CHAPTER THIRTY

2416 Words
Zerrie’s POV   “Anong gagawin natin? Nakasunod na sila.”   “Akong bahala. Trust me!” Mabilis na ipinaharurot ni Daddy ang sasakyan. Mahigpit ang yakap sakin ni Mommy mula sa likod. Rinig ko ang mga putok ng baril mula sa aming likuran. Mula sa side mirror, natanaw ko ang tatlong kotse na nakasunod samin. Binabagtas namin ang isang delikadong daan habang tumatakas sa kung sino mang humahabol samin.   Panay ang tingin ni Daddy sa rear mirror. Ilang beses din kaming nagkaka eye-to-eye. Sa mga saglit na sulyap na iyon, kitang-kita ang takot ni Daddy. Ibinaling ko ang tingin ko kay Mommy na ngayon ay yakap-yakap ako ng mahigpit. Hindi na rin matahan ang pag-iyak niya habang hinahalikan ako sa noo.   Wala akong maramdamang kahit ano. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng takot, pangamba, o kahit ano man sa mga oras na ito. Hawak-hawak ko lang ang aking laruang baril na iniregalo sakin ng aking ninong Mariano.   Ilang segundo ang lumipas ng biglang pumutok ang gulong ng aming kotse sa bandang likuran. Para bang napadaan kami sa malaking humps dahil agad na tumalbog ang mga gamit namin sa loob. I tried to look around pero hinarangan ni Mommy ang view. I don’t know nakaharang ba talaga sya o sinadya niyang humarang ng sa ganon ay hindi ko makita ang mga nangyayare.   “Everything will be fine, sweetheart.” sambit ni Mommy sabay ngiti. Isang ngiti na masasabi kong pinakamatamis sa lahat.   “Mommy…” dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Isang madilim na kwarto ang bumungad sakin. Nanatili naman ang mata ko sa kisame habang inaalala ang masalimuot na panaginip na iyon.   Hindi ko mapigilang hindi maluha. Iyon ay nangyare 10 years ago. Hindi ko maalala ang exact event that time pero malinaw sakin na iyon ay ang araw bago kami maaksidente. Ang araw na pumatay sa mga magulang ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla-bigla nalang lumilitaw ito sa utak ko. Hindi naman ako nakakalimot. Ngunit hindi ko rin maintindihan kung bakit nakakalimutan ko ang lahat ng nangyare bago sumapit ang araw na iyon. Ngayon, para itong misteryo sakin.   Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga. Sinilip ko ang bintana. Bilog na bilog ang buwan. Malamig ang simoy ng hangin. Pumapasok sa kwartong ito ang lamig na dala ng hangin mula sa labas.   Naglakad ako patungo sa balkonahe ng kwartong ito. Nakabukas ang pinto at hinahangin ang kurtinang nakatakip dito. Pagdating ko sa balkonahe, sinariwa ng balat ko ang hangin. Nakakahupa ng damdamin.   I close my eyes for a moment. Sobrang tahimik ng gabing ito. Akala mo ay walang nagaganap na krimen sa ibang panig ng mundo. Ang ganitong uri ng gabi ay hindi ko pa nararanasan. Sa buong buhay ko, kalahati nito ay napupunta sa mga gabing kailangan kong kumuha ng buhay.   Agad pumasok sa utak ko ang The Coetus. Ang gamot na kanilang ginagawa sa loob ng dekada, ang gamot kung saan si Daddy ay naging parte ito. Hanggang ngayon ay palaisipan parin sakin. Para saan ito? Anong gamot ang ginagawa nila? Hindi ko alam.   Muli kong naalala ang sinabi ni Kuya sa akin dati.   “Base sa pag-aaral tungkol sa nakalap nating gamot, medyo kakaiba daw ito. Hindi maipaliwanag na kemikal ang nakapaluob dito. Alam kong imposible ito ngunit hindi talaga kapani-paniwala. Masyadong matatalino ang mga gumawa ng gamot na ito…”   “Meron pa, may nakita din silang THC duon.”   Agad kong minulat ang aking mata. IIlang araw na akong walang balita sa nangyayare sa loob. Hindi ko alam kung ano nang nangyare sa gamot na iyon. I need to do something.   Mabilis akong pumasok sa loob. Agad kong kinuha ang aking cellphone at hinagilap ang numero ni Kuya. Siya lang ang magiging contact ko sa loob. Ngunit hindi ko alam kung kamusta na si Kuya. Hindi ko alam kung ano nang nangyayare sa kanya.   Pagkakuha ko sa ikalawa kong telepono, agad kong tinawagan ang numero niya. Mabuti nalang at kahit papaano, mabilis kong nakakabisado ang mga numero.   Ilang ring din iyon bago tuluyang sagutin ni Kuya. Magsasalita sana ako ngunit napansin ko ang mabilis na paghinga ni Kuya sa kabilang linya. Napakunot ako ng noo. Anong nangyayare?   “Kuya?”   “Zerrie? Ikaw ba yan? Ikaw ba talaga iyan?” Napakunot ako ng noo. Hindi ko alam kung anong dahilan at nagkakaganito siya. Malamang ay sinabihan siya ni Lexin na wala ako sa ospital.   “Kuya, napatawag ako dahil may gusto akong itanong.” Panimula ko.   “Alam mo bang labis na nag-aalala sayo si Lex? Idinulog nya pa sa mga pulisya na nawawala ka. Mabuti nalang at pinigilan ko siya.” Hindi ko maiwasang mapakagat ng labi. Hindi ko naman intensyon na pag-alalahanin siya.   “Thank you, kuya.” Wika ko. Narinig ko lang siyang nag-‘tsk’ sa kabilang linya. Kasabay non ang pagpapakawala niya ng isang buntong hininga.   “By the way, anong itatanong mo?” Mabilis niyang wika.   “About sa gamot na ginagawa ng organization…” sambit ko. Naging tahimik sa kabilang linya. Natigilan ako habang inaantay ang isasagot ni kuya. Para bang kinabahan ako na ewan sa mga posible niyang isagot sa akin. Although I already know that the drugs are done, napapaisip parin ako kung ano nang nangyayare duon. Until now, I don’t have specific knowledge regarding sa paggagamitan ng gamot na iyon.   Inantay kong magsalita si Kuya. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa mga sasabihin nya. Maya-maya, isang buntong hininga nanaman ang ibinigay niya bago sumagot.   “Actually…” natigilan nanaman siya, “…wala na kaming idea. Hindi na namin alam kung nasaan ang laboratory. Ni-isa samin ay wala ng idea sa ginagawang iyon ng organization. Naging isang secret file ito para saming lahat. Nagkakaroon na kami ng problema ng team namin.” Mahinang sabi ni Kuya. Mula sa kinatatayuan ko, ramdam ko ang patung-patong na disappointment na nararamdaman niya. Ramdam ko ang mga panghihinayang at hindi maipaliwanag na nararamdaman.   Natahimik ako. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. It feels like a downfall for them. Sobrang lapit na nila, ngunit para bang biglang nawala ito na parang bula. Bigla nalang nawala ang idea or source kung saan napunta ang kanilang iniimbestigahan.   “At least meron na tayong idea na may kakaiba sa gamot na iyon. Diba?” Ewan ko ba kung anong sinasabi ko. Para akong ewan na pinagagaan ang loob ni Kuya   “Yes.” maliit niyang tugon. Tumango-tango ako. At least, meron nang masisimulang investigation regarding sa gamot.   “Okay po, balitaan mo nalang ako kuya.”   “Hindi ka ba pupunta dito sa organization? Nasaan ka ba?” Sunod-sunod na tanong ni kuya. Nilingon ko ang paligid ko. Hindi ko maaaring sabihin kay Kuya kung nasaan ako. Kahit na alam kong ang organization na ito at sina Kuya ay may iisang layunin. Hindi ko parin maaaring sabihin dahil meron din akong sariling layunin kung bakit ako nandito.   “Hindi pa kuya, may tinatrabaho pa ako.” Sagot ko.   “Ito ba yung inutos sayo ni Clark?”   “Yes.” Saglit na natigilan si kuya sa kabilang linya. Kasabay non ang pagpapakawala nanaman niya ng buntong hininga.   “May maitutulong ba ak---”   “I’m fine, kuya.” sambit ko. Hindi na rin nagsalita si kuya. Ramdam na ramdam ko talaga lungkot niya ngayon. Hindi ko siya masisisi. Nagsisisi tuloy ako na tinawagan ko pa siya.   “I have to go kuya.” Sambit ko at agad na ibinaba ang telepono. Hindi ko na rin inantay pa ang sagot niya. Ngayon ay sapat na sakin ang nalaman ko. Nawalan ng connection ang team nila sa gamot na ginagawa ng organization. Hindi malayong pati rin ang ibang tauhan nito. Kung gayon, nasaan na ito?   Inilapag ko sa kama ang aking telepono at naglakad papunta sa balkonahe. Muli kong sinariwa ang malamig na hangin at bilog na bilog na buwan. Kailangan kong makabalik sa The Coetus. Malakas ang kutob ko na may nangyayareng iba sa loob non ngayon. Hindi ko alam kung anong dahilan, ngunit malakas ang kutob ko na may iba nanamang balak sina Clark.   Dahil ba iyon sa akin?   Ako ba ang rason bakit nangyare ito? Imposibleng nagkataon lang. Matapos ang araw na binaril ako ni Riabell, nagkaganito na. I don’t know what is going on, but I have to do something.   Huminga ako ng malalim. Mahaba ang gabi, marami akong magagawa sa mga oras na ito.   Mabilis akong nagtungo papasok sa loob. Nagpalit ako ng damit. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito, ngunit masasabi kong ang swerte ko. May damit ng katulong sa wardrobe kaya naman ito na ang sinuot ko. Mapapabilis ang paglabas ko dito ng walang makakapansin sakin. Pagkatapos kong magbihis, agad kong kinuha ang mga gamit ko. Mabilis din akong lumabas duon na parang wala lang.   Tahimik ang hallway. May mga ilaw dito ngunit sobrang hina. Hindi ko alam kung saang parte ako ng mansyon ni Syncro. Pero sobrang tahimik dito. Napansin ko rin ang iba’t ibang painting na nandito. Karamihan ay puro abstract expressionism. Hindi ko maunawaan kung anong damdamin ang mga nakapaloob dito. Pero dahil sa mga kulay na ginamit, masasabi kong ang damdaming nakapaloob dito ay hinanakit, galit, at poot. Hindi ko maintindihan kung bakit. Para bang nagbibigay sakin ito ng creepy feeling.   Isa-isa kong nilagpasan ang paintings na iyon. Posible kayang si Syncro ang may gawa ng mga iyon? O baka naman binili nya lang sa kung sino mang artist. Masasabi kong maganda ang taste niya pagdating sa mga pinta.   Bata palang ako, mahilig na rin ako sa mga abstract expressionism artworks. Kapag nakakakita ako ng mga ganitong artwork, para ang ganda-gandang pagmasdan. Lalo na kapag ang isang bagay ay may kahulugan. Isa sa paborito kong pinta ay ang ‘Woman I’ ni Willem De Kooning. Maraming nagsasabi na ang pintang ito ay betrayal or misogynistic. Pero para sakin, pinapakita nito ang isang independent woman with different flaws. This represents us. Kahit pare-pareho tayong tao o babae, meron parin tayong pagkakaiba lahat.   (A/N: ‘Woman I’ is a painting by Willem De Kooning. The medium is oil, enamel, and charcoal on canvas. The year 1950-2. This painting took him a long time to complete. It’s because he made it so many times to repainted it repeatedly. You can search it on Google to see it and read some articles about it. Thank you.)   Pagkatapos kong lagasan ang mga pintang iyon ay nakarating na rin ako sa dulo. May pintuan duon na gawa sa bakal. Muli kong nilingon ang pinanggalingan ko. Hindi ko namalayan ang haba ng nilakad ko dahil sa mga paintings na nandito. Hindi ko na rin matanaw ang kwartong pinanggalingan ko.   Muli kong itinuon ang atensyon sa bakal na pinto. Huminga muna ako ng malalim bago ito buksan. Lumikha ito ng nakakakilabot na ingay habang binubuksan ko. Hindi ko maiwasang mapa-iling dahil sa ingay na iyon.   Dahan-dahan ko itong binuksan hanggang sa bumungad sakin ang napakalawak na taniman ng bulaklak. Sa tabi nito ang malawak na golf course. Hindi ko maintindihan. Paano ako napunta dito?   Naglakad ako palabas. Tiningnan ko maigi ang maligid. Saka ko lumingon sa aking likuran. Duon ko napagtanto na nasa ibang lugar ako. Ni-tanaw ko nga ang mansyon ilang metro lang mula sa pwesto ko.   Imposible!   Paano nangyare to? Paano ako napunta sa ganitong lugar? Wala akong naalala na umalis ako sa pwesto ko. Para bang nabuhol laha ng tissue sa utak ko dahil sa mga pangyayare. Hindi ko maipaliwanag.   Naglakad ako papunta sa gitna ng mga taniman ng rosas. Kitang kita ko ang mga ito dahil sa bilog na bilog na buwan. Habang naglalakad ipinadampi ko ang aking mga daliri sa mga rosas na iyon.   Mesmerizing.   Hindi ko mawasang alisin ang mga tingin kong ito sa mga bulaklak na ito. Para bang binubura nito ang mga laman ng aking isipan. Hindi ko na rin namalayan ang oras. Para bang lahat ng kanina lang na gumugulo sa isip ko ay nabura.   “Kay ganda nilang tignan sa gabi, hindi ba?” Hindi ko nilingon ang nasa likod ko. Ngunit alam kong si Syncro iyon.   “Parehong-pareho talaga kayo.” Bulalas nya. Napakunot ako ng noo at nilingon siya.   “Nino? Ni Jasmin?” Sambit ko. Nakatingin lang siya sakin. Hindi ko makita ang mga mata niya. Suot-suot nanaman niya ang kanyang itim na salamin. Wala namang araw pero hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit nakasalamin parin siya.   “Nasaan ang mga magulang mo?” Tanong niya sakin. Hindi ko maiwasang mapairap sa pag-iiba niya ng topic. Bakit ba siya bigla-biglang nagpapasok ng ganitong topic?   “Bakit mo ba sakin tinatanong iyan?” Hindi naman sa nababastos ako. Hindi ko lang alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang mga salita sa ‘wala na akong magulang’.   “Gusto ko lang malaman.” Mahina niyang sabi. I just frowned because of his answer. There is still part of me that thinking about him asking me that question because no one guides me on the right path. Hindi ko maiwasang mainsulto sa mga iniisip kong ito.   Humiga ako ng malalim at saka siya hinarap. Buong tapang ko siyang tiningnan.   “I know what you’re thinking. Although I don’t have a parent, it doesn’t mean na masama na silang magulang dahil napunta ako sa ganitong posisyon. It was my choice.” Sambit ko. Dahan-dahan akong umatras habang nakatingin sa kanya. Nakangiti lang siya gaya ng palagi niyang ngiti. This time, it creeps me out.   Tinalikuran ko na siya at kumaripas ng takbo patungo sa kung saan man. Hindi ko alam ang palabas sa lugar na ito. Tumakbo lang ako hanggang samakaramdam ako ng pagod. Hindi ko na ininda ang layo nun. Bumagsak na rin ang luha ko.   Nakakainis.   Bakit ba ako umiiyak? Nakakairita talaga.   Mabilis na nanghina ang tuhod ko at bumagsak sa damuhan. Habol-habol ko ang aking hininga. Hindi ko maiwasang mapapikit sa pagod na natamo ko. Kasabay pa nun ang mabilis na pag-agos ng luha ko.   Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang akong naging emosyonal dahil sa tanong nyang iyon. Bigla kong namiss sina Mommy and Daddy. Mabilis din pumasok sa utak ko ang mga posibleng buhay ko ngayon kung buhay pa silang dalawa.   Nasa ganito kaya akong posisyon?   Mapapahiran din kaya ako ng dugo?   Maitututok ko kaya ang baril sa kung sino man?   Kung anu-anong tanong ang dumadaloy sa utak ngayon dahil lang sa simpleng tanong na iyon ni Syncro. Hindi ko talaga maiwasang mainsulto. Iyon ang hindi ko maalis sa isip ko. Nasaktan ako.   Sumalampak ako sa damuhan at hindi ko na napigilan ang sarili ko na humiga duon. Sobrang tahimik ng paligid. Nanatili lang ang mata ko sa mga kumikislat na bituin. Nanatili lang ako sa damuhang ito habang umaagos ang luha sa aking mata.   Namimiss ko na sina Mommy and Daddy.   Ipinikit ko ang aking mata. Mas ramdam ko ang hangin dito kaysa duon sa balkonahe ng kwartong tinutuluyan ko. Ramdam ko rin ang kapayapaan sa paligid ko. Para bang mag-isa lang ako dito at tanging sarili ko lang ang yakap ko.   Mag-isa naman talaga ako.   Habang nakapikit, pinahid ko ang luha na dumadausdos sa pisngi ko. Kasabay nun ang antok na aking naramdaman. Unti-unti naring bumibigat ang pakiramdam ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD