CHAPTER TWENTY SEVEN

2772 Words
NAGISING ako dahil sa kakaibang amoy na sumusuntok sa aking ilong. Pilit kong iminumulat ang aking mata. Nung una ay medyo malabo ngunit unti-unti na ring luminaw ang aking paningin. Inilibot ko ito at nagpagtanto kung nasaan ako. Nasa ospital. Tinangka kong bumangon ngunit ang sakit parin ng katawan ko. Ngayon ko lang napansin ang mga bendang nakabalot sa balikat at binti ko. Wala na akong nagawa kung di ang bumagsak muli sa kama.   Ilang araw ba akong walang malay?   Ang huli kong naaalala ay nasa sementeryo ako kasama si Syncro. Nag-usap kami. Sinabi niyang hindi sya kalaban. Hindi ko siya napatay na dapat ay ginawa ko na. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga sinabi niya. Hindi dapat ako basta-basta bumibigay sa mga sinasabi niya. Maaaring ginawa nya lang iyon upang mag-take advantage sakin. Posible ring siya ang may gawa nito.   Nakakainis!   Huminga ako ng malalim. Hindi ako makapaniwala na ganito ako kabilis napabagsak. Hindi ko alam kung paano nangyareng nawalan ako ng focus na patayin ang taong iyon.   Maya-maya, bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang taong hindi ko inaasahan. May dala siyang bulaklak at isang basket ng prutas. Hindi ko mabatid kung anong emosyon ang meron sa mukha niya. Hindi siya nakatingin sakin at deretso lang ang tingin sa lamesa na nasa tabi ko.   “Lexin…” tawag ko sa pangalan niya. I bite my lower lip. Kinakabahan ako na ewan. Ngayon lang ulit kami nagkita pagkatapos nung araw na may nangyare samin. Ang masama pa, ngayon nya ako muling nakita sa ganitong kalagayan.   Nilingon niya ako at tumingin ng diretso sa aking mga mata. Medyo nahiya ako dahil para bang pinagagalitan na niya ako gamit ang mga tingin na iyon. Hindi ko rin naman siya masisisi. Makita mo ba naman ang taong importante sayo na nasa ganitong posisyon.   “H-Hi…” Muli kong sabi. Mariin siyang pumikit at lumapit sakin. Mabilis niya akong niyakap. Sa pagkakataong ito, para bang nanghina ako. Naramdaman ko lahat ng kapurukan sa aking katawan. Dito ko naramdaman ang labis na sakit ng mga sugat ko. Napa-aray ako dahil duon. Mabilis din naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin.   “Sorry…” wika niya. Napakalambing ng boses niya. Nakakapanghina.   “Ako dapat ang mag-sorry.” Sabi ko. Hinagod niya ang buhok ko na parang bata. Kasabay nun ang pagtingin niya sa mga sugat ko.   “Ano bang nangyare? Bakit naman nangyare ito sayo? Hindi mo ba alam na tatlong araw ka ng walang malay?” Sunod-sunod niyang tanong. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi niya dapat malaman kung sino o ano ang mga pinagagagawa ko. Ayokong madamay siya.   Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang pagsilip ng araw sa mga nagtataasang gusali. Kahit pinagkakatiwalaan ko siya, hindi ko masabi sa kanya ang mga bagay na ganito. Huli na rin naman. Nandito na ako. Kahit naman anong gawin niya, hindi nya rin naman ako matutulungan. Kahit pa sabihin nating pulis siya. Nagtatrabaho parin siya sa gobyerno na hawak nila Clark.   Agad sumagi sa isip ko ang sinabi ni Syncro. Kahit naman idulog nila ito sa mga otoridad, wala parin silang makukuhang tulong. Tama sya, hawak ng organization nila Clark ang gobyerno. Walang magagawa ang paghingi nila ng tulong. Kahit gaano kabuti ang iyong hangarin, kung hindi ka malakas, matatalo ka. Kahit may mga gustong tumulong, kung mahina ka naman, puppet ka.   Just like me.   “Ano bang pinag-gagagawa mo? Bakit ka naman nabaril? May problema ba? Baka makatulong ako.” Muli kong nilingon si Lexin na ngayon ay bakas sa mukha ang labis na pag-aalala.   “Wala naman.” Mahina kong sabi. Napahilamos nalang sa mukha si Lexin dahil sa sagot ko. Hindi ko na siya pinansin at muling tumingin sa bintana.   “Zerrie, umayos ka nga. Kinakausap kita.” Ma-otoridad na wika ni Lexin. Hindi ko siya nilingon. Ayokong magsalita. Ayokong madamay pa sya. Wala din naman siyang magagawa.   Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi na rin siya nagsalita. I wonder kung nagagalit na siya sakin ngayon. Masyado akong childish. Sakit sa ulo niya.   Tumayo siya mula sa pagkakaupo at kinuha ang isa sa mga prutas na dala niya. Binalatan niya ang Ponkan at saka isa-isang binigay sakin iyon. Tiningnan nya pa kung may buto ang ito. Tinanggap ko nalang ang mga ito without words. Sobrang caring niya. Namiss ko na ang alagaan ako. It’s been so many years since huli kong naranasan iyon.   “Thank you.” sambit ko. Hindi naman ako pinansin ni Lexin. Para bang ang lalim ng iniisip niya. Nanatili lang ang mata ko sa kanya. Maski sa pagtitig ko ay hindi nya pansin. Itinuon ko nalang ang pagkain ko ng Ponkan. Patuloy lang siya sa pagbibigay ng mga piraso nito.   Napahinto kami sa ginagawa namin ng bumikas ang pinto. Pareho kaming napatigil ni Lexin at lumingon sa bagong dating. Isang ngiti ang ibinigay nito samin.   “Yes?” Tanong ni Lexin. Nanlaki ang mata ko at halos hindi ako makagalaw ng lumapit ang dalawang bagong dating sa pwesto namin.   “We are her friends.” Sambit ni Riabelle. Nilingon ako ni Lexin ng may pagtataka. Nakakunot ang noo niya na tila ba nagtatanong kung totoo ang sinabi ng mga bagong dating. Tinanguan ko siya. Kinakabahan ako.   “You must be?” Nakangiting wika ni Riabelle. Nilipat niya ang tingin sakin na para bang nang-aasar. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Inaasar nya ba ako dahil may ibang lalaki dito?   “Anyways, nandito kami for a little talk with our friend.” Sabi niya kay Lexin. Nakita ko ang paglingon ni Lexin kay Clark na ngayon ay nakalagay ang mga kamay sa bulsa. Nakatingin sa bintana. Kinakabahan ako. Hindi dapat nila nakita si Lexin dito. Kinakabahan at at natatakot sa mangyayare kay Lexin.   Muling humarap sakin si Lexin para hingin ang sagot ko. Tinanguan ko siya upang makampante siya. Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinasabi nitong ‘friends’. Never naman akong nagkaroon.   “O-Okay, bibili lang ako ng pagkain.” Sambit ni Lexin. Nginitian sya ni Riabelle samantalang si Lexin ay tinapunan nya lang ng tingin ang dalawang ito.   Pinagmasdan ko si Lexin hanggang sa makalabas siya ng tuluyan sa kwartong ito. Nagintay pa kami ng ilang segundo upang masiguro na wala na talaga siya at hindi marinig ang pag-uusapan namin. Kasabay nun ang pagtingin sakin ni Riabelle.   “What’s wrong with you? Bakit hindi mo pa sya pinatay?” Mahina ngunit may diing sinabi ni Riabelle. Napakunot ako ng noo. Anong ibig nyang sabihin?   “You only have one job. Ano bang nangyayare sayo? Hindi ganyan ang Sync na kilala namin.” Sambit nya pa. Hindi ko sya magets. Ano bang tinutukoy niya? I look at Clark. Nakatingin sya sakin na para bang may inaantay na sagot.   “What do you mean?” Sambit ko. Natigilan si Riabelle. Umayos siya ng pagkakatayo. Umiwas siya ng tingin sakin. Naguguluhan ako. Anong ibig sabihin nila sa hindi ko pa sya pinatay?   “Are you there?” tugon ko. Pinipilit kong tumingin sakin si Riabelle. Ngunit iniiwasan niya ang mga iyon.   “Answer me.” Mahina kong sabi. Ayokong sumigaw dito. Ayokong may makarinig samin. Nilipat ko ang tingin kay Clark na ngayon ay parang masaya pa sa nangyayare.   “So totoo nga? Nandun kayo? Eh bakit hindi na kayo ang tumapos sa buhay nya?” Muli kong sabi. Nagkatinginan silang dalawa. Nakakainis. Bakit ba ayaw nilang sumagot.   “It’s your job.” Maikling tugon ni Riabelle sabay tingin sa mga mata ko. Sa pagkakataong ito, ibang Riabelle ang kaharap ko. Wala na ang dating Riabelle na kasama ko sa bahay na iyon. All I can see now is the real Riabelle. Ang totoong siya. Hindi ako makapaniwala.   “I think, you already know the consequences of not following our orders.” dagdag nya pa sabay tingin sa binti’t balikat ko. Hindi ako makapaniwala. Hirap para sakin ang pagkatiwalaan siya. Tinuruan ko pa ang sarili ko na pagkatiwalaan siya kahit alam ko naman na kay Clark lang siya nagtatrabaho. I really trust her.   “Magpagaling ka at tapusin na ang trabaho. Kung ayaw mong madagdagan pa iyan.” Sambit niya. Nag-umpisa na rig maglakad si Clark papunta sa pinto. Sumunod si Riabelle sa kanya. Bago lumabas ay nagwika si Clark.   “I like your guy. Medyo masunurin.” wika niya at nagiwan ng nakalolokong ngiti. Naiwan akong tulala. Gulong-gulo ang isip at ang damdamin. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Hindi ko alam ang takbo ng utak nila. Paano kung may gawin sila kay Lexin? Paano kung idamay nila si Lexin. Paano kung sabihin nila kay Lexin ang totoo? I’m scared.   “ARRRRGGHH!” Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Mabilis kong ibinato ang mga unan na nasa tabi ko. Binato ko rin ang mga nasa ibabaw ng lamesa. Nagkalat lahat iyon sa sahig. Mabilis kong naramdaman ang kirot sa balikat ko dahil sa pwersahan kong pagbato sa mga gamit. Sobrang kirot at sakit nun. Halos maiyak ako. Pinilit kong tumayo ngunit nahulog lang ako sa kama. Nadagdagan ang sakit ng tumama ang binti ko sa sahig. Lalo akong nagsisisigaw sa sobrang kirot.   Ang tanga ko!   Natataranta na talaga ako. Paano kung may gawin sila kay Lexin? Paano kung idamay nila siya? Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na mahirapan sya ng dahil sakin.Nakakainis!   Maya-maya ay naramdaman ko nalang ang pagbukas ng pinto. Ramdam ko ang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko. Pagtingala ko, bumungad sakin si Lexin. Puno ng pag-aalala ang nasa mukha niya. Nilingon nya ang buong paligid. Kasabay nun ang pagtingin nya muli sakin.   “Anong nangyayare dito?” Tanong niya. Umiling ako sa kanya bilang tugon. Mabilis siyang lumapit sakin para alalayanan akong tumayo. Hindi ko parin mapigilang mapangiwi sa hapdi, kirot, at sakit ng mga sugat ko. Agad niya akong ini-upo sa kama.   “Ano bang nangyare? Nasaan na ang mga kaibigan mo?” Tanong niya. Hindi ako tumingin sa kanya. Nang marinig ko ang salitang ‘kaibigan’ sa kanya, hindi ko maiwasang mapailing. I’m not good in having a friend. Wala naman akong ganun. Tanging si Lexin lang.   “Ano ba Zerrie? Kinakausap kita.” Sambit ni Lexin.   “Umalis na. Ka-aalis lang.” Sagot ko. Natahimik naman si Lexin at muling nilingon ang paligid. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon. Ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko siya masisisi. Maabutan mo ba naman na ganito ang itsura ng kwarto, di mo talaga maiiwasang mag-alala.   “Magpahinga ka na. Ako na maglilinis nito.” Sambit niya. Tumayo na rin siya para simulan ang pagpupulot sa mga binato kong gamit. Mabuti nalang at hindi babasagin ang mga nabato ko.   Pinanood ko na siya habang ginagawa ang mga bagay na dapat ako ang gumagawa. Hind ko tuloy mapigilang mahiya sa kanya. Minsan ay nililingon ko ang bintana at pinagmamasdan ang labas.   “Nga pala, paano mo nalaman na nandito ako?” I ask out of nowhere. Tumigil siya sa pagwawalis at humarap sakin.   “May nagtext sakin. Nasa ospital ka daw.” Sabi niya at ipinagpatuloy na ulit ang pagwawalis. Nanatili akong nakatitig sa kanya.   May nagtext sa kanya?   Sino naman iyon? Wala naman akong ibang kilalang tao na napagbigyan ko ng number ni Lexin.   “Si kuya ba? Alam na nya ito?” Tanong ko. Posible naman sigurong alam na niya. Nasa organization siya. Malamang na masasagap niya ang balita.   “Hindi ko alam. Hindi pa kami nagka-usap. Medyo busy sya.” Napakunot ako ng noo.   “Saan daw?” hindi ko ba alam kung bakit tinatanong ko pa siya tungkol dito kahit naman alam ko na ang sagot. Tahimik na lumingon sakin si Lexin.   “Basta. Huwag kang mag-alala, maayos naman siya." Sabi niya at binigyan ako ng isang magandang ngiti. Matipid na ngiti ang nireply ko sa kanya. Bakit parang alam nya ang ginagawa ni kuya ngayon? I mean yung sa organization. Pakiramdam ko may idea sya.   Hindi ko na pinansin ito. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa bintana. Sa nalaman ko tungkol kina Riabelle kanina, hindi ko maiwasang mainis.   KINAGABIHAN, nagpa-alam sakin ni Lexin na aalis daw muna. Kailangan nya daw munang magreport sa station nila. Naiwan akong mag-isa dito. Ayos lang naman sakin iyon. Mas nagiging payapa ang mundo ko kapag ganito. Nalaman ko rin na bayad na ang mga bills sa ospital. Pareho kaming nagtaka ni Lexin. Ngunit malamang ay sina Riabelle lang din ang nagbayad nito. Hindi na ako nagulat.   Mag-aalas otso na ng makaramdam ako ng antok. Ganon siguro kapag nasa ospital ka. Mabilis nalang sayo ang makatulog. Ang amoy dito ang nagpapa-antok sakin. Ngayon ko lang tuloy nagustuhan sa ospital.     Hindi rin nagtagal ay naalimpungatan ako. Nakaramdam ako ng paggalaw sa gilid ko. When I look at it, it was Lexin. Nakaupo siya sa upuan habang ang mga braso niya at ulo ay nakatungo sa gilid ko. I check the wall clock near me. It was 4 AM. Medyo hindi ko na gaanong nararamdaman ang sakit ng mga sugat ko. Nakakagalaw na rin ako ng maayos. Kung susurin, maaari na akong makalabas.   Bumangon ako mula sa pagkaka-upo at nagtungo sa CR. Matapos ang ilang segundo ay lumabas na rin ako. I practice walking on my own. Masasabi kong mabilis akong gumaling pagdating sa mga ganito. Pedeng-pede ako sa mga survival activities.   Balikan mula sa pinto at kama ang ginawa ko. Noong una ay medyo natutumba pa ako. Medyo nahihirapan pa ako ngunit habang tumatagal, nagagawa ko na ring tiisin ang mga sugat ko.   Matapos ang ilang oras kong mag-eensayo sa paglalakad, duon lang ako napa-upo ng maayos sa kama. Maari na akong makalabas nito. Nilingon ko si Lexin. Huminga ako ng malalim. Iiwan ko nanaman siya. Aalis nanaman ako ng walang paalam. Ayokong magalit siya sakin. Ngunit kung aantayin ko pa syang magising, malamang ay mangungulit nanaman siya tungkol sa pupuntahan ako. Ayokong madamay siya. Ayokong malaman niya ang gulong pinasok ko. Noon at hanggang ngayon.   Muli kong naalala ang usapan namin dati tungkol sa serial killer. Gusto niyang sya mismo ang makahuli duon. I can see his dedication to capture that serial killer, literally me. It will shock him kapag nalaman niyang ako iyon. Ayokong madismaya siya sakin.   Hindi na magiging maganda ang buhay ko kailanman. Una palang, nung una palang na pinili ko ang buhay na ito, hindi na kami maaaring magsama. Pulis siya. May sinumpaan siyang tungkulin. Ayokong mahirapan siyang pumili sa pagitan ko at ng trabahong sinumpaan niya. Sapat na yong binigay ko ang sarili ko sa kanya.   Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at lumapit sa kanya. I kiss his forehead. I want him to feel my love even though he is sleeping. Pagkatapos ay tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto. Sinulyapan ko sa huling pagkakataon si Lexin bago tuluyang lumabas.   Paglabas ko. Medyo may pangilan-ngilan na akong nasasalubong. Kailangan kong magpalit ng damit. Kasalukuyan parin kase akong nakasuot ng hospital gown. Baka mamaya ay isipin nila na tumatakas ako.   Palinga-linga ako sa buong paligid. Iniisip ko kung paano ako makakalabas sa ospital na ito ng hindi manlang naaalarma ang mga nurses. Ngunit ni isa ay wala pang pumapasok sa utak ko. Nakakainis. Medyo nararamdaman ko ang pakonti-konting kirot sa balikat ko tuwing nababangga ako sa mga taong nakakasalubong ko. Kailangan ko na talaga magpalit bago pa lumitaw ang bahid ng dugo.   Sa kakalakad ko, napadaan ako sa comfort rooms. Napahinto ako duon at tumingin. May ilan akong nakikitang naglalabas pasok. Pumasok na rin ako sa loob. May limang babae ang bumungad sakin sa loob. Sa tingin ko ay hindi sila magkakakilala. Magkakahiwalay sila at may kanya-kanyag ginagawa. Hindi ko na rin naman pinagmasdan masyado ang detalye ng mukha nila at pumasok sa isa sa mga cubicles.   Naupo ako sa inidoro. Wala naman akong balak magCR. Naisip ko kaseng baka makalabas ako sa pamamagitan ng mga vents. Kaya naman inantay ko muna mawala ang mga tao sa loob.   Hindi rin nagtagal ay unti-unting nagsilabasan ang mga babaeng iyon. Hindi ko na nabilang. Basta ay hindi na maingay sa loob. Wala na rin akong maramdamang vibrate ng mga paggalaw nila sa lupa.   I was about to go outside ng biglang may kumatok sa pinto ng cubicle na kinaroroonan ko. Dahan-dahan akong bumalik sa pagkaka-upo. Pinakiramdaman ko ang susunod na gagawin ng nasa kabilang pinto. Ngunit wala na. I waited for 2 minutes to test if it was still there. Pero wala na siya. I open the door at bumungad sakin ang isang paper bag. Nilingon ko ang entrance ng cr. Wala ng tao duon. Wala nang tao sa loob ng CR na iyon. Nagdadalawang-isip ako kung titingnan ko pa ang laman ng paper bag. Hindi ko alam kung ano ang posibleng laman nito. But I hae no choice.   Pagbukas ko, bumungad sakin ang isang damit. Pares ng sapatos, my phones and wallet. Napakunot ako. Muli kong nilingon ang pinto.   Who is that?   Punong-puno ng katangungan ang utak ko ngunit wala na akong magagawa. it is a blessing in disguise. or I say gratitude to someone? I don’t know. Sooner or later I know na malalaman ko rin kung sino siya.   Nagpalit na ako ng damit. kinuha ko na halos lahat ng laman ng nasa paper bag, kapwera sa isang nakatuping papel. I get it and open it. It was a letter from a familiar person.   I hope you consider my offer, Sync. - Syncro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD