilim.” Sambit ng isa pa. Lahat kami ay napalingon kay Clark. Napatingin siya sakin at dahil duon ay nagka-idea ako kung ano ang nangyayare.   “Ihanda ang mga armas. Riabelle, alam mo na ang gagawin mo.” Wika ni Clark. Narinig ko ba siyang nagmura sa sobrang inis. Tumango sa kanya si Riabelle at tinawag ang dalawang tauhan upang sumunod sa kanya. Pinagmasdan ko sila Riabelle hanggang sa mawala na ito sa aking paningin. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Clark kay Riabelle ngunit alam kong ang mga gamot ang tinutukoy niya.   “Paano naman ito boss? Anong gagawin natin dito?” Muntik ko nang makalimutan na hawak pa nga pala ako ng dalawang ito. Nilingon ako ni Clark. Walng emosyon ang mukha niya.   “Ako nang bahala sa kanya.” Sambit niya. Binitawan na ako ng dalawang men in black. Sinenyasan niya ang mga ito na tulungan ang mga nasa labas. Pag-alis nila, naiwan kami ni Clark. Rinig na rinig ko ang mga putukan ng baril sa baba. Ganon din ang mangilan-ngilang pagsabog. Hindi ko alam kung abot ba sa mga kabahayan ang mga ingay na ito. Kung magkataon man na umabot, lilikha lang ito ng takot at pangamba sa kanila.   “Sync…” napalingon ako kay Clark ng tawagin niya ang codename ko. Hindi ko alam kung anong emosyon niya ngayon. Hindi ko mahulaan dahil para bang sarado ang mga mata niya. Hindi ko makita kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.   “Are you still with us?” Malumanay na tanong nito. Nanatili lang ang mata ko sa kanya. Kung tutuusin, magandang lalaki itong si Clark. Ang ganda ng mga mata niya. Tamang tama sa korte ng kanyang mukha. Ganon din ang hubog ng kanyang mga labi. Kaya naman hibang na hibang si Riabelle sa kanya.   “What do you mean?” I ask. Umayos ng pagkakatayo si Clark. Kahit sobrang ingay na ng paligid di ko maipaliwanag kung bakit naririnig namin ang isa’t isa sa ganito kaingay na paligid.   “I need to verify it. Are you still with us?” Muli niyang tanong. Napakagat ako ng labi. Ano bang isasagot ko? Sasabihin ko bang parte parin ako ng organisasyong ito? Sasabihin ko bang loyal parin ako sa kanila kahit na tinanggap ko na ang alok ni Syncro? Although I just accept it in order to kill him soon.   “Yes.” Maikli kong tugon. Tumango-tango si Clark sakin at may kinuha sa holster niya. Nagulat ako ng makita ang kulay gintong baril na iniregalo sakin ni Syncro. Napatingin ako sa kanya.   “Prove it.” Sambit niya. Ibinato niya ang baril papunta sakin. Walang kahirap-hirap na sinalo ko ito gamit ang isang kamay. Pinagmasdan ko mabuti ang baril na ito.   Ikinasa ko ang baril at itinutok ito kay Clark. Nakataas ang kilay niya ng makita ang ginawa ko. Walang pakundangan kong ipinutok ito sa kanya. Nanlaki ang mata niya dahil duon ngunit mas lalo siyang nagulat dahil hindi siya tinamaan non. Mabilis siyang lumingon sa likuran niya at nakita ang walang buhay na tao.   “See.” bulalas ko. Naglakad ako patungo sa walang buhay na tao. Nilagpasan ko siya ngunit ramdam ko parin sa kanya ang pagkabigla. Nang lapitan ko ang tao mabilis kong inalis ang Balaclava mask nito. Isang lalaki ang bumungad sakin.   “Nice shot.” rinig kong sabi ni Clark mula sa likod. Hindi ko siya pinansin at itinuon ang atensyon sa lalaking nakahandusay sa harap ko. Tama nga ako. Nandito na sina Syncro. Hindi ko alam kung bakit ngunit isa ito sa mga tauhan nila. Nakita ko na ito dati.   “Anong plano?” Tanong ko kay Clark. Tumayo ako upang harapin siya. Nakapasok sa magkabila niyang bulsa ang kanyang mga kamay.   “What plan?” tanong niya pabalik.   “Siguro naman ay alam mo kung sino ang mga kalaban nyo ngayon.” Tanong ko. Tumango-tango siya sakin.   “Ahhh! Yes, I know. Is it great? It is your chance to kill him.” Masayang wika ni Clark sakin. Naiwang naka-awang ang aking bibig. Great! This is what ‘prove’ he is talking about. Tumango-tango ako sa kanya.   Tumalikod na siya sakin. Hindi na ako nakapagsalita. Pinagmasdan ko siya hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Naiwan ako sa hallway na ito na mag-isa. Kahit maingay ang paligid, para bang naging tahimik ang mundo ko. Walang ingay na nililikha ang utak ko sa kung ano ba dapat ang gagawin.   Should I kill Syncro?   Why I said yes?   How am I going to survive this?   Ilan lamang iyan sa mga tanong na nabubuo sa utak ko. Nalilito ako. Nagdesisyon nanaman ako ng hindi pinag-iisipan. Paano na ito? What will happen if I kill Syncro? Kung hindi ko siya papatayin, is there any benefit I gain?   Pumasok sa isip ko si Lexin. Maaring galawin siya nila Clark. Lalo na sa mga salitang binitiwan kanina ni Riabelle. Malamang na may gawin sila kay Lexin. Ayokong mangyare iyon. Ayokong madamay dito si Lexin.   Ayokong malaman niya kung sino ako.   Naglakad ako pababa sa palapag na ito. Habang naglalakad, palapit na ng palapit ang ingay na nagmumula sa mga putok ng baril. Inihanda ko na ang sarili ko. I don’t mind kung matamaan ako.   Pagtapak ko sa unang baitang ng hagdan, bumungad sakin ang mga tauhan nila Clark. Ganon din ang iba pang tauhan nil Syncro. I don’t care about them. Mabilis kong binaril isa-isa ang mga nadadaanan ko. Hindi ko na alam kung kaninong grupo ang mga ito.   May pangilan-ngilan akong nakikita na nagtatago sa kung saan-saan. Mabilis ko silang pinatamaan ng baril. Minsan ay nagtatago ako upang hindi matamaan. Sobrang daming sira dito sa loob ng mansion ni Clark. Kitang-kita ko ang mga traces ng bala sa paligid.   Maya-maya ay natahimik ang paligid. Pinakiramdaman ko ang mga yabag sa sahig. I sense one. One person coming from somewhere else. Inihanda ko ang aril ko. Ngunit natigilan ako ng makitang ubos na ang bala nito.   “Bwisit!” Hindi ko maiwasang mainis. Malamng na sinadya ni Clark na kunin ang ilan sa mga bala nito. Bwisit talaga.   Yumuko ako at gumapang sa pinakamalapit na sofa. Habang gumagapang ay iniiwasan kong lumikha ng tunog. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan na pinaputukan ng kung sino ang pwesto ko. Mabilis akong gumulong papunta sa susunod na pwesto.   Magaling ang isang to.   Mukhang iba ang isang ito sa ibang mga tauhan ng kung sinoman. Suddenly, a curiosity strikes me. Para bang na-uudyokan akong sumilip sa taong ito. Ngunit bago ko pa magawa, pinaputukan muli nito ang pwesto ko. Bwisit.   “Labas Sync, bakit nagtatago ka?” Natigilan ako ng marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali.   “Yoohoo! Sync.” Napakagat ako ng labi. Hindi pa ako handang harapin si Jasmin ngayon. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon kami magtatagpo.   Muli nanaman siyang nagpaputok ng baril kaya napatakip ako ng tenga. Di ba sya titigil? Ano naman kaseng laban ko? Wala nang bala yung baril ko.   Limingon-lingon ako sa paligid ko upang tingnan kung may mga bagay ba akong pwedeng gamitin laban sa kanya. As expected, wala. Wala manlang ako makitang maaari kong pang-opensa. I have no choice. Defense lang ang kaya ko ngayon.   Muli nanaman siyang nagpaputok ng tinangka kong tumayo. Agad uit akong napaupo dahil duon. Kailan ba sya mauubusan ng bala? Wait--- tama! Bakit hindi ko hayaang maubos ang bala nya? Saka ko sya labanan ng one on one?   “Ano na Sync? Hindi ka lalabas? Alam kong ikaw iyan.” Sabi pa muli ni Jasmin. Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang paglapit sa pwesto ko. Hindi ko maiwasang kabahan. Ilang segundo ay maaari na niyang makita kung sino ba talaga si Sync.   Nang marating niya ang pwesto ko sa likod ng sofa, nanatili akong nakayuko. Nag-aantay ng susunod niyang gagawin. Nararamdaman kong nakatayo lang siya duon sa tapat ng sofa. maya-maya ay narinig ko ang baril niya. Alam kong itinutok niya ito sakin.   “Found yah!” Sambit niya. Hindi parin ako lumilingon sa kanya. Nag-iintay lang ako sa gagawin niya.   “Hindi ko hahayaan na mapatay mo si Daddy.” Wika niya. Napapikit ako ng narinig kong kalabitin niya ang trigger ng baril. Ngunit wala akong naramdamang pagtama ng bala sakin. Narinig ko nalang na ilang beses niyang pinipindot ang trigger. Ito na ang pagkakataon ko.   Mabilis akong tumayo at agad siyang sinipa. Tumilapon ang hawak niyang baril. Agad akong tumalon sa sofa at sinugod siya. Natumba kami pareho. Nakadagan ako sa kanya kaya sinamantala ko na ito. Sinuntok ko siya. Hindi ko ba alam kung bakit ito ang una kong ginawa. bagsak ang buhok ko kaya sa tingin ko ay hindi nya pa nakikita ang buo kong mukha. Kasabay non ang sunod-sunod kong sampal sa kanya.   “Bwisit!” Sambit niya. Nagulat ako ng hawakan niya ang magkabila kong kamay at sabay untog ng ulo niya sa ulo ko. nNapalayo ako sa kanya dahil sa sakit ng pagkaka-untog niya.   Mabilis kong napahina ang depensa ko kaya naman nakalapit siya sakin. Mula sa likod sinakal niya ako gamit ang mga braso niya. Pahigpit ng pahigpit ang mga iyon kaya lalo akong nanghina. Pilit kong inaalis ang braso niya na nakapulupot sa leeg ko, ngunit mas malakas siya ngayon dahil may pwersa siya. Hindi ko na alam kung paano ko siya palalayuin sakin. Kahit na kinakalmot ko siya hindi parin siya bumibitaw.   “J-Jasmin…” Bulalas ko. Hindi ko na namalayan na lumabas ito sa aking bibig. Inaantay ko ang magiging reaksyon niya. Ngunit hindi parin nabawasan ang lakas niya sa pagkakasakal sakin. I don’t have a time.   “S-Stop J-Jasmin…” Lalo ko pang nilakasan. Sa pagkakataong iyon, naramdaman kong lumuluwag na ang pagkakasakal niya sakin.   “What did you just say?” Inalis niya ang braso niya sa leeg ko. Kasabay nun ang pagtulak niya sakin dahilan para mapadama ako sa sahig. Habol-habol ko ang aking hininga. Hindi ko alam kung saan pa ako kumuha ng lakas para bumangon ngunit napadapa lang din ako dahil sa paa ni Jasmin na nakapatong sa likod ko.   “How do you know my name? Ay oo nga pala, nandun ka nga pala sa mansyon.” Sambit niya. Hindi ko alam kung bakit nanghihina na ako. Hindi naman ako ganito dati.   Inalis niya ang pagkakadagan ng paa niya sa likod ko. Kasabay nun ang paglapit niya sa ulunan ko upang tignan iyon. Hindi ko na nagawa pang lumaban dahil habol-habol ko pa ang aking hininga. Sinabunutan niya ako at iniangat ito upang makita niya ng buo ang mukha ko. Kahit nakapikit, inaasahan ko na ang magiging reaksyon niya.   “Sinabi ko, pano mo nalam---” para bang natahimik ang buong paligid. Nanatili lang akong nakapikit at inaantay ang susunod na niyang gagawin. Maya-maya ay lumuwag ang pagkakasabunot niya sakin. Para bang hinatak ng malakas na gravity ang ulo ko dahilan para bumagsak ito sa sahig.   “L-Llana?” Bulalas niya. Ramdam ko ang panginginig ng boses niya habang binabanggit ang pangalan ko. Sinikap kong bumangon kahit na nanghihina parin ako. Nasa gitna kami ng gyera. Hindi ako dapat nanghihina ng ganito.   “A-Anong ginagawa mo dito Llana?” Mahinang sabi ni Jasmi. Iba na ang tono ng boses niya ngayon. Hindi gaya ng mga nauna kanina.   Pagkakatayo ko, huminga ako ng malalim saka siya hinarap. Tiningnan ko siya sa mata gaya ng pagtingin ko sa mga taong pinapatay ko. Walang bahid ng anumang emosyon ang ipinakita ko sa kanya. Samantalang si Jasmin ay halos hindi makatingin sakin. Sa tingin ko ay naguguluhan pa siya.   “Hi Jasmin. It’s me, Sync.” Sambit ko. Nanlaki ang mata niya ng banggitin ko sa harap niya ang mga salitang iyon. Nakahinga na din ako ng maluwag. Kahit papaano ay nabawasan na ang nararamdaman ko tungkol sa pagkatao ko. Hindi ko na kailangan pang isipin kung ano ang dapat kong gawin kapag nagkaharap kami ni Jasmin.   “How? Paano? Naguguluhan ako.” Maski din ako Jasmin. I don’t know how we end up in this kind of situation. Lalo na’t may mga pinasamahan tayo.   “What are you waiting for? Kill me now.” Sambit ko at inihanda ang aking sarili. Nakatulala lang sakin si Jasmin at tila malalim ang iniisip. Hindi ko sya masisisi.   “Llana…” bulalas niya. Mahina ang boses niya ngunit rinig ko.   “What? Natatakot kana ba ngayon?” tanong ko. Hindi ko alam kung saan ba ako humihugot ng lakas ng loob para sabihin ito sa kanya.   “Llana kahit kailan ba itinuring mokong kaibigan?” diretso niyang tanong sakin. Natigilan ako dahil sa tanong niya. I look at Jasmin’s eyes. Nakita ko ang isang Jasmin na pinag-traydoran ng kaibigan. She feels betrayed by… by me.   Umayos ako ng pagkakatayo at tumingin ng diretso sa kanya. I want to tell her that I really appreciate her. Gusto kong malaman niya na tunay ang mga panahong iyon. Tunay ang hangarin kong maging kaibigan niya. Ngunit hindi ito ang tamang panahon para sa mga ganitong bagay. Magkaiba kami ng mundong pinanggalingan. Alam kong hindi niya ginusto na mapunta sa mundong to. Samantalang ako choice ko.   Naglakad ako papalapit sa kanya. Nakatayo parin siya at nakatingin sakin habang ang mga mata niya ay nangungusap. Sa pagkakataong ito, hindi ko inintindi ang nararamdaman ko. I’m a murderer. I should not have any feelings.   “It’s all illusion.” Bulong ko sa kanyang tainga. Naramdaman ko ag pagkabila niya. Alam kong nagulat siya. I’m sorry Jasmin. This is a good thing for us to do our job perfectly. Pumikit ako ng mariin at saka siya nilagpasan. Hindi ko na siya nilingon. Alam kong magkikita kami sa ilan pang susunod na pangyayare. Ngunit ngayon ay alam na niya kung sino ako.   Naglakad ako ng mabilis hanggang sa makalayo ako sa lugar na iyon. Umabot pa sa puntong tumakbo na ako upang hindi niya ako maabutan. Ngayon ko biglang naramdaman ang lungkot dahil sa mga salitang sinabi ko. Alam kong mas masakit ito kay Jasmin.   Maya-maya ay napahinto ako ng magkaroon ng napakalakas na pagsabog. Galing iyon sa left wing ng mansion. Kung nasaan ang Laboratory. Mabilis akong nagtungo duon. May mga nakita na akog patay na mga tao sa sahig. Ang iba naman ay sugatan na at di na makatayo. Hindi ko ba alam kung bakit sa laboratory ako patungo.   Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa laboratory. Ngayon ay may pangilan-ngilan akong nakakasalubong na mga sugatan. Malaki na rin ang usok nito kaya halos mahirap na sa paghinga.   Hindi ko na nagawa pang pumasok sa loob. Siguradong tinutupok na ngayon ng apoy ang buong laboratory. Hingal na hingal akong nakatingin duon. Ngunit natigilan ako ng makita ko mula sa di kalayuan si Riabelle na may kausap sa telepono. Nakatingin siya sa laboratory. Napakunot ang noo ko. What does it mean?   Pagbaba niya ng tawag, nagulat ako ng tumingin siya sakin. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Kasabay non ang pagbigkas niya ng ‘Game over’ ngunit walang tunog. Tumalikod na siya at naglaho sa makapal na usok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD