CHAPTER THIRTY-THREE

2563 Words
Nakangiti si Riabelle habang nakatingin sa aking mga mata. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako. Pero isa lang ang masisiguro ko, hindi naniwala ang lalaki kanina sa inakto ko. Magaling!   Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa katangahan ko. Tinaasan lang ako ni Riabelle ng kilay. Mabilis din naman akong huminto at inayos ang sarili.   “Parte pa rin naman ako ng organisasyong ito hindi ba?” Sambit ko. Huminga ng malalim si Riabelle at saka ako nginitian.   “Sure, yes.” Wika niya. Kasabay nun ang isang matigas na bagay ang tumama sa likurang parte ng ulo ko. Mabilis na nanlabo ang aking mata kasabay nun ang hindi ko na makontrol na pagbagsak ko sa malamig na sahig.   Third person’s point of view   Natahimik ang lahat ng makita nila ang pagbagsak ng isang hindi kilalang tao sa sahig. Uusisain pa sana nila ito ng tingnan sila ng masama ni Riabelle. Sabay-sabay umiwas ng tingin ang mga Doktor na nanduon at muling itinuon ang atesyon sa ginagawa.   “Buhatin nyo na sya.” Malamig na tugon ni Riabelle sa mga tauhang kasama. Tumango ang mga ito sa kanya kasabay ng mabilis na pag-aksyon. Huminga siya ng malalim at nilapitan ang isa sa mga Doktor.   “Is everything good?” Tanong niya dito. Tumango ang Doktor. Nginitian lang siya ni Riabelle bilang tugon.   “Okay, sorry for the inconvenience.” Sambit niya dito na tila ba isa siyang anghel. Nang tumalikod siya, saka rin nawala ang ngiting iyon at nagseryoso na. Tiningnan niya ang mga tauhan na ngayon ay bitbit si Sync.   “Follow me.” Wika ni Riabelle at naglakad ng may halong arte sa katawan.   Nakarating sila sa basement kung saan isang malawak na kwarto ang bumungad sa kanila. Sinenyasan niya ang mga tauhan na itali si Sync sa upuang nakahanda para sa kanya. Sa gilid ng kanyang mata ay napansin na niya ang pigura ni Clark. Ngumiti siya at naglakad patungo sa lalaking kasalukuyang umiinom ng alak.   “We have a visitor.” Bungad ni Riabelle kay Clark. Tumango-tango siya dito at inalok kay Riabelle ang isang basong alak. Malugod na tinanggap ito ni Riabelle.   “Cheers!” Sabi niya sa binata. Tinaas ni Clark ang baso niya.   “I can sense it.” Sabi ni Clark pagkatapos ng isang lagok sa alak.   “Are we prepared?” Tanong ni Riabelle.   “Of course, sweetie. Anong tingin mo sakin? Sumusugod ng walang bala? I’m not stupid.” Natatawang sabi ni Clark. Sinabayan na rin ni Riabelle ang tawa ni Clark. Kasabay nun ang malayang paglalakbay ng kamay ni Clark sa kanyang puwetan. Tiningnan lang siya ni Clark ng ‘dirty look’.   “Ma’am, tapos na po.” Napahinto si Clark ngunit hindi na parin inaalis ang kamay nito sa tapat ng puwet ni Riabelle. Tumingin si Clark sa kanila at sinenyasan na umalis. Kahit hindi nakatingin si Riabelle, ramdam niya ang mga lakad nit na palabas sa basement. Nang wala ng maramdamang tao, muling ipinagpatuloy ni Clark ang ginagawa. Hindi na siya tinutulan ni Riabelle. She likes it.   Maya-maya ay naramdaman nya na ang paglakbay ng kamay nito papasok sa kanyang skirt. Hindi niya maiwasang mapahawak ng mahigpit sa balikat ni Clark habang ginagawa nito sa kanya ang ganitong bagay. Ilang saglit lang, naramdaman na niya ang daliri nito sa tapat ng kanyang hiwa. Napakagat nalang siya ng labi dahil sa ginagawa sa kanya ng binata.   “Hanggang dito muna ako.” Bulong ni Clark at inalis ang kamay nito sa dalaga. Naiwang nakanganga si Riabelle. Sinamaan nya ito ng tingin at mabilis na ininom ang alak na nasa baso.   “I hate you.” Sambit nito. Tinawanan lang siya ni Clark. Tumayo na ito at naglakad papalapit sa pwesto ni Sync. Kasalukuyan paring walang malay si Sync na ngayon ay nakagapos sa upuan. Sumunod sa kanya si Riabelle na ngayon ay inaayos ang skirt.   “Paano mo pala nalaman na nandito sya?” Tanong sa kanya ni Clark. Ngumiti sa kanya si Riabelle na tila may pinagmamalaki.   “Hindi bobo ang mga tauhan ko, for your information.” Sambit ni Riabelle. Muli niyang inalala ang nangyare kani-kanina lamang.   Kasalukuyan siyang nanoood sa monitor upang obserbahan ang mga galaw ng tao sa laboratory ng tumunog ang kanyang two-way radio. Nang alamin niya kung bakit ito tumatawag ay nalaman niyang namatan nila si Sync.   Matagal na niyang sinabihan ang kanyang mga tauhan na hindi nila dapat papasukin ang kahit na sino, lalo na si Sync.   “Natagpuan po naming wala nang buhay si Bernardo pagkatapos kong papasukin si Sync.” Wika ng isa niyang tauhan. Nang marinig iyon ay agad niyang ipinatawag ang mga tauhan at pinapunta nya ito sa laboratory. Malakas ang kutob niya na duon pupunta si Sync.   “Sa tingin mo ba, may alam siya sa gamot?” Tanong ni Clark.   “Para sakin, malamang na oo. Base sa na-obserbahan ko kay Sync, she’s a cat. Lagi siyang tinatamaan ng curiosity niya. Malamang na baka marami na ang nalalaman ng babaeng yan.” sagot sa kanya ni Riabelle. Tinanguan siya ni Clark at inilapit pa nito ang mukha sa dalaga. Inobserbahan niya ang buong mukha nito at bumaba sa bandang tiyan. Napakunot siya ng makitang may umbok ang magkabila nitong baywang. Mabilis nitong inangat ang damit ng dalaga at tumambat sa kanya ang dalawang baril.   “Woah! Mukhang prepared sya sa ginawa niyang ito.” May halong pang-aasar sa boses ni Riabelle. Hindi siya pinansin ni Clark na nakatuon ang atensyon sa isang baril na kulay ginto. Kinuha niya ito at pinagmasdan mabuti.   “Napakaganda.” Wika niya. Natahimik si Riabelle. Maski siya natulala sa magandang disenyo ng baril na ito.   “Parang nakita ko na to dati.” Bulalas ni Riabelle habang nakatitig sa napakagandang baril na iyon. Hindi siya pinansin ni Clark na ngayon ay nakatitig parin sa baril. Napansin naman ni Riabelle ang tila natulala nang nobyo kaya naman mabilis niyang hinablot ang baril dito.   Napalingon sa gulat si Clark sa kanya ngunit hindi na siya pinansin ni Riabelle. Naglakad na ito patungo sa kaninang pwesto at inilapag duon ang baril.   Napa-iling nalang si Clark sa inasal ng dalaga. Muli niyang ibinaling atensyon sa wala paring malay na si Sync. Pinag-iisipan nya pa kung paano ito gigisingin at ano ang gagawin dito. Sa katunayan, inaasahan na niya ang mga posibilidad na magbago ang pakikitungo ni Sync sa kanila. Siya ang naglagay sa kanya sa posisyong iyon kaya hindi na nakakapagtaka kung ginagawa nya ito para sa kabilang organisasyon. Until now, wala pa siyang nakukuhang sagot kung patay naba si Syncro o hindi. At malamang na hindi iyon gagawin ni Sync.   Zerrie’s POV   Masakit parin ang ulo ko hanggang ngayon. Unti-unti na rin akong nagkakamalay ngunit hindi ko parin binubuksan ang aking mata. Pinakikiramdaman ko lang ang paligid ko. Sa tansya ko may dalawang taong nandito ngayon.   “Anong oras ba gigising iyan?”   “Hindi ko din alam. Tingnan mo nga kung humihinga pa.”   “Bat ako?”   “Ikaw na. Bilisan mo.” Naramdaman ko nalang ang dahan-dahang paglapit ng isang lalaki sakin. Nang nasa tapat ko na siya, agad nitong itinapat ang dalawang daliri sa aking leeg.   “May pulso pa buhay pa naman.” Sambit nito at sabay alis ng daliri. Natahimik muli ang paligid. Hindi ko na rin alam kung anong ginagawa ng dalawang ito kaya napagpasyahan kong buksan na ang dalawa kong mata.   Pagkamulat ko, bumungad sakin ang isang napakalawak na kwarto. Medyo madilim ito at may bintana sa bandang taas. Maliit na ilaw lang ang nandito at may lamesa sa bandang dulo. Duon ko nakita ang dalawang lalaki na naglalaro ng chess.   Hanggang ngayon ay masakit parin talaga ang ulo ko. I tried to touch it but my hands are tied. Ngayon ko lang napansin na hindi pala kamay lang ang nakatali sakin. Kundi ang buo kong katawan. As if I can escape anytime.   Maya-maya ay napalingon ako sa bandang pintuan ng makarinig ako ng tunog ng takong. Maski ang dalawang lalaki ay napatayo at lumapit sakin. Hindi ko maiwasang mapailing. Paniguradong mapapagalitan sila dahil hindi nila ako binabantayan ng maayos.   Yumuko ako at nagpanggap na wala paring malay. Pinakikiramdaman ko lang ang papasok kahit na alam ko kung sino iyon. Si Riabelle. Pangalawang beses na niya akong kinakalaban. First is okay, second is warning.   “Gising na ba siya?” Bungad nito sa dalawa.   “Hindi pa po.” Sambit ng isa sa kanila. Hindi sumagot si Riabelle at lumapit ito sakin. Rinig sa buong kwarto ang tunog ng kanyang heels na lumilikha pa ng echoes. Tumigil ang mga yabag na iyon sa tapat ko. Nanatili parin akong nakapikit habang inaantay ang susunod na gagawin niya.   “Niloloko nyo ba ako?” Sambit ni Riabelle. Kasabay nun ang pagtapat niya ng baril sa baba ko at pilit inaangat ang ulo ko.   “Wake up, Sync. Wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Alam kong gising kana.” Sambit niya. Wala na akong nagawa. Iminulat ko ang mata ko at tumambad sakin si Riabelle. Nakangiti ito sakin. Ngiti na gaya ng dati. Tuwing magkasama pa kami sa mga mission. Ngiti ng isang dating kaibigan.   “How are you, my dear?” bulalas ni Riabelle. Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatingin sa kanya. Hindi ako natatakot ngayon. Hindi ako nakakaramdam ng kahit na anong takot ngayon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit.   “Kamusta ang trabaho mo? Ginagampanan mo naman ba?” wika niya. Huminga ako ng malalim at lumingon sa dalawang tauhan niya. Mga nakayuko ito ngayon at hindi nakatingin sakin. Ngunit alam kong akikiramdam din sila. Napangiti ako.   “You mean, ang trabaho kong patayin si Syncro?” Tanong ko. Ngumiti sakin si Riabelle. “Hindi ko pa sya napapatay.” Dugtong ko pa. Nanatili ang ngiti niya sakin. “At wala akong planong patayin sya.” sambit ko pa. Nakita kong nagbago ang ngiti ni Riabelle. Mula sa kaninang malambing na ngiti na naging isang demonyong ngiti.   “As expected to you, Sync.” Sabi niya at lumapit pa sakin. Nanatili paring nakatutok ang baril niya sa aking baba. Nilabanan ko ang kanyang titig at ngiti. Ipinakita ko sa kanya a hindi ako natatakot.   “You know what, may alam ako na hindi mo alam.” Wika niya at tumayo ng maayos. Naglakad siya papunta sa lamesa. Sinulyapan ako ang dalawang lalaking nandito na ngayon ay nakatayo lang sa gilid habang nakayuko.   “May alam din ako na hindi nyo alam.” Wika ko. Humarap siya sakin na may dalang baso na puno ng alak. Tumango-tango siya sakin na para bang nagbibiro ako sa kanya.   “Oh really? What is it?” Tanong niya.   “No clues.” Pang-aasar ko sa kanya. Nakangiti parin siya sakin. Nanatili lang ang titig ko sa kanya. Pero ang isip ko ay lumilipad na. Kailangan kong makatakas dito. Hindi dapat ako makampante na hindi niya ako papatayin. Alam ko na ngayon kung ano ang gamot nila. Tama na ang mga nasaksihan ko sa laboratory nila. Ang kailangan ko nalang alamin ay kung para saan iyon. I need to talk to kuya.   “By the way, nameet ko na ang boyfriend mo. He’s cute you know.” Natigilan ako ng marinig ko iyon. Ang kanina lang na lumilipad kong isip ay parang nahatak pabalik sa utak ko. Nawala ang ngiti ko ng sabihin niya iyon. Bigla akong kinabahan.   “T-Thank you.” mahina kong sabi. Hindi dapat ako nagpapakita sa kanya ng kahinaan. I know na gagamitin niya ito laban sakin. At ito na nga ang nangyayare. Nakakainis. I really need to get out of here. I need to know if Lexin is safe or not. Ilang araw na kaming walang koneksyon.   “Ngayon ko lang napansin, isa pala siyang pulis. Wait, alam nya ba ang sikreto mong ito?” Sabi niya sabay lapit sakin. Hindi ko na magawang ngumiti. Nagrarambulan na ang isipan ko kung anong posibleng mangyare sa kanya. Kung nasaan na ba siya ngayon. Kung ligtas ba siya. Natatakot ako.   “Walang kinalaman dito si Lexin.” Lalo pang lumapad ang ngiti niya sakin at inilapit pa ang mukha sakin.   “Alam nya bang isa kang mamamatay tao? Murderer. Killer. Assassinator.” Ang bawat salitang iyon ay para bang bumabaon sakin. Madidiin ang pagkakasabi niya na para bang itinutusok niya iyon sakin. Ito ang isang bagay na ayokong sabihin kay Lexin. Ayokong maski siya, na nagiisang taong nagpapahalaga sakin ay mawala pa.   Hindi ako nakasagot sa kanya. Naubusan ako ng isasagot. Ayoko na siyang makausap pa o dugtungan ang mga sinabi niya. Sa pagkakataong ito, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa mga pagsisinungaling ko kay Lexin.   “Ano Sync or should I say Zerrie?” Nakangiti niyang tanong. Napalingon ako sa kanya dahil sa gulat. Mukhang inaasahan na niya ang magiging reaksyon ko dahil para bang nagustuhan niya ang mga tingin kong iyon.   “How do you know that?” Tanong ko sa kanya. Natatwa siyang inubos ang alak sa basong iyon at ibinato sa pader. Nabasag ito at nagkalat ang bubog nito sa sahig.   “‘I told you. may alam ako na hindi mo alam.” Wika niya at muling tumawa. I bit my lip hard in annoyance because of her laugh. It was like she was teasing me because she knew my name. Nakakairita.   Nakatitig lang ako sa kanya. Gustong-guswto ko na talaga syag masapak. Kung hindi lang ako nakatali, malamang na nasapak ko na ang babaeng ito. Napakaduwag nya na itinali nya ako dito para malaya siyang tumawa.   Natigil siya sa pagtawa ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Clark. Nakasuot ito ng suit na tila galing sa isang meeting. Nang makita siya ni Riabelle ay masaya itong tumakbo papunta kay Clark. Naghalikan sila na para bang wala kami dito. Nalipat ang paningin ko sa dalawang lalaki na nandito. Nahuli ko ang saglit na pagsulyap nito sakin. Napangiti ako. Madali lang para sakin malaman kung isang pulis ito o hindi. At hindi ako nagkakamali.   “Its time. We need to go.” Sabi ni Clark kay Riabelle.   “How about her?” turo sakin ni Riabelle. Sinenyasan ni Clark ang mga men in black niya. Lumapit ang mga ito sakin at tinanggal ako sa pagkakagapos. Kasabay nun ay hinawakan nila ako sa magkabilang braso.   “Don’t tell me isasama natin sya?”   “Yes, she will be our biggest alas.” Sambit ni Clark sabay tingin sakin. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Maski si Riabelle ay naguluhan din sa sinabi ni Clark.   “Let’s go.” Wika ni Clark. Mabilis akong hinatak ng dalawang naka men in black. Sa gilid ng aking paningin, namataan ako ang dalawang lalaki na hindi na sumunod samin. Mukhang hindi sila napansin ni Riabelle. May tiwala naman ako kina kuya.   Naglakad kami papalabas sa lugar na iyon. Duon ko napagtanto na nasa basement kami. May ilan din mga naka men in black ang nandito na at tila nagbabantay sa paligid. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nagsisimula na rin akong kabahan. Hindi naman kami palabas ng mansyon. Pa-akyat kami sa kung saan. Ngunit nakita ko na ang ilan sa mga men in black na nagtungo sa labas.   What’s going on?   Saan ako dadalhin ng dalawang ito? Anong binabalak nila?   Pagdating namin sa rooftop ay may isang chopper na nag-aabang. May lan ding Dotor ang nanduon na nag-aantay samin. Sinalubong kami ng isag Doktor at tila may ibinulong kay Clark. Napatingala ako sa langit. Madaling araw na at tahimik ang buong paligid. Tanging tunog ng chopper ang naririnig naming lahat. Hindi ko naman marinig ang pinag-uusapan nila dahil puro pabulong ito dahil nga sa ingay ng chopper.   Maya-maya ay nakita ko ang senyas niya na ‘okay’ sa Doktor na kausap. Lumingon sakin si Riabelle ngunit hindi ko iyon pinansin. Pinagmamasdan ko lang ang buong paligid ng biglang sumabog ang isang kotse sa baba. Lahat kami ay napalingon dito. May usako na rin na lumalabas nanggagaling dito.   Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ngunit isa pang pagsabog ang nangyare sa bandang kagubatan. Nasundan muli ito sa buong paligid ng mansyon. Napa-atras sina Clark at sumenyas na bumalik sa loob. Samantalang ang mga Doktor ay sumakay na sa chopper. Mabilis din akong hinatak ng dalawang men in black. Habang pababa, rinig ko na ang mga putukan ng baril.   What’s going on?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD