CHAPTER TWO

4917 Words
"Balitang-balita ngayong araw. Isang kilalang abogado na tumatakbo bilang Konsehal ngayong election ang natagpuang patay kaninang madaling-araw. Sinasabing suicide ang sanhi ng pagkamatay nito. Pinag-aaralan pa ng pulisya ang iba pang posibleng sanhi ng pagkamatay ni Atty. Alicia Lim." Napalingon ako sa TV ng karinderyang kinakainan ko. May mga pinakita pang larawan ng itsura ng Ginang. I shift my attention to the food. Hindi ko na pinansin pa ang balitang iyon. Hindi ko alam kung panong 'suicide' ang kinalabasan ng ginawa ko pero wala na akong pakialam duon. I just received earlier the money for that murder. Pagkatapos kumain ay tumayo na ako. Inilapag ko sa mesa ang bayad ko at lumisan na. Medyo mainit ang panahon ngayon. Tirik na tirik ang araw at talagang nakakasunog ng balat. I forgot to bring my umbrella. Nakakainis! Hindi ko naman inasahan na aaraw pala. Nagsimula na akong tumakbo papunta sa aking apartment. Minsan ay humihinto ako kapag may lilim. Naisip ko bigla yung nangyari kay Alicia Lim. Paniguradong problema nanaman ito ni Lex. Kamusta na kaya iyon? Sa susunod na day off nanaman nya kami mag-uusap e. I'm sure he's upset. Nang makarating ako sa tapat ng apartment ay nakita ko nanaman sina Aling Cyntia and friends na nagbibingo. Napatingin nanaman ito sakin. I smile. Napailing siya saka muling itinuon ang atensyon sa ginagawa. Umakyat na ako sa second floor. Duon ay natanaw ko naman ang anak ni Mrs. España na naglalaro sa tapat ng apartment ko. Tumingin ito sakin. I smile back to him. Ngunit tumakbo ito pabalik sa bahay niya and the next thing I hear is his crying. Eeh? "Ano nangyare? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Mrs. España mula sa loob ng kanilang bahay. I immediately enter to my door before pa ako makita ni Mrs. España. Ang mga bata talaga. Muling namayani sa diwa ko ang katahimikan. Medyo madilim ang luob ng apartment ko. Nakasarado kase ang bintana. Naglakad ako papunta sa sofa at naupo. Ganito lang ang buhay ko. Sa loob ng apartment na ito umiikot ang buong buhay ko. Simula ng nakapagbukod ako since high school, ganito lang parati ang takbo ng buhay ko. I sponsor myself in my everyday needs with the use of money from killings. I suddenly remember the first time I hold a knife to kill someone in my first year of college. I still remember the feeling when I stab his chest with a kitchen knife. His face, his screams, his sufferings, I still remember all. Nangyare ito dahil sa pambubully nila sakin that time. Believe it or not, I used to be the weakest student in class since kindergarten. I always hide my face because I was scared. But thanks to Lex, he always saves me. He's my knight in shining armor. I smile when I remember those times when I and Lex were so young. Parang kahapon lang. Ang bilis lumipas ng araw. Tumayo ako at naisipang buksan ang bintana. Nasilaw ako sa liwanag. Agad akong napapikit dahil duon. Para tuloy akong isang halimaw na takot sa liwanag. Nang medyo umaayos na ang paningin ko ay lumabas ako sa terrace. Tanaw ko ang malawak na gubat. Tanging green lang ang nakikita ko. Magandang refreshing ito para sakin. Nakakapag-isip ako ng matino. Maya-maya ay narinig kong tumunog ang aking telepono. Napalingon ako dito. Agad ko itong pinuntahan at kinuha. This is my second phone. I activate the voice changer bago ko sinagot. "Hello?" Bungad nito. "Yes?" "I was really impressed with how you have done a job." I smile at that compliment. Naglakad ako papunta sa terrace. "What do you want?" Narinig kong sandaling natahimik ang kabilang linya bago siya sumagot. "I want you to turn down a certain man. Can you do that, Sync?" Of course. I can finish a job clean and satisfying. "Don't make me laugh. I can do whatever it is." I replied. Narinig kong ngumisi ang kausap ko. He's a boy. Sa tansya ko ay nasa 30's ito base sa boses niya. "Okay, Sync. Ipapadala ko nalang sayo yung bayad." Sabi niya. Another income. This is really satisfying. "Good luck." Dugtong nya pa. Medyo napakunot ako ng noo sa huli niyang sinabi bago nito ibinaba. Is he about to scare me? Pagbaba niya ng tawag ay agad na rin akong naghanda. Akala ko matagal kong tatanawin ang mga puno. I close my window and prepare myself. I wear my usual black tight jumpsuit. Pagkatapos ay dinala ko na ang mga dapat kong dalin. I check my wristwatch. It's 3 pm. I open my door. The sound of the surroundings immediately came to my ears. Tiningnan ko ang kabilang apartment kung saan nanduon sina Mrs. España. Nakasara na ang pinto nila. Bumaba na ako. Naabutan ko nanaman sina Aling Cyntia and friends na naglalaro parin ng bingo. Napatingin nanaman siya sakin at napailing. I smile. Naglakad na ako ng konti, malayo sa apartment bago sumakay sa taxi. I check my inbox. Nakita ko ang instructions ng caller ko. Ngunit nagtataka ako ng makita ang lugar kung saan ko makikita ang taong ipapapatay niya. Galing ako dito kagabi. Dito sa lugar kung saan ko pinatay si Alicia Lim. Sinabi ko sa driver ang address. Mukhang alam ng driver ang lugar na ito kaya hindi na siya nagtanong pa. I prepare ng things. Pinagpaplanuhan ko din kung paano ko gagawin ito. I know it's easy for me. Pero there is something na bumabagabag sakin. Hindi ko alam kung bakit o anong dahilan. After a couple of hours inside the taxi, nakarating na ako duon. I checked the time. It's 6 pm. Bumaba na ako ng taxi wearing my casual clothes. Gaya ko ay mga mga dumarating ding mga kotse. They are from the richest families in the Philippines. Gaya ng dati, dumaan ako sa backdoor. May mga nasasalubong ako mga staff ng gusaling ito. They smile at me. It seems like they are all friendly. At first, pumasok muna ako sa comfort room to put a makeup. May mga pangilan-ngilang tao sa loob na may nakasuot ng mga makikinang na alahas. Hindi ko alam kung anong meron sa lugar na ito ngunit hindi ako dapat mawala sa focus ko. Kailangan ko pang hanapin ang taong ito. Paglabas ay dumiretso agad ako sa bar. Inobserbahan ko ang mga tao dito. Puro sila mga naka-casual attire. "Margarita please." Sabi ko sa bartender. Tinanguan nya ako. Habang busy ang bartender ay lumingon-lingon ako sa paligid. I don't know his name. I only have is his picture sent by the caller. Mukhang mahihirapan nanaman ako. Ayoko pa naman yung pinaghahanap pa ako. "Here." Sabi ng bartender. I smile at him. Ininom ko na ang Margarita na inorder ko. Sa sobrang daming tao dito ay hindi ko magawang maisa-isa ang mga tao. Medyo dim light pa. "One Daiquiri please." Napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko. He looks back at me. I look at him from head to toe. Mukhang mayaman at may kapit ang isang ito. I could smell it from his presence. "Hey." Sabi nito sakin. I smile. I guess kailangan kong maki-interact today until I find that bastard. "Yow." I replied. Umupo siya sa tabi ko. Nang inabot na sa kanya ng bartender ang drink na inorder niya ay tumingin ulit siya sakin. "Alone?" "Yes." I raised my glass and drink it. Muli kong tiningnan ang paligid kung makikita ko na siya ngayon. "Eh bakit parang may hinahanap ka?" Napalingon ako muli sa kanya. I smile again. "I just looking around." "Newbie?" Tumango ako although nakapunta na ako dito kahapon. Sumulyap ako sa mga dumadaan. This time, hindi ko na ito ipinahalata sa kanya. I need to be careful. This job is not just a job. It's a satisfying job. "What's your name?" Sabi nito. Napansin kong medyo lumapit siya ng konti sa pwesto ko. "Betty." Maikling tugon ko. Napakunot siya ng noo. "Betty? Are you serious?" Tanong niya. Halata sa boses niya na hindi siya naniniwala. Mabuti nalang at may pangalang pumasok sa isip ko. Hindi ko ibinibigay sa kung sino-sino ang totoo kong pangalan. "It's up to you if you believe it." Sabi ko at muling ininom ang Margarita. Ipinagpatuloy ko na ang paghahanap sa aking biktima. Isa-isa ay pinagmasdan ko. Kahit hindi ko na tingnan ang litratong binigay niya ay tanda ko ang mukha niya. All I have to do is to finish my job and then leave. Medyo hindi ko na kase gustong makihalubilo sa mga nandito lalo na sa isang jerk na katulad nito. "Hey Betty, do you wanna play?" "I'm not good at cards," I answered. Napansin kong nagseryoso siya. Did I say something wrong? "Then, why are you here?" Mahina nitong tanong. I look at him with fierce eyes. Hindi ko alam kung anong problema ng lalaking ito. It's really a mistake to entertain him in the first place. "To kill..." I replied. Hindi parin nawawala ang titig niya sakin. "... boredoms." I smiled. Natawa naman siya sa sinabi ko. "You got me huh. By the way, I'm Dylan San Agustin." He lends his hands to me. San Agustin? Don't tell me his the Son of Mayor San Agustin. "If I am right, you are the youngest son of Mayor San Agustin." Tumango siya. "You gotcha!" Medyo napangiti ako. I know who is Mayor San Agustin. He is a great and most kind-hearted person I know. Lagi kong nababasa sa internet kung paano siya tumulong sa mga mahihirap. Marami ang humahanga sa Mayor. I'm glad na meet ko ang anak niya. "Why are you here?" Tanong ko. He still drinking his Daiquiri. "I was supposed to have a meet up with my friend." Sagot niya. Tumango-tango ako sa kanya habang pinapakiramdaman ang paligid. I need to find that bastard as soon as possible. "Where is he?" "There..." turo niya sa isang table kung saan maraming mga babaeng nakaupo kasama ang isang lalaki. "....flirting with girls." Nang makita ko ang lalaki ay halos hindi ko mapigilang ngumiti. I think nahanap ko na rin ang daga. Muli kong tiningnan si Dylan. "Why don't you go there? It seems like they are having fun." I smile. He immediately agreed to me. Great! Inaya niya ako sa pwesto ng kaibigan. Merong tatlong babaeng kasama ang kaibigan niya. My victim. Nang makita niya si Dylan ay medyo napa-ayos siya ng upo. Agad namang nag-alisan ang mga babaeng kasama niya na halatang mga dancers dito. He look at me. Medyo naiirita ako sa lagkit ng tingin niya. "Aba! I didn't know na marunong ka palang humanap ng mga chicks, Dy." Sabi niya habang umiinom ng tequila. Nagkatinginan naman kami ni Dylan. Medyo nahiya sila dahil sa sinabi ng kaibigan. "Hi, miss. I'm Sean Salvades. Nice to meet you." He lends his hands to me. Inabot ko ito. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. I know there is a meaning behind it. "I'm Betty." Sagot ko. "Betty?" Tanong ni Sean. Tumango ako sa kanya. "Why?" "Nothing. It's like something new, you know." Tinanguan ko siya bilang pagsang-ayon. I should get his attention more. Ayokong makawala pa sakin ang taong ito. "I should leave now. I wanna play." Nilingon ko si Dylan na nakangiti sakin. Medyo nagtataka naman ako sa ginawa na but It's a blessing in disguise. Hindi na ako mahihirapan. "Okay, Dy. Good luck." "You too. Good luck." Napalingon ako sa kanya. Hindi ako nagkakamali. I hear that voice. It means he must be.... "Aalis na ako." Sabi ni Dylan. Tiningnan niya ako bago umalis. Napaisip ako kung anong ginagawa niya dito. Paano niya ako nalaman na ako si Sync? He even help me to find this bastard. "Tayo nalang dalawa. Anong gusto mong gawin?" Sabi nanaman ni Sean habang tinitingnan ako ng malagkit. I smile sarcastically. "Something wild." Sagot ko. Kita ko sa mukha niya ang pagkasabik. That's right. You must be happy tonight because it will be your end. Inaya ako ni Sean na sumama sa kanya. Maglalaro daw siya. He want me to be with him. A lucky charm. I let myself play with his game. Nakaupo lang ako sa tabi niya habang naka-akbay abg kanyang braso sakin. Medyo naiirita ako. "What do you think about this?" Sabi niya sabay pakita ng cards. "I'm not good with that," I said. He just smiles at me. I look at my wristwatch, it's already 1 am. "Mamaya ka pa ba?" Tanong ko. Napalingon siya sakin ng nakangiti. "Excited huh." Tinanguan ko sya sabay kindat. "Yeah." "Okay then." He said. Umalis na siya sa table na iyon. Inaya niya ako papunta sa labas. Nakita ko ang kotse niya. Sobrang ganda nito. Mukhang aabot sa milyon ang halaga ng kotseng ito. Pinagbuksan niya ako ng pinto. I smile at him. Pagpasok niya sa kotse ay pina-andar na niya ito. I don't know kung saan kami pupunta. I just look at the window. Walang katao-tao sa dinadaanan namin. All I just do is to prepare myself. I can't wait to kill him anytime. Nakarating kami sa isang gusali. It is an abandoned place. I look at him with confusion. "What are we doing here?" I ask. "Something wild." Sabi niya. I smile again. Lumabas na kami ng kotse. Inaya niya ako sa loob but I let him first. I said that I have to call someone, but it's just an excuse. Nang pumasok na siya ay naiwan ako. Pinakiramdaman ko pa ang paligid bago lumapit sa kotse niya. I go in front of his car. Agad kong pinutol and brake hose kung saan dumadaloy ang brake fluids ng sasakyan. Pagkatapos non ay inayos ko na ulit lahat ng ginalaw ko upang hindi halata. I smile again. Muli kong tiningnan ang gusali kung saan siya pumasok.  Goodbye.  Naglakad na ako palayo. I think my job is done here. Third person's point of view Ilang minutong naghintay si Sean sa loob. Kasalukuyan siyang umiinom ng alak. Kung anu-anong maduduming utak ang pumapasok sa utak niya. Napatingin siya sa kanyang wristwatch ng mapansing hindi parin umaakyat ang dalaga. Naubos na niya ang isang maliit na bote ng alak ng magpasya siya bumaba. Pagbaba ay hindi niya makita ang dalaga ni anino nito. "Bullsh*t." Wika niya. Napa-iling siya dahil iniwan nanaman siya. Papasok na sana siya pabalik ng maramdaman ang pag-vibrate ng telepono. Kinuha niya ito ng makita ang text message ng kaibigang si Dylan. Hinahanap siya nito dahil daw sa bigla niyang pagkawala. He smirk. He knows that Dylan is a plastic friend. Sumakay na siya sa kotse. Medyo nahihilo ang pakiramdam niya dahil sa alak. Pina-andar niya ito. Habang nasa byahe, binabagtas ang kahabaan ng kalsadang napalilibutan ng mga puno ay mabilis niya itong pinatakbo. Wala naman kaseng ibang sasakyan sa mga oras na ito. Malaya siyang makapag-papaharurot. Maya-maya pa ay isang hindi inaasahang tumawaid sa dinadaanan niya. Isang aso na lumabas mula sa kanan. Sa gulat ay nai-paikot niya ang manubela ng malakas sa kaliwa upang maiwasan ito sabay tapak sa preno. Ngunit hindi gumagana ang preno nito. Nagtataka siya ngunit huli na dahil bumangga ang sinasakyan nito sa isang malaking puno. Durog ang unahang parte ng sasakyan. Nayupi din ang ibang parte sa lakas ng impact. Zerrie's POV Kasalukuyan akong nasa supermarket upang mamili. Naubusan na ako ng mga supply sa bahay. Nakapila ako ngayon dito sa cashier no. 2. Medyo maraming tao ngayong araw. "Nabalitaan mo ba? Yung sikat na si Sean Salvades, patay na." "Weh? Bakit daw?" "Na-aksidente sa kotse." "Shems, nakakalungkot." Napalingon ako sa likuran ko kung saan may mga babaeng nag-uusap usap. Balitang balita ngayong araw si Sean Salvades. Napag-alaman kong sikat na tao ito. Kaibigan ng isang anak ng Mayor. Maraming fans niya ang nagluluksa sa pagkamatay ng binata. Wala pa ito sa 30's kaya maraming nanghinayang. Sinasabing lasing daw ito ng mabangga ang sinasakyan. Ayon iyan sa mga pulisya. Napangiti ako. Blessings in disguise. Naglakad na ako papunta sa cashier. Natapos na din ang nasa harapan ko. May dala siyang isang bata kaya medyo natagalan pa. Ipinatong ko na ang mga binili ko. Busy naman si ateng cashier sa pagtatrabaho niya habang ako ay napalingon sa babaeng kakatapos lang. Medyo nahihirapan siya ngayon dahil bukod sa marami siyang pinamili ay may kasama pa siyang bata. Naalala ko tuloy ang anak ni Mrs. España. "One thousand three hundred forthy po lahat-lahat ma'am." Inilabas ko na agad ang aking credit card. Matapos nun ay agad ko ng kinuha ang aking mga binili. Medyo napahinto ako dahil hindi maalis ang tingin ko sa mag-inang ito. "May I help you?" Tanong ko sa ginang. Napatingin siya sakin. "Nako hija, mukhang busy ka at may pupuntahan. Salamat nalang." "It's okay. I'm free." Wika ko. Agad kong kinuha ang dalawang plastic. Dahil dito ay nagawa nya ring kumilos ng maayos. Sabay kaming naglakad palabas ng supermarket. Mainit ang panahon ngayon. Nakalimutan kong dalhin ang aking payong. Palagi ko nalang nakakalimutan. Walang imikan ang naganap sa pagitan namin ng Ginang. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya o busy lang talaga siya sa pagtingin sa anak. Naglakas loob akong nagsalita. "Saan po ba kayo pupunta Ma'am." Napalingon siya sakin. "Pasensya na hija. Medyo malayo yung na-parking-an ko." Napatango ako. Kaya pala. "It's okay." I said with a smile. Napatingin ako sa bata. Nang magkatitigan kami ng bata ay umiyak ito. Agad kami napahinto. Ewan ko ba sa mga bata. Siguro tama nga sila, madalas mga bata ang nakakakita ng mga multo o demonyo. Tumingin ako sa malayo upang hindi ko mapansin ang ginagawa ng ina niya. Ewan ko ba. May parte sakin na naiinggit ako ngayon sa batang to. Naiinggit ako dahil buti pa siya, umiyak lang may makikiramay na agad na ina. Naranasan ko naman ito. Siguro nung elementary days ko. Pero nung nawala sina Mama at papa sa isang aksidente, wala na rin akong karamay kapag umiiyak ako. Namimiss ko na ang mga araw na iyon. "Pasensya na natagalan tayo. Itong batang to kase." "It's fine." Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa kanyang sasakyan. Medyo malayo nga ang napag-parking-an niya. "Dito nalang po ate. Salamat po ulit." I smiled. Matapos nun ay nilingon ko ang batang kasama niya. Hindi siya tumingin sakin. Mga bata talaga. Iniwan ko na sila duon sa kotse nila. Naglakad na ako palayo. Ngunit hindi pa ako gaanong nakakalayo ng makarinig ako ng isang malaking pagsabog. Agad akong napa-upo. Ganun din ang mga taong nandun sa parking lot. Agad kong nilingon kung saan nanggaling ang pagsabog. Laking gulat ko ng mamataang galing iyon sa kotse ng mag-ina. Hindi ako makagalaw sa pagkabigla. Hindi nagsisink in sa utak ko ang mga nangyare. Parang kanina lang ay kasama ko pa ang dalawa. Patuloy na umaapoy ang kotseng iyon. Halos lahat ng tao sa parking lot ay nagulat sa biglaang pagsabog. Agad kaming nakarinig ng sirena ng bumbero. Kasabay nun ang pagdating ng mga pulis. Hindi parin ako makatayo. Nabibigla ako sa mga nangyari. Pinagmasdan ko ang mga bumbero habang binubuhusan ng tubig ang nagliliyab na kotse. Pagkatapos ng ilang minuto, naapula na rin ang sunog. Duon na ako tumayo at naglakad papunta sa sunog na kotse. Halos wala akong maramdamang buhay mula duon. "Miss delikado dito. Duon po muna kaso." Sabi ng lumapit na bumbero. Tiningnan ko lang siya saka muling sinulyapan ang kotse. Naglakad ako pa-atras mula sa kotse. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Kanina lang, kanila lang talaga. "Zerrie?" Ngayon ay nilingon ko naman ang tumawag sakin. Nakita ko si Lex kasama ang iba niyang mga katrabaho. "Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?" Tanong ni Lex. Agad siyang lumapit sakin. Tahimik ko siyang pinagmasdan. "Yung mag-ina, nadamay sa pagsabog." Sagot ko. Napakunot siya ng noo. Nilingon niya yung kotseng nasusunog. "Mag-ina?" Tanong niya. Iniwan niya muna ako saglit at lumapit sa mga grupo ng bumbero. Nakita kong may kinausap siya bago bumalik sakin. "Kung ganon kilala mo kung sino?" Nagdadalawang isip pa ako. Hindi ko naman talaga kilala, nakasama ko lang. Sinilip ko ang sunog na kotse bago tumango. "Pede mo bang sabihin kung anong itsura nila?" Tumango ulit ako. Matapos nun ay isinama niya ako sa station nila. Ewan ko ba pero may parte sa utak ko na natatawa sa sitwasyon kong ito. Para bang, nahule na ako sa mga murders na ginawa ko. Katabi ko ngayon si Lexin. Diretso ang tingin niya. Hindi ko naman maiwasang hindi lingunin ang kanyang mukha. Para bang punong-puno siya ng problema ngayon. Napansin naman niyang nakatingin ako sa kanya at nilingon niya ako. Nabigla ako sa ginawa niya. "Sorry." Bulong ko. Nakita kong nag-smirk siya. Ilang saglit ay nakarating kami sa presinto. Duon ay kumuha sila ng isang police sketch artist upang i-drawing ang mga mukha ng nasa loob ng kotse. Hindi na daw ito matukoy o malaman ang pagkakakilanlan dahil sa sobrang pagkatusta. Habang dinedescribe ko sa sketch artist ang mga itsura ay mas lalo nila itong nakilala. "Asawa't anak ito ni Senator Silvestre." Wika ni Lex. Napalingon ako sa sinabi niya. Kita sa mukha niya ang inis at galit. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Don't tell me, kagagawan nanaman ito ng serial killer na iyon?" Tanong ng isang police officer sa kanya. Alam ko kung sinong serial killer ang binabanggit niya ngunit nagtataka ako. Paano naman nila nasabing gawa ito ng serial killer na iyon? "Posible. Sunod-sunod ang pagkamatay ng mga may kapangyarihan. Ganun din ang pamilya nila. Malamang na gawa ito ng serial killer na iyon." "Paano yung sa kaso ni Sean Salvades. Kagabi lang yon. Di naman siya anak ng may kapangyarihan?" "Kaibigan siya ni Dylan San Agustin. Anak ni Mayor San Agustin. Posibleng nadamay siya dahil malapit siya sa mga ito." Tahimik lang akong nakaupo habang pinakikinggan ang kanilang mga pinag-uusapan. Ewan ko ba. Natatawa ako sa nangyayareng ito. Ang ironic lang ng mga nangyayare. "Pero Sir, wala pa tayong lead kung sino ang culprit." Sabi ni Lexin. Natahimik ang lahat. Dahil dito, sinamantala ko na ang pagkakataon para umalis. Umubo ako dahilan para mapatingin silang lahat. "Pede na po bang umalis?" Tanong ko. "Okay pwede na. Maraming salamat Ms. Marcos." Tumango ako. Tiningnan ko muna si Lex bago lumabas ng presinto. Nakahinga ako ng maluwag ngunit may parte parin sakin ang nalulungkot sa nangyare. Ilang beses na akong nakasaksi ng pinatay sa harap ko ngunit itong biglaan ang hindi ko inaasahan. "Zerrie." Nilingon ko si Lex na naglalakad palapit sakin. "Ihahatid na kita." Sabi niya. Tiningnan ko siya sa mata. "Naka-duty kapa." Sabi ko. "Magpaalam ako. Saka meron akong 30mins break." Wika niya. Hindi na ako tumanggi. Isa pa, gusto ko ding kasama si Lex ngayon. Ilang araw na simula nung huli kaming nagkita. "Kamusta?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan. Bakas sa mukha niya ang pagod at tambak ng problema. Masyado ko atang nabigyan ng problema. "Eto ganun parin. Pinu-problema parin yung serial killer." Sagot niya habang pinagbubuksan niya ako ng pinto. Tinanguan ko siya. Hindi ko alam kung ano ang tamang sagot sa sinabi niya. Hindi ko intention na bigyan siya ng problema. It's just like, a Job. "Mahuhuli mo rin siya." I said. Napakagat labi pa ako dahil sa sinabi ko. "I hope. Pero mukhang matatagalan." "Why?" "Wala pa kaming lead tungkol sa pagkatao ng serial killer na iyon. Ni-hindi nga namin alam kung babae o lalaki ito. Matanda ba o bata o ka-edad lang natin." Pagkasabi niya non ay nagkatinginan kami. Ang awkward. "Posible lahat ng sinabi mo." Sagot ko. Tingnan niya ako sa mata. Kung nababasa lang ni Lex ang nasa isip ko dahil sa mga titig na iyon, baka nahuli na ako. Nagkatitigan kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Para bang kinakabahan ako na ewan. Hindi ko alam kung bakit ganito. I never encounter this feeling before. My heart, it beats so fast. "T-Tara na." Si Lex ang unang pumutol ng titig na iyon. Sumang-ayon ako sa kanya. Baka ma-ubos agad ang 30mins break niya. Pina-andar na niya ang kotse. Habang nasa byahe ay nagkukwento lang siya ng mga bagay-bagay. Nakikinig lang ako. Wala akong maisip sabihin sa kanya. Agad bumalik sa ala-ala ko ang pagiging madaldal ni Lexin nung bata. Sa aming dalawa, siya ang source of topic. Lagi siyang may baong kwento. Hindi ko ba alam kung saan niya nakukuha ang ganyang kadaldal na pagkatao. But it's fine with. As long as he is always with me, it's all matters. Nakarating kami sa apartment ko. Medyo nakalagpas na ng 30mins dahil sa traffic. Pauli-ulit akong nagso-sorry dahil sa perwisyong nadulot ko sa kanya. "It's fine Zerrie. Don't worry, I can handle myself." He said. Tumango ako. Alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo. I wave my hands to him. Matapos nun ay umalis na siya. Nakahinga ako ng maluwag. Sobrang daming nangyayare sakin ngayong araw. "Oy!" Nilingon ko si Aling Cyntia. Nakaupo nanaman ito kaharap ang mga kabingo. Napapikit ako ng mariin at ngumiti. "Yes?" "Sino nanaman yon?" Tanong niya. "Just a friend of mine." I said. Naglakad na ako paakyat sa aking apartment. Gusto kong makapag-pahinga ngayon. Pagpasok ko ay napansin kong hawak ko parin pala yung plastic bag na naglalaman ng groceries ko. Natawa ako bigla. Inilapag ko na ito sa lamesa at dumiretso sa kwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko duon sa sobrang pagod. Wala pa akong tulog. Baka kapag ipinagpatuloy ko na ito ay mamatay ako ng di-oras. I woke up with my teary eyes. Napanaginipan ko nanaman yung nangyare sakin kanina. Yung mag-inang iyon, hindi ko makalimutan. Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko kung bakit ganon nalang ang reaksyon ko ng mamatay sila pareho sa pagsabog. Para bang naulit nanaman ang matagal ko ng kinatatakutan. I stand up and drink a glass of water to calm down. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako umiiyak sa mga taong hindi ko naman kaanu-ano. Nakakainis. I feel the pain. It hurts. I need to forget it. But how? Suddenly, I remember my Mama and Papa. I don't know why but I feel like they are here, yesterday before they died. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Napaiyak nanaman ako dahil para bang kahapon lang namatay sina mama at papa. Parang kahapon lang ang lahat. I remember that day when I woke up in a hospital bed. My relatives are beside me. I can't see Mama and Papa. Hinahanap ko sila non. Pero ang sinabi lang sakin nila Tita ay wala na sila. I don't know what happened but they found me, outside the car when they got the car accident. Walang nakaka-alam kung bakit ako nanduon o paano ako napunta sa labas ng kotse. They say that a guardian angel saves me. If really a guardian angel exists, why they didn't save my parents? I walk out to the terrace. Mula dito ay natanaw ko nanaman ang madilim na kagubatan. Hindi ko na makita ang mga berdeng nagmumula sa nga punong nakatayo dito. All I can see is the dark. I look up in the sky. It's dark too. Mama, Papa, I'm here. Doing nasty things. I hope you forgive me. Bumalik na ako sa pagkakahiga ako. Na-alimpungatan lang ako dahil sa panaginip na iyon. I was about to lie down when I heard my phone rang. Kinuha ko ito. It's from my second phone. I activate the voice changer. "Yes?" I said. Ngunit wala namang nagsasalita sa kabilang linya. All I hear was the sound of a breathing man. It's so creepy. I wait for a second before I hang up. I look at the screen. It's an unregistered number. But from whom? Dahil sa antok na nararamdaman ko ay ipinasawalang bahala ko nalang ito. KINABUKASAN ay sobrang ingay ng social media. Kalat kase na may serial killer daw. This was after the police announce the series of killings. May mga nagsasabi na kalaban daw ito ng gobyerno, may nagsasabi naman na baka pumatay din daw ito ng ordinaryong tao. Nagbigay tuloy ng takot sa mga mamamayan ang sinabi ng mga police. Medyo napa-iling ako. I just kill to earn money, people. But not an innocent ones. Nagbihis na ako. Balak kong pumunta sa puntod nina Mama at Papa. Matapos akong managinip kagabi ay gusto ko silang dalawin. It's been 10 years since they left me. Lumabas na ako ng apartment ko. Gaya ng dati ay naabutan ko si Mrs. España na nagwawalis sa tapat nila. She look at me from head to toe. "Saan ka nanaman pupunta?" Wika nito. "Sa sementeryo, sama ka?" I ask sarcastically. Sinamaan niya ako ng tingin at ipinagpatuloy na ang pagwawalis. Napangisi ako. Bumaba na ako ng maabutan ko duon si Aling Cyntia na may kausap nanamang mga kapitbahay. Mukhang may pinag-uusapan nanaman sila. Nagtawag na ako ng taxi. Medyo natagalan ako bago nakahanap ng masasakyan. "Sa St. Isidro Cemetery po." I said. Pagkatapos non ay nakatulala lang ako sa labas habang binabagtas ang daan patungo sa sementeryo. Agad nagflashback sa utak ko ang nangyare kahapon. Bakit ba kase hindi maalis sa isip ko iyon? That isn't my first time seeing a dying person in front of me. This really freaks me out. Naramdaman kong nag-vibrate ang telepono ko muna sa bag. Nag-dadalawang isip pa ako kung kukunin ko iyon. Medyo wala pa ako sa mood upang tumanggap ng clients. Hinayaan ko lang na mag-vibrate ang telepono ko hanggang sa kusa itong namatay. Mamaya ko nalang siguro sagutin iyon kapag tapos na akong dalawin sina Mama at Papa. Ayokong pati sa harap nila ay ipakikita ko pa ang aking kasinungalingan na isa akong mamamatay tao. Medyo malayo ang sementeryo na pinaglibingan kina Mama at Papa. Hindi ko rin alam kung bakit. Nagtanong na ako sa mga kamag-anak ko. Ni-isa sa kanila ay walang sumasagot sakin. Kaya naman itinigil ko na rin ang pangungulit. Nang makarating kami ay walang halos katao-tao dito. Mag-isa kong tinahak ang walang lamang sementeryo papunta sa puntod ng aking mga magulang. Hindi pa ako nakararating nang matanaw ko ang isang nilalang na naka-upo sa tapat ng puntod nila Papa. Gusto kong malaman kung sino iyon ngunit mas malakas ang parte ko na magtago muna. So I hide behind the bushes. I'll wait until that man left. After a couple of minutes, namataan kong tumayo siya mula sa pagkaka-upo. Kasabay non ang paglalakad niya palayo. Sinigurado kong umalis na talaga siya bago ako lumapit sa puntod. Paglapit ko, nagulat ako ng makita ang isang piraso ng papel na nakapatong sa ibabaw ng lapida ni Papa. I know you are watching, Sync. To be continued.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD