CHAPTER SIX

5267 Words
KASALUKUYAN akong naka-upo sa dining table habang nakahawak sa papel. Meron pang tatlong tao ang kailangan kong patayin.   Naramdaman ko namang bumaba si Riabelle. Mukhang kagigising nya lang. Napatingin siya sakin ng makita niya ako duon. Umiwas din agad siya ng tingin at dumiretso sa sala at binuksan ang TV. It's 11 am. Nakapagluto na rin ako kanina. Hindi ko ba alam kung bakit maaga akong nagising ngayon.    Tumayo na rin ako at sinundan siya sa sala. Sakto namang nag-flash report sa TV. Pareho kaming natigilan ng makita ang balita. Sinulyapan ko siya kung anong reaction niya. Ngunit wala akong nakitang iba kungdi ang plain lang.   Hindi ko na pinansin ang balita at lumabas na ng bahay. Natanaw ko ang maliwanag na paligid. Tahimik din ito at napaliligiran ng mga bakanteng lote. Wala kaming mga kapitbahay. Tanging nakatayo lang ito sa malawak na lupain na tanging kalsada lang ang meron. I stretch my arms while holding the paper. Muli kong tiningnan ang pangalan ng pangatlo kong biktima.   Trinidad Sarmiento.   I've seen her name before. Pero hindi ko maalala. Basta nabasa ko na dati iyon. Muli kong tiningnan ang litrato niya kasama ang mga personal information nito. She is a Lawyer. Ano kayang kasalanan nito? Bakit kasama sya sa list? Ibig bang sabihin nito ay alam niya ang organization na The Coetus? Hindi naman siya ilalagay ni Clark dito kung hindi siya traitor.   Huminga ako ng malalim habang tinatanaw ang mga puno sa di kalayuan. Nakakamiss din pala ang mga chismosang kapitbahay nila Aling Cyntia. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi nanaman kami nagpansinan ni Riabelle. Ano bang problema nito?   Pagpasok ko sa kwarto ay dali-dali akong himilata. Nakakaboring. Nung nasa apartment ako, ganito rin naman yung nararamdaman ko. Pero bakit parang iba ngayon?   I get my phone. Nagulat ako ng makita ang isang missed call from my second phone. Matagal ko na ring hindi ito nagamit. Wala na kaseng tumatawag sakin. Tinitigan ko ang pinagmulan ng missed call. Galing ito kay 'Mr. Unknown'. Nakalimutan ko saglit ang tungkol sa kanya. Until now, wala akong ideya kung sino ito.   Inilapag ko na ulit ang cellphone ko dahil wala naman akong load pangtawag. Ngunit napatingin din ulit ako duon ng tumunog iyon. Galing ulit sa kanya. I immediately answer it.   "Who are you?" Agad kong sinabi. Gaya ng dati, tahimik lang ulit ang nasa kabilang linya. Walang sumasagot. Tanging paghinga lamang ang naririnig ko sa kabilang linya. Hinayaan kong nakabukas ang tawag. Umabot lamang kami ng dalawang minuto bago niya pinatay. Napakunot ako ng noo. This is not a joke. This number is prohibited to any other people. Agad gumapang ang kutob sakin. Sino ito? Bakit alam niya ang number ko? Nanatili lamang ang mata ko duon ng mapakurap ako dahil sa tunog ng isa ko pang cellphone. Agad kong kinuha ito.   "Yes?"   "Zerrie? Where are you? Nandito ako sa apartment mo. Sabi umalis kana daw dito kahapon. Where are you? Bakit hindi mo sinabi sakin huh? Kasama ko si Steve and even him, nag-aalala siya. What's the matt---"   "Calm down, Lexin." Putol ko sa sinabi niya. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti. Halata sa boses niya ang pag-aalala kung nasaan ako. Ngunit hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang lugar ko.   "I'm fine." Dugtong ko pa. Narinig ko ang malalim na paghinga niya sa kabilang linya. I sign of relief.   "Where are you?" Tanong niyang muli. Napatigil ako saglit.   "Somewhere. Out of town."   "Out of town? With all of your things? Zerrie, I'm not kidding." Hindi ko na mapigilan ang aking ngiti. Humiga ako sa kama habang nakatutok sa aking tenga ang cellphone. I suddenly feel the heartbeats when I was in high school. Ramdam ko ang pag-aalala niya. The concern.   "Don't worry, I'm fine. May trabaho lang akong tinanggap so I need to move."   "So where is it? Pupuntahan ka namin."   "Kamusta nga pala trabaho mo? Napanood ko sa balita. Panibagong problema nanaman." Pag-iiba ko ng topic. Nilingon ko ang pintuan to ensure if it is closed. Mabuti nalang at soundproof ang kwarto. Natatakot akong baka nasa likod lang ng pintong iyan si Riabelle.   "Kaya nga e. Don't worry, I can take care of myself." Pabirong sabi ni Lexin. Hindi ko na napigilang mapangiti ng malaki. Eto nanaman sya. Gaya nanaman ng dati.   "As if I care." Tugon ko. Narinig ko siyang tumawa.   "Hoy sino yan? Si Zerrie ba yan? Oy---- Hello? Zerrie? Gusto ka pala makausap ni Steve....." Natawa ako habang naririnig ko sa kabilang linya ang pang-aaway ni Kuya Steve kay Lexin.   "Zerrie? Nasaan ka? Bakit ka umalis dito sa apartment mo?"   "I'm fine kuya. Don't worry." Medyo kinabahan pa ako dahil baka mamaya ay malaman ni Kuya ang trabaho ko.   "Where nga? Pupunta ako."   "Kuya, don't worry. I'm already 22. I can take care of myself." Pagkasabi ko nun ay natahimik siya. Saglit akong nakiramdam. Ano kayang iniisip ni kuya? Galit kaya to? Hindi naman kami ganon ka-close. Pero may parte sakin na kinakabahan gaya ng ibang bata kapag nagsinungaling sa magulang. Kuya Steve is my only family here in the Philippines. Lahat ng kamag-anak ko nasa abroad.   "Sabi mo yan. Basta mag-iingat ka. Hindi natin alam takbo ng utak nung serial killer. Baka mamaya matyempuhan ka." Napalunok ako ng di-oras sa sinabi niya.   "Okay kuya. Noted!" Agad ko na ring ibinaba ang tawag. Napaisip tuloy ako. Paniguradong hahanapin ako nila Kuya. Hindi mapapakali iyon maski si Lexin. I need to move.   Tumayo ako at nagbihis. Pagkatapos ay agad na akong lumabas. Nakita ko si Riabelle sa baba at kasalukuyang nanonood parin ng TV. She look at me. Tiningnan nya rin ang suot ko ngayon.   "Magkita nalang tayo mamaya. Just text me the location of our next target. I have something to do." Sabi ko at dali-dali nang lumabas. Naramdaman ko ang titig niya sakin. Medyo kinakabahan pa ako dahil alam kong ang tiwala niya ay buong buo kay Clark.   I start the engine of my car. Pagkatapos ay agad na rin akong umalis. I bring my usual things. Ganun din ang papel kung saan nakalista ang mga targets ko. Pagkatapos ay muli kong kinontak si Lexin. Sinagot nya rin naman agad. Gusto kong ipanatag ang loob nila kung bakit wala ako. Nagdadalawang isip pa nga ako. Dapat siguro hindi nalang ako nagparamdam para hindi ako mahirapan. But knowing Lexin, hindi talaga iyon titigil hangga't hindi nya nahahanap ang hinahanap niya. At dahil pulis siya, he can do anything. Sinabi ko sakanya na mag-lunch kaming tatlo. Syempre agad naman silang pumayag.   Habang nagmamaneho ay para bang lumilipad ang aking utak. Iniisip ko kung paano ko sila haharapin, paano ko sila sasagutin. Habang papalapit na sa lugar ay hindi parin nawawala ang pakiramdam ko na magback out. Parang nag-aaway ang left hemisphere at right hemisphere ko. Sinasabi nila na magkakaroon lamang ako ng malaking problema kapag itinuloy ko ito.   Napa-iling ako. Wala naman siguro. I can handle this, I guess. Knowing that I am the murderer they are searching for.   Ilang minuto ay nakarating na rin ako sa resto na sinasabi ni Lexin. Gaya din ito ng resto na kinainan namin dati ni Lexin. Mula sa mga nakaparadang sasakyan, natanaw ko ang Mercedes Benz ni Lexin. Pagbaba ko ay agad na rin akong pumasok. Konti lang ang mga tao dito kaya madali ko ring nakita si Lexin at kuya Steve.   "Hey." Maikli kong bati. Napalingon silang pareho sakin. Naunang tumayo si Kuya at dali-daling lumapit sakin. Akmang yayakapin ko na siya ngunit agad niya akong binatukan. Napa-atras ako dahil duon.   "Hoy Zerrie, saan ka nagpupupunta? Ikaw bata ka." Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Nakita kong sumunod sa kanya si Lexin. Tiningnan ko siya. Halata sa kanya na gusto nya rin akong batukan.   "Go on." Wika ko sa kanya. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at agad akong binatukan. Nice!   "Maupo na tayo." Sabi ni Kuya. Hinimas-himas ko pa ang ulo ko. Lintik tong dalawang to. Masyado ko talagang pinag-alala.   "Si Lexin kase, pinatira pa ako sa condo. Porket ayaw mo lang na---"   "Sige order na kayo, libre ko." Ani Lexin. Nagkatinginan kami ni Kuya. Agad din akong napatingin kay Lexin. Nakita ko siya kagabi duon sa theater room. Kaso hindi ko siya pwedeng tawagin. Nakakapanibago lang dahil sa pagkaka-alala ko, ang huli naming pagkikita ay yung nasangkot ako dun sa pagsabog sa parking lot dati.   "By the way, how are you Zerrie? Would you mind if you explain to us why you leave your apartment?" Tanong ni Lexin. Hindi naman big deal iyon. Bakit ba ganito sila?   "Wala namang importanteng rason. Gusto ko lang mamuhay sa malayo." Sagot ko ng hindi sila tinitingnan. Tama. Kailangan kong sabihin na aalis na ako at magpapakalayo. Para mabura na din ako sa intindihin nila.   "Bakit ayaw mong ipaalam samin?" Tanong ulit ni Lexin.   "Syempre pulis ka. Baka mamaya balikan ako ng mga kaaway mo kase lagi mokong kasama." Mabilis kong tugon. Tama yan Zerrie. Put a bigger boundaries between you and him.   "Don't you think I can't protect you?" Tanong nya ulit.   "That's not the point Lexin. I mean, I want to go somewhere else and build a new life you know." Sagot ko ulit. Ano bang problema nito? Bakit bigla nalang siyang nagkaganito?   "Then, at least tell us where are you."   "Ayoko. Bahala kayo dyan." Sabi ko. Tiningnan ko si Lexin. Nakatingin siya ng diretso sakin. Hindi rin ako nagpatalo. Nakita ko naman sa peripheral vision ko si kuya na panay ang salit ng tingin samin ni Lexin. Maya-maya ay may dumating na waiter. Naputol lang iyon ng tanungin kami ni kuya. Pagkatapos umorder ay tahimik kaming tatlo. Napapanood ko ito sa mga series or animes, in order to be strong, I need to get rid of this people out of my life. Duon lang ako makakakilos ng payapa.   Muli namang dumating ang waiter dala ang mga pagkain namin. Tahimik nanaman kaming tatlo. Ngayon na nga lang kami magkikita, ganito pa mangyayare.   I heard kuya's hem. Sabay kami ni Lexin na napatingin sa kanya. Umayos ng upo si Kuya at hinarap kami.   "If that's what you want, I will support you." Dahan-dahan akong napangiti sa sinabi niya. Ngayon ay pareho naman kami ni kuya napatingin kay Lexin. Nakita ko sa kanyang mukha ang pagsuko.   "But make sure na magsasabi ka kapag may masamang nangyayare sa buhay mo. At the end of the day, it's still your life." Bakas pa sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa kataksilan ng kaibigan. Pareho ko silang nginitian.   "I promise. And besides, mas madali naman sa inyo ito dahil wala na kayong iisipin pa in terms of your works." Nagtatakang napalingon sakin si kuya.   "Alam mo?" Dahil dito ay lalo akong ginapangan ng kung anong pakiramdam. Napakunot ang noo ko sa tanong niya.   "Alam ko?" Ulit ko. Pero halata sa boses ko kung sagot ba ito o tanong. I don't get it. May hindi pa ako alam sa kuya ko? Ngayon ay napa-isip na ako. Anong trabaho ni kuya? Bakit lagi silang magkasama?   Hindi na sumagot si kuya. Wala na ring umimik samin. Itinuon na lang namin ang atensyon sa pagkain. Pagkatapos ay saglit lang kaming nagkamustahan. Minsan ay hindi ako makarelate kina kuya dahil tungkol sa magagandang babae ang pinag-uusapan. Hindi ba nila ako nakikita?   Tahimik akong naka-upo habang pinapakinggan ang usapan nila. Base aa kwento ni Lexin, may isang officer daw sa kanila ang may gusto sa kanya. Kinakantyaw pa siya ni kuya. Maya-maya ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng bag ko. I immediately get my second phone. Kinabahan ako ng makita ang unregistered number. Tiningnan ko sila kuya Steve and Lexin.   "Excuse me, I need to answer this call."   "It's okay." Wika ni Kuya. Sandali kaming nagkatinginan ni Lexin bago ako magtungo sa CR. Duon ko sinagot ang tawag.   "Hello."   "I am here na. I already texted to you the address of Trinidad Sarmiento. Anong oras ka pupunta?" Kinilabutan ako ng narinig ang boses ni Riabelle. Kakaiba ang boses niya kapag nasa cellphone na. Hindi naman siya gumamit ng voice changer. Alam kong boses nya parin iyon. Nanibago lang ako dahil di ko pa naririnig ang boses niya sa telepono.   "I'll be there in a few minutes." Agad ding ibinaba ni Riabelle ang tawag. Ang sungit naman niya. I check my wrist watch. It's 3:01 pm. Hindi ko namalayan ang oras. Naghanda ako bago lumabas. Naririnig ko pa ang tawa nila kuya. I bite my lower lip. Pareho silang natigilan ng makita ako.   "I need to go." Bulalas ko.   "But why?" Takang tanong ni Lexin.   "Urgent. Next time nalang ulit." Sabi ko. Nginitian ko sila kuya saka tumalikod. Ngunit hindi pa ako nakaka limang hakbang ay naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Gulat akong napalingon sa kanya. Kita ko ang pag-aalala niya. I raised my left eyebrow.   "Ingat." Maikli niyang wika bago ako binitawan. Yun lang iyon? Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Tinanguan ko siya at tumalikod na. Ramdam ko parin ang tingin niya sakin.   Pagdating sa labas ay mabilis kong tinungo ang kotse ko. Pagpasok ay agad kong tiningnan ang address na sinend ni Riabelle. Pagkatapos ay nagsimula na akong magmaneho. Ilang minuto ay nakarating ako sa isang building. Nakita ko si Riabelle sa labas nito. Mukha siyang estudyante sa suot niya. May bitbit siyang malaking bag. Nang makita ako ay umayos siya ng pagkaka-tayo bago ibinigay sakin ang bag. Medyo mabigat ito.   "What's this?"   "Malalaman mo mamaya." Sabi niya saka nauna nang pumasok. Mukha itong commercial building. May mga stores sa loob. Mga ukay-ukay, bilihan ng second hand na cellphone and gadgets. Naunang maglakad si Riabelle patungong elevator. Pagpasok namin ay pinindot niya sa number 5. Maya-maya ay nagbukas na din ang pinto. Napunta kami sa floor kung saan may mga gyms, videoke rooms, meron ding stage for programs. Sa ngayon ay maingay dito dahil may nagzu-zumba.   "Nandito ba si Trinidad?" Ngunit umiling siya. Na-una nanaman siyang maglakad hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto. Storage room ito kung kaya't walang gaanong pumupunta o pumapasok. Nang makapasok kami ay agad kong binuksan ang bag. Nagulat ako ng makita ang sniper rifle duon. Agad pumasok sa utak ko ang isang ideya. Dahan-dahan kong nilingon ang maliit na bintana. Kasabay nun ang pagsulyap kay Riabelle. She was just smiling at me.   Third person's point of view   Kasalukuyang naka-upo sa loob ng kanyang opisina si Trinidad Sarmiento. Hindi pa siya natutulog ng ilang araw dahil sa mga death threats na natatanggap. Ilang araw na ring gumugulo sa utak niya kung isusumbong ba niya ito sa mga pulis. Natigil lamang ang kanyang pag-iisip ng marinig ang pagbukas ng pinto. Iniluwa nito ang kanyang sekretarya.   "I'm sorry Ma'am. Akala ko po di kayo papasok." Wika ng kanyang secretary. Agad itong yumuko ng makita siya sa kanyang swivel chair. Tumaas ang kilay ni Trinidad.   "Paano mo nalamang hindi ako papasok today?" Pag-uusisa ng Ginang.   "Kase po, ilang araw na kayong mukhang may problema." Pagkarinig nun ay para bang tinubuan ng ideya si Trinidad. Sinamaan niya ng tingin ang secretary.   "Siguro ikaw may pakana ng mga death threats na ito." Malakas na sabi ni Trinidad habang ipinapakita ang limang kumpol ng papel. Nanlaki ang mata ng kanyang secretary sabay yuko.   "Ma'am, nagkakamali po kayo."   "Wala akong pakealam. You are fired!" Sigaw nito. Dahil dito ay sinamaan din siya ng tingin ng kanyang secretary. Hindi na ito nagsalita at mabilis nilisan ang kwarto. Batid niyang lulong na sa droga ang amo. Matagal ng walang kliyente ang amo dahil sa mga kuro-kuro na nalululong ito sa droga. Hindi na siya magtataka kung mamaya ay may pumatay nalang sa kanyang amo.   Nagtungo sa maliit na opisina ang secretary habang mapadabog na inililigpit ang gamit. Inilagay niya sa kahon lahat ng importanteng gamit at lumabas. Kahit na ganon ang amo ay pumunta parin siya dito upang pormal na magpaalam.   Samantala, busy si Trinidad sa kanyang mga papeles. Hindi rin siya mapakali sa kanyang swivel chair kaya paunti-unting gumugulong ang gulong nito.   Sa hindi inaasahang pagkakataon ay para bang may pumatid sa gulong sa gulong ni Ttinidad dahilan para matumba siya. Duon at tumama ang ulo niya sa matulis na gilid ng lamesa.   Halos nabalot ng pulang dugo ang puting carpet ni Trinidad. Nasaksihan lahat ito ng kanyang secretary na kanina pa pala nakasilip sa pintuan.   Umalingawngaw ang tili ng secretary dahilan para magpuntahan sa kanila ang ilang mga empleyado nila.   Zerrie's POV   Isang araw na ang nakararaaan ng mapatay ko ang pangatlo sa aking listahan. Kasalukuyan kaming kumakain ni Riabelle ng inorder niyang pizza. Tag-isa kami ng box kaya naman wala nang agawang nangyare.   "I didn't know na magaling ka pala sa sniping. Ang talino din ng strategy mo." Tiningnan ko lang siya at saka kumagat ng pizza.   "It looks like an accident. Mabuti bukas ang bintana." Patuloy nya pa. Tumikhim ako at umayos ng pagkakaupo.   "Maswerte lang ako sa langit." Maikli kong tugon. Halos hindi naman mapigilan ni Riabelle ang tawa niya dahil sa sagot ko. Ewan ko ba dito. Nitong mga nakaraang araw, hindi niya ako kinakausap. Pero ngayon ang lakas tumawa.   "Wews, maswerte? As if naman na tanggap ka sa langit." Wika nya. Umakto pa siya ng parang ekis sa dalawang braso. Tumango-tango nalang ako para kunwari sumasang-ayon ako.   Saglit ulit kaming natahimik. Nasa ginta namin ang papel kung saan nakalagay ang mga pangalan ng mga targets namin. Ngayon ay may ekis na pula na sa tapat ni Trinidad Sarmiento. Meron pang dalawa.   "By the way, saan ka natuto ng sniping skills mo na iyan?" Natigilan naman ako sa tanong niya. Agad nanumbalik sa alaala ko kung saan ko nga ba natutunan ang paggamit ng baril.   "Daddy, what is that?" Turo ko sa hawak ni Daddy. I was 10 years old but I know how life works. Maaga akong namulat sa reyalidad ng mundo.   "This is not allowed for a cutie pie like you." Mahinahong wika ni Daddy. I pointed my lips and cross my arms. Nakita kong huminga lang ng malalim si Daddy. Kahit kailan talaga, hindi niya ako matitiis. Only child lang ako kaya lahat ng luho ko ay nasusunod.   "Just promise me na hindi mo ito sasabihin kay Mommy, okay!?" I raised my hands gaya ng mga nanunumpa. I smiled at him and nodded.   "This is a pistol cutie pie." Napapatango pa ako Everytime na in-explain sakin si Daddy ang mga parts nito. Ipinakita nya rin sakin ang iba pa niyang collection ng guns.   "This one is a sniper rifle." I touch it with my bare hands. At first, I was nervous because it is my first time to see this. Nakikita ko lang ito sa mga TV series na pinapanood namin ni Daddy. He loves action series. Paborito nya pa nga si Tom Cruise.   "Daddy, can you teach me how to used all of this?" Umakto pa sya na parang nag-iisip. Nakapamewang siya at nakatingin sa taas.   "Hmmm... Let's see. This is dangerous for you, but I think you can use this as self-defense." Wika niya habang tumatango-tango. Napangiti ako dahil sa sagot niya.   Since then, every time na wala si Mommy, he used to teach me those things. Kung paano ang tawang hawak, at kung paano aasintahin ang mga targets ko. He even teaches me how to do some strategies for killing moving targets.   Pagtungtong ko ng labindalawang taong gulang ay sanay na ako. I don't know if Mommy already knows about this. That was the biggest secrets na itinago namin ni Daddy sa kanya. After that, the accident came and everything was ruined.   "Hey, natulala kana dyan. I said, saan mo kako natutunan yang sniping skills mo?" Napatingin agad ako kay Riabelle, huminga ako ng malalim.   "From my father." Maikli kong tugon. Tumango-tango siya.   "Where is he?" Tiningnan ko siya. Halata sa kanya ang pagka-inosente.   "There, sa langit." Sabay turo ko sa taas. Nakita ko sa mata niya ang biglaang lungkot dahil sa sagot ko. Hindi nya siguro inaasahan na I was alone nalang.   "I'm sorry."   "You don't have to." I said then smile. Nakita kong may tatlo nalang na natitira sa pizza box nya. Samantalang kalahati palang ang nakakain ko.   "Ang takaw mo." Sabi ko. Medyo gumaan ang nararamdamang pangungulila ko dahil nandito si Riabelle. Although alam kong pinadala sya ni Clark to be my guard jail, I know na magiging close kami.   Sabay kaming natawa. Pagkatapos nun ay nagkwentuhan nalang kami ng kung anu-anong bagay sa mundo. Nalaman ko na may hacking skills pala itong si Riabelle.  Magaling din siya in terms of stalking someone. Dahil duon ay agad pumasok sa utak ko ang Mr. Unknown na tumatawag sakin.   "Can you trace this one?" I said habang kinakalikot ang second phone ko.   "Why?"   "May tumatawag sakin kase, kapag sinasagot ko, hindi naman nagsasalita. Maraming beses na iyon. I was just curious." Tumango siya. Agad kong ibinigay ang phone number nito sa kanya. Kinuha nya rin ang kanyang laptop at may ginawa na kung ano duon na hindi ko maintindihan. I let her do her job. Umakyat ako sa kwarto ko to take a bath. Medyo inabot ako ng 30mins duon. Naisip ko kaseng baka busy pa si Riabelle sa baba.   Pagkatapos ay nagbihis na rin ako. Napagpasyahan ko na magpahinga muna ulit kami. Bukas nalang namin ituloy ang trabaho. At least I let this two targets live for another day.   Pagbaba ko ay naabutan ko siya. Mukhang hindi pa siya tapos dahil nakatutok parin siya laptop nya.   I sat down on the sofa to watch some TV series. Hindi rin nagtagal ay nabagot din ako. Agad ko ring pinatay ang TV. I look at the clock hanging on our wall. It's 3 PM. Kahit may kasama ka na sa bahay, nakakaboring parin pala.   Lumabas ako sa bahay at sinariwa ang malamig na hangin. Nakaparada sa labas ang kotse ko. Naisip kong linisin ito pero agad din akong tinablan ng katamaran.   "Sync, tapos na." Mula sa loob ay narinig ko si Riabelle. Agad akong lumapit sa kanya.   "Natrace ko siya dito sa address na ito." Sabi ni Riabelle sabay abot ng papel. Naisulat na nya pala duon. Nagkatinginan kami ni Riabelle na para bang alam na namin ang gagawin.   Agad kaming lumabas ng bahay. She make sure that the she activate the security before kami umalis. Medyo inabot kami ng halos dalawang oras hanggang sa marating namin ang lugar. Para itong gusali na nakatayo sa gitna ng syudad. Mukha siyang abandonado pero may mga ilaw. Mukhang lumang building na ito.   Bumaba kami ni Riabelle. Hindi ko alam kung ano ang nag-aabang samin dito pero hindi naman ako natatakot. I know some self-defense trick. Ewan ko nalang dito sa batang to.   May guard na naka-abang sa labas. Agad siyang humarang sa gitna. Agad namang napahawak sakin si Riabelle.   "Sino kayo?" Hindi ako makasagot ng maayos sa tanong ng guard. Ano bang sasabihin ko?   "Mga pulis kayo?" Lalo pa siyang lumapit samin. Tiningnan niya kami ni Riabelle mula ulo hanggang paa. Pagkatapos nun ay salitan kaming tiningnan ng guars. Agad siyang umatras pagkatapos ay binuksan ang pinto. Nagkatinginan pa kami ni Riabelle.   Isang hagdan pataas ang sumalubong samin. Hindi na kami nagdalawang isip pa ni Riabelle at umakyat na. Pagdating sa taas ay rinig na namin ang mga nakakaindak na tugtugan. Nalaman nalang namin na isa itong bar. Medyo hindi halata sa labas dahil may mga binubugaw silang mga kababaihan.   Pumasok kami duon. Medyo maraming tao. May mga sumasayaw sa harapan na halos kita na ang kaluluwa. Meron namang ibang babae na parang pilit hinahatak papunta sa kung saan. Muli kaming nagkatinginan ni Riabelle.   "Sure ka bang dito?" Tumango siya bilang sagot. Agad kong inilakad ang aking paningin. Where the heck do we find that man? At paano nya nalaman ang number ko?   Maya-maya ay may lumapit samin ni Riabelle. Mukha syang nasa 40's na babae na puno ng kolorete sa mukha. May dalawang malaking lalaki sa likod niya. Tiningnan kami ng babae mula ulo hanggang paa.   "Ang gaganda nyo naman hija. Nandito ba kayo para sa trabaho?" Tanong nito. Napansin kong bumitaw si Riabelle sakin.   "May hinahanap kami." Malamig niyang tugon. Tinaasan siya ng kilay ng babae.   "At sino naman iyan? Teka, mga pulis ba kayo?" Pagkasabi niya ay umakma pang may bubunutin ang dalawang lalaki sa likod nila. Nanatili naman kaming nakatayo ni Riabelle at malamig silang tiningnan.   "Meron ba kayong regular na kliyente dito?" Muling sabi ni Riabelle. Nakita kong nagkatinginan ang dalawang lalaki at saka bumulong sa babae. Nakita kong kumunot ang noo niya at tiningnan kami. Nagkatinginan din kami ni Riabelle. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng kaba. Isang hindi maipaliwanag na kaba.   "Hmmm, meron. Dalawa. Bakit? Anong kailangan nyo sa kanila?" Nakapamewang pa ang babae. Huminga ako ng malalim at hinarap siya.   "Can you tell me where are they?" Tanong ko.   "Bakit ko naman sasabihin sa inyo?" Pagmamatigas ng babae. Tumango-tango ako at nilibot ang buong bar. Nakita kong may pangilan-ngilang babae ang nakatingin samin si Riabelle. Para bang sinasabi nito na 'wag na kayong tumuloy'. Hindi ko sila pinansin at muling tumingin sa babae.   "Hindi ako marunong sa pakikipag-transaction, pero isa lang masasabi ko, kapag hindi namin nakausap ngayon ang dalawang tinutukoy nyo, I'll make sure na sa kulungan ang bagsak nyo." Sabi ko. Gulat na nagkatinginan muli ang dalawang lalaki sa likod niya. Samantalang ang babae ay nakatingin lang sakin na parang hindi makapaniwala.   Lumingon siya sa dalawang lalaking nasa likuran niya. Tumango ang mga ito at tiningnan kami. Muli nanaman kaming nagkatinginan ni Riabelle. Nang maglakad ang dalawang lalaki ay sinundan namin sila. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga babaeng umiiyak habang hila-hila ng mga lalaki. Napapailing nalang ako habang tinitingnan sila. Alam kong hindi naman nila ginusto ang mga ganito. Sadyang ito lang talaga ang mabilisang paraan para magkapera. Gaya ko.   Nakarating kaming apat sa isang kwarto. Nang buksan nila ito ay tumambad samin ang mga bilyaran. Meron mga lalaki dito. Sa dulo ay mga mga table. Duon ay natanaw namin ang dalawang lalaki habang nagbababad sa mga babaeng halos nakahubad na.   "Dito na kayo. Wag lang kayong gagawa ng gulo." Sabi ng isang lalaki sabay alis. Mabilis kaming lumapit ni Riabelle. Nang makarating kami sa harap ay natigilan sila sa kanilang ginagawa. Pati ang mga babae ay halos mapayuko ng makita kami.   "Anong maipaglilingkod namin, girls?" Tanong ng isa sa kanila. Kitang kita sa mga mata nila ang malalaswang tingin samin ni Riabelle. Ngumiti sa kanila si Riabelle. Kitang kita ang inosenteng ngiti nito.   "Can we have a private talk?" Malanding sabi ni Riabelle. Hindi ako makapaniwala habang tinitingnan siya. Nagkatinginan naman ang dalawang lalaking nasa harapan namin. Mabilis na nag-alisan ang limang babaeng nilalandi nila. Isa-isa ko pang tiningnan ito habang dumadaan sa harap ko.   "What is it, lady?" May halong pang-aasar ang mga salitang iyon ng lalaki. Teka!? Bakit parang pamilyar sakin ang mga lalaking ito?   "Actually, may hinahanap kami. Ito yung name...." Sabi ni Riabelle sabay pakita ng cellphone niya. Hindi nya sinabi sakin ang tungkol dyan. Nakita ko namang nagseryoso ang dalawa sa harap namin. Ang isa sa kanila ay napatingin sakin. I look at him back.   "Anong kailangan nyo?" Wika ng kausap ni Riabelle. He stand up and walk closer to her. Hindi naman natinag si Riabelle. Wala akong ideya sa pangalang nalaman niya. All she gave to me is the address.   "Mga pulis ba kayo?" Sabi ng isa pang lalaki na nakatingin parin sakin. Naramdaman ko naman ang mga matang nakatingin samin ni Riabelle mula sa likuran.   "Nope." Tugon ko. Tiningnan ko pareho sa mata ang dalawa. Duon ko lang napagtanto na sila ang dalawang lalaki sa list of targets namin. Tiningnan ko si Riabelle para naman aware siya.   "Kung ganon, anong kailangan nyo sa kanya?" Tanong muli ng lalaking nasa harap ni Riabelle.   "Kailangan namin syang makita." Sagot ko.   "Hindi pwede." Mabilis na tugon ng lalaking kaharap ko ngayon. Ngunit hindi kami nagpatinag ni Riabelle. Pagkatapos namin malaman kung nasaan ang lalaking hinahanap namin, patay to samin mamaya.   Saglit kaming nagtitigan apat ng mapalingon kami sa lumikha ng tunog na nagmula sa aming kanan. Duon ay nakita ko ang isang matandang lalaking may tungkod. Naka-sumbrero siya kaya hindi ko makita ang mata. Idagdag mo pa na medyo madilim sa loob ng kwartong ito.   "Simon, Matrix, umayos kayong dalawa." Sabi nito. Napa-atras ang dalawang nag-ngangalang Simon at Matrix. Kunot noo kong tiningnan ang matandan. He still standing in front of us. Hindi siya kumikibo. Naglakad si Riabelle papalapit sa kanya.   "Kailangan naming makita ang taong ito...." At muling ipinakita ni Riabelle ang kanyang papel. Wala paring imik ang matanda.   "Duon nalang tayo mag-usap sa loob ng office, maaari ba?" Wika ng lalaki. Hindi ko alam kung sino si Simon or Matrix sa kanila.   Naglakad na kaming lima. Sinundan lang namin ang lalaking nagprisinta kanina. Pagpasok namin ay medyo kulay pula ang ilaw. Sandali kong naramdaman ang kalabit ni Riabelle. Paniguradong may ideya na siya na ang dalawang lalaking ito ay ang dalawang huling target namin.   "Ang taong hinahanap ninyo ay wala na dito." Panimula ng matanda. Naglakad ito patungo sa kanyang lamesa. Pinagmasdan ko lang ang ginagawa niya. Duon ko namataan na kinukuha na niya ang kanyang baril. Naglalagay ito ng silencer.   "Kaya naman wag nyo nang hanapin ang taong patay na." Napakunot ang noo ko. Patay na? Patay na yung hinahanap namin? Yung tumatawag sakin? How? Nagsimula nanaman akong maguluhan. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa ideyang multo na ang tumatawag sakin.   "Dead?" Tanong ko. Nilingon ako ng matanda. Tumango siya. Kasabay nun ay itinutok niya ang baril sakin.   "Alam kong mga pulis kayo. Ngayong nakapasok na kayo lungga namin, sisiguraduhin kong di kayo makakalabas ng buhay." Sabi ng matanda. Naglabas din ng baril sina Simon and Matrix. Nagkatinginan ulit kami ni Riabelle. Paano kami makakatakas dito? Ito ngayon ang gumugulo sakin. Hindi ko pa nakikita si Riabelle kung paano magtrabaho.   Muli naming tiningnan ang tatlo. Kasabay nun ay sabay naming sinipa ang dalawang lalaki. Mabuti at nabitawan ng dalawa ang baril. Dali-dali kong sinipa palayo ang baril. Kita ko namang nangangatog ang binti ng matanda. Matanda na siya. Hindi na niya kaya ang surprise attack.   Agad kong sinipa ang p*********i niya. Napaatras siya dahil duon. Wala na akong inaksaya pang panahon. Agad ko siyang sinugo dala-dala ang kable ng kuryente. Mabilis ko itong pinulupot sa kanya. Medyo malapit kami sa matanda kaya sinipa ko ang tuhod nito dahilan para bumagsak siya. Alam kong natanggal ang sumbrero nito pero di ko na napansin. Mabilis kong hinigpitan ang pagkakahatak sa kable ng kuryente na nakabalot sa leeg nito. Mabuti nalang at malakas ang tugtugan sa labas. Hindi nila maririnig ang mga sigawan dito.   Ilang segundo pa ay ramdam ko na unti-unti na itong nanghihina. Kasabay nito ay naramdaman ko na wala nang buhay ang lalaki sa harap ko. Itinagal ko muna ang pagkakahigpit ng kable bago ito pinakawalan. Walang buhay na bumagsak sa sahig ang lalaki. Mabilis ko namang kinuha ang baril sa matanda. Hindi ko tiningnan ito at mabilis kong ipinutok ang baril sa kanya. Huminga ako ng malalim at saka nilingon si Riabelle. Katatapos nya lang tapusin ang lalaki sa harap niya.   "Ang galing mo naman. Dalawa ang napatay mo." Sabi niya. Humihingal pa siya dahil sa pagod.   "You too." Maikli kong tugon. Nag-ayos ako ng sarili. Naglakad naman si Riabelle paikot. Nang makakita siya ng bintana ay agad nya itong binuksan. Sinenyasan niya ako papunta sa bintana. Nauna siyang lumabas. Nasa second floor kami ngayon. Napailing ako dahil wala manlang alinlangang tumalon ang babaeng ito. Pagtalon ko ay nakaramdam ako ng kakaiba. I feel like someone is watching us. Luminga-linga ako sa paligid. Siguro ay dahil we did something bad.   Nagpanggap kami ni Riabelle na parang walang nangyare. Wala naman ang guard sa pinto kaya mabilis naming napuntahan ang kotse. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko to finish this show. Pagkatapos ay umalis na kami duon. Ipinarada ko rin sa malapit ang sasakyan. Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga pulis. Hindi ko maiwasang mapangiti. I look at Riabelle. Nakita kong may galos siya sa mukha. Ngumiti lang siya ng makita akong nakatingin sa kanya. Mula sa pwesto namin ay natanaw kong may nilalabas silang mga tao mula duon. Kasabay nun ang tatlong walang buhay na bangkay. It's so satisfying.   Agad na naming nilisan ang lugar. Ngunit hindi parin mawala ang nasa isip ko. Sinabi ng matandang iyon na patay na ang hinahanap namin. Teka, paano naman nalaman ng matandang iyon na yun nga hinahanap namin?   "Riabelle, anong name pala nung hinahanap natin?" I ask. Nakita kong natigilan siya. Nagdadalawang isip kung sasabihin ba sakin. Huminga siya ng malalim bago nagwika.   "It's a codename. It's Syncro."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD