CHAPTER TWENTY NINE

1958 Words
Nasa kalagitnaan ako nang pagtulala sa kawalan ng marinig ko ang tunong ng cell phone. Agad akong napalingon sa buong paligid. Nagmumula iyon sa isang paper bag na nakalagay sa ilalim ng kama. Mabilis akong yumuko upang abutin iyon. Medyo hindi ko maiwasang mapa-aray dahil sa sugat ko sa balikat.   Nang makuha ko ito, napagtanto kong mga gamit ko iyon. Nagmumula ang tawag sa una kong telepono. Mabilis kong kinuha ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Galing kay Lexin. Hindi lang siya isang tawag, sobrang daming tawag. I bite my lower lips because of nervous. Paniguradong galit na galit ngayon si Lexin sa pang-iiwan ko sa kanya. I have no choice. Ayokong madamay siya sa mga problemang pinasok ko. Isa pa ngayon ang iniisip ko ay ang kalagayan nya ngayong kilala na siya nila Riabelle.   Namatay din agad ang tawag. Saglit akong nakahinga ng maluwag ngunit bumalik din ito ng maka-receive ako ng text galing sa kanya. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ito upang tingnan. Kinakabahan ako. Malamang na ang laman lang nito ay ‘NASAAN KA?’.   Pinatay ko na ang telepono ko kahit labag sa loob ko. Tinanggal ko na ang battery nito at maski ang sim card. Mas mabuti talagang wala na siyang koneksyon sakin. Mapapadali ang pagkilos ko dahil hindi ko na siya iisipin.   Ngunit hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Tama ba itong ginagawa ko para sa kanya o pinalalala ko lang ang sitwasyon para sa kanya?    Hindi ko nalang inisip pa ang mga bagay na iyon. Ipinikit ko ang mata ko. Nagbabaka sakali na maayos na pagdilat ko. Ngunit hindi ganon kadaling mawala ang mga problema. Muli kong binuksan ang aking mga mata. Kailangan kong ayusin kung ano ba talaga ang priority ko bago ko simulan ang mga plano ko.   Iyon ay ang patayin si Syncro at alamin kung para saan ang mga gamot na iyon ng organization at the same time.   Kahit pala-isipan parin sakin ang pagkakasangkot ni Daddy duon 10 years ago, kailangan ko paring mag-imbestiga. Gusto kong malaman kung bakit ginawa iyon ni Daddy. For what reason?   Tumayo na ako. Wala akong planong gawin ngayong araw. Siguro ay magpapahinga nalang ako. Bukas ko nalang kakausapin muli si Syncro para sa karagdagang gagawin. Ayoko ring makita si Jasmin ngayon. Nahihiya ako, at the same time, natatakot.   Muli akong bumalik sa kama. Malinaw na sakin ang lahat. Kailangan ko lang magdahan-dahan sa mga planong gagawin ko. Sa mga desisyong pipiliin ko at sa mga bagay na dapat kong unahin. Hindi ako dapat mag-madali. Alam kong darating din ako duon.   Ipinikit ko na ang mata ko at pinilit na makatulog. Kailangan ko munang magpahinga. Susulitin ko ang pagkakataon na ito na makabawi ng lakas. Hindi ko alam kung anong mangyayare sa susunod. Kailangan kong magkaroon ng karagdagan lakas. Afterall mag-isa lang ako.   Jasmin’s point of view   “Bullsh*t.” hindi ko maiwasang mapamura habang nakatayo sa harap ni Daddy. Nakaukit nanaman sa mukha niya ang ngiti na hindi ko alam kung talaga bang naka-ukit na sa mukha niya.   “Hindi ko alam kung anong nakikita mong problema duon, Jasmin.” Sambit niya. Umiling-iling ako habang sinasabi niya ang mga bagay na ito. Hindi ako makapaniwala sa desisyong ito ni Daddy.   “What’s wrong with you?” Tanong ko. Nilingon ko ang alalay niyang matanda. Nakangiti ito sakin at para bang nang-aasar pa. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa kanya ngayon. Hindi ko matanggap na nandito ngayon sa pamamahay na ito si Sync. Ang killer, serial killer, assassin at murderer ng The Coetus. Hindi ako makapaniwala na nagpapasok siya ng ahas sa organisasyon.   “Walang problema sakin, Jasmin.” Malumanay niyang sagot. I can’t believe this. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga desisyon niya ngayon.   “Paano kung bigla nalang nya tayong patayin?” Tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa ng alalay niya at napangiti.   “Don’t worry. Alam kong hindi nya iyon gagawin.” Napataas ang kilay ko dahil sa sagot niya.   “Gaano ka kaseryoso sa sinasabi mo, Daddy?” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Alam kong ang pangit pakinggan ng mga pananalita ko. I just want to protect this clan. Nagsisimula palang kami. Ayokong bumagsak kami agad ng dahil lang sa ganitong desisyon ni Daddy. Lalong hindi ko gusto ang pagpapapasok niya kay Sync dito.   Minsan na kaming nagkaharap ni Sync.Masasabi kong magaling talaga sya. Kaya hindi ko talaga hahayaang makalapit siya sa clan namin. Lalo na sa balitang ibinigay sakin ng isa sa mga espiya namin. Hindi daw gaanong nagpaparamdam sa The Coetus si Sync dahil sa assignment na ibinigay sa kanya ni Clark.   Hindi ko man alam ang assignment na iyon malakas ang kutob ko na tungkol iyon sa amin. Paano kung ang ubusin pala kami ang pakay niya kaya sya nandito?   “Calm down, Jasmin. Kontrolado ko ang lahat.” Mula sa mga salitang ito ni Daddy, hindi ko alam kung gagawin ko bang mapayapa o mas lalong mataranta dahil sa sinabi niya.   May tiwala naman ako kay Daddy. Ngunit hindi ko alam kung sa oras ba na ito ay maibibigay ko iyon sa kanya.   “I have to go.” Sambit ko at naglakad na palabas ng opisina niya.   “Wait, meron pa tayong pag-uusapan.” narinig kong wika ni Daddy. Nilingon ko siya at binigyan siya ng what-is-it-look.   “Balita kong bumuo ka ng grupo upang tugisin si Sync. Gusto kong huwag mo nang ituloy iyon.” Napanganga ako sa sinabi niya. What?   “Ano uling sabi mo? Huwag ko nang ituloy? Ang alin? Ang tugisin si Sync?” Sunod-sunod na tanong na ibinigay ko sa kanya. tumango siya sakin. Hindi ko maiwasang matawa dahil sa mga sinabi niya. Seryoso talaga sya?   “You can’t stop me, Syncro.” Sambit ko at mabilis na umalis sa loob ng kwartong iyon. Hindi ko na inantay pa ang mga sasabihin niya. Wala akong paki-alam. Hindi ko man-alam kung bakit siya nag-kakaganyan, pero isa lang ang dahilan, there is something in that Sync. Siguro ay may ginawa siyang kakaiba kay Daddy para magkaganon siya.   Huminto ako sa paglalakad. Nandito si Sync. Bakit hindi kaya unahin ko na siya ng sa ganon ay mabilis naming mapatumba ang organisasyong iyon? Bago nya pa kami unahan?   Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ang mga balak ko. Mabilis ko lang siyang mahahanap sa loob ng mansyong ito. Sisiw nalang ito sakin.   Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad. May mga nasasalubong akong mga tauhan namin na nagbibigay galang sakin ngunit hindi ko na iyon pinansin. mabilis kong tinungo ang grupo ng mga sundalo namin.   “Meron akong i-uutos sa inyo.” Nilingon nila akong lahat.   “Gusto kong hagilapin nyo si Sync sa buong mansion. Kapag nakakita kayo ng babaeng kahina-hinala o hindi naman talaga parte ng organisasyong ito, patayin nyo!” Sambit ko. Nakita ko ang pagtitingnan nila sa isa’t isa na para bang nagtataka sa nangyayare.   “NOW!!” Mabilis silang kumilos. Sa isang iglap, nawala sila sa harap ko. Huminga ako ng malalim. Hindi ko hahayaan na unahan mo kami Sync. Sa mundong to, paunahan lang.   Third person’s point of view   Naiwan sa loob ng kwartong iyon sina Syncro at ang kanyang assistant nang makalabas si Jasmin. Hindi maiwasan ng matandang lalaki ang mapa-iling. Inaasahan na niya na magiging ganon ang reaksyon ni Jasmin dahil alam niya kung gaano ito ka pursigido sa pagprotekta sa kanilang organisasyon.   Nilingon niya si Syncro at pinagmasdan ang amo. Normal itong nakatingin sa pinto at suot-suot parin ang ngiting kailan man ay hindi nya pa nakitang nagbago.   “Ano nang plano mo?” Tanong nito sa amo. Nilingon siya ni Syncro. Tinanggal ang suot na salakot at itim na salamin at hinarap ang matanda.   “Wala naman.” Sambit niya. Napakunot ng noo ang matandang lalaki habang pinagmamasdan ang papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Ito ang papel na ibinigay niya kay Syncro mula sa private investigator na inutusan niya. Kahit alam na niya ang sagot ay kumuha parin siya ng mag-iimbestiga para dito.   “Ang ibig kong sabihin, ano nang balak mo?” Tanong ng matandang lalaki kay Syncro. Ang mga tanong na iyon ay may halong kakaibang ibig sabihin. Alam naman ni Syncro ang pinupunto ng kausap. Sadyang wala pang pumapasok sa utak niya.   “Hindi ko alam, Fernando.” Sambit ni Syncro at naupo sa bakanteng upuan malapit sa bintana. Tumango-tango si Fernando kay Syncro dahil naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin.   Naglakad siya papunta sa bintana kung saan tanaw ang malawak na golf course. May ilang mga naglalakad duon at ang iba ay nag-eensayo lang. Nakalagay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon ang kamay niya. Hanggang ngayon ay iniisip nya parin ang inasal ni Jasmin sa harap ng kanyang ama. Wala namang ginawa si Syncro para duon.   “Anong sagot ni Sync sa offer mo?” Muli niyang tanong. Hindi siya nakaharap sa amo dahil hindi niya maalis ang tingin sa napaakgandang tanawin sa labas. Pinakiramdaman nya lang ang kilos ni Syncro sa likuran niya na ngayon ay kasalukuyang nakaupo sa upua.   “Tinanggap nya.” mahinang wika ni Syncro. Nilingon niya ang amo at lumapit dito. Kilala nya si Syncro. Bago palang mabuo ang organisasyong ito ay kilala na niya ito. Tinulungan niya itong itayo ang organisasyon upang pabagsakin ang The Coetus. Sa totoo lang, malaki ang utang na loob niya kay Syncro. Iniligtas siya nito sa bingit ng kamatayan.   Dati siya aktibista na naglalayong pababain ang dating nanunungkulang presidente. Hindi niya gusto ang pamamalakad nito lalo na at napag-alaman niyang may binuo itong organisasyon. Hindi niya alam kung para saan ang organisasyong iyon ngunit sapat na iyon upang pabagsakin ang mga nasa gobyerno. Ito ang dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay. Sa totoo nyan, alam naman nya talaga ang mangyayare sa kanya dahil sa panghihimasok niya sa mga ganitong usapan. Alam niya na ang isa niyang paa ang nakalubog na sa hukay.   Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Syncro. tinulungan siya nito at bilang ganti, tinulungan nya din ang bagong kaibigan. Dito niya napag-alamang may koneksyon ang bagong kaibigan sa organisasyong iyon. Si Syncro mismo ang nag-isip na pabagsakin ang naturang organisasyon. Hindi niya alam kung bakit ngunit sumang-ayon na rin siya.   Alam niya lahat ng tumatakbo sa utak ni Syncro. Sa ilang taon nilang magkasama, kabisado at madaling basahin ang kaibigan. Ngayon, maski siya ay nagulat sa desisyong iyon ni Syncro. Iyon ay ang pagpapasok kay Sync sa organisasyon ito.   Alam niyang may ibang plano ang kaibigan. Ngunit natatakot parin siya para dito. Lalo na sa nalaman nila mula sa isang bagay na ipinahalungkat nya pa sa kaniyang private investigator.   “Paano na ngayon yan? Ano nang balak mo? Kay Sync? Kay Jasmin?” Sunod-sunod na tanong ni Fernando kay Syncro. Hindi parin nagbabago ang ngiti nito na nakaukit sa mga labi niya. Tumingin siya kay Fernando at sa unang pagkakataon, nasaksihan ng mga mata ni Fernando ang kakaibang hugis ng ngiti niya. Saya, galak, at kasabikan.   “Lahat ng bagay ay naa-ayon sa takbo ng kwento. Hindi natin kailangan pangunahan ito. Hayaan mong dumating ang araw na lumabas lahat ng itinatago ng nakaraan.” sambit ni Syncro. Naiwang nakatulala si Fernando habang nakatitig sa kakaibang tema ng mukha ni Syncro.   Tama. Hindi sya dapat kabahan o magkaroon ng mga tanong. May tiwala siya sa kaibigan.   Lumapit siya sa cabinet kung saan nakalagay ang mga mamahaling wine mula sa ibang bansa. Kinuha niya ang isa sa pinakamahal na nabili pa nila mula sa Italy. Pagkakuha, lumapit siya sa kaibigan at saka naman inilapag I Syncro ang dalawang baso.   “Ang wine na ito ay nababagay para sa panibagong yugto ng kwento.” Sambit ni Fernando kay Syncro. Ngumiti muli si Syncro ngunit hindi gaya ng dati. Kakaibang ngiti na ngayon nya lang nabuksan. Hindi na siya makapaghintay para sa mga nangyayare. Alam niyang mula sa mga oras na ito at sa mga susunod na araw ay magsisimula na ang nalalapit na digmaan sa pagitan ng kanilang grupo at grupo ng mga nasa gobyerno.   Hindi nya man alam kung ano ang eksaktong mararamdaman. Ngunit alam niyang malapit narin niyang bigyan ng hustisya ang mga namatay sa kamay ng organisasyong iyon. Ang mga namatay na ilang taon nang sumisigaw ng hustisya mula sa kabilang buhay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD