CHAPTER THIRTY-TWO

2525 Words
Zerrie’s POV   Pawis na pawis ang buo kong katawan sa walang humpay na kakalakad. Hindi ko alam kung ilang metro na ba akong naglalakad. Mabuti naman at nakarating na ako sa kalsada kung saan may pangilan-ngilan din dumadaan. Para na akong kuba kung maglakad sa sobrang pagod. Sobrang tagal na rin simula nung mag-lakad din ako ng ganito kahaba.   Nakakaramdam ako ng uhaw ngunit pinipilit ko nalang ang sarili ko na huwag nang isipin ang mga ganong bagay. Ayokong himatayin dito at makita nanaman ang sarili ko sa ospital. Kailangan kong makarating duon sa kahit na anong paraan.   Lumingon-lingon ako sa paligid kung may dadaan bang sasakyan. Sa kamalas-malasan, wala. Kanina meron naman, kaso di ako sumakay. Iniisip ko kase na baka mamaya ay isa sa mga tauhan nila Syncro iyon at ibalik ako sa mansyon nila. May mga dumaan namang pampublikong sasakyan kaso ang problema, puno lahat.   Kakairita!   Maya-maya, napahinto ako ng makarinig ako ng isang busina mula sa aking likuran. Nilingon ko ito at bumungad sakin ang isang SUV. Huminto ito sa mismong tapat ko. Napakunot ang noo ko ng bumaba ang bintana at bumungad ang isang lalaki na may hawak-hawak na isang bote ng kilalang alak. Amoy na amoy ko din ang mabahong amoy na nagmumula sa loob ng sasakyan nito.   “Hi miss.” Bungad nito sakin. Tinaasan ko siya ng kilay upang ipamukha sa kanya ang pagkairitable ko sa presensya niya.   “Grabe! Ang sungit mo naman. Ikaw na nga itong alukin ng sakay e.” Sambit pa nito sakin. Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya. Di bale nang mapagod ako kakalakad, wag lang sumakay sa lalaking to. Mukhang sa mabahong sasakyan nya pa ata ako mamamatay.   “Go f*ck yourself!” Sambit ko at ipinagpatuloy na ang paglalakad. Muli nanamang umandar ang sasakyan at huminto sa tapat ko. Napahinto din ako at tiningnan siya ng masama.   “C’mon miss, grabe ka naman. Nagiging mabuti na nga iyon tao tapos binibigyan mo ng malisya. Sige na, ihahatid na kita kung saan ka man.” Sabi nito. Luminga-linga ako sa paligid. Walang mga sasakyan ang dumadaan at nagmistulan itong ghost road. Huminga ako ng malalim. I have no choice. Kaya ko naman depensahan ang sarili ko kung sakali man.   Nakita ko sa mukha ng lalaki ang pagngiti nito sakin at mabilis akong sinenyasan upang umupo sa passenger seat. Walang salita akong naglakad patungo duon at mabilis na pumasok. Muli nang pina-andar ng lalaki ang SUV at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.   Tahimik lang ako sa buong byahe habang nakamasid sa labas ng bintana. May mga nadadaanan na rin kami mga bahay at malapit na kami sa syudad. Minsan ay sinusulyapan ko lang ang lalaking nasa tabi ko. Hindi na siya gaanong bata. Ang tansya ko ay nasa 40’s na ito at nagpipiling bata. Magulo ang loob ng sasakyan niya at sa tingin ko ay galing siya sa isang roadtrip. Mga mga bagahe kase sa likod at mga balat ng chichirya o kaya naman mga pagkain mula sa mga fast food.   “Saan ka ba galing? Bat naglalakad ka sa kahabaan na iyon?” Tanong niya.   “It’s none of your business.” Narinig kong ngimisi siya ngunit hindi siya tumitingin sakin.   “Naglayas ka sa inyo ano? Inglisera ka pa, malamang na anak mayaman ka.” Ngumisi din ako pabalik sa kanya. Ibinaling ko na ulit ang paningin ko sa bintana. May mga sinasabi pa ang taong ito ngunit hindi ko na pinansin. Hindi ko trip ang pumansin ng sino mang strangers diyan sa tabi tabi. Nagkataon lang na kailangan ko talaga ng tulong ngayon. Siguro ay maswerte parin ako sa langit.   “Saan ka pala pupunta?” This time I look at him. When will this man stop talking? So annoying.   “Kung kating-kati kana ibaba ako, ayos lang. Dyan nalang ho sa tabi. Babayaran nalang kita dahil baka kase mamaya maningil kapa. Unahan ko na.” Sambit ko. Narinig kong humalakhak ang lalaki ng hindi tumitingin sakin.   “Nagtanong lang ako kung saan ka pupunta, ang dami mo nang sinabi. Huwag kang mag-alala Hija, hindi kita sisingilin.” Wika niya sabay tingin sakin--- sa aking dibdib. Saglit na tingin lang iyon ngunit mabilis kong nakita. Ang mga ganitong galawan, alam ko na agad. Hindi na ito bago sakin.   Hindi ko na ito pinansin at itinuon muli ang atensyon sa labas. Hindi ko parin nasasabi ang address na pupuntahan ko dahil ayokong makarating siya duon. Magpapababa nala siguro ako malapit duon upang hindi siya makarating.   LUMIPAS ang ilang oras at kasalukuyan parin kaming nasa loob ng kotse niya. Habang tumatagal, napapansin ko na agad ang direksyong tinatahak namin. Nuong una ay hindi ko pa napapansin dahil sa tagal kong hindi nakapagbyahe sa labas. Ni-hindi ko na nga maalala kung nasaan ang kotse ko.   Hapon na at medyo malapit na mag takipsilim at napansin kong hindi na ako familiar sa lugar. Tiningnan ko ang lalaki sa tabi ko na ngayon ay umiinom nanaman ng alak. Nakaktuwa na na-manage nya parin ang magmaneho kahit lango na siya sa alak. Hindi naman ako nagpahalata sa kanya na naguguluhan ako sa direksyong tinatahak niya. Hindi naman ako natatakot. Hinayaan ko lang siya na dalhin nya lang ako kung saan. Wala naman akong pake-alam.   “Hindi naman ito ang direksyon na pupuntahan ko.” Sa wakas ay nagawa ko na ring magsalita. Hindi nya ako pinansin at nagseryoso na sa pagmamaneho. Umayos ako ng pagkaka-upo at tiningnan siya muli.   “Bababa na ako.” sabi ko. Hindi ito tumingin sakin na lalo kong ikinainis. Ibinaba ko ang aking kamay sa aking hita at duon ko naramdaman ang dalawang baril sa magkabila kong baywang. Nawala sa isip ko. Seryoso kong tiningnan ang lalaki sa tabi ko na ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan.   “Binge ka ba? Bababa na kako ako.” sabi ko sa kanya. Ngumiti ito sakin ng may halong nakakakilabot.   “Nagbago na isip ko, may bayad pala ito.” Wika niya. Seryoso ko siyang tiningnan ay hindi nagpakita ng katiting na takot. Mariin akong pumikit at muli siyang tiningnan.   “Name your price.” Sabi ko saka tiningnan siya sa mata. Kasabay nun ang pagngiti ko sa kanya. Ngumiti din siya sakin na ikinataka ko.   “Hindi mo ata ako naintindihan ineng. Sinasabi ko na nga ba’t mayaman ka.” Wika niya. Napakunot ako ng noo sa susunod nya pang sinabi.   “Nakadali nanaman ako ng malaking isda.” Saka siya humalakhak ng malakas. Pasimple kong sinilip ang buo niyang sasakyan. May mga lubid, maruruming damit ng babae, may mga pagkain pa na hindi naubos. Kaya pala kanina pa kami umiiwas sa mga checkpoints, kase isa syang kidnapper.   Natahimik na ako sa kinauupuan ko. Hindi na ako nagsalita at nag-intay na sa susunod niyang gagawin. Hindi naman ako nakakaramdam ng takot. Para bang kaharap ko lang ngayon ang kapwa ko demonyo.   ALAS SAIS nang gabi ng makarating kami sa isang liblib na lugar. Wala nang mga bahay dito pwera sa isang ito. Kung saan niya ako dinala. Pagkatapos niyang ihinto ang kotse ay humarap siya sakin at pinagmasdan ang buo kong katawan.   “Pagkano kaya kita ibebenta?” Wika niya na tila kausap ang sarili. Hindi ko siya pinansin at inobserbahan ang paligid. Kahit anong gawing sigaw ko rito, walang makakarinig sakin. Wala rin palang magagawa.   Muli ko siyang sinulyapan. Nginitian nya lang ako at saka lumabas ng kotse. Lumabas na rin ako ng kotse at sinalubong siya. Mabilis kong inilabas ang baril sa aking kaliwang baywang at agad itong ipinaputok sa kanya. Bago pa makarating ang aking mga paa sa tapat niya ay nakahandusay na ito sa damuhan. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad papunta sa driver’s seat. I don’t have a time for this. Marami pa akong importanteng dapat gawin kaysa makipaglaro sa demonyong katulad ko.   Muli kong pina-andar ang makina ng kotse at sinulyapan ang wala nang buhay na katawan ng lalaki. Dilat pa ang mata nito. Kitang kita ko sa mata niya ang gulat. Hindi ko na ito pinansin at umalis na. Ito ang kauna-unahan kong ginawa, ang pumatay ng isang inosenteng tao. I mean, hindi kasama sa mga targets ko. Pero hindi ako nakakaramdam ng konsensya para sa kanya. Karma nya iyan sa mga babaeng sinira niya.   Umalis na ako sa lugar na iyon at nagmaneho na patungo sa The Coetus. Sila ang dapat kong paghandaan. Hindi ko alam kung ano nang nangyayare sa anila. Base sa mga sinabi ni kuya, malamang na hindi maganda ang lagay ngayon ng organisasyong iyon. Ano nanaman kayang ginagawa nila Riabelle?   Isa pa sa iniisip ko ay ang gamot na nilikha nila. Alam kong tapos na iyon gawin. Kaya malamang ay iyon ang focus nila ngayon. Ano kayang plano nila?   Umiling-iling ako habang itinutuon ang atensyon sa kalsada. Pinag-iisipan ko pa kung paano ako papasok duon. Ayokong makatunog sina Riabelle at Clark na andun ako. Hindi ko gusto ang mga huli naming pagkikita. Lalo na sa part na binaril ako ni Riabelle. Until now, hindi ko parin talaga makalimutan iyon. Hindi ko alam kung saan siya humugot ng loob para barilin ako.   Nakakainis.   Tapat nga pala siya kay Clark. I should think about that first. In the first place, Clark is her boss. Before I came, her trust is in him. Wala akong laban duon.   MATAPOS ang dalawang oras kong pagbyahe, nakarating ako sa mahabang kalsada papasok sa mansion nila. Hindi ko na itinuloy ang sasakyan. Iniwan ko nalang ito sa gilid at naglakad muli sa masukal na gubat. Kabisado ko na dito. Alam ko na rin kung saan ako pupunta para makapasok.   Gaya ng dati, may mga namataan akong nag-iikot sa paligid. Umupo ako sa likod ng isang puno at pinakiramdaman ang ang kanilang mga presensya. Sa tansya ko, nasa sampo ang mga ito. Magkakahiwalay. Nasa magkakaibang pwesto. Ngunit dahil gabi na, madali sa akin ang makapuslit para di nila mapansin. Depende nalang kung naka night goggles sila.   Upang makasigurado, dahan-dahan akong kumilos papalapit sa isang guard na nasa malapit. Nakatingin siya sa harap kaya hindi niya ako napansin sa kanyang likod. Sakto namang humarap siya sakin kaya hindi na ako nagsayang ng oras. Mabilis kong binali ang kanyang leeg. Babagsak na dapat siya ngunit mabilis ko siyang sinalo at tahimik na idinapa sa damuhan. Yumuko akong muli upang hindi ako makita ng isang guard na nasa malapit.   Luminga-linga pa ito sa paligid at tila hinahanap ang kanyang kasama. Mabilis kong dinampot ang malaking bato sa gilid ko at ibinato ito sa malayo. Sa inaasahan, napatingin siya sa direksyong iyon at itinutok ang baril.   “Sino yan?” Sambit ng guwardiya. Nanatili akong tahimik hanggang sa tuluyan ng naka-alis ang guwardiya papunta sa lugar na iyon.   Nakahinga ako ng maluwag dahil dito. Ngayon ay pinagmasdan ko ang walang buhay na guwardiya sa harap ko. Tama nga ako, may night goggles sila. Kinuha ko ito, pati narin ang suot niya. I also get his ID for me to easily enter the mansion. When I fully prepared, gumapang ako papunta sa isang puno. Pagkarating ko ay tumayo ako at lumabas na parang walang nangyare.   Naglakad ako papunta sa mansion. May pangilan-ngilan akong naaaninag na mga tao din na nag-mamanman sa buong gubat. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Napakadali lang talaga nito. Hindi ko na kailangan pang magtago dahil mukhang isa rin ako sa kanila.   “Hoy Bernardo, saan ka pupunta?” Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng makarinig ako ng nagsasalita. Hindi ko ito pinansin. Sa tingin ko ay isa sa mga katrabaho nila.   “Hoy Bernardo!” Sabi ng isang guwardiya at naramdaman ako nalang ang isang mabigat na kamay na humawak sa balikat ko.   Shit!   “Saan ka kako pupunta?” Humarap ako sa lalaking nagsasalita. Hindi ko makita ang mukha niya dahil madilim na. Hindi naman ako nakakaramdam ng takot. Sinenyasan ko nalang ito ng iinom ako. Hindi ito nagsalita at tahimik na inalis ang kamay niya sa balikat ko.   Tinalikuran ko na siya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Kahit nakatalikod, ramdam ko parin ang titig ng taong iyon sakin. Kailangan ko nang makalayo dito bago pa nila makita ang bangay ng may-ari ng damit na ito.   Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa backdoor. May mga pagilan-ngilan akong nakakasalubong na naka lab coat. Kung gayon ay nandito parin ang mga Doktor na ito. Pagpasok ko sa loob, mabilis akong dumiretso sa maintenance area kung saan nakalagay ang mga locker ng mga nagtatrabaho dito. Kahit papaano ay kabisado ko parin ang mga pasikot-sikot dito. Dire-diretso lang ang lakad ko. Hindi ko na inintindi ang mga tao sa paligid ko. Ayokong makahalata sila. Paniguradong ngayon ay hinahanap na nila ang Bernardo na tinutukoy nila.   Madali ko ring natunton ang locker room. May pangilan-ngilang tao na nandito ngunit sa tingin ko ay hindi sila magkakakilala. Nakayuko lang ang mga ito at tila madaling-madali sa kanilang mga ginagawa. Naglakad ako patungo sa pinakadulo. Pinagmasdan ko ang mga nandito. Inantay ko muna silang umalis bago ako naghanap ng pamalit. Mabuti nalang at meron ditong isang damit na parang sa maid. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at isinuot na ito.   Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas ako sa locker room na parang alang nangyare. Nakasuot ako ng mask kaya naman Alam kong walang makakakilala sakin. mahirap na kapag natunugan sina Riabelle.   Una kong tinungo ang laboratory. Gaya ng dati ay ganun parin ito. Nakakapagtaka. Muli kong inalala ang sinabi ni kuya sakin.   “Actually, wala na kaming idea. Hindi na namin alam kung nasaan ang laboratory. Ni-isa samin ay wala ng idea sa ginagawang iyon ng organization. Naging isang secret file ito para saming lahat. Nagkakaroon na kami ng problema ng team namin.”   Napakunot ako ng noo habang naglalakad sa mahabang hallway ng laboratory. Akala ko ba hindi na nila alam kung nasaan ang laboratory? Ano to? Bakit nandito parin ito? Hindi ko maintindihan si kuya. Bakit niya sinabi iyon?   Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa madaanan ko ang isang parte ng laboratory kung saan may mga nakahigang tao. May mga Doktor din sa bawat pasyenteng andun at tila tinuturukan nila ng kung anong gamot. Napahinto ako at nilapitan ang bintana. May ilan ding Doktor ang nakasilip sa bintana upang obserbahan ang magiging epekto ng gamot sa mga taong iyon. Tahimik kong pinanood ang mga mangyayare. Ganun din ang mga kasama kong nanonood.   Ang isang Doktor sa loob ay may kung anong bagay ang ginawa sa kanyang tablet. Para bang may ginagawa ito na sa tingin ko ay nakakonekta sa mga pasyenteng iyon. Pagkatapos, nagulat ako ng sabay-sabay bumangon ang sampung pasyente na magkakatapat lang ng higaan. Napalingon ako sa mga katabi kong Doktor na may inililista sa kani-kanilang mga papel.   Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa mga pasyente. Mga nakapikit ito ngunit pare-pareho ang postura. Mga nakaupo sila ngayon sa kama. Muling may ginawa ang isang Doktor sa kanyang tablet. Kasabay nun ang sabay-sabay nilang pagdilat. Hindi ako makapaniwala sa aking nasasaksihan. Para bang nakokontrol ng Doktor na iyon ang isipan ng mga pasyente. Dahan-dahan akong umatras sa kanila. Ngayon ay naiintindihan ko na. Alam ko na kung para saan ang gamot.   Ito ay para kontrolin ang kung sino man. Ngunit bakit? Bakit naman gagawin nila Clark iyon? Ibig bang sabihin, alam ito ni Daddy? ito ba ang gamot na isang dekada nilang ginawa?   Umatras ako habang nakatingin parin ang mga mata duon. Hindi na ito maganda. Masama ang kutob ko sa mga mangyayare.   “May bisita pala tayo, di ako na inform.” Napahinto ako sa paghakbang ng marinig ko ang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong humarap at bumungad sakin si Riabelle. Nasa likod niya ang ilang mga guwardiya na may mga night goggles.   Shit!   “Welcome back, Sync.” Bungad niya sakin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD