KINABUKASAN ay naramdaman ko nalang ang malambot na unan na nasa tabi ko. Napabalikwas ako ng bangon. Agad kong nilingon ang sarili ko at napagtanto kong nasa kwarto nanaman ako. Medyo maliwanag na dahil mataas na ang sikat ng araw.
Huminga ako ng malalim. Malamang ay natagpuan ako ni Syncro sa damuhan kagabi at siya ang nagdala sakin dito. Hindi na ako magtataka. Siya lang naman ang nakausap ko kagabi duon. Malamang na siya nga ang may gawa nito.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Nakasabit sa pinto ng cabinet ang isang pares ng damit. Sa baba non ay may sapatos. Nakasuot din sa sapatos ang isang papel. Nilapitan ko ito at kinuha.
“Ipinagbili kita ng damit, Binibini” Sabi ng sulat na iyon. Napailing na lang ako. Bakit ba ganito nya ako tratuhin? Hindi ba siya nangangamba na anytime maaari ko siyang patayin?
Kinuha ko na ang isang pares ng damit na iyon at nagtungo sa CR. Muntik ko nang makalimutan ang pakay ko kung bakit ako lumabas kagabi. Iyon ay ang pagpunta ko dapat sa The Coetus. Baka ngayon ko nalang puntahan iyon. Wala din naman akong gagawin ngayon. Hindi pa ako nakakaisip ng paraan para patayin si Syncro.
Naligo na ako at mabilis nagbihis. Wala rin akong nararamdamang tao sa paligid ng kwartong ito. Paglabas ko ng CR, nagtungo ako sa balkonahe habang sinusuklay ang aking buhok. Sa tansya ko ay alas-diyes na ng umaga. Wala namang tao sa malawak na field na nasa harap ko. Hindi ko rin alam kung nasaan ako. Basta isa lang ang masisiguro ko, wala ako sa mansyon.
Tahimik akong nakatitig sa labas ng mapahawak ako sa aking dibdib. Isang malakas na katok ang gumulat sakin. Hindi ko maiwasang mapairap dahil sa biglaang iyon. Kung sinoman iyon ay paniguradong sasamain siya sakin.
Naglakad ako patungo sa pinto. Huminga ako ng malalim. Wala akong balak buksan ang pinto sa kung sino man. Ayokong may makakita sakin na malapit kay Jasmin. Instead, I look at the peephole to see if who is this knocking at my door. I was surprise when I see nobody. Napakunot ako ng noo. I make sure na walang tao bago ko tuluyang buksan ang pinto. Wala nga talagang tao.
Luminga-linga ako sa paligid. Walang sign ng tao. Nakakapagtaka. Paano naman nawala iyon ng ganon kabilis. Samantalang mahabang hallway ang nandito at kung tumakbo man siya, paniguradong makikita ko din. Ngunit di ko na pinansin iyon.
Papasok na sana ako ngunit napansin ko ang isang kahon sa baba. Napayuko ako upang tingnan iyon ng mabuti. Medyo maliit lang ito at sa tingin ko ay gawa pa sa kahoy. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kinuha ito. Mabilis ko ring isinara ang pinto.
Agad kong ibinaba sa kama ang kahon. Hindi naman siya masyadong mabigat, hindi rin masyadong magaan. Tama lang.
Tinitigan ko muna ng ilang segundo ang kahong iyon. Wala kase akong idea sa laman niyan. Masyadong anonymous ang pagkakabigay. Ni-hindi ko nga nakita kung sino ang nagdala niyan sa tapat ng kwarto ko. Hindi ko rin alam kung sino ang posibleng magbigay nito.
Hindi kaya si Syncro nanaman? Kagabi pa sya. Nakakairita. Ano bang klaseng tao sya? Nakakainis.
Mabilis kong kinuha ang kahon upang silipin ang ibinigay nanaman ng lalaking iyon. Medyo nababalot pa ito sa tela na hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng disensyo. Pagbukas ko sa kahon bumungad sakin ang mga Styrofoam na durog-durog. Mabilis kong kinapa ang loob nito at natigilan ako ng mahulaan ang hugis na aking nakapa.
Isang baril.
Dahan-dahan kong inilabas ito sa kahon. Isa itong napakagandang baril na may kakaibang disenyon. Kulay ginto rin ito at masasabi mong sobrang mahal nito. Dahan-dahan kong hinahaplos ang baril na ito.
Napakaganda.
Hindi ko maialis ang mata ko sa magandang baril na iyon. Unang beses ko palang nakakita ng ganito at hindi ako makapaniwala. Kadalasan ng ganito ay napupunta lang sa auction. Mahuhulaan kong may mataas na value ito.
Hindi ko namalayan ang pag-guhit ng isang kakaibang ngiti sa aking labi. Mabilis ko itong itinutok sa malapit na vase. Pagkatapos ay umakto ako na kunwari, yung vase na iyon ang target ko. Itinapat ko ang hintuturo ko sa trigger ng baril, ngunit di ko napigilang pindutin ito. Lumikha ito ng malakas na ingay kasabay nun ang pagkabasag ng vase. Mabilis kong nabitawan ang baril at napatakip sa aking tainga.
Shit!
Napakagat ako ng labi dahil sa pagkabigla. Pinakiramdaman ko ang paligid ko kung may tao bang papasok, ngunit wala. Masasabi kong soundproof ang kwartong ito. Huminga ako ng malalim at kinuha ang baril. Tiningnan ko kung may bala ito. Nagulat ako ng mapansin kong meron sya. Napailing nalang ako. Nagsayang ako ng isang baril sa wala.
Tumayo na ako at isinuksok ko sa baywang ko ang baril. Nag-ayos muna ako bago tuluyang umalis. Plano kong pumunta sa The Coetus ngayon. Wala na akong balita duon simula nang hindi ako magparamdam duon. Nababahala din ako dahil sa sinabi ni Kuya Steve.
Kinuha ko muna ang lahat ng kailangan ko. Pagkatapos kong maghanda, lumabas ako. Sigurado na rin naman ako na wala nang ibang tao dito kundi ako. Wala rin akong makitang mga CCTV sa paligid. Kung isa man itong kulungan, dapat na mabahala sila at naglalagay ng CCTV. Mabilis akong naglakad palakad sa hallway na iyon. Hindi ako nagpadala sa kaba ko. Kahit konti kase ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.
Muli ko nanamang nadaanan ang mga painting na iyon. Ngunit hindi gaya nung una, hindi ko na rin binigyan pa ng pansin ang mga nanduon. Ang iniintindi ko lang ay makalabas sa lugar na ito at makapunta sa organisasyong iyon.
Hindi rin naman nagtagal at nakarating ako sa pinto. Mabilis ko itong binuksan. Gaya kagabi, bumungad sakin ang malalagong bulaklak. Saglit ko itong tinitigan. Pagkatapos nun ay nagdire-diretso na ako sa paglalakad. Inilibot ko ang paningin ko at pinagmasdan ang paligid. Parang isang laboratory ang pinanggalingan ko. Isa pang nakakapagtaka isang floor lang ito.
Dahil dito ay napahinto ako sa paglalakad. Muli kong pinagmasdan ang gusaling ito. Maari kayang isa itong optical illusion? Paano nangyareng isang palapag lang ito gayong nasa second floor ako? Hindi ko tuloy maiwasang mapapikit. Pinasasakit talaga ng mga iyon ang ulo ko. I’m not good at optical illusions. I am quickly fooled by optical illusions. Kaya naman ayoko sa mga ganitong bagay.
Tinalikuran ko na ang gusaling iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Sa dulo ng mga bulaklak na ito, may isang gate na gawa sa mga halamang-bakod. Mabilis din naman akong nakarating duon. Hindi ko narin kase masyadong inintindi ang mga nasa paligid ko.
Pagkakarating ay di na ako nagdalawang isip na buksang ang gate na iyon at pumasok duon. Bumungad sakin ang isang gubat na puno nang nagtataasang mga puno. Napahinto ako sa paglalakad. Pinakinggan at pinakiramdaman ko ang tunog at simoy ng gubat na iyon. Hindi ko na alam kung saang parte na ako ng mundo ngayon. Ang masasabi ko lang, tahimik dito.
Ipinagpatuloy ko na ulit ang paglalakad. Dahil sa magulong mundong pinasok ko, gusto ko nalang maligaw. Gaya nito. Kung tutuusin, masarap palang maligaw. Hindi mo alam kung saan ka pupunta. Walang kasiguraduhan. Pero kahit ganon, ang sarap parin sa pakiramdam. Hanggang ngayon, wala parin akong naiisip kung paano o sa panong paraan ko papatayin si Syncro. Walang pumapasok sa utak ko ngayon.
Hindi ko na napigilan pang huminga ng malalim habang naglalakad. Naririnig ko ang bawat tunog ng dahon na aking natatapakan. Kasabay nun ang pagbabanggan ng mga puno dahil sa hangin sa taas.
Habang naglalakad, napahinto ako ng makarinig ako ng kaluskos. Napalingon ako sa likod ko. Walang tao. Of course, walang tao. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nababaliw na ata ako.
Ipinagpatuloy kong muli ang paglalakad ko, at muli nanaman din naulit ang tunog. This time, hinayaan ko ito hanggang sa lumapit ang tunog na iyon sa posisyon ko. Binagalan ko rin ang paglalakad na para bang nagmumuni-muni lang.
Hindi nga ako nagkamali, unti-unti kong naririnig ang paglapit ng tunog sa posisyon ko. Hinahantay kong may sumugod sakin, nag-aantay lang ako. Hindi nga ako nagkamali. Mabilis kong naramdaman ang mabilis nitong pagtakbo sa posisyon ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. I turned left when I felt its attack the right. At the same time, I quickly give him an elbow hit in the chest. As a result, he was pushed back. I took advantage of that tiny second to give him an uppercut punch. I even added a kick to cause him to fall down completely.
Hingal na hingal akong tumingin sa taong nakahilata na ngayon sa harap ko. Mukha itong isang guard. Upang makasiguro, lumapit ako dito ay tiningnan ang laman ng bulsa nito. Meron din itong baril na nakalagay sa kanyang holster. Kinuha ko ito at inilagay sa kabilag baywang ko. Tiningnan ko siya sa huling pagkakataon bago ako nagpatuloy sa paglalakad.
Third person’s point of view.
Kumakaripas ng takbo ang isang guwardiya papalapit sa dalagang nakaupo sa kanyang terrace. Kasalukuyan itong umiinom ng wine na mula sa pa Europe. Nang lingunin niya ang nagmamadaling guwardiya, pinagmasdan niya ito ng mabuti. Para bang galing ito sa mahaba-habang takbuhan.
“What’s wrong?” Mahinang sabi ni Jasmin sa bagong dating. Kahit hindi pa ito nasasabi ang bagay na iyon, ramdam na agad niya ang ibabalita nito.
“Miss Alex, may nakakita po kay Sync. Banda po duon sa border.” Pagkakarinig sa sinabing iyon, napangiti siya. Tama nga ang kutob niya sa ibabalita ng guwardiya, tungkol ito kay Sync.
“Nasaan na ang daga ngayon?” Nakangiting tanong nito. Kung walang hakbang ang kanyang ama, siya ang gagawa. Ito ang paulit-ulit na umiikot sa utak niya. Patutunayan niya sa ama na kaya niyang tapusin ang isang trabaho sa mabilis na paraan. Wala na siyang pake sa iisipin ng ama. Alam naman niyang kapag napatay na niya si Sync -ang kalaban nila- matutuwa ag kanyang ama. Mas lalo nya pang makukuha ang tiwala nito.
Tumayo na siya mula sa pagkaka-upo at naglakad patungo sa lugar na sinasabi ng guwardiya. Ayon pa dito, isa sa kanilang guwardiya ang kasalukuyan pang nagpapahinga dahil sa natamong bugbog sa Sync na iyon. Lihim na napapangiti si Jasmin dahil para bang mas lalo siyang ginaganahan na makaharap ang taong iyon.
Ang mga guwardiya nila ay hindi basta-basta. Malalaki ang mga katawan nito at talagang bihasa sa pakikipaglaban. Kung iyon ay natalo ng Sync na iyon, malamang na talagang malakas nga ito. Ilang beses nya narin naman nakakaharap ito. Ngunit hindi siya kumbinsido sa taglay nitong lakas.
Ilang minuto lang, mabilis silang nakarating sa lugar. Naabutan niya ang guwardiyang tinutukoy nito na nakaupo ngayon sa damuhan habang inaalo ng iba pa nilang kasama. Nang makita siya ay pinilit nitong umayos ng tayo ngunit pinigilan na siya ni Jasmin.
“So, dito mo nakita si Sync?” panimula niya.
“O-Opo. Papunta po s-siya duon…” wika niya sabay turo sa norte. Tumango-tango si Jasmin habang pinagmamasdan ang lugar na itinuturo nito. May mga sinabi pa ang guwardiyang ito ngunit hindi na niya pinakinggan.
‘Kung ganon, nandito pala sa parteng ito ng Hacienda ang Sync na iyon. Kung lumabas ka sa border na ito, saan ka pupunta?’
Lumingon si Jasmin sa likuran niya kung saan sila nanggaling. Naglakad siya pabalik duon. Naiwang nagtinginan ang mga guwardiya na kasama niya. Wala na silang nagawa kung hindi sundan ito.
Ipinagpatuloy naman ni Jasmin ang paglalakad at nakarating siya sa taniman ng mga bulaklak. Nakasunod din sa kanya ang mga guwardiya ang pinagmamasdan ang tinitingnan niya.
Dahan-dahang naglakad si Jasmin sa buong taniman ng bulaklak. Pagkatapos ay inilibot niya ang paningin sa paligid. Natama ang paningin niya ng diretso sa kanyang harapan. Siningkitan niya ang kanyang mata upang pagmasdan mabuti ito.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit hindi niya maalis ang paningin sa direksyon iyon. Gayong puro taniman din ng bulaklak ang nanduon.
“Miss Alex, ano pong meron?” Bulalas ng isa niyang kasamang guwardiya. Nawala ang konsentrasyon nya kaya naman sinamaan niya ng tingin ang nagtanong.
“Halughugin ninyo ang buong gubat. NGAYON DIN!” Sambit niya. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niya. Sa isang iglap, nawala lahat ng kasama niya. Huminga siya ng malalim kasabay nun ang muli niyang pagharap sa direksyong iyon. Ngayon ay parang normal na taniman nalang ulit ito ng bulaklak.
‘There’s something wrong here’
Naglakad siya pa-abante ng dahan-dahan. Hindi inaalis ang paningin sa direksyon sa harap. Ini-unat nya na rin ang braso pa harap na animo’y may kinakapa siya sa unahan na hindi makita. Nararamdaman niyang merong kakaiba dito ngunit muli din itong naputol ng tuminog ang telepono niya. Napa-irap siya dahil dito. Kinuha niya sa bulsa ang telepono at isang hindi inaasahang tao ang bumungad sa screen ng kanyang cellphone.
‘Anong kailangan ni Dad?’
Sinagot niya ito at iritang binati ang ama. Inalis nya na rin ang paningin sa direksyong iyon. Ayaw niyang masabihan ng baliw ng kung sinomang makakita sa kanya sa ganon niyang posisyon.
“Where are you?” Ito ang bungad na tanong ni Syncro sa anak.
“Why? Andito lang ako sa mansyon.” sagot niya at nagmadali nang bumalik sa mansyon. Tiningnan nya pa sa huling pagkakataon ang taniman ng bulaklak na iyon.
“Nothing. May nasagap akong balita na hinahanap mo daw si Sync.” Wika ng ama. Huminga siya ng malalim.
“So what? Ano naman sayo kung ipahanap ko ang magiging killer mo? Concern lang ako bilang ANAK, papa.” In-emphasize nya pa ang salitang ‘anak’ sa ama. Narinig nya rin ang buntong-hininga nito sa kabilang linya kaya naman alam niyang hindi gusto ng ama ang takbo ng pag-uusap nila.
“Wala na siya dito.”
“I know. Pinasundan ko na siya sa mga tauhan ko.” Sambit ni Jasmin. Natahimik naman sa kabilang linya. Napapa-iling nalang si Jasmin.
“Kailangan mo pa bang gawin ito? Kakampi na natin siya.” Hindi maiwasan ni Jasmin ang pag-init ng kanyang ulo sa sinabi ng ama.
“Hindi lahat ng kakampi ay kakampi din ang turing satin, Dad. Hindi natin alam, ang iba dyan ay sinasaksak na pala tayo patalikod.” Sambit ni Jasmin sa ama. Natahimik si Syncro sa sinabi ng anak. Hindi na siya umimik at agad binabaan si Jasmin. Inilapag niya ang telepono sa malapit na lamesa at muling pinagmasdan si Jasmin na ngayon ay nakakunot ang noo dahil sa biglaan niyang pagbaba ng tawag. Naglakad papalapit sa kanyang direksyon si Fernando na giliw na giliw habang pinagmamasdan ang naiiritang si Jasmin.
“She’s too young for this.” Bulalas ni Syncro sabay tingin kay Fernando. Nagbago ang mukha ni Fernando dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Wala ka parin bang tiwala sa anak mo?” Tanong nito sa kaibigan.
“Hindi naman sa ganon. Ayoko lang na mapahamak siya.”
“C’mon Syncro, calm down. Kayang-kaya ni Jasmin iyan.” Sambit niya saka tinapik ang braso ng kaibigan. Tumango-tango si Syncro. Nakakaisip na siya ng trabaho para sa anak ngunit kailangan nya parin mag-ingat. Lalo na at target nito ngayon si Sync.
‘Kailangan kong mailayo ang atensyon niya kay Sync. No matter what.’