"I know you are watching, Sync." Paulit-ulit kong binabasa ito. Kasalukuyan akong nakahiga. Who is that man? Anong ginagawa niya sa puntod nina Mama at paano niya nalaman na I'm Sync. Sobrang daming tanong ngayon ang bumabagabag sakin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.
Urgh!
Tumayo ako upang magtimpla ng kape. Kailangan kong kumalma upang makapag-isip ng maayos. Hindi ko dapat iniintindi ang mga ganitong bagay. Pala-isipan din sakin ang tawag nung isang gabi. Hindi ko alam kung sino ang tumawag na-iyon.
Kung anu-ano nanaman ang nangyayare sakin. Masyado ko nanamang iniintindi ang nararamdaman ko. Nagsimula ito nung isang araw sa mag-ina. Napailing nanaman ako ng maalala iyon. Hinigop ko na ang mainit na kape. Malamig ang panahon kaya tamang-tama ito ngayon.
Naglakad ako papalapit sa terrace. Wala akong natatanggap na tawag ngayon. Hindi ko din alam kung bakit. Ayoko ring magtrabaho ngayon. Wala ako sa mood. Parang wala akong ganang pumatay muna ngayon.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Hindi ko iyon pinansin. For sure, it is a job. But then, it rangs for a second time. Nilapitan ko na ito ngayon. Hindi sa second cellphone ko nanggagaling yung tawag kundi sa first phone ko. Napaisip naman ako kung sino naman ang sakaling tatawag sakin? Si Lex? Nasa trabaho iyon panigurado.
Inabot ko ito at sinagot. Hindi ko na sinilip kung sino man ang sakaling tatawag. Kaonting tao lang ang nakakaalam ng aking cellphone number.
"Yes?"
"Zerrie, kamusta?" Pamilyar sakin ang boses na iyon. Napahinto ako upang tandaan ang boses na yon.
"Hey, hindi kana nagsalita dyan." Wika muli nito. Sino nga ba sya? Alam kong alam ko kung sino siya ngunit di ko maalala. O sadyang wala lang talagang pumapasok sa utak ko dahil sa mga iniisip ko kanina pa.
"Who are you?" I ask. I hear him chuckled behind the phone.
"Nako bata. Di moko tanda? Si kuya Steve to, pinsan mo." Steve? Pinsan? Urgh! Wala talagang nagsisink in sa utak ko ngayon.
"Kauuwi ko lang galing New Zealand, san ka nakatira?" Tama, si Kuya Steve nga ito. Halos lahat ng kamag-anak ko nasa ibang bansa. Hindi ako makapaniwala na umuwi ngayon si Kuya Steve.
"Where are you po ba? Susunduin nalang po kita." I said.
"Okay." Sagot niya sa kabilang linya. Ibinaba na niya ang tawag. Kasabay non ang isang text message kung nasaan siya ngayon. Nagbihis na ako. Nakasuot ako ngayon ng sweater dahil malamig ang panahon. Maulan pa. Nasa isang restaurant siya ngayon. Dito siya dumiretso pagkababa ng eroplano. Ang dahilan? Nagugutom na daw sya.
Hindi kami masyadong close ni Kuya Steve. Nagkikita lang kami noon sa mga reunion ng pamilya. Dahil only child lang ako, siya ang nagiging kuya ko kapag kasama ang mga pamilya.
Tumawag ako ng taxi pagkababa ko sa apartment. Walang mga chismosa sa labas dahil maulan. Paniguradong bagot na bagot si Aling Cyntia ngayon.
Pagdating ng taxi ay agad na akong sumakay. Ibinilin ko sa taximan kung saan kami pupunta. After that, tahimik na akong naupo sa upuan ko. Siguro kaya madaming tumatakbo sa isip ko ngayon ay mag-isa lang ako sa bahay. Wala akong taong mapag-sabihan. Baka malapit na akong mabaliw. Hindi naman pwede si Lex. Busy yon ngayon sa kakaproblema sakin este-- sa serial killer na iyon.
I look at my wristwatch. Time is important to me. I don't know why. Lagi ko lang itong nakikita kay Mama dati. Every time na may pinupuntahan kami, hindi maiwasan ni Mama na tumingin sa relo niya. Minsan nga iniisip ko, baka wala sa mood si Mama kapag kasama ako. Baka may mas gusto pa siyang gawin kesa ang makasama ako. Ganon dati ang takbo ng isip ko. Hindi nalang ako nagsasalita noon. And I guess, that's my biggest regrets. Kung nasabi ko sana iyon kay Mama bago sila mawala, siguro kahit papaano magaan ang loob ko. Siguro kahit papaano alam sana nila ang nararamdaman ko. Having a biggest regrets in life is hard to move on. It's hard to move to the next level.
Nakarating kami sa restaurant na sinabi ni Kuya Steve. After kong magbayad, pumasok na din ako sa loob. Hindi ko na inisip pa ang itsura ko. Susunduin ko lang naman si Kuya.
I look around. Maraming foreigners ang nandito. Mga magbabakasyon ata dito sa Pilipinas. Hinanap ko na si Kuya. Ilang tao na nga rin pala simula ng huli ko siyang makita. Wala na akong ideya sa itsura ni Kuya ngayon. Agad ko siyang tinext. After a second, he reply. Sabi niya mag-isa lang daw siya sa table. Nag-hanap ako ng mga mag-isa lang. May nakita akong tatlong table na mag-isa. I call his phone. Dahil duon, nalaman ko kung sino sa kanila si Kuya. I walk towards him. Hindi nya pa ako napapansin.
"KUYA!" I shouted. Nagsitinginan sa akin ang mga nanduon. I apologized for the mess I made. Agad akong lumapit kay Kuya. He look at me from head to toe.
"Zerrie? Teka, ang laki mona ah." He said.
"I'm 22 by the way." I replied. Napangiti siya. Inaya na niya ako sa upuan.
"Kumain kana?" He ask. Actually hindi pa ako kumakain. Nagkape lang ako kanina upang kalmahin ang sarili. Hindi ko nga inaasahan ang pagdating ni Kuya. Halata naman niya sa itsura ko ang sagot kaya naman umorder na siya. I look at him with confused in my face. Susunduin ko lang naman siya. Bakit umoorder na siya ngayon?
"Libre ko." He said. I smile at him. I guess kailangan ko ngang kumain. Baka sakaling makapag-isip ako ng maayos.
"Saan nga tutuloy niyan Kuya?" I ask. Napatingin siya sakin.
"Sa apartment mo." He replied. Tiningnan ko siya kung seryoso ba sya. I don't think that's the right thing to do. I know my job. I don't want anyone being involved. Ayokong mapahamak si Kuya dahil sa mga ginagawa ko. And besides, mas madali sakin ang kumilos dahil wala naman na akong iniisip pa.
"Seriously?"
"Yes, why? Is there any problem?" He ask. Umiling ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na may mga illegal na bagay akong ginagawa.
Pagdating ng order namin ay tahimik lang akong kumakain. Hindi ko kinikibo si kuya. Tahimik din siya habang ang atensyon ay nasa pagkain. Hindi ko na rin nagawa pang magsalita dahil wala namang pumapasok sa isip ko. Hindi lang talaga handa ang utak ko sa mga nangyayare ngayon lalo na nung isang araw pa. Nabibigla ako.
Pagkatapos kumain ay inaya ko na siya. Wala na akong choice. Nagpumilit na si Kuya sa apartment ko. Ewan ko nalang kung anong sasabihin ni Aling Cyntia kapag nakitang may kasama nanaman akong lalaki bukod kay Lexin.
Nang maalala si Lexin, agad ko siyang tinext. Magkaibigan sina Kuya Steve at Lexin. Hindi ko alam kung paano nangyare iyon pero ang alam ko lang, nung mga bata kami, tuwing pumupunta si Kuya Steve ay lagi silang busy ni Lexin maglaro.
"Tawag lang ako taxi." Sabi ko kay kuya Steve. Tumango siya sakin. I smile at him. Naghanap na ako ng masasakyan. Di rin naman ako nahirapan dahil marami-raming taxi ang dumadaan dito. I suddenly feel the vibration of my phone. Nang tingnan ko ito, nakita kong nagtext si Lexin. Sinabi niyang bukas daw ang day off niya.
Lumapit na ako kay Kuya Steve. Pagsakay namin sa taxi ay agad ko na ring binigay ang address ng apartment ko. Tahimik lang si Kuya Steve habang nakamasid sa bintana. Nakadungaw lang siya habang ako naman ay hindi mapakali sa iniisip.
Ilang minuto ay nakarating na din kami sa apartment ko. I help him to get his luggage paakyat sa apartment ko. Nakita ko naman si Aling Cyntia na nakatingin sakin. I look at her with an I-explain-everything-later look. Pag-akyat namin sa taas ay agad na kaming pumasok sa apartment ko. Mabuti nalang at hindi gaanong madumi ang kwarto ko.
"Pasensya na kuya sa apartment ko. Okay lang kung sa hotel ka nalang." I said.
"It's okay. Dito nalang ako sa sala." He said. Tinanguan ko siya. I go to the CR to check something na hindi nya dapat makita.
"Ano nga pala pinagkakaabalahan mo ngayon sa buhay Zerrie?" Rinig kong tanong ni Kuya. Hindi ko alam kung anong isasagot. Ayoko namang sabihin na wala dahil baka magtaka siya kung saan galing ang mga pera ko.
"Uhm, enjoying life, I guess." I said. Tumango-tango lang si Kuya Steve. Hindi tuloy ako mapakali. In my whole life, never akong nagkaroon ng kasama sa bahay after mamatay nila Mommy. Hindi ko tuloy alam kung paano gumalaw sa harap ni kuya. Medyo naiilang din ako dahil babae ako at lalaki siya.
"Nga pala kuya, do you remember Lexin?" I ask. Nakita kong nag-iisip siya ngayon about kay Lexin. Siguro ay hindi na niya maalala si Lex.
"You mean, August Santos?" He said. Natawa naman ako ng banggitin niya ang second name ni Lexin. Matagal-tagal ko ng hindi naririnig ang pangalang iyon.
"Hey, ayaw nya ng tinatawag syang August. Ang pangit daw." Sabi ko. Totoo naman. Ayaw na ayaw ni Lexin ang pangalang August. Naiinis nga siya sa mga magulang niya dahil pinangalanan siya nito na August.
"Okay. I'm not gonna repeat it." Sabi ni Kuya. Natahimik nanaman kami. Walang topic ang pumapasok sa utak ko. Hindi ko alam kung anong bagay ang dapat naming pag-usapan.
Iniwan ko muna si Kuya sa sala. Nagtungo ako sa kwarto upang ayusin ito. Itinago ko din ang ilang mga gamit na ginagamit ko sa trabaho ko. Pagkatapos non ay lumabas ako upang maghanda ng pagkain. I feel awkward. Hindi ako sanay.
"Order nalang tayo ng pagkain kaysa magluto kapa." Rinig kong sabi ni Kuya. Tinanguan ko siya. Hindi na ako nagsalita. I get my phone at nag-order sa isang food delivery app.
"Hindi ka ba nalulungkot dito Zerrie?" Nagsalita ulit si kuya. Umiling ako.
"I find it peaceful to be alone." I said. Nagkatinginan kami ni kuya bago niya iniwas ang tingin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya.
Dumating na ring ang order naming pagkain. Pagkatapos kong magbayad ay agad na rin kaming kumain. Sabi ni kuya ay magpapahinga na daw siya. Kaya naman hindi ko na siya inabala pa. Pumasok na ako sa kwarto ko upang magpahinga ng maramdaman kong nagvibrate abg aking cellphone. When I look at it, it comes from my second phone. Sinilip ko si Kuya. He sleep safe and sound. Nang sinigurado kong tulog na nga si kuya, nagtungo ako sa terrace then activate the voice changer.
"Hello."
"I need you to do this job, Sync." Pagkarinig ko sa sinabi niyang iyon, hindi ko alam kung anong sasabihin. Nasa alanganing posisyon ako ngayon. Hindi ko rin alam kung magagawa ko ng maayos ang trabahong iyon.
"I'm sorry but--"
"Sync, this is the only chance to kill him. This is an order." I can't refuse. I can't see myself refusing the job. I say yes to him. Pagbaba niya ng tawag, agad na akong naghanda. Nagiwan ako ng sulat kay kuya in case na hanapin niya ako. It's 5 pm at kasalukuyan akong nasa labas ng apartment. Nag-aantay ako ng taxi. Maya-maya ay nareceive ko naman ang text ng caller. Duin ko daw makikita yung papatayin ko. Pero nagtaka ako dahil yung place na iyon, iyon din yun lugar kung saan ko pinatay si Alicia Lim at sa lugar na iyon ko nahanap si Sean Salvades. Napakunot ang noo ko ng mapa-isip sa lugar na iyon.
Nang dumating ang kotse ay sumakay na din ako. Agad kong sinabi sa driver kung saan ako pupunta. Pagkatapos ay tahimik akong umupo. Nakamasid ako sa bintana habang dumadausdos ang patak ng tubig-ulan. Pinag-iisipan ko kung paano ko papatayin ang taong iyon. He said that it is my only chance. Hindi pa ako nagkakamali sa mga pinapatay ko, only chance man o hindi, I can assassinate whoever it is as clean as what you think.
Ilang oras ay nakarating na ako sa lugar na iyon. Kaunti lamang ang nandito ngayon. Maulan kase kaya siguro ay nasa kani-kanilang bahay ang iba. After kong magbayad, pumasok na ako sa backdoor. Duon ay may mga naabutan ulit akong mga staff ng illegal na gusaling ito. Nalaman kong si Lion Rivera ang papatayin ko. Isang kilalang whistleblower. Madali ko naman siyang nahanap dahil kilalang-kilala ko na ito. Kalat ang mukha niya sa mga newspapers at TV dahil sa mga issues na kinakaharap niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa harap ng isang table habang akbay-akbay ang isang bayarang babae. Ibig sabihin, ito pala ang totoong siya. Tinagurian pa naman siyang whistleblower pero maski siya ay nasa illegal na gusaling ito.
Lumapit ako sa table nila upang manood. Wala akong ideya sa mga ganitong laro. Hindi ko maintindihan ang mechanics nito kaya hindi ko maiwasang mag-isip kung nagmumukha na ba akong tanga dito. Minsan ay sinusulyapan ko siya saking peripheral vision. Busy ito sa ginagawa niya. I don't know kung paano makalapit sa kanya without disturbing others.
Saglit na umalis ako sa pwesto ko at nagtungo sa bar. Dito muna ako gaya ng dati. Umorder ako sa bartender ng drinks habang nakatingin sa gawi ni Lion Rivera. Nang dumating ang aking drinks ay itinuon ko na ang atensyon ko sa kanya. Hindi ko talaga alam kung paano makakalapit sa kanya. Ngunit isang bagay lang ang naiisip kong madaling paraan.
Lumabas ako upang lumanghap ng hangin. Alam kong hindi madali itong trabahong ito. Wala din akong ideya kung paano siya tatapusin.
"Sino ang nagpadala sayo dito?" Nagulat ako ng marinig ang hindi pamilyar na boses sa aking likuran. I slowly turned around to look at him. I didn't expect Lion Rivera behind my back. Hindi ko naramdaman na napansin niya ako.
"Pardon?" I said. Tahimik niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa.
"Sino nagpadala sayo dito? Alam kong inutusan ka para patayin ako." He said. Normal ba talaga sa mga whistleblower ang magisip ng ganito?
"I don't know what are you talking about. Leave me alone." I said. Naglakad na ako papasok at nilagpasan siya. Ngunit hindi pa ako nakakalimang hakbang ng marinig ko ang isang kasa ng baril. Nilingon ko siya. He pointed a gun to me. Wala akong nararamdamang takot o pangamba. I just can't believe it.
"I know you know what I mean. Sino nag-utos sayo? Yung mga taong ibinuking ko? Sabihin mo." Sabi niya. I just look at him with a nothing-emostional look. I walk towards him and hold his gun. Nakita ko sa mukha niya ang gulat. Pinakiramdaman ko ang paligid ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Pinakiramdaman ko kung nay nga tao ba sa paligid.
"Do it," I said. In this kind of life I have, death is just a bonus gift for me. I prepare myself sakaling dumating man ang pangyayareng ito sa buhay ko.
Kita sa mukha niya ang gulat at hindi makapaniwala. Ngayon ay ramdam ko ang pagdadalawang isip niya. Sinamantala ko na ito habang walang tao. Mabuti nalang at walang CCTV sa pwesto namin. Mabilis kong inagaw sa kanya ang baril. Agad ko itong itinutok sa ulo niya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Dahil sa gulat, hindi siya halos nakagalaw. Ramdam ko ang panginginig niya sa takot. Mabuti nalang at may silencer ang dala niyang baril. Dahil dito, dahan-dahan siya umatras. Hinayaan ko siyang lumayo ng sa ganon ay mailayo ko din siya sa lugar na ito. Nanatili lang ang tingin ko sa kanya. Ngayon ay puno na ng takot ang kanyang mga mata.
"Takbo." Sabi ko. Mabilis siyang tumalikod at tumakbo palayo. Hindi ko alam kung saan patungo ang lugar na iyon ngunit madali nalang ito sakin. Pumasok siya sa gubat. Madilim-dilim na kaya mahirap para sa kanya ito. Pagkatapos niyang tumakbo ay hinabol ko na siya. Ramdam ko kung saang direksyon siya nagtungo. Nararamdaman ko kung nasaan siya ngayon. Ito ang isa sa katangiang ipinagmamalaki ko. Kaya naman hindi pa ako natatalo sa hide and seek.
Naramdaman kong lumiko siya kung saan may mga naglalakihang bato. Hindi ko alam kung saang parte na kami ng gubat. As long as I finish this job, it's all matters.
Pagdating ko sa mga batuhan, agad ko siyang nakita. Corner na corner ko na siya. Kitang kita sa mukha niya ang taranta. Wala na siyang matakbuhan. Isang mataas na bato na ang nasa likuran niya.
"Please. I want to live. Set me free. I will do anything you want please." Halos umiyak na siya sa pagmamakaawa. Sanay na ako sa ganito. Ilang beses na akong nakakarinig at nakakakita ng mga ganitong pagmamakaawa.
"Kailangan mo nang magpahinga." I said then pointed a gun at him. Kita ko sa mata niya ang pagmamakaawa. I look at him before I push the trigger. Para bang bumagal ang ikot ng mundo ng makita ko ang unti-unting pagpikit ni Lion Rivera. Kasabay non ang pagbagsak niya sa lupa. Isang umaalingaw-ngaw na katahimikan ang namayani sa paligid ko. Wala akong maramdamang buhay sa paligid. Pinagmasdan ko ang nakahandusay na si Lion Rivera bago ko inilagay sa kamay niya ang baril. Naglakad na ako palayo.
KINABUKASAN...
"Zerrie. Saan ka galing kagabi?" Sabi ni Kuya Steve. Kasalukuyan siyang nagluluto dahil darating si Lexin.
"Dyan lang." Sagot ko. Tumango-tango si kuya.
"Mag-iingat ka sa paglabas-labas mo. Uso ang serial killer ngayon." Sabi niya. Napakunot ako ng noo.
"Pano mo naman nalaman yung tungkol dun kuya?" Saglit siyang natahimik. Tiningnan niya ako bago sumagot.
"Kakabalita lang ngayon sa TV. Sinasabing pinatay daw ng isang serial killer yung whistleblower na si Lion Rivera although sabi ng pulisya ay nag-suicide ito." Nagkatinginan kami ni kuya. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang sasabihin ko sa kanya. Tinanguan ko nalang siya bilang tugon. Hindi ko naman na kailangan pang mag-ingat sa serial killer na iyon.
Nag-handa na ako dahil parating na si Lexin. Day off niya ngayon at isa pa, reunion na rin nila kuya Steve. Pumasok muna ako sa kwarto upang magligpit. Hindi naman ako masyadong burara sa gamit. May sarili akong pagtingin sa mga bagay kung malinis na ba ito o madumi.
Maya-maya ay narinig kong may kumakatok. Narinig ko ring bumukas ang pinto. Paniguradong si kuya Steve ang nagbukas non. Lumabas na rin ako upang salubungin si Lexin.
"Angas ah. Hindi ko aakalain na makikita ulit kita." Wika ni Lexin.
"Tingnan mo nga iyan. Isa ka ng pulis. Akala ko ba engineer ang gusto mo?" Nakita kong nagtawanan silang dalawa. Halatang hindi pa nila ako napapansin dito kaya naman nagtungi ako sa pintuan upang isara ito. Paniguradong may ichichismis nanaman si Aling Cyntia sa mga ka-bingo niya.
"Ay pasensya na." Wika ni Lexin ng mapansin ako. Nginitian ko siya. Nagkatinginan kami ni Lexin. Hindi ko alam kung bakit ngunit naramdaman ko nanaman ang mabilis na kabog ng puso ko. Para akong kinakabahan na ewan. Agad kong iniwas ang aking tingin at dumiretso sa kusina. Naiwan sina Lexin at kuya Steve sa may pintuan. Mukhang may pinag-uusapan sila.
Pagkatapos ng ilang minuto ay naglakad na rin sila patungo sa kusina. Naghanda na ako para sa kanilang dalawa. Mukhang malalim ang kanilang pinag-uusapan kaya naman hindi na ako nag-abala pang magsalita. Tahimik lang akong kumakain habang sila ay nag-uusap.
"Any progress?" Tanong ni Kuya Steve. Umiling si Lexin bilang tugon. Nagtataka naman ako kung ano ang tinutukoy nila.
"Don't worry, meron kaming strategy to share." Sabi ulit ni Kuya Steve.
"Kailan ka ba mag-sisimula?" Tanong ni Lexin.
"Tomorrow. Kinausap ko na ang Chief of Police." Napatingin ako kay Kuya Steve. Napakunot ako ng noo ng marinig iyon. Naguguluhan ako kung ano ang tinutukoy ni kuya ngunit hindi ako nagsalita. Patuloy lang ako sa pakikinig.
"By the way, I guess alam mo na yung isa pa naming problema." Aniya Lexin. Kuya Steve nodded at him.
"That serial killer." Pagkasabi non ni Kuya ay nasamid ako. Ewan ko ba. Natatawa ako kapag naririnig kong pinag-uusapan ang serial killer na iyon sa harap ko. Lalo na at galing sa mga pulis.
"Are you okay?" Tanong ni Lexin. Agad siyang kumuha ng tubig at inabot sakin iyon. Ininom ko ito.
"Ayos lang." Sagot ko. Tumango-tango naman si Lexin. Napansin ko naman natahimik si Kuya kaya mabilis ko ng tinapos ang pagkain ko. Umalis na rin ako sa harap nila at nagtungo sa kwarto. Anong nangyayare? Anong ibig nilang sabihin sa mga pinag-uusapan nila? Sino ba si kuya Steve?
Agad kong inabot ang first phone ko at in-open ang data. Balita nga ngayon ang pagkamatay ni Whistleblower Lion Rivera. Marami ang nagalit, marami din ang natuwa. Samu't saring opinyon. I close my phone and lie in bed. I just received earlier the money from that job. I don't know kung anong mararamdaman ko. Muling nagsink-in sa utak ko ang mga mata ni Lion Rivera. Ang pagmamakaawa niya, ang paghingi ng kalayaan, naaalala ko nanaman ito. Gaya ng mga nauna ko pang pinatay, ganon na ganon ang kanilang sinasabi. Wala akong nararamdaman tuwing sinasabi nila iyon. Hindi ba dapat matuwa sila dahil hindi na sila makakaramdam ng pagod. Hindi na sila makakaramdam ng pighati. Hindi na sila makakaramdam ng pagdurusa. Ngunit sa mga bagay na ginawa nila sa mundong ito, paniguradong hindi natatapos ang kanilang pagdurusa. Alam kong balang araw, makakasama ko ang mga taong pinatay ko sa lugar kung saan punong-puno ng paghihirap. I close my eyes as I remember my Mama and Papa. I really missed them. I want to hug them.
Third person's Point of View
Pinagmasdan ng dalawa hanggang sa makapasok sa kwarto si Zerrie. Saglit na natahimik ang dalawa. Nang maramdamang mukhang natutulog na ang dalaga ay ipinagpatuloy na nila ang pinag-uuspan.
"Talaga bang dito ka matutuloy?" Tanong ni Lexin. Tiningnan siya ni Steve ng may pagtataka.
"Oo naman. Bakit?" Hindi siya tiningnan ni Lexin. May gumugulo sa isip ni Lexin ngunit hindi niya masabi.
"Duon ka nalang sa condo ko." Sabi ni Lexin. Tiningnan siya ni Steve ng may pagtataka. Hindi maintindihan ni Steve ang tinutukoy ng binata.
"Bakit naman?" Tanong ni Steve.
"Basta." Mabilis na tugon ni Lexin. Nagkatinginan silang dalawa. Hindi ngayon maipinta ang mukha ni Steve sa sobrang tawa. Sinamaan siya ni Lexin ng tingin.
"Hoy Lexin, umamin ka nga, may gusto ka ba kay Zerrie?" Tanong ni Steve. Dahil sa tanong ni Steve, halos hindi na makatingin ng maayos sa kanya ang binata.
"Seryoso ka ba?" Muling tanong ni Steve. Lalong namula ang pisngi ni Lexin. Hindi niya alam kung paano ba sasang-ayon sa kaibigan. Hindi rin kase siya sanay sa mga ganitong usapan.
"Hoy Lexin, sumagot ka!" Sambit ni Steve. Tumango si Lexin. Tinapik-tapik ni Steve ang balikat ng kaibigan. Sinamaan lang siya ng tingin ni Lexin. Hindi na niya maitago ang pamumula ng mukha. Ngayon lang niya nailabas ang ganitong usapin lalo na kapag tungkol kay Zerrie.
"Hoy Steve, wag mong sasabihin kay Zerrie ah." Lexin said. Tumango lang si Steve. Wala din naman talagang balak si Steve na sabihin sa pinsan. Gusto niya na ang kaibigan mismo ang magsabi nito kay Zerrie. Saglit na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Pareho silang nakatulala. Parehong may kung anu-anong bagay ang umiikot sa isipan.
"By the way, about sa organization, what do you think?" Aniya Lexin.
"Wag kayong mag-alala. Inaasikaso na namin ang mga gagawin. May lead na ba kayo sa mga tauhan ng organization na to?" Wika ni Steve. Umiling naman si Lexin.
"Wala pa. Basta ayon lang sa isa naming suspect, may organization behind the government. I don't know kung sinu-sinong may kapangyarihan ang kasali dito." Sagot ni Lexin. Tumango si Steve. Ito ang isa sa dahilan kung bakit siya nandito. Isa siyang special forces sa America. Nagbakasyon siya sa New Zealand bago magpuntang Pilipinas. Ito ang isa sa assignment niya, ang organization na ito.
"How about that serial killer na sinasabi mo?" Tanong niya kay Lexin. Napakamot naman ng ulo ang binata.
"Wala pa kaming lead. Isa pa yan sa problema ko. Nakakainis." Sambit niya. Tinanguan siya ni Steve. May parte kay Steve ang naku-curious tungkol sa kung sino ba ang serial killer na ito. Gusto niyang malaman kung sino ito dahil mukhang hindi ordinaryong tao ang isang to.
"Yung mga napapatay niya?" Tanong ulit ni Steve.
"Ewan ko ba, pero lahat ng mga victims nya halos nasa politika. Minsan naman mga kamag-anak at kaibigan ng mga may kapangyarihan." Sabi ni Steve. Tumango-tango si Steve.
"Mukhang iba ito ah."
"Mukhang iba talaga. Mukhang well-trained." Sambit ni Lexin. Hindi na muling kumibo si Steve. Tumingin siya sa pinto ng kwarto ni Zerrie. Kung anu-anong pumapasok sa utak niya. Naglalaro lahat ng ideya sa utak niya.
Zerrie's POV
Nagising ako ng marinig ang malakas na pagbagsak ng isang babasagin. Agad akong lumabas. Nakita kong nakapikit pa si Lexin habang nakatayo sa kusina. Naalimpungatan siguro siya dahilan para mabitawan ang baso.
"Lexin ayos ka lang?" Tanong ko. Halatang wala pa sa diwa niya ang mga nangyayare. Inaantok pa siya ng tumingin sakin.
"Tubig." Maikli niyang tugon. Dali-dali akong kumuha ng tubig at iniabot ito sa kanya. Dahil sa kundisyon niya, inilayo ko siya sa mga basag. Baka mabubog siya.
"Dyan ka lang ah." Sabi ko. Mabilis akong naglakad at nilinis ang mga maliliit na butil ng basag na baso. Pagkatapos ay winalisan ko ito ay sinigurong wala ng matira. Nang naligpitan ko na ito ay saka ko nilapitan si Lexin. Nakanguso ito habang nakapikit. Gulo-gulo din ang buhok. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kondisyon niya. Ang cute ^/////^
"Matulog kana Lexin." Utos ko. Sumaludo pa siya sakin. Naamoy kong amoy alak siya. Hindi kaya uminom sila ni Kuya? Napa-iling ako. Ang mga ito talaga. Inakay ko na si Lexin papunta sa sofa. Tinanaw ko si Kuya na natutulog sa kabilang sofa.
Agad kong ibinagsak ang katawan ni Lexin sa sofa. Ngayon ay halos himbing na ang tulog niya. Ibinalot ang comforter sa kanya. Matapos nun ay pumasok na ako sa aking silid. Hindi ko maipaliwanag. Nararamdaman ko nanaman ang kabog saking puso. Para bang lalabas na ito sa sobrang bilis ng kabog. Nararamdaman ko lang ito kapag kasama ko si Lexin. Kapag nandyan sya.
Napangiti ako ng hindi ko namalayan. Hindi ako siguro magiging malakas ng ganito kung hindi rin dahil kay Lexin. Tinuruan niya akong maging malakas nung mga bata kami.
Muli akong pumikit. Nabalot nanaman ang isipan ko ng kung anu-ano. Mga bagay na gumugulo sa isip ko gaya ng sa lalaking iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako. Siguro ay dahil may ibang taong nakakaalam ng pagkakakilan-lan ko. Pero may parte sakin ang nagtatanong kung sino siya. I'm curious.
Sync!
Napamulat ako ng mata ng marinig ang salitang iyon sa aking isipan. Para bang umaalingaw-ngaw ito. Pakiramdam ko ay may taong tumatawag sakin. Napabalikwas ako ng bangon. Hindi na ako makatulog. I look at my clock. It's 3 am.
Dahil hindi na ako dinadalaw ng antok, naisipan kong magtimpla ng kape. Paglabas ng kwarto ay naabutan kong himbing na himbing sina Lex. Mga nag-inuman kagabi kaya ngayon ay parang mga bata kung makahilata.
Nagtungo akong kusina. Nag-init ako ng tubig habang tahimik na nakaupo. Bukas ay paniguradong may tatawag nanaman saakin upang patayin ang mga gusto nilang patayin. Mga taong hindi ko naman kilala. Pagkaraan ng isang minuto ay agad ko ng pinatay ang kalan. Isinalin ko ang mainit na tubig sa tasa na may kape. Duon ko na sa kusina inubos iyon. Mag-aalas kwarto na nang matapos ako dahil ilang minuto akong nakatulala, nag-iisip at kung anu-anong ginagawa.
"Good morning." Rinig kong sabi ni Lexin. Kasalukuyan parin akong naka-upo sa kusina habang nagsu-surf sa internet. Nilingon ko siya mula ulo hanggang paa. Ang cute nyang tingnan. Para siyang bata sa itsura niya. Gulo-gulo ang buhok niya at papikit-pikit pa.
"Good morning." Sagot ko. Nagtungo siya banyo. I shift my attention to my phone. Ilang segundo ay lumabas na din siya. Nagkatinginan kaming dalawa. Medyo nahiya ako. Puro gamit-pangbabae ang nasa CR ko. Malay ko ba kung anong nasa utak niya. Umiwas ako ng tingin at muling ibinalik ang atensyon sa phone ko. Nagtungko siya sa sala ng walang imik. Medyo nanibago ako sa ikinikilos ni Lexin. What's wrong with him?
"Gusto mo magkape?" Tanong ko mula sa kusina.
"Yes, please." Sagot niya. Ipinag-init ko ulit siya ng tubig.
"Bakit ang aga mo magising?" Tanong niya mula sa sala.
"Di ako makatulog." Sagot ko habang inaasikaso ang tubig niya. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko narin nagawang magsalita dahil walang pumapasok sa isip ko. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa o reaksyon ni Lexin ngayon. Nang kumulo ang tubig ay agad ko ng iniligay ito sa kanyang tasa at inabot ito sa kanya. Mahimbing paring natutulog si Kuya sa kabilang sofa.
"Nga pala, sa condo ko na daw matutulog si Steve." Wika ni Lexin. Napatingin ako sa kanya. Walang sinasabi sakin si kuya? Bakit naman duon sya biglang matutulog?
"Bakit?"
"Basta." Sabi ni Lexin ng hindi nakatingin sakin. Napakunot ang noo ko. Kung ano man ang dahilan ni Kuya, mas mapapadali ito sakin. Mas pabor sakin. Malaya akong makakagalaw sa mga pagpatay na gagawin ko.
"Basta ingat ka dito. Pupunta-puntahan ka naman namin." Aniya. Tumang-tango ako.
"By the way, how are you?" Pagkatapos ng ilang araw, ngayon ko lang ulit nakausap si Lexin. Pagkatapos nung nangyareng pagsabog na iyon, ngayon lang ulit kami nagkaharap.
"I'm fine. How about you?" Tanong niya. Nakatingin siya ng diretso sa aking mata. Mula sa sandaling iyon, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba. Gaya ng kanina, gaya ng nauna. Nararamdaman ko nanaman ang pamilyar na pakiramdam kapag kasama ko si Lexin.
"Ayos lang." Sagot ko. He smiles at me. That smile makes me feel like I am safe.
"Lexin....." Mahina kong wika, muli kaming nagkatinginan sa huling pagkakataon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para bang nahihipnotize ako sa mga titig na iyon.
"GOOD MORNING" pareho kaming napatingin kay kuya na ngayon ay nakangiti samin. Hindi ko namalayan na magkalapit pala ang mukha namin ni Lexin. Agad kaming napahiwalay sa isa't isa dahil sa hiya. Mabilis akong tumayo.
"Anong meron?" Tanong ni Kuya. Umiling ako. Hindi naman nagawang mag-react si Lexin. Dahil dito ay binigyan kami ni kuya ng nakakalokong ngiti. Sa pagkakataong iyon, para bang nagkaroon ng kulay ang buhay ko. Para bang nagkaroon ng saysay ito. Hindi ako nag-iisa. May mga kaibigan akong nandito para sakin.
To be continued......