"Isang hindi inaasahang pagsabog ang naganap sa isang stadium nito lang martes. Sinasabing pakana ito ng tinatawag na 'serial killer'. Namatay sa pagsabog na iyon ang anak ni Senator Lorenzo Bautista. Labis ang pagdadalamhati ng buong pamilya ni Sena---"
Hindi ko na tinapos pa ang nasa balita. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa balitang iyon. Ito na ang pangalawang beses na isinisi sakin ang mga pagsabog na iyon. Nakatulala ako habang naka-upo sa sofa. Wala na si Kuya Steve dito dahil isinama na siya ni Lexin sa condo niya. Nawi-wirduhan lang ako sa ikinikilos nilang dalawa.
Kitang-kita ko sa reflection ng TV ang aking itsura. Mukha akong pagod at puyat. Aaminin kong hindi ako masyadong nag-aayos. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang 'hindi ako ang may gawa ng mga pagsabog na iyon' o hahayaan nalang. Tutal mas malala naman ang ginagawa ko duon.
I stand up and stretch my arms. Wala nanamang tao ang bahay. Mag-isa nanaman ako. But it's okay. Payapa naman ako. I walk around. Iniisip ko kung anu-ano ba ang mga bagay na pwedeng gawin habang walang trabaho. Nakakabagot din ang lumabas o kaya naman ang mag-internet.
I suddenly hear the sound coming from my second phone. I wonder who it is. I activate my voice changer before answering it.
"Yes?" Ngunit nagtataka ako ng wala manlang sumasagot sa kabilang linya. I only hear some sigh from whoever it is. Muli kong tiningnan ang screen ng cellphone ko. Unregistered number.
"Hello." Muli akong nagwika. Walang sumasagot. Agad ko ng pinatay ang tawag. I don't know if it was a prank, but it's not funny. Ganito rin yung nangyare nung isang gabi. Tumawag siya ngunit hindi nagsalita. I wonder who is this. I saved his or her number in my phone list and named it 'Mr. Unknown'. It is to prepare myself in case he or she was about to call again.
Muli nanamang natahimik ang aking mundo. Wala akong maisip gawin ngayon dahil bukod sa wala naman talaga akong pinagkaka-abalahan ay wala ring pumapasok sa utak ko. Ayoko ng ganito. Dali-dali akong nagbihis at lumabas. Siguro ay kailangan ko lang ng konting stroll to relax myself and my mind.
Dala-dala ko ang bag ko na may lamang two phones and credit card. Naabutan ko pa sa labas si Mrs. España kasama ang kanyang baby boy. I look at her and smile. As expected, she look at me from head to toe. Hindi ko na siya pinansin pa at bumaba na. Nakita ko naman si Aling Cyntia na ngayon ay may kausap nanamang chismosang kapitbahay. She look at me. Napa-iling nalang siya. Nakapag-paliwanag na ako sa kanya regarding sa nangyare kahapon nung dumating si Kuya.
Sa ngayon, wala paring pumapasok sa utak ko kung saan ako pupunta. Siguro ay tatambay nalang muna ako park? Seaside? Mall? I don't know. Tumawag ako ng taxi. May dumating na rin naman agad kaya hindi na ako naghintay pa ng sobrang tagal. Pagsakay ko ay sinabihan ko lang ang driver na dalhin ako sa lugar na mag-eenjoy ako. Nung una ay naguguluhan pa si manong taximan. Ang hirap naman daw ng pinapagawa ko. Maski daw siya ay walang alam na lugar. Na-mental block!
"Sa Mall na nga lang manong." Wika ko. Napakamot pa siya ng ulo sabay tango. Agad na niyang pina-andar ang taxi. Para hindi mukhang boring ang loob ay nagbukas siya ng radio. Saktong tungkol sa pagsabog nanaman ang nasa balita.
"Grabe na talaga ang panahon ngayon. Siguro ay kinakarma na ang mga nasa taas kaya ganyan ang nangyayare." Narinig kong sabi ni Manong. Napalingon ako sa kanya.
"Anong pong ibig nyong sabihin?" I ask. I heard him smirking.
"Tingnan mo hija, yung mga kurakot na iyan, pinaparusahan na sila. Mabuti lang yan na mamatayan sila. Mabuti nalang at nandyan yung serial killer." Sagot ni Manong taximan.
"Paano po kung hindi naman po pala gawa ng serial killer yan?"
"Gawa man niya o hindi, tama lang yung ginagawa nila. Dapat ng burahin yang mga kurakot na iyan. Kaya bumabagsak ang Pilipinas e." Nakatingin lang ako sa kanya ngayon. Kitang kita mo talaga sa mga sinasabi niya ang hirap ng buhay. Sobra silang na-aapektuhan ng hirap na dulot ng mga ganong tao. Hindi ko siya masisisi kung ganon nalang siya magsalita sa gobyerno. Wala rin akong karapatang sabihin na itigil niya ang ganong salita dahil una sa lahat, hindi ko naman ramdam ang mga hirap nila. I have a lot of money from my dirty job. Galing pa mismo sa gobyernong kinagagalitan nila. Ang kaibahan lang namin, nagsisikap siya magkapera from a decent job.
Hindi na ako sumagot pa. Wala rin naman akong masasabing iba. I focus my attention to the view. Pinagmamasdan ko ang mga tao, lugar o mga bagay man na madadaanan namin. Ilang oras lang ay nakarating na kami sa Mall. Binayaran ko siya gamit ang credit card. Advance na kase ang technology kaya kahit sa mga taxi ay pede nang magbayad gamit credit card.
Pagbaba ko ay pinagmasdan ko pa bago makaalis ang taxi. I look around. Madaming tao ngayon. Ang iba ay kasama ang kanilang mahal sa buhay, ang iba ay kaibigan, at ang iba naman ay mga gaya ko na gustong magsayang ng oras. I walk towards the entrance. I open my bag because they need to check if there are inappropriate things inside. Nang ma-clear ay naglakad na ako sa loob. Andaming tao, hindi ko alam kung anong uunahin ko. Hindi ko rin naman hilig ang bumili ng mga damit, gadgets, jewelry, or even cosmetics. Siguro ay maglalaro nalang ako.
Hindi pa ako nakakalayo sa entrance when I suddenly feel the vibration of my bag. An incoming call. Kinuha ko ang second phone ko. Duon nanggagaling ang tawag. Shookt! Where do I suppose to answer it? Dahil dito, dali-dali akong lumabas. Naglakad ako sa gilid ng mall and I make sure na walang ibang tao. I activate my voice changer as I always do at saka sinagot ito.
"Yes?"
"Hello Sync. It's Governor Flores. Siguro naman kilala mo ako." Panimula nito.
"What do you want? Split it out."
"I need you to finish this job as soon as possible. Siguro naman may idea ka sa sunod-sunod na pagkamatay ng kaanak ng ilan sa mga Senators." I listened quietly. Ano bang pinupunto nito?
"Okay."
"Do you know Mr. Alfred Cruz?" If I remember, isa ito sa mga pinuno ng isang grupo na naglalayong pabagsakin ang mga namumuno.
"Okay. Got it." Sagot ko. Ibinaba ko na rin ang tawag dahil may mga grupo ng estudyante ang mapapadaan sa gawi ko. I took a deep breath before I walk again. Hindi ko na naituloy pa ang pamamasyal sa Mall dahil para bang may kung ano sakin. Para bang na-eexcite ako sa gagawin ko. Pakiramdam ko, sobrang tagal ko ng hindi ito nagagawa.
Pagka-uwi sa bahay ay naghanda na ako. I open my laptop to track where I suppose to find this man. Kilala siya ngayon sa social media. Kaya imposibleng wala akong makuhang impormasyon ukol sa kanya. Ilang oras akong nag-surf sa internet until I found a one source kung saan ko siya mahahanap. Kasalukuyan ko itong kausap sa messenger app. Ngunit nagulat ako ng malaman kung saan siya ngayon. And for the fourth time, dito nanaman sa lugar kung saan ko pinatay sina Alicia Lim. Sandali akong napahinto. Ang daming tanong ang umiikot ngayon sa utak ko. What's wrong with that place? Anong meron sa lugar na iyon? I slowly close my laptop. This is not just a coincidence. There's something in that place. Pakiramdam ko, hindi lang simpleng illegal na pasugalan ang lugar na iyon. There is something, something......... interesting.
Third person's point of view
Maingay ang lugar dahil sa naglalakasang tunog ng mga musika, naghihiyawang mga tao at ganun din ang mga taong kanya-kanyang nag-iingay. Kasalukuyang naka-upo sa harap ng bar si Alfred habang iniinom ang Gin na in-order nito. Kung sinu-sino nang babae ang lumalapit sa kanya ngunit ni isa ay wala siyang magustuhan. Mga hipon kung baga.
Nilagok niya ang isang bote ng Gin at muling pinagmasdan ang paligid. Wala na siyang pera para sa iba pang sugal dito. Naubos na niya ito lahat sa nilaro niya kani-kanina lamang. Kailangan nya nanamang manghuthot sa mga nasa gobyerno upang magkapera. A blackmailer. Alam niya ang lahat ng baho ng mga taong iyon. Alam niya ang pinaka-tagu-tagong sikreto ng mga ito. Kung kaya't para magkapera ay kailangan niyang gamitan ang pangba-blackmail. Muli niyang tinungga ang bote ng Gin ngunit napansin niyang wala na itong laman. Tangina. Sabi niya sa kanyang isip. Wala na siyang pera para sa additional Gin.
"Here." Napalingon siya sa isang babae na tansya niya ay nasa 20's ito. Inabot niya ang bote ng Gin na inaalok nito. Nagagalak siya dahil hindi niya inaasahan ang may mag-aabot sa kanya. Naramdaman ni Alfred ang pagtabi sa kanya ng babaeng ito. Hindi naman siya mukha p****k gaya ng ibang babae dito. Mukhang desente ito at may pera.
"Lia." Wika ng babae sabay alok ng kamay nito. Inabot niya ito at nagpakilala.
"Alfred." Nakangiti niyang sabi. Pakiramdam niya ang nakabingwit ito ng napakalaking isda sa dagat. Nginitian siya ni Lia ng napakatamis dahilan para maakit siya sa dalaga. Dahil na rin sa alak na iniinom niya ay para bang bigla nalang bumigay ang diwa niya.
"Matulog kana Mr. Alfred. I will take care of you." Wika ni Lia. Hindi na napigilan pa ni Alfred ang kalasingan at dahil dito ay nawalan na siya ng ulirat. Dumantay sa balikat ni Lia ang lasing na ginoo. Mabuti nalang at walang gaanong nakakapansin sa kanila. Siguro ay dahil sa madilim ang pwesto nila at halos lahat ng tao ay nakatuon ang atensyon sa ginagawa.
Inakay niya ang lalaki patungo sa pina-reserve niyang kwarto. Tinulungan pa siya ng isa sa mga staff dahil mabigat si Alfred. Nang makapasok sa loob ng reservation room ay agad na ring lumabas ang staff. Naiwan si Lia at Alfred sa loob. Duon na isinagawa ni Lia ang balak. Ni-lock niya ang pinto. Kasabay non ang paghubad sa kanyang peluka.
"Hayss!" Mahinang sabi ni Lia. Tinitigan niya si Alfred na himbing na himbing ang tulog. Kasabay non ay paglagay niya ng isang piraso ng tableta sa bibig ni Alfred. Inilagay niya sa pwesto kung saan malulunok talaga ito ni Alfred. Pagkatapos nun ay agad na siyang nagpalit ng damit. Dumaan siya sa bintana ng kwarto kung saan ay kanina niya pa ito inayos bago niya dalhin ang biktima. Bumaba siya gamit ang puno sa tapat nito. Wala siyang iniwang bakas mula sa krimeng ginawa niya. Napangiti ang dalaga habang nakatingin sa kanyang wrist watch. Literal na natulog habangbuhay si Alfred Cruz.
Zerrie's POV
Mag-aalas onse na ng magising ako. Naramdaman ko ang kumukulo kong tiyan kaya naman napabalikwas na ako ng bangon. Hindi pa pala ako kumakain simula kagabi. Wala din akong gana ngayon although nagugutom na ako. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Naabutan ko ang mga damit na sinuot ko kagabi. Hinubad ko lang ito sa CR at hindi ko pa naliligpit. Paglabas ng banyo ay agad na akong naghanda ng pagkain. Mabuti nalang at meron akong nabiling de lata kaya hindi na ako nag-abala pang magluto.
Habang kumakain, naisipan kong buksan ang TV. Isang inaasahang balita ang bumungad sakin. Hindi na ako nabigla ng makita ko ang mga larawan ng isang lalaki na walang buhay. Ngunit ang ipinagtataka ko, natagpuan ito sa gubat malayo sa illegal na gusaling iyon. Sinasabing lasing daw ang Alfred Cruz na iyon at na isipang maglakad ngunit napadpad sa gubat.
Saglit akong natigilan. Maraming tanong ang umiikot sa utak ko ngayon. Bukod sa kakaisip ko tungkol sa unknown caller na iyon at sa lalaking nasa puntod nila mama, nadagdagan pa dahil dito sa illegal na gusaling ito. Anong meron dito? Para bang may kakaiba. I suddenly feel the curiosity coming out of my brain cells.
Binilisan ko na ang pagkain ko. Ngunit nasa utak ko parin ang tungkol sa gusaling iyon. Bakit halos lahat ng gustong ipapatay ng mga clients ko ay may kaugnayan sa gusaling ito? Bakit alam nila ang lugar na ito? So many why's ang umiikot sa isipan ko. Nang matapos akong kumain ay nagbihis na ako. Naisipan kong pumunta duon for some reason. I want an answer.
Nagbihis ako ng casual. I bring my usual things. Pagkatapos ay lumabas na ako. Paniguradong may masasabi nanaman si Aling Cyntia dahil sa pa-alis alis ko. Hindi ko na talaga siya masisisi kung tawagin niya akong p****k.
Madali din ako nakahanap ng taxi dahil may napadaan sa lugar namin. Pagsakay ko ay agad kong ibinilin sa driver ang lugar na pupuntahan ko. Kailangan kong makakalap ng sagot kung anong meron duon. Ilang oras akong naka-upo sa loob ng kotse hanggang sa puro puno nalang ang nadadaanan namin. Malapit na kami ng mapagpasyahan kong ihinto na ang sasakyan. Ayokong makapunta sa lugar na iyon ang ordinaryong taong ito. After kong magbayad, naglakad na ako. Medyo tahimik ang lugar at tanging tunog lang ng nagsasalpukang mga dahon ang naririnig niya. Mula sa pwesto ko ay natatanaw na ang illegal na gusaling nakatayo sa gubat.
Nang makarating ay pinagmasdan ko ang paligid. Puro kotse ang nandito. Mga mamahalin. Pumasok na ako mula sa backdoor. May mga nakita akong staff para sa mga rooms. Nilagpasan ko ang mga ito at pumasok sa pinakaloob. Ngayon ay wala ng pumapasok sa utak ko kung ano ang sunod na gagawin. Hindi ko alam kung ano ang dapat unahin.
Naglakad ako papunta sa bar at nag-order ng Margarita. Ngayon ko lang napansin na iba-iba ang bartender. Tuwing pumupunta ako dito ay iba-iba ang bartender. Tahimik kong ininom ang Margarita. Medyo maingay ang lugar ay madaming tao. Marami ring mga babaeng halos kita na ang kaluluwa dahil sa mga suot. Paniguradong malaki ang sweldo ng mga ito.
"F*ckshit!" Napalingon ako sa gilid ko. Nakita ko ang lalaking tansya ko ay nasa edad 29-30. Mukha syang badtrip dahil halos magsalubong na ang kanyang mga kilay. Hindi rin maipinta ang kanyang mukha. Napatingin lang ako sa kanya ng di ko namalayan na nakatingin na din pala siya sakin.
"What?" He said. Napakurap ako. Hindi ko namalayan na ilang segundo na pala akong nakatingin. Umiling ako sa kanya. Nakita kong may inilabas siya sa kanyang wallet na isang card. Nang makita iyong ng bartender ay tumango ito at saka ipinaghanda siya ng mamahaling inumin. Muli siyang lumingon sakin. Nagtama ang aming mga mata. Iniwas ko iyon at tumingin sa ibang direksyon.
"Hey, bago ka ba dito?" Narinig kong wika niya. Nilingon ko siya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang kinikilatis ang pagkatao ko.
"Nope," I replied.
"Hindi ka naman mukhang pokpok." Pinanlakihan ko siya ng mata. What did he just say? Ganon ba kaliteral ang itsura ko para tawaging p****k?
"Excuse me?" I said. Ngayon ay nakatingin na ako ng diretso sa kanyang mata. Naubos na rin ang Margarita na iniinom ko.
"Alone?" Tanong niya. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin siya. Should I say, 'Yes'?
"Halata ba?" I replied.
"You know what, you look interesting, why don't you come with me. There..." Sabay turo niya sa isang table. "....and be my lucky charm." Napakunot ako ng noo. I am here to seek an answer. Pero, why not naman kung magkaroon ako ng kaunting leisure sa sarili ko hindi ba?
"Okay." Mabilis kong tugon. Inaya niya ako. Kase siguro badtrip siya ngayon ay dahil talo siya.
Puro card games ang nilalaro niya. Wala naman akong alam sa ganon at lalong hindi ako naglalaro. Hindi ko rin alam kung paano ang mechanics kaya tamang nood lang ako sa gilid. Pinagmamasdan ko lang siya habang naglalaro. Napapansin ko naman ang iba niyang kalaro na mukhang mga businessman. May mga kasama itong bayarang babae. I look around. Ganon din sa ibang table. Puro mayayamang tao. Meron pa nga akong nakitang isang kilalang sikat na celebrity. Ganon ba talaga ka-lawak ang konesyon ng illegal na gusaling ito. O baka naman hindi lang ito basta illegal na gusali. Dahil nakakapagtaka naman na halos lahat ng i-utos ng mga caller ko ay dito natatagpuan.
I look at him, sitting beside me. He really enjoyed the game especially his hands. Kanina ko pa napapansin ang malayang pag-himas niya sa aking braso. Nakakaramdam ako ng kakaibang kilig at kiliti dahil sa ginawa niya. Hangga't hindi pa siya sumosobra sa aking hangganan ay ayos lang.
"Nababagot kana?" Tanong niya. Napatingin ako ulit sa kanya na umiling. Wala naman ding pumapasok sa utak ko kung ano ang mga dapat kong gawin dito.
Naka-ilang rounds sila bago tuluyang sumuko ang isa niyang kalaro. Wala na daw siyang pera. Hindi na rin umulit pa ang kasama ko na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang ngalan. Sabay kaming tumayo. Isinama niya ako pabalik sa bar.
"I didn't get your name. Who are you by the way?" I ask.
"Sure ka bang hindi ka nagtatrabaho dito?" Tanong nya pabalik.
"Why?"
"Nothing. I just making sure." Sagot niya sabay ngiti. I smile back. "I'm Clark." He added. I nodded at him.
"I am Ceres. Nice to meet you." I said. He smile at me. Natahimik naman ang namayani sa pagitan namin. Wala din akong maisip sabihin. Hindi ko ba alam kung bakit nagtatagal ako dito. Dapat ay kumukuha na ako ng sagot para naman maka-alis na ako sa lugar na ito.
"Ang toxic ng lugar na ito." Narinig kong sabi niya. Nilingon ko siya at sumang-ayon.
"Tara." Wika niya at saka kinuha ang aking kamay. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla. I should stop him. I should stop myself. Hindi ito ang ipinunta ko. Ngunit para bang na-mental block ako. Hindi ko magawang pigilan ang katawan ko. Nakalabas na kami't lahat-lahat.
Pagkatapos nun ay dumiretso kami sa kanyang black sports car. I look at him with confusion. What is he doing?
"Let's go. A girl like you is unsuitable for a place like this." He said. He opens the door for me.
"Actually---"
"C'mon... Let's go." He said. Wala na akong nagawa. Bakit ba ako sumasama dito? Hindi ko naman to kilala at isa pa, may pakay ako kaya ako nandito.
Pagpasok sa loob ay natahimik ako. Ganon din siya. Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya. Agad nya iyong sinagot. Hindi na niya inisip kung andito ako.
"How about linisin mo ang mga taong taksil sa organization?" Napalingon ako sa kanya. Organization?
"Yes, ako ng bahala. I will be there in a minute." Sagot niya saka pinatay ang tawag. Ewan ko ba kung bakit iba ang pakiramdam ko ng marinig ang organization na iyon. Para bang may kung anong nag-uudyok sakin para mag-usisa.
"Let's go." Sabi niya then smile.
"What's about the organization-thingy?" I ask. Medyo napakagat ako ng labi dahil sa tanong ko.
"Wala yon." Malamig niyang wika. Tumango ako. Dahil sa ginawa niya ay para bang nag-huhumaling akong mas lalo pang alamin iyon. Iba kase ang pakiramdam ko. Malakas ang kutob ko na hindi lang siya basta wala lang.
Pina-andar na niya ang kotse. Nilisan na namin ang lugar na iyon. Tahimik ako. Pinaghahandaan ko kung saan ako posibleng dalhin ng lalaking ngayon ko lang nakilala. Base sa sabi niya ay pupunta na sya duon in a minute. Ibig sabihin ay kasama ako?
Sinulyapan ko siya. Walang emosyon sa mukha ni Clark. Napa-isip tuloy ako. Anong balak niya? Sinadya nya bang iparinig sakin iyong pag-uusap nila? Posible kayang kilala niya ako?
Ilang minuto ay nakarating kami sa isang lugar na hindi ko inaakala. Isang napakalaking bahay. Para itong mansyon. Pinatay niya ang makina. Medyo dapit-hapon na. Lumabas siya ng kanyang sasakyan. Ganon din ang ginawa ko. Naglakad siya papasok sa loob habang ako ay nakasunod sa kanya. Malawak ang loob nito. Parang gaya ng napapanood ko sa mga films.
Nakita kong may sumalubong sa kanyang isang lalaki na nasa 40's. Nilapitan niya ito at nag-usap. Hindi ko masyadong marinig iyon ngunit alam kong mukhang interesting. Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod lang ako sa kanya. Hindi nya ba ako napapansin?
Pumasok siya sa isang pintuan. Sinundan ko lang ulit siya ngunit nagulat ako ng makita kung anong meron sa loob nito. Sa pagkakataong ito, nilingon niya ako habang nakangiti.
"Welcome, our dangerous murderer." Wika niya. Napakunot ako ng noo. Anong ibig niyang sabihin?
Nilingon ko ang mga taong nasa loob non. May kanya-kanyang silang ginagawa. At para bang nangangamoy hindi maganda. May ilang napapatingin sakin sabay ngiti.
"Where am I?" I ask Clark.
"Hindi mo ba kilala ang mga taong iyan?" Turo niya sa mga taong busy sa kanilang ginagawa. Umiling ako.
"They are your clients, Sync."
TAHIMIK na naka-upo ako ngayon sa isang malaking upuan. Iniisip ko parin kung paanong sa isang iglap ay napunta ako sa ganitong lugar. I was trying to guess how the f*ck I am here? Parang kanina lang ay kausap ko pa si Clark. Parang kanina lang ay kung tawagin niya akong p****k ay wagas. Paanong na-iakay niya ako sa lugar na ito. Sa organization na ito. Inilibot ko ang paningin ko sa malaking kwartong ito. Ako lang ang nandito. Pinagpahinga niya ako at bukas nya nalang daw ako kakausapin. Hindi ko naman magawang makatulog dahil sa kakaisip. Should I leave now and say that I didn't see anything?
Mas lalo akong nagulat ng makita ang mga kinikilalang tao na nasa politika na nandito. Hindi ko man exactly alam kung anong ginagawa nila, pero malakas ang kutob ko na wrong doings iyon.
I lie down and stare at the ceiling. Ang bilis ng mga pangyayare. Sa isang iglap ang nandito ako sa organization na ito. Hindi kaya ito ang nasa likod ng illegal na gusaling iyon? Posible, dahil dito ko nakilala si Clark. Pakiramdam ko ay nahanap ko na ang sagot.
I tried to sleep. Pero hindi ako dinadalaw ng antok. It's 1 am and I'm still here, staring at the ceiling. Sobra akong ginugulo ng mga tanong sa utak ko. Lalo na sa lugar na ito. Nabibilisan ako sa nangyayare.
I stand up. Marahan akong naglakad papunta sa pinto. Idinikit ko ang aking tainga upang marinig ang nasa kabila. I can't hear anything. Dahil duon ay agad na ako lumabas. Isang madilim na hallway ang bumungad sakin. Walang katao-tao. Hindi ko din alam kung saan ako dadaan. Hindi ko masyadong naalala yung dinaanan ko kanina. I need to get out of here. Nagsimula akong maglakad sa kanan. Hindi ko alam kung tama yung dinadaanan ko. Medyo mahaba-haba ang hallway na ito. Hindi ko rin alam kung nasaan yung phones and credit card ko. Pagdating sa dulo ay nakaramdam ako ng kaginhawaan. Hagdan ito pababa. Mabuti nalang talaga. Naglakad na ako mababa. Tahimik ang buong lugar. Medyo dim light lang ang nandito.
Dahan-dahan akong humahakbang sa mga baitang. I can hear my footsteps because of too much silence. I look around. I didn't see that this place is huge. Hindi ko kase ito napansin kanina. Puro tanong ang laman ng utak ko kanina kaya di ko narealize ang ganda ng loob ng mansyon na ito. Pagdating sa pinakahuling baitang ay agad kong hinanap ang pinto palabas sa gusaling ito.
"Ang aga mo namang magising." Napalingon ako sa gilid ko. I didn't clearly see his face.
"I have to go." I said. Hindi siya sumagot at dahan-dahang lumapit sakin. Hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakakaramdam ng takot. Hindi ako kinikilabutan. Hindi ko alam kung bakit wala akong nararamdaman sa mga oras na ito. Para bang normal lang sakin ito. Siguro ay sanay na kase ako lalo na kapag nakakaharap ako ng mga kamatayan.
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya ngayon. Hanggang balikat niya ako kaya nakatingala ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko makita ang reaction ng kanyang mukha.
"I have to explain to you everything. In case na nalilito ka sa nangyayare." He started. Hindi ako sumagot. Tahimik lang ako habang pinakikinggan ang susunod niyang sasabihin.
"How about a cup of coffee this morning?" He said. Tumalikod na siya sakin at naglakad sa kusina. Sumunod ako sa kanya. Wala pa akong tulog. Hindi ko alam kung kailan ako makakaramdam ng antok at pagod.
Pagdating sa kusina ay agad niya akong ipinagtimpla ng kape. Tahimik na nakaupo lang ako habang pinagmamasdan siya. Ngayon ko lang napansin na may itsura siya. Ngunit mas lamang naman si Lexin at Kuya Steve sa kanya.
"Here." Wika niya sabay abot ng isang tasang may kape.
"Thank you." Hindi ko muna iyon ininom. Inantay ko lang lumamig konti. Masyadong mainit ang kape e.
"Dahil nandito kana sa organization, isang trabaho lang naman ang gagawin mo. Isa lang." Pagsisimula niya. I look at him with confused.
"Yung trabahong iyon ay trabahong naaayon sa iyo. Siguro naman alam mo ang tinutukoy ko." Hindi parin ako umiimik sa pwesto ko. Nakatingin parin ako sa kanya ng may pagtataka.
"All you have to do is to kill anyone who's trying to betray us." Diretsa niyang sabi.
"Us?"
"To be honest, Sync. Matagal ka na naming sinusubaybayan sa mga trabaho mo. Simula palang nung unang trabaho na tinanggap mo kay Congressman Villafuerte." Sabi niya. Naalala ko bigla yung unang time na tinanggap ko ang isang trabaho mula sa isang Congressman. Actually wala naman akong paki-alam kung sino mang Diyos ang tumawag sakin non. Nalula lang ako sa laki ng perang inalok niya sakin noon.
Kasagsagan ng malakas na ulan. Basang basa na ako dahil wala manlang akong makitang sasakyan sa kalsada. Kung may dadaan man ay puno na halos. Napilitan akong su-ungin ang ulan. Ngunit napahinto ako ng may kotseng huminto sa harap ko. Agad akong napa-atras dahil sa hindi ko inaasahan. Nanginig na ang mga binti ko dahil sa lamig. Nakita kong ibinaba ng nasa likurang bahagi ng sasakyan ang bintana nito. Sumilay ang itsura ng isang matandang lalaki. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.
"Do you need money?" Tanong ng lalaking ito. Medyo nagdadalawang isip ako dahil medyo madumi ang utak ko. Malay ko ba kung anong alok iyon. Baka ang iniisip nito ay gaya ako ng mga babae na nakikita sa gilid-gilid dito sa maynila para lang maghanap ng ka-one night stand.
"Excuse me?" I said. Basang-basa na ako at halos mukhang basang sisiw na. Umatras siya mula sa upuan niya at binuksan ang pinto. Marunong naman ako ng self-defense at may karanasan na ako sa pagpatay. Pumasok ako sa loob ng kotse. Hindi ko na inalintana ang basa kong katawan.
"What do you want?" I ask. He looks at me and then smiles. Medyo tumaas ang balahibo ko.
"I want you to kill this man...." Sabi niya saka ipinakita sakin ang larawan ng isang lalaking kuha sa presinto. Yung kapag pipicturan kana kapag ikukulong. "......and then after that, I will give you the money." He added. Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Ipinakita nya din sakin ang presyo ng ibabayad niya. Nalula ako dahil nagkakahalaga iyon ng limang milyon. Saan naman sya nakakuha ng pera para duon?
"Where do I can find this man?" I ask. Agad nyang inabot ang piraso ng papel sakin. May nakasulat na address duon. Tumango ako. Ibinigay ko sa kanya ang I.D ko bago lumabas ng kotse. Masasabi kong ang taong ito ang unang naging dahilan kung bakit isa na akong professional murderer.
"Mula ng panahong iyon, sinubaybayan na namin ang lahat ng trabaho mo." Wika niya. Kung ganon ay bahagi ng organization na ito ang taong iyon?
"Ano ba ang organization na ito?" Ngayon ay nagawa ko ng magsalita. Natahimik siya. Ngayon ko lang napansin na ubos na ang kape niya. Dahil duon ay pasimple kong hinigop ang kape ko. Hindi na ito masyadong mainit dahil napalamigan ko na. Mabilis ko din itong naubos. Pagkatapos ay tumingin ako sa kanya. Nagtagpo ang mga mata namin. Ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang kanyang mga mata. Para bang may lahi ito. Agad nya ring pinutol ang tinging iyon.
"Huwag mo nang alamin pa kung anong meron dito Sync. Mas mabuting manahimik ka nalang at gawin ang trabaho mo. Wala ka narin namang magagawa." He said. Tumayo na siya at naglakad. Medyo maliwanag na ng kaunti dahil 4AM na pala. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa lamunin na siya ng dilim sa buong mansyon. I sigh. Pilit kong iniisip ang mga nangyayare. Pinipilit kong isipin kung ano ba ang dapat kong gawin o maramdaman ngayon. Kase sa totoo lang, hindi manlang ako makaramdam ng pagsisisi. Mas lalo lang lumalakas ang nararamdaman ko curiosity. Gusto ko pa ng sagot. Patuloy na tumatakbo sa utak ko.
Tumayo na rin ako. Hindi ko na maramdaman pa si Clark sa paligid. Dahil dito ay nagpasya na akong lisanin ang lugar na ito. Nakita ko sa isang lamesa ang lahat ng gamit ko. Kinuha ko ito bago lumabas sa mansion. Malamig ang umagang sumalubong sakin. Hindi parin ako dinadalaw ng antok. Dahil dito ay naglakad na ako patungo sa pinaka-gate ng mansion. Ngayon ko lang napagtanto na nasa gubat kami. Nasa gubat nakatayo ang mansion na ito. I look around. May nakita akong isang jeep na mukhang ka-aandar lang ng makina. Nakita ko ang isang matandang lalaki na mukhang magsasaka. He look at me. After that, inalok niya akong pumasok sa loob. Bago ako tuluyang pumasok ay muli kong tiningnan ang mansion. Ngayon ko lang napansin na may naka-ukit sa gitna nito. Isang logo na ngayon ko lang nakita. Kasabay nito ang basa ko sa nakasulat sa baba.
'The Coetus'
Hindi ko man alam kung anong meron sa organization na ito, pero malakas ang pakiramdam ko na kailangan ko itong pasukin lalo. Pakiramdam ko ay kailangan kong punan ang mga tanong sa utak ko. I feel the curiosity covering me. I need an answer.