CHAPTER TWENTY EIGHT

2897 Words
MEDYO makulimlim ngayon. Nagbabanta ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kasalukuyan akong nakaupo sa waiting shed dito sa bus stop malapit sa ospital. Nakatingin ako sa mga palapag nito na may pa-onti onting ilaw. Iniisip ko na sa mga oras na ito ay malamang ay tulog pa si Lexin at hindi nya pa napapansin ang pagkawala ko. I can’t help but imagine his reaction once na malaman niyang wala na ako duon.   Huminga ako ng malallim. Sa totoo lang, bukod kay Lexin, isang bagay pa ang lumalamon sa utak ko ngayon. Si Syncro. Alam kong sya ang nagbigay sakin ng paper bag na may lamang mga gamit. I don’t know about the offer he is talking about but there is a part of me that I know what is it. Kaya naman naguguluhan ako. Hindi ako dapat magdesisyon ng base sa aking nararamdaman. Kailangan kong pag-isipan ang bawat kilos na gagawin ko. Ayokong magsisi sa huli.   Muli kong binasa ang piraso ng papel na nakalagay sa paper bag. Paulit-ulit kong binasa iyon. Bukod sa sinabi ni Syncro, meron pang instructions ang nakalagay duon. That instruction is base on my decision. Pero kase parang nakaka-pressure. Para bang pinipilit akong mag-yes.   Hayss...   Inilagay ko na lang ulit sa bulsa ko ang papel. Pumapatak na rin ang ulan. Wala akong makitang gaanong tao ngayon sa kalsada kahit na mag-aalas otso palang ng umaga. Sa sobrang lamig ba naman ng panahon ngayon ay malamang na masarap matulog.   I close my eyes a bit of second. Ninamnam ko ang malamig na simoy ng hangin na dala ng ulan. Ilang linggo at mga araw nalang ay mag-papasko na. Hindi ko naman na gaanong iniisip iyon. Every year, I celebrate on my own. Hindi ko nga alam kung celebrate ang tawag duon dahil wala naman akong ginagawa. I just want to sleep. Minsan ay nagtatrabaho ako mula sa utos ng mga kliyente ko dati.   Muli ko nanamang naalala ang mga taong iyon. Mga panahon na walang ganitong problema. Mga panahon na wala akong paki-alam sa mundo. Mga panahon na hindi ko pa alam kung paano maging tao. Hindi ko talaga alam kung paano ako napunta sa ganitong situation. Hindi ko alam kung bakit ako nandito sa posisyon na ito.   Muli kong iminulat ang mata ko. Isang kotse ang bumungad sa akin. Para bang nabura na parang bula ang lahat ng mga iniisip ko. Nanatili lang ang mata ko sa itim na sasakyang nakahinto sa harap ko. I didn’t feel any nervous. I don’t care kung anong mangyayare. My whole life is always in danger. This is just mild.   Lumabas mula sa kotseng iyon ang isang pamilyar na matandang lalaki. Nakita ko na siya somewhere but I forgot where. He just looks at me with a smile. Napakunot ang noo ko ng hubarin niya ang sumbrero niya bilang pagbibigay galang sakin. Mabilis akong napatayo.   “Nagkita nanaman tayo.” Mabagal niyang sabi. Nakita ko na nga siya. But I don’t remember where. Mukha namang napansin niya ang aking pagkabigla kaya naman gumuhit sa kanyang labi ang isang mapang-asar na ngiti.   "Kamusta na ang mga sugat mo, Binibini?” Tanong niya. Tinitigan ko lang siya at inalala kung saan ko ba siya nakita. Sobrang pamilyar nya sakin. Nakakainis. Para bang nawala ang mga alaala ko sa loob ng tatlong araw na pagkakahiga sa kamang yon. Hindi ko siya pinansin. Nag-aantay lang ako sa kung ano pang snod niyang gagawin. Mukha namang napansin niya iyon kaya tumalikod siya sakin at nakita kong pinagbuksan niya ako ng pinto.   “What?” I ask. Kumunot ang noo ko nang tiningnan ko siya na para bang inaaya niya akong pumasok sa loob ng kotseng iyon.   “Actually, I am here to fetch you up.” Sambit niya. Mas lalo akong naguluhan. Nino naman? Sino naman ang nagpapasundo sakin? Don’t tell me na isa siya sa mga kasapi ni Syncro?   Sa hindi malamang dahilan, nagkusang maglakad ang mga paa ko patungo sa kotseng iyon. Bumuhos na rin ang malakas na ulan kaya naman hindi na rin ako nag-inarte. Pagpasok sa loob, tahimik lang akong naupo habang pinagmamasdan ang pagdausdos ng butil ng ulan sa bintana. Walang umimik sa amin. Tahimik lang din ang matandang lalaking ito. Para talagang nakita ko na siya sa kung saan. Hindi ko lang maalala.   Patuloy naming binaagtas ang daan na medyo pamilyar sakin. Ano ba naman to? Bakit naman parang nakalimutan ko lahat? Tatlong araw lang akong walang malay, parang tatlong taon akong nakatulog. Minsan ay sinisilip ko ang matandang lalaki sa tabi ko. Hindi nya manlag ako nililingon at sa harap lang ang tingin. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Baka malamang na kay Syncro.   Pagkatapos ng ilang oras, narating namin ang isang hacienda. Napaayos ako ng upo. Ngayon ay sigurado na ako, nakarating na ako dito.   Pagkatapos ay nakarating kami sa dulo kung saan nakatayo ang isang mansion. Pagdating ng kotse sa eksaktong tapat ng pinto, isang pamilyar na tao ang bumungad sakin.   Si Syncro.   Agad pumasok sa utak ko ang sinabi ni Riabelle. I have to kill this man. Pero may pumipigil sa akin na gawin iyon. Iyon ay ang point na nagawa akong patayin nila Riabelle. I feel betrayed.   Bumaba ako ng kotse. Nakatayo siya habang may hawak-hawak na payong. Hindi na rin ako nag-abala na sumilong sa lalaking may payong na papalapit sakin. Mabilis akong lumapit sa kinatatayuan ni Syncro. Nakasuot siya ng salakot at itim na salamin. Gumihit ang ngiti sa kanyang labi ng makita ako.   “Kamusta kana?” Panimula niya. Hindi ako sumagot. Tumango-tango siya at muling nagwika.   “Sa tingin ko ay maayos ka na.” Sambit niya saka ako tiningnan sa mata. Inirapan ko siya at nilingon ang buong paligid. Sobrang pamilyar sakin nito. Hindi ko alam kung bakit. Nakarating na ako dito ngunit hindi ko maalala. Kung maalala ko naman ang tagpong iyon, medyo malabo din.   Nauna na siyang maglakad papasok. Sumunod ako sa kanya without a word. Nasa gilid niya ang matandang lalaki. Hindi na ako nito kinikibo. I don’t know why. Hindi ko rin naman gusto ang matandang ito. Ang weird nya kase. Sa tingin ko ay hindi ko talaga siya makakasundo.   Pagpasok sa loob, lalong luminaw sakin ang lahat. Ultimo sa bawat sulok ng bahay pamilyar na pamilyar sakin. Nakarating na nga ako dito. Kaso kelan?   Bumagal ang paglalakad ko. Inobserbahan ko ang mga taong nandito. Pati na rin ang bawat sulok ng mansion. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Nakakainis naman.   “Kakarating mo lang dito nung isang araw, tapos hindi mo na maalala? How sad.” Wika ng matandang lalaki na ngayon ay nasa tabi ko na. Napakunot ako ng noo. Dahil sa sinabi nya mas lalo akong napa-isip.   Wait---   “Bahay to ni Jasmin…” bulalas ko. Narinig kong ngimisi ang matandang lalaki sa tabi ko. Nilingon ko siya na ngayon ay napapa-iling na.   “I can’t believe na nadala nang batang iyon dito ang papatay samin.” Sambit niya ng hindi tumitingin sakin. Nilingon ko siya ng may pagtataka. Tama nga ako. Bahay to ni Jasmin. Dinala na niya ako dito. Pero teka, ibig bang sabihin nito na tatay nya si Syncro? Hindi kaya si Syncro ang tinutukoy nyang Daddy that time?   “Small world, right?” wika ng matandang lalaki sakin at mabilis na siyang naglakad papunta sa tabi ni Syncro. Naiwan akong tulala. All this time, sobrang lapit nalang pala talaga sakin ni Syncro. I can’t believe this. Hindi ko maiwasang mapa-iling. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang isang bagay na nagpapasakit sa aking kalooban.   Alam kaya ito ni Jasmin?   Kung alam nya, ibig bang sabihin nito ay pinag-lalaruan nya lang ako?   Hindi ko maiwasang makaramdam ng kung ano ngayon. Para bang pinaglalaruan ako ngayon ng mga taong nasa paligid ko. Masyado ba akong naging maluwag? Masyado ko bang naibaba ang pader ko? Masyado ba akong nagbakasakali sa salitang ‘kaibigan’?   Nakakainis.   Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makahabol ako kina Syncro. Hindi ko rin maintindihan sarili ko kung bakit nandito ako ngayon. Dito sa teritoryo ng kalaban. Dapat nga talaga ay patayin ko na sila bago pa nila ako maunahan. Ngunit hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit para bang na-aakit na wag silang saktan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.   Nakarating kami sa loob ng isang opisina. Sa tingin ko ay dito nagpupulong ang grupo nila Syncro laban sa The Coetus.   “Ano bang kailangan mo? Bakit mo ako pinasundo?” Sambit ko ng makapasok kami. Humarap siya sakin at ngumiti.   “You’re welcome.” Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. Para bang nang-aasar siya na ewan. Naiirita ako.   “Aalis na ako kung ganon.” Sambit ko. Narinig kong natawa siya pati na rin ang matandang lalaking kasama niya. Napa-irap nalang ako.   “I’m sorry. Masyado ka kaseng seryoso. Maupo ka muna.” Wika ni Syncro. Napailing nalang ako habang pinagmamasdan silang dalawa.   “What do you mean about the offer?” I ask. Nagkatinginan sila ng matandang lalaki. pagkatapos ay lumingon ulit sakin si Syncro.   “Siguro naman ay may idea kana sa ibig kong sabihin.” Sambit niya sakin saka tumingin sa mga sugat ko. Mula sa tingin na iyon, nakompirma ko ang ibig nyang sabihin. Gusto niyang sumali ako sa grupo niya.   “Why would I have to be in this group? Prepare me some wonderful offers.” Wika ko saka umupo sa upuan na bakante. Tumingin sa kanya ang matandang lalaki. Tumang-tango ito sa kanya saka muling tumingin sakin. Tinitigan ko siya sa mata bago muling tumingin kay Syncro. Walang ibang emosyon ang nasa mukha niya. Nakaguhit lang ang ngiti sa mukha niya. Hindi ko mabasa kung ano bang tumatakbo sa tak niya ngayon.   “Wala akong magandang bagay na mai-aalok sa iyo.” Diretsahan niyang sambit. Napakunot ako ng noo. Then why? Kung wala naman, bakit gusto niyang sumali ako sa grupo niya? Para safe sila? Para ba hindi ko na ituloy ang planong pagpatay sa kanya? Dahil sa mga naiisip kong ito, hindi ko mapigilang matawa. Magaling, magaling silang makipag-usap.   “Should I kill you now? Hindi ko gusto ang offer mo. Para narin matapos ang trabaho ko.” Sambit ko at tumayo. Naramdaman ko ang pagiging alerto ng mga naka-suit nilang bodyguards. Pinagmasdan ko sila isa-isa habang akma nilang kinukuha ang baril sa kanilang mga handgun holster. Wala man akong dalang mga armas sakin, kaya ko naman sila kahit papaano. Lima sila dito in total. Bali tatlong bodyguards at sina Syncro at ang matandang lalaking iyon.   Maya-maya ay natigilan kami ng itaas ni Syncro ang kanang kamay niya. Tumigil ang tatlong lalaki sa paglapit sakin. Hindi naman ako nagpakita ng kahit na anong takot. Actually, hindi naman ako natakot.   “Leave her alone.” Sambit ng matandang lalaki at muling tumingin sakin. Hindi ko talaga gusto ang matandang ito. Para bang may ipinapahiwatig ang bawat salitang binibigkas niya.   “Baka stress lang sya dahil sa mga sugat na natamo niya. Hayaan nyo munang magpahinga siya.” Sambit ng matandang lalaki. Agad bumikas ang pinto at bumungad duon ang dalawang maid. Mabilis itong lumapit sakin at hinawakan ang magkabila kong braso. Hinatak ako ng mga ito palabas. Nilingon ko si Syncro na ngayon ay umiinom ng mamahaling wine. Napailing nalang ako. MAG-AALAS DOS na ng hapon nang magising ako. Medyo kumikirot pa ang ulo ko. Hindi ko tuloy maiwasang gumulong-gulong sa kama habang iniinda ang kirot ng ulo ko. Iminulat ko ang mata ko at napagtantong nasa kwarto ko ng hindi ko alam kung kaninong bahay. Gamot ang unang pumasok sa isip ko habang inililibot ang paningin sa buong paligid. Pinilit kong tumayo ngunit para bang nakapako ang binti at balikat ko sa sobrang hapdi. Napagtanto ko na hindi pa nga pala ito lubusang gumagaling.   Nakakainis.   Kahit masakit, pinilit kong tumayo. Walang makatutulong sakin kung pipilitin kong humilata at mag-antay ng darating. Afterall, mag-isa lang ako.   Pagtayo ko, medyo natumba pa ako dahil sa hilo na aking nararamdaman. Nang makabawi, mabilis akong tumayo at naglakad patungo sa pinto. Hahawakan ko na sana ang doorknob ng makarinig ako ng mga nag-uusap sa likod ng pintong iyon. Out of my curiosity, inilapit ko ang aking tenga sa pinto ng malinaw kong marinig ang kanilang mga boses.   Mula sa aking pwesto, malinaw kong narinig ang boses na nagmumula kay Jasmin. Napakagat ako ng labi. Tama nga! Maaaring mag-ama silang dalawa. Napa-iling ako. Ano kayang ginagawa nya dito? Alam na kaya nya na nandito ako? Ito ba ang rason kung bakit mawawala sya ng ilang araw?   Kung anu-anong bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung paano haharapin si Jasmin. Ano ba ang dapat kong sabihin kung makita niya ako dito? Knowing that I was the assassin The Coetus. For sure ay may idea na sya about me.   Hindi ko maiwasang mapailing. Kahit papaano ay hindi ko na nararamdaman ang sakit sa aking katawan. Humuhupa na ito kasabay ng daang-daang katanungan sa utak ko. Mga bagay na gumugulo at nagbibigay ng kalungkutan sakin. The fact that anyone that I use to be with is betraying me. I let my guard down.   Para bang nanghina ang mga tuhod ko na dahilan ng pagbagsak ko sa sahig. Hindi ako ganito. Nakakainis. Hindi naman ako ganito nuon, dati. Masyado ba akong naging sabik sa kaibigan? Masyado ba akong nagtiwala?   I suddenly feel pity for myself. Ngayon ko lang napagtanto, I should not easily attach to any other people. Lalo na at kakikilala mo palang. Sa mundong ginagalawan ko, dapat hindi ko iyon ginagawa.   Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang pagdausdos ng mainit na likido sa aking pisngi. Medyo lumabo din ang aking mata dahil duon. Mabilis kong pinahid ang aking kamay upang alisin iyon sa aking mukha. Hindi ko maintindihan kung bakit ako lumuluha ngayon. Nakakairita.   “Okay, susunod ako.” Napalingon ako sa pintuan ng muli kong marinig ang boses ni Jasmin. Kasabay noon ang mga yabag na papunta sa kaliwa. Pinakiramdaman ko ang mga kilos sa likod ng pintong ito.   Tatayo na sana ako upang lumabas ng mapahinto ako. Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito. Yon ang mga salitang umiikot ngayon sa utak ko. Ngunit saan ako pupunta? Aalis ako dito ngunit babalik din upang patayin si Syncro. It’s just a waste of time.   Napapikit ako ng mariin ng pumasok sa isipan ko ang alok ni Syncro. Papapasukin nya ako sa organization ng mabantayan nya ang kilos ko. Why would I do the same? I can use this to kill him. Right. Maggamitan tayo, Syncro.   Pinilit kong tumayo. Wala ng gaanong kirot ang nararamdaman ko sa ulo ko ngayon. Nakahinga na rin ako ng maluwag. Kailangan ko lang pag-isipan ang mga gagawin ko. Simula ngayon, everything is a game. I should go with the flow.   Mabilis akong tumayo at naglakad patungo sa pinto. I open it without thinking if Jasmin might see me. I don’t care. Mas magandang tingnan ang itsura ng kalaban sa gulat.   I was about to step forward ng mapahinto ako dahil sa pares ng sapatos na nakatayo sa harap ko. Sinundan ko pataas iyon at bumungad sakin si Syncro. Kahit nasa loob ng bahay, nakasuot parin siya ng salakot at itim na salamin. Wtf!?   “Good afternoon, Sync or should I say, Llana?” Sambit ni Syncro. Tiningnan ko ang mukha niya habang naka-ekis ang aking braso. Hindi ko alam kung ang plastik ng taa nya o sadyang ganyan lang talaga siya tumawa. He not even opens his mouth wide like in some other people. Gaya ng una niyang mga ngiti, ganon na ganon parin ang itsura niya hanggang ngayon.   “I accept your offer.” Walang pag-aalinlangan kong sabi. Hindi nabago ang ngiti niya. Ganon parin siya. Hindi ko kita ang kanyang mga mata kung ano ba talaga ang sinasabi nito. Hindi ko tuloy mabasa ang emosyon niya ngayon.   “Hindi mo manlang ba itatanong kung paano ko nalaman ang pangalan mo?” Huminga ako ng malalim bago ko siya tiningnan sa kanyang salamin.   “I already know.” Sambit ko. Tumango siya sakin saka naglakad papasok sa kwarto. Umatras ako dahil ayokong dumikit siya sakin. Mukhang hindi naman nya iyon napansin dahil diretso lang ang tingin niya at suot-suot parin ang kanyang natural na ngiti. Ang kanyang dalawang braso ay nakalagay sa likod. Nilingon ko muna ang labas bago ko ito isinara.   “Anong kailangan mo?” Diretso kong tanong. Hindi siya humarap sakin. Nawiwirduhan tuloy ako sa ikinikilos niya.   “Hindi na ako magtatanong kung bakit bigla mong tinanggap ang alok ko, ngunit gusto kong sabihin sayo na…” pagkatapos ay humarap siya sakin, “…sana ay makatulong kita sa pagpapabagsak ng organization na iyon.” Ang kaninang ngiti na nakaguhit sa kanyang labi ay nawala. Sa pagkakataong iyon, kahit hindi ko man makita ang mata nya, masasabi kong seryoso siya.   Hindi ako makaimik. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Walang salitang pumapasok sa utak ko. Ni-hindi ko nga alam kung anong isasagot ko sa sinabi nya. Buo na ang pasya kong kitilan siya ng buhay. Wala sa agenda ko ang pabagsakin ang The Coetus. Kahit na kasalukuyan ko paring ini-imbestigahan ang tungkol sa mga gamot na ginagawa ng organisasyon.   “Maaasahan ba kita duon, Llana?” Tanong ni Syncro sakin. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti.   “Oo naman.” sagot ko. Saglit munang huminto si Syncro bago siya tumango sakin.   “Mauuna na ako.” Sambit niya at naglakad na patungo sa pinto. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating na siya sa pinto. Bago nya ito buksan ay muli nanaman siyang humarap sakin.   “By the way, Jasmin is here.” Wika niya at saka ngumiti ng malaki. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya dahil hindi ko gusto ang ngiting binigay niya. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya dahil wala rin naman akong balak na harapin si Jasmin.   Pagkalabas niya, naiiwan nanaman akong mag-isa sa loob ng kwartong ito. Nakakabinging katahimikan ang namayani. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga dahil sa mga sinabi ni Syncro kanina. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD