CHAPTER TWENTY SIX

2284 Words
Zerrie’s POV   Alas otso na ng umaga ng magising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa kung saan. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nandito parin ako sa bahay namin dati. Walang bago. Agad natanaw ng mata ko si Jasmin na naglalakad patungo sa pinto. Mabilis akong bumangon at pinagmasdan siyang maigi.   “Good morning.” Sambit ni Jasmin ngunit hindi ito nakatingin sakin. Nilingon ko ang paligid ko. Ngayon ko lang napansin ang puting kumot na nakabalot sakin. Inilipat ko ang tingin ko kay Jasmin na nakatitig na sakin ngayon. Napakunot ako ng noo dahil sa mga titig niyang iyon.   “Aalis na ako. Medyo matatagalan ako. May importante kase akong gagawin.” Wika ni Jasmin. Mabagal akong tumango sa kanya. Hindi naman niya obligasyon na sabihin sakin iyon ngunit ginawa niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.   “Okay. Mag-iingat ka.” Sambit ko sa kanya. Ngumiti sya sakin saka yumakap. Hindi ko mapigilang hindi magtaka. Ang weird nya ngayon. Anong meron?   “Thanks for accepting me. I can’t afford to lose you.”   “Huh?” Humiwalay siya sakin at tumingin sa mga mata ko. Sa pagkakataong iyon. Nakaramdam ako ng kakaiba. Ang mga titig na iyon, para bang may sinasabi. Hindi ko maintindihan kungano ngunit alam kong may kakaiba duon.   “I have to go.” Sambit niya at tumalikod na sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa kanya. Babalik pa naman sya dito diba?   “Okay.” Pagkasabi ko nun ay sakto namang pagsara ng pinto. Naiwan akong mag-isa sa dati naming bahay. Sobrang tahimik. Nakakabingi. Ang mga mata ko ay nakatingin lamang sa pinto. Para bang mag-inaantay ngunit wala naman.   Huminga nalang ako ng malalim habang tahimik na nag-iisip. Kailangan ko na ring kumilos ngayon. Ngunit hindi ko alam kung paano o saan ko hahanapin ang grupong ito. Napakalapit nalang sakin ni Syncro ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin siya.   I reached for my cell phone to see if there were any calls or texts. Isang hindi inaasahang mensahe ang nag-flash sa screen ko. Galing ito kay Syncro. Para bang nabuhayan ako dahil sa mensahe niya. Mabuti naman at nagparamdam na sya. Magiging madali na sakin ang lahat.   Binuksan ko ang text niya. Hindi ko tuloy mapigilang magtaka. Dati-rati naman ay tumatawag siya. Bakit parang puro text siya ngayon? Nang makita ko ang mensahe niya. Mabilis akong napatayo. Hindi ko mapigilang ngumiti. Kasabay nun ang mabilis kong pagtayo. I get my keys and go outside. Wala namang gaanong magkaka-interest dito kaya naman hindi ko na ni-lock. Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse at agad pina-andar ito.   Jasmin’s point of view   “NASAAN SI DADDY?” Sigaw ko sa mga empleyado namin sa loob ng mansion. Ngunit ni isa sa kanila ay walang nagsalita. Mga nakayuko lang at talagang nagbibigay inis sakin.   “Hindi kayo magsasalita?” Mahina kong sabi. Isa-isa ko silang pinagmasdan. Mga nakayuko lang sila. Mga nasa isang daan sila ngayon. Hindi pa kasama ang mga guards namin na nasa labas.   “Miss Alex. Paumanhin po ngunit hindi po amin maaaring sabihin sa inyo.” Sagot ng personal butler ni papa. Sa totoo lang, hindi ko naman siya tinitingnan na kagalang-galang. Sa aming dalawa, ako parin mas mataas dito.   Medyo tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Alam ko kung gaano katakot sa akin ang aming mga empleyado, ngunit sa isang to, hindi manlang siya natatakot sakin. Siguro ay iniisip niya na sya ang personal alalay ni papa. Naiinis ako sa kanya lalo na sa tingin niya sakin ngayon. Saan ba siya kumukuha ng lakas ng loob na sagut-sagutin ako?   “At bakit hindi? Sino ba ako sa akala nyo?” Sambit ko. Nagkatinginan silang lahat. Nanatili namang nakatingin sakin ang matandang lalaking ito.   “Ikaw po ang anak ni Sir Syncro.” Sagot niya ng may halong confidence. Nilabanan ko ang tingin niya at tinaasan siya ng kilay. Alam naman nya pala, bakit parang hindi ganon ang turing nya sakin? Nakakainis sya.   “Alam mo naman pala. Ngayon, sasabihin mo sakin o hindi?” Tanong ko. Nanatiling nakatingin sakin ang matandang ito. Mas lalo akong nairita. Pumikit ako ng mariin at tumingin sa mga helera ng aming mga sundalo.   “Sumama kayo sakin.” Sambit ko at bumaba sa platform at nagtungo sa labas ng mansion. Kung hindi kikilos si papa, ako na ang magkukusa. Nang sa ganon, humanga siya sakin. Matingnan na nya rin ako bilang anak.   Habang naglalakad ako papunta sa golf course ng aming mansion, hindi ko maiwasang mag-isip. Hindi ko maiwasang isipin kung bakit ganon nalang ang trato sakin ng matandang iyong. Simula bata ako, kasama na siya ni Papa. Siya ang pinakapinagkakatiwalaan ni Papa. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ganon siya sakin. That old man never looks at me as a daughter of the leader of this organization. Nakakainis.   Pagdating ko sa gitna, agad ding dumating ang mga lalaking pinatawag ko kanina. Kailangan ko na silang ihanda. Kung hindi kikilos si Papa, ako na ang gagawa. Ipamumukha ko na kaya kong pamunuan ang organization na ito.   “Ano pong gagawin namin Miss?” I put my hands behind my back. Hinarap ko sila with my serious look.   “Kailangan nating maghanda. Nalalapit na ang gyera. Hindi natin alam kung kailan tayo papatayin.” Sabi ko. Nagkatinginan sila. Napatingin sakin ang ilan habang ang iba ay nakayuko lang. Dito ko narealize na pati dito ay hindi ko parin makuha ang kanilang katapatan sakin. Nakakairita.   “Bilang unang trabaho nyo, kailangan nyong mag-espiya sa The Coetus.” Nagkatinginan ulit sila.   “Pero Miss, medyo mahigpit na ngayon ang grupo.” Wika ng isa sa kanila. Sumang-ayon naman ang iba. Kitang-kita sa mga mata nila na talagang hindi sila magtatrabaho sa ilalim ko. Nasaan ba kase si Papa?   “Utos ito ni Papa.” Sambit ko. Napatingin sila sakin lahat. Pinagmasdan ko sila isa-isa. Sa ganitong paraan ko lang sila mapapasunod.   “Ibinilin sakin ni Papa na gumawa na tayo ng hakbang. Nang sa ganon ay maunahan natin ang The Coetus.” Dag-dag ko pa. Tumango-tango sila. Hindi ko mapigilang mapangiti. Sa ngayon palang ay dapat gumagawa na ako ng hakbang para makuha ang loob ng mga ito. Dahil susunod, ako na ang magiging pinuno ng grupong ito. Ako na ang susunod sa yapak ni Papa.   Third person’s point of view   Mula sa malayo, tanaw niya ang grupo ng mga tauhan nila na kasalukuyang kausap ni Jasmin. Hindi niya mapigilang mapailing. Kahit anong gawin niya, hindi talaga titigil si Jasmin. Ayaw nya rin naman sabihin kung nasaan ang ama nito. Sa totoo lang, alam nya naman kung nasaan si Syncro. Ayaw nya lang sabihin dahil masyadong pribado ang pupuntahan nito.   “Sir, eto na po ang papel na pinagagawa ninyo.” Wika ng bagong dating. Nilingon ng matandang lalaki ang bagong dating na private investigator at kinuha ang papel na dala nito. Muli siyang tumingin kay Jasmin na ngayon ay kasalukuyan paring kinakausap ang grupo ng mga tauhan nila.   “Iyan lang po ang nahanap namin tungkol sa pina-iimbistigahan ninyo. Medyo nahirapan po kami dahil masyado syang misteryoso.” Wika ng private investigator. Tumango ang matandang lalaki. Inaasahan na niya ito. Tumalikod na rin ang private investigator at umalis. Naiwan siyang mag-isa sa balkonahe habang hawak ang papel. Nakatuon ang mata niya kay Jasmin.   Hinawakan ng matadang lalaki ang papel ng mahigpit. Kung tama ang kutob niya, magiging mahirap ito para sa batang pinalaki ni Syncro. Hindi nya maiwasang makaramdam ng awa kay Jasmin. Ngunit kung hindi niya sasabihin ang lahat ng nalalaman niya sa mag-ama, magiging maayos ang lahat. Sa ngayon, kailangan muna nilang pagtuonan ng pansin ang nalalapit na digmaan. Kahit hindi nila sabihin, ramdam nila ito lalo na at ilang araw nang hindi nagpaparamdam ang kabilang grupo. Ilang araw na ring walang balitang mga pagpatay sa TV. Kaya naman malakas ang kutob nila na may ginagawa na ang kabilang grupo.   Naglakad ang matandang lalaki patungo sa loob ng bahay. Kasabay nun ang pag-bulsa niya sa papel. Hindi pa handaan ang lahat malaman ang totoo.   Zerrie’s POV   KASALUKUYAN akong nasa loob ng kotse habang naghihintay. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng lugar ay dito pa, sa sementeryo. Handa na ba syang mamatay?   Isang oras na akong nandito sa loob. Ngunit wala paring dumarating. Wala ring ibang text na dumarating galing sa kanya bukod sa una. Hindi ko tuloy mapigilang mairita. Nasasayang ang oras ko.   Maya-maya, agad tumunog ang cellphone ko at isang text mula sa kanya ang nareceive ko mula sa kanya. It is an instruction. Medyo kumunot ang noo ko. Pinapapunta niya ako sa loob ng sementeryo. Hindi ko maiwasang magtaka. Ngunit sinunod ko ito. Lumabas ako sa kotse at mabilis na pumasok duon. I make a disguise. Hindi dahil para itago ang ako, kundi gusto kong i-test kung nandito nga siya.   Pagpasok ko sa sementeryo, walang gaanong alam ko na kung bakit dito. Walang gaanong tao. Naglakad ako na para bang normal lang at talagang may bibisitahin. Hindi ko alam kung nakamasid sya sakin sa kung saan man. Kailangan ko paring mag-ingat.   May mga nakakasalubong akong tao. Pinagmasdan ko sila isa-isa. Lalo na yung ibang mga nakaupo sa mga upuan sa gilid-gilid. Nagtungo ako sa isa sa mga lapida sa dulo. Naupo ako duon at nakiramdam sa paligid. May ibang mga tao na nagagawi sa pwesto ko ngunit medyo malalayo parin. Hindi ko pinahalata na pinagmamasdan ko ang paligid.   Ilang oras akong nanduon. Hindi ko alam ang iniisip ng ibang tao. Nakaupo lang ako duon. Minsan ay nagtatanggal ako ng d**o sa gilid ng puntod ng libingang ito.Paumanhin kung sino ka man.   Maya-maya, nakaramdam ako ng mga yabag sa likod ko. Bigla kong naramdaman ang kabog sa aking puso. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o hindi. Alam kong siya na ito. Sa wakas naman at nagpakita na siya. Ngunt ang hindi ko maintindihan, bakit ganito nalang ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag.   Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Inaantay ko ang mga sasabihin niya. Bigla kong naramdaman ang malakas na hangin na tila ba yumayakap sakin. Kahit tirik na tirik ang araw, nilalamig parin ako. Hindi ko maiwasang mapatanong kung anong nangyayare.   “We are not an enemy, Sync.” Sambit nito. Napakunot ako ng noo. Pamilyar ang kanyang boses. Hindi ko maalala kung saan ko narinig. Pinili kong hindi magsalita. Nanahimik ako at inantay ang susunod niyang sasabihin.   “If you are planning to kill me now, do it.” Sambit nito. Naramdaman ko ang paglagay nya ng isang bagay sa gilid ko. Nang nilingon ko ito, isang baril. Ano bang pinupunto niya? Anong tingin nya sakin? Hindi ko kaya? Walang trabaho ang hindi ko kayang gawin. Kinuha ko ang baril na binigay niya at kinasa ito. Tumayo ako at humarap sa kanya. Bumungad sakin ang lalaking nasa 40s and 50s. May dala itong tungkod na may kakaibang disenyo. Nakasuot siya ng salakot at itim na sunglasses. Pinakiramdaman ko ang paligid. Walang ibang tao.   “If this is what you want, then I will do it. At least hindi ko na konsensya iyon.” Sabi ko at itinutok sa kanya ang baril. Hindi mo makikita sa kanya ag takot. Ano bang meron sa matandang ito? Bakit ba ganito siya katiwala sa sarili? Kayang-kaya ko siyang patayin dito. Ngunit sa hindi inaasahan, hindi ko magawa.   F*ck!   Nakakainis. Hindi ko maintindihan.Ang hirap niyang patayin. Nakakainis. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng mapansin niyang nahihirapan ako. Hindi ko maiwasang mairita. Ano bang problema nya?   “I guess you can’t do it.” wika niya. Kayang-kaya ng utak ko. Paulit-ulit sinisigaw ng utak ko na kaya ko. Ngunit kahit sinusubukan ko, hindi ko magawa. Para bang may kung anong pumipigil sakin.   “Anyways, kaya ako nakipagkita sayo upang subukin ang lakas ng loob mo. Tama nga ako, mahina ka pa.” Sambit niya at tumalikod sakin. Naiwan akong tulala. Umaalingaw-ngaw sa utak ko ang mga salitang sinabi niya. Mahina pa ako? Hindi ko maintindihan. Nilingon ko siya. Agad kong inilagay sa bag ko ang baril at hinabol siya.   “Sadali.” Sambit ko. Huminto siya sa paglalakad at humarap sakin. Suot-suot nya parin ang ngiti sa kanyang labi. Muli nanamang umihip ang malamig na hangin.   “Sino ka ba talaga? Anong plano ng organization nyo? Bakit nyo kinakalaban ang The Coetus.” Umayos siya ng pagkakatayo at hinarap ako.   “Alam mo ang sagot, Binibini.” Wika niya. Mabagal lang siyang magsalita. Pamilyar talaga sakin ang boses niya. Hindi ko maintindihan kung saan ko narinig iyon.   Tama sya. Alam ko naman ang sagot. Alam ko naman kung gaano kasama ang organization ni Clark. Lalo na at may kung ano sa gamot na ginagawa nila. Hindi ko pa matukoy kung ano iyon ngunit alam kong may mali. Kung talagang kinakalaban nila ang organization para hindi matuloy ang kung ano mang binabalak nila, bakit hindi sila makipagtulungan sa mga otoridad? Kina Steve?   “Kung iniisip mo Binibini kung bakit kami hindi nakikipagtulungan sa mga authorities, baka nakakalimutan mong hawak ng organization nyo ang mga iyon." Natigilan ako. Ngayon ko lang napagtanto. Totoong hawak na nila Clark ang mga iyon. Mahihirapan nga sila. Ngunit hindi ko dapat maramdaman ito. Isa itong trabaho na hindi ko sinusukuan.   "Aalis na ako." Wika niya. Pinagmasdan ko lang siya habang nag-uumpisa na siyang maglakad palayo. Nakakasampung hakbang na siya palayo sakin ng matumba ako.   Tila nabuhusan ako ng maamig na tubig. Hindi ako makatayo. When I look at my right leg, halos hindi ako makapagsalita. Naglalawa na ito sa dugo. Hindi ko maramdaman kung bakit ito dumudugo ngayon. Hinawakan ko ito at pilit pinipigilan ang pagdugo.   Sh*t!   Kahit anong gawi ko, ayaw nya paring tumigil sa pagdanak ng dugo. I look around to see kung saan ito galing. Ang nakikita ko lang ngayon ay ang mga taong napahinto dahil sa nangyare sakin. Hindi ko na marinig ang mga pinagsasabi nila. Maya-maya, isang bala muli ang tumama sa aking balikat. Dahil dito, hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ko.   Sh*t!   Ayokong mamatay sa paraang ito. Nakakainis. Nilingon ko ang buong paligid. Sa aking paanan, natanaw ko si Syncro na nakatingin sakin. Nakita kong tinanggal niya ang salamin niya ngunit hindi na malinaw sa paningin ko ang itsura niya. Unti-unti nang lumabo ang aking mata at tuluyan nang dumilim ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD