Syncro
Paulit-ulit tumatakbo sa utak ko ang codename na sinabi sakin ni Riabelle. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa niya para malaman iyon pero di na iyon mahalaga. Nasa utak ko lang ngayon ay ang ideya na ang Syncro na ito ay patay na ngunit tumatawag parin. Paano naman nangyare iyon? Paanong ang patay na ay nakakatawag parin?
Imbis na matakot ako ay nag-isip ako ng ibang ideya. Paano kung buhay talaga itong Syncro na ito? Paano kung akala lang ng lahat ay patay na sya? Paano kung tinatago lang siya samin nung gabing iyon?
Napatulala nalang ulit ako sa kisame habang nakahiga. Dalawang araw na ang nakararaan. Hindi rin kami naglalalabas ng bahay. Huling pagkakarinig ko ay nailigtas ang mga babaeng binubugaw sa lugar na iyon. Karamihan sa kanila ay bata pa gaya ni Riabelle. Kahirapan daw ang rason kung bakit nila ginawa iyon. Hindi pa rin tapos ang balita tungkol sa tatlong lalaking natagpuang patay sa opisina ng gusaling iyon. Nakilala ang dalawa na siyang kasama sa wanted list ng mga pulis.
Tapos na ngayon ang trabaho namin, trabaho ko. Nakatanggap din kami ng email na kailangan naming pumunta sa Mansion kung saan ko nakilala ang organization: The Coetus. Mamayang gabi ay pupunta kami duon ni Riabelle.
"Sync? Kakain na." Napalingon ako sa pintuan. Naramdaman kong nakatayo duon si Riabelle. Mabilis akong tumayo at lumapit duon para pagbuksan siya.
"Okay." Sabi ko saka lumabas. Sabay kaming bumaba. Kung titingnan kaming dalawa, para kaming magkapatid na naiwan sa malaking bahay na ito. Magkapatid na may ordinaryo at payapang buhay. Parang sa normal na tao.
"Nga pala, sabi ni Clark, magbihis daw tayo. Casual dress daw. May party ata mamaya sa The Coetus e." Tiningnan ko siya. Mukha siyang inosente tingnan. Hindi bagay ang para sa kagaya niya ang mapunta sa mundong ito, sa mundo ko. Dapat ay nasa school siya ngayon at ine-enjoy ang buhay teenager. Napalingon siya sakin ng mapansin na nakatitig ako sa kanya. Tumaas ang kaliwang kilay niya.
"Why? Is there something on my face?" Tanong niya. Inayos nya pa ang mukha na parang may inaalis na dumi sa mukha. Umiling ako saka umupo na sa upuan. Tiningnan nya lang ako ng may pagtataka bago nagtungo sa kusina. Maya-maya ay may dala na siyang mga pagkain. Kumain na rin kami. Wala manlang nagsalita sa pagitan namin.
Kinagabihan ay kasalukuyan naming binabagtas ang mahabang kalsada na napapalibutan ng mga puno. Patungo ito sa mansion ni Clark. I was wearing a maroon floral polo dress while Riabelle is on her pink sleeveless dress.
Ilang minuto ay nakarating din kami duon. Medyo maraming magagarang sasakyan ang nakaparada sa harap. Agad akong nakaramdam ng kaba. Nakatingin lang ako sa labas habang hawak ng mahigpit ang manubela. Hindi ko pa natatanggal ang seatbelt ko. Muli akong napatingin kay Riabelle ng iabot nya sakin ang isang maskara.
"For what?"
"Kailangan yan dito kapag may ganitong event." Wika ni Riabelle. Tinanguan ko siya. Isinuot na ni Riabelle ang kanyang mask at tumingin sakin. I do the same too. Pagkatapos ay sabay kaming lumabas. Hindi ko tuloy mapigilang ma-imagine na para kaming yung sa cast ng Charlie's Angel na kulang lang ng isa.
Sabay kaming pumasok sa loob. Bumungad samin ang medyo ma-usok na paligid. Marami ding mga nakamask ang nandito. Malakas ang kutob ko na mga kilalang tao ang mga ito. Kahit papaano ay may ideya na ako sa mga nasa loob ng organization na ito.
Patuloy lang kaming naglalakad. Nakasunod lang ako kay Riabelle. Nai-kwento nya kase sakin kanina na matagal na siya dito. Kaya naman alam na niya ang mga kilos o galaw pagdating dito. Dahil ito ang unang beses na gagawin ko ito, mukhang si Riabelle muna ang masusunod.
Hindi na bago sakin ang galaw ng party na ito. Gaya ng iba, may mga babaeng sumasayaw din sa gilid-gilid habang pinaliliguan ng mga pera ng kung sino mang mayayaman. Meron ding mga nagsusugal, may mga nagkukwentuhan lang, at ang iba ay nakatutok sa pinakabida ng event na ito. The Auction.
Wala akong ideya sa mga binebenta dito. Pero dahil sa pagiging interesado ng mga tao ay sa tingin ko, mahalaga ang mga gamit na ibebenta.
"Hey." Sabay kaming napalingon ni Riabelle sa likuran. Hindi ko man makita ang mukha nito, alam kong si Clark ito. Lumapit sa kanya si Riabelle. Nakita kong may ibinulong si Riabelle kay Clark. Umiwas ako ng tingin.
"Okay." Mahinang wika ni Clark. Agad naman siyang napatingin sakin. I raised my eyebrows kahit hindi nya iyon makita.
"What a gorgeous lady!" Wika niya. Medyo nailang ako sa ginawa niyang paglapit. Napansin niyang napa-atras ako sa ginawa niya. Tumayo siya ng tuwid at inayos ang kanyang silver grey coat.
"Kamusta, Sync?" Tanong niya. Nakahawak na ngayon sa kanyang braso si Riabelle. Medyo nakaramdam ako ng inis. Naalala kong ipinadala nga pala siya ni Clark para bantayan ako. Kahit sobrang close na namin ni Riabelle, di ko ine-expect na nagtatrabaho parin siya. I don't know why but I suddenly feel betrayed. Although I know her job too.
"Fine, I guess. Why don't you ask your girl?" Sabi ko sabay lingon kay Riabelle. Nakita kong umiwas siya ng tingin.
"Okay. By the way, gusto mo bang magcoffee upstairs?" Tanong ni Clark. I just nodded. Nauna na siyang maglakad. Sumunod naman sa kanya si Riabelle. Wala na rin akong nagawa at sumunod narin. I already agreed.
Pumasok kami ni Clark sa kwarto kung saan kami huling nag-usap. Hindi gaya nung huli, malinis na ang kwartong ito. Maayos na nakadisplay ang mga armas niya.
Nakaupo na si Riabelle ngayon sa sofa habang nakatingin kay Clark. Naglakad naman siya patungo sa kanyang swivel chair. Nanatili lang ako sa pwesto ko habang pinagmamasdan sila pareho. Nang makaupo na si Clark ay saka niya tinanggal ang kanyang maskara. He face me seriously.
"Good job, Sync." Sabi niya. I smile a little. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Nakabibinging katahimikan din ang bumabalot saming tatlo. So satisfying.
"By the way, wala ka munang job sa organization. Take a break. Medyo alanganin ang ginawa mo last time." Sabi niya. Kinunot ko ang noo ko.
"Okay." Ito na lamang ang tangi kong sinagot. Tiningnan ko si Riabelle. Hindi manlang siya tumingin sakin. Napailing ako. Tinalikuran ko na sila at lumabas na. Sumalubong sakin ang napakalakas na tunog ng mga musika. Siguro kailangan ko ding mag enjoy.
Marami na ang tao ngayon. Karamihan ay nakatutok sa auction na ginagawa sa gitna. Meron namang iba na nagpunta dito para sa sugal. Medyo malaki din kase ang mga premyo dito. Meron namang iba na gaya ko, tamang chill lang.
Nagtungo ako sa bar. Medyo may pagkakahawig ito duon sa illegal building na lagi kong napupuntahan dati. Mabilis akong umorder ng drinks. Wala manlang akong mamukaan dahil halos lahat ay nakamask. Maski ang mga babae at mga staff na nandito ay nakasuot din ng mask. Para na rin sa proteksyon.
Ilang oras na rin akong nakaupo duon. Medyo mainit na rin ang aking puwitan dahil sa matagal na pagkakaupo. Wala lang akong ginawa sa buong oras kundi ang uminom ng uminom. May pangilan-ngilan ding lumalapit na lalaki sakin kanina pa ngunit ni isa sa kanila ay wala akong pinansin. Hindi ko rin gusto gusto na makipag-usap ngayon dahil na rin sa seguridad ko.
Pagkatapos kong inumin ang isang baso ng alak ay tumayo na ako. Light lang naman anh ininom ko kaya hindi ako madaling natablan. Naglakad ako patungo sa labas. Nakita kong maraming sasakyan ang nandito. Halos ang iba ay masasabi mong milyon ang halaga. Tanaw ko rin ang kabilugan ng buwan. Maliwanag na maliwanag ito.
Naglakad ako patungo sa gubat. Hindi ko maintindihan. Parang bigla lang akong nagkagusto na lumabas at maglakad sa kakahuyan.
Kahit gabi ay hindi ko na inalintana ang dilim. Dahil sa liwanag ng buwan, nakikita ko parin kahit papaano ang daan. Payapa ang kagubatan. Tanging malamig na hangin ang kasama ko ngayon na para bang inayayakap ako. May mga huni din ng kuliglig at tunog ng mga nagsasalpukang sanga. Rinig ko rin ang mga dahan na natatapakan ko.
Nasira lang ang katahimikan ng tumunog cellphone ko na nakalagay sa aking mini shoulder bag. Agad kong kinuha iyon. Napakunot ako ng noo ng makitang galing iyon sa second phone ko. Gaya ng dati, I activate my voice changer before answering it.
"Yes." Sambit ko. Ngunit nagtaka ako dahil wala manlang akong marinig na nagsasalita. Tunog lang ng hangin at mga kuliglig ang narinig ko. I look at the screen of my phone. Duon ko napagtanton na 'Mr. Unknown' ang kausap ko.
"Hello? Sino kaba?" Tanong ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Gusto kong malaman kung sino ang taong ito. Kung sino ang kausap ko ngayon sa kabilang linya gayong patay na daw ito. Ngunit wala parin akong naririnig. Hindi parin siya nagsasalita.
"Syncro..." Wika ko. Sabay non ang nakarinig ako ng kaluskos. Agad akong napalingon sa paligid. Nakikita ko ang mga anino ng bagay bagay dahil na rin sa liwanag ng buwan na pumupuslit sa mga dahon ng mga puno.
"Alam mo na pala kung sino ako." Sinilip ko ang cellphone ko. Nagsalita na rin siya sa unang pagkakataon. Pero parang gumagamit din siya ng voice changer dahil sa garalgal nitong boses. Muli akong nakarinig ng kaluskos. Ngayon ay ramdam kong hindi na ako nag-iisa. Ramdam ko ang presensya ng kung sino man sa mga oras na ito.
"Of course, I found it in a place where I killed your comrades." Sagot ko. Muli nanaman siyang natahimik.
"Nakita ko nga." Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig bang sabihin ay nanduon sya? Agad nanumbalik sa isip ko yung time na tumalon ako sa bintana. Naramdaman kong may nakamasid samin ni Riabelle that time. Hindi kaya siya yon?
Muli akong nakarinig ng kaluskos. Ngayon ay marami na ito at malakas. Ibig sabihin ay malapit lamang ang kalaban. Umatras ako hanggang sa mapasandal sa puno. Palingon-lingon ako sa paligid upang tingnan at obserbahan ang mga paggalaw.
"Masyado ka namang tensyonado." Muli akong nakaramdam ng takot sa sinabi niya. Halata sakin ang pagkabalisa dahil tingin ako ng tingin sa paligid. Pero lalo lang itong lumala ng marinig ko ang sinabi niya. Ngayon ay malakas ang kutob ko na nandito lang siya sa paligid.
"Patay kana." Mahina kong sabi. Narinig ko ang mahina niyang tawa.
"Nababaliw kana ba? Hindi ko inakala na mabilis tumalab ang gamot na iyon..." Wika nya ulit. Mas lalong lumakas ang mga kaluskos. Para bang papalapit ito sakin ngunit wala naman akong makitang paggalaw. Alam kong nandito lang siya. Napahawak ako sa ulo ko. Medyo nahihilo ako. Siguro ay dahil sa alak na ininom ko kanina. Nakarami din ako.
"Leave me alone. Kung sino ka man, hindi moko kilala." Mas lalo akong nahilo ngayon. Nanghihina ang tuhod ko dahilan para mapaluhod ako.
"By the way, that medicine was created by The Coetus." Wika ng kausap ko. Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung anong gamot ang tinutukoy niya. Napahawak lang ako ng mahigpit sa ulo ko dahil kumikirot ito.
"F*ck you!" Hindi ko na mapigilan ang sambitin pa iyon. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Naiinis ako ngayon dahil sa nangyayare. Naiinis ako dahil para bang pinagpalaruan niya ako.
"Be careful Sync. Just be careful next time."
"What.. do... you.. f*cking.. mean?" Tanong ko. Ngunit pinatayan nya na lang ako ng telepono. Mas lalo akong nainis. Tangina talaga!
I tried my best to stand up. I need to get out of here. In the first place, I don't know why I'm here. Sa dami-dami ng lugar na pwedeng maglakad-lakad, hindi ko alam kung bakit naisipan ko pa dito.
Kahit papaano ay nakokontrol ko pa naman ang paningin ko. Kahit parang umiikot na ang paligid, kaya ko paring maglakad ng maayos. Medyo naiirita lang ako dahil sa mga kaluskos na para bang static noise sa tenga ko. Malayo pa ba yung labasan? Ang pagkakatanda ko, malapit lang iyon e. Parang kanina lang ako pumasok dito. Di pa nga ako nakakalayo. Bakit parang wala akong makitang daan o kahit na ano mang sign na nasa mansion na ako.
Ngayon ay patuloy lang ako sa paglalakad. Tinanggal ko na rin ang mask na suot ko. Kahit papaano ay medyo nawawala na ang hilo ko. Hindi naman mabigat yung ininom kong alak. Kung tutuusin ay hindi ako madaling malasing. Hindi ko rin masabi kung lasing ba ako dahil hindi naman bumabaliktad ang sikmura ko. I totally fine. Naguguluhan lang ako dahil sa hilo. Siguro nga may kinalaman yung gamot na tinutukoy nung Syncro na iyon. Gamot na gawa ng The Coetus. Pero sa pagkakaalala ko, nakita ko na rin ang gamot na iyon. Minsan ko ng narinig iyon kay Riabelle. Pero dapat sa mga oras na ito ay tumalab na ang gamot. Anong nangyare?
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Medyo malinaw na ang aking paningin. Para bang bigla nalang nawala ang hilo ko. Napahinto ako. Ngayon ay nakita ko nalang ang sarili ko na nakatayo na sa tapat ng mansion. Kung saan tanaw mo ang Logo na nakaukit sa pinakagitna. Nakasulat duon ang The Coetus. Para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa pagkabigla. Ngayon ay mas lalo akong naguluhan. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Ngunit muli kong naramdaman ang pangingirot sa ulo ko. Kasabay nun ay ang panghihina ng tuhod ko. Para bang hinila ako nito pababa sa lupa.
DAHAN-DAHAN kong iminulat ako aking mga mata. Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Dahan-dahan kong inabot iyon sa gilid ko. Medyo malabo pa ang aking paningin kaya hindi ko sinagot ito. Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Ngunit sadyang makulit ang tumatawag. Nairita ako bigla. Hindi ko nalang pinansin ito at itinalukbong sa sarili ang kumot. I tried my best to fall asleep again. But there is something bothering me. Hindi ko maintindihan kung bakit o ano iyon.
Marahas kong inalis ang kumot at tumayo. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ito ang kwarto ko. Ngunit pamilyar ako dito. Sa pagkaka-alala ko, ito yung kwarto kung saan ako unang dinala ni Clark.
Naglakad ako palabas ng kwarto. Gaya ng dati, tahimik na hallway ang bumingad sakin. Medyo madilim dahil walang gaanong nakabukas na ilaw. Medyo hindi na ako kinakabahan dahil alam ko naman na ang daan pababa. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang hagdan. I was about to go down when I suddenly heard someone. Medyo mahina ang kanilang pinag-uusapan. Agad akong nagtago sa palikong pader. Maya-maya ay nakita ko na ang dalawang taong iyon. They are wearing a laboratory coat. May suot din silang face mask. Ano yun? Anong ibig sabihin nito?
Gusto ko sanang bumaba pero bumalik nalang ako sa kwarto kung saan ako galing. Medyo magulo na ang isip ko ngayon dahil sa mga nakita ko. Lalo na yung sinabi ni Syncro kagabi. Yung gamot, yung gamot na galing sa The Coetus. Dapat patay na ako ngayon gaya ng nangyare kay Maricar Sandoval.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay muli akong umupo sa kama. Ngayon ay nakakasigurado na ako. There's something here. Something that I want to know. Bigla ko nalang naramdaman ang kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na gusto kong masagot lahat ng curiosity ko. The medicine, those people, yung sinabi ni Syncro, lahat yon gusto kong masagot.
Ilang oras din akong nakahiga sa kama habang nakatingin sa kisame ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa non si Riabelle habang seryosong nakatingin sakin. Medyo nailang ako sa presensya niya.
"Mabuti at gising kana. Tinatawag ka pala ni Clark." Sabi niya. Tinanguan ko siya saka tumayo. Lahat ng gamit ko ay nilagay ko sa mini shoulder bag ko at naglakad palabas. Hindi ko sya tinapunan ng tingin. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi naman ako galit sa kanya. Alam ko naman talaga na una palang, Clark sent her to my guard. Kase nga hindi pa pure yung tiwala nila sakin. But in just a little amount of time, medyo napalagay na ang loob ko sa kanya. Kaya lang, hindi ko maiwasang mainis lalo na nung nilapitan nya si Clark at para bang hindi nya ako kilala bigla.
"Saan sya?" Tanong ko. I hear her sigh bago naunang maglakad sakin. Hindi sya nagsalita. Sinundan ko nalang siya hanggang sa makarating kami sa garden ng mansion. Medyo maaliwalas dito. Meron ding golf course kung saan natanaw ko si Clark. Kasalukuyan siyang naglalaro duon. Pagkatapos ng ilang tumira ng ilang beses ay huminto na rin siya. He look at us ang smile. I rolled my eyes because of that.
"Hey!" Narinig kong wika niya. Nilapitan siya ni Riabelle at saka inabutan ng tubig. Tiningnan siya ng malagkit ni Clark bago tumingin sakin.
"How are you? Nakita ka ng isa sa mga staff ko na nawalan ka daw ng malay sa labas...." Tiningnan ko lang siya. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko.
"Dapat kase di ka nagpapakalasing kung di mo naman pala kaya, right babe?" Muli niyang tugon sabay tingin kay Riabelle. Napaiwas ako ng tingin ng makita kong naghalikan sila, in front of me. Hindi ba marunong lumugar ang mga taong to? Ngayon ko lang naisip, ilang taon na ba itong lalaking to?
"By the way, napalinis ko na yung car mo. Pede mo nang gamit." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Okay." Matipid kong sabi. Tumalikod na ako sa kanila ngunit napahinto rin ng marinig si Clark.
"Nga pala, here...." Wika niya. Lumapit sakin si Riabelle sabay abot ng papel. May tatlong pangalan and it's background ang nanduon. Kahit hindi na niya sabihin, I know what his trying to say. Kinuha ko na iyon sa kamay niya at umalis na.
Dumiretso ako sa garahe. May nasalubong pa akong lalaki kanina sa hallway. Medyo pamilya siya dahil nakikita ko iyon sa TV. Siguro isa sa mga nasa pamahalaan.
Pagpasok ko sa kotse ay nagulat ako ng bumukas din ang pinto ng passenger side. Pumasok duon si Riabelle.
"What are you doing here?" Tanong ko. Tiningnan nya lang ako ng may pagtataka.
"I am your apprentice, remember?" Tinaasan ko siya ng kilay. Tiningnan ko nalang siya bago pinaandar ang sasakyan. Hindi ko siya pinansin habang siya ay tahimik ding nakaupo sa passenger side.
Tahimik lang kaming dalawa habang binabaybay ang daan patungo sa bahay. Busy siya sa pagbabasa tungkol sa tatlo naming victims. Pinapakiramdaman ko din siya habang nagmamaneho ako.
Nang makarating kami sa bahay ay nauna na akong lumabas. It feels so awkward to me. Pareho lang kaming tahimik ni Riabelle. I want to talk to her. Pero nakakapanibago kase.
"Magluluto lang ako." Narinig kong wika niya. Hindi na niya inantay ang sagot ko. Dumiretso na siya sa kusina. Pinagmasdan ko pa siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Ngayon ko lang napa-isip, wala bang pamilya si Riabelle? Hindi pa siya nagkukwento tungkol sa buhay niya. Masyado pa syang bata para sa ganito.
Nagtungo ako sa kwarto. I took a shower before ako nagpunta sa kusina. Medyo naamoy ko na ang niluluto niya. Marunong din naman akong magluto, tamad lang talaga.
"Ang sarap ah." Bulalas ko. Nakita kong tumigil siya at tiningnan ako. Hindi ko naman siya tinapunan ng tingin at naupo na. Saglit siyang nakatitig sakin bago muling kumilos.
"Thanks." Sagot niya. Nakaramdam nanaman ako ng awkwardness sa pagitan namin.
Nagsimula na kaming kumain. Talagang masarap ang pagkakaluto niya sa sinigang. Alas onse palang pero ramdam ko na ang gutom. Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan. Si Riabelle naman ang nagtungo sa taas. Ganito lang ang takbo ng ordinaryong araw namin. Dahil mamayang gabi, magtatrabaho nanaman kami.
Kinagabihan: 8:00 pm
Kasalukuyan kaming nakaupo sa loob ng kotse habang pinagmamasdan ang bago naming target sa labas ng isang condominium. May kausap ito sa telepono. Panay din ang linga niya sa paligid.
"He is Antonio Vera. Anak ni Congressman Vera." Rinig kong sabi ni Riabelle. Tinanguan ko siya. Sinilip ko ang hawak niyang tableta ng gamot. Medyo napakunot ako ng noo ng makita iyon. Naalala ko na ganun din ang gamot na nainom ni Maricar non. Hindi ko alam kung ganyan din ba ang gamot na nainom ko. Ni-hindi ko nga alam kung paano ko nainom iyon. Kung paano napunta sa iniinom ko last night ang gamot na sinasabi ni Syncro.
"Umalis na siya." Mahinang wika ni Riabelle. Napatingin siya sakin ng mapansin na nakatingin ako sa kamay niya.
"O-Okay." Sagot ko at pinaandar na ang sasakyan. Naramdaman ko pa na itinago niya ang gamot na hawak. Gusto kong magtanong sa kanya kung ano iyon ngunit para bang may nag-uudyok sakin na ako na lang mismo ang maghanap ng sagot.
Sinundan ko ang sasakyang sinabi ni Riabelle. Duon daw pumasok ang aming target. Nakasunod lang kami sa sasakyan ni Antonio Vera pero sinigurado ko ang distansya namin para hindi mahalata. Hindi ko rin maiwasang guluhin ang utak ko at pinakikiramdaman si Riabelle sa tabi ko. Gusto kong magsalita pero gusto ko ding manahimik at sya ang mauna. Sa tingin ko ay ganun din siya.
Ilang oras naming sinundan si Antonio Vera. Alas dose na ng hatinggabi ng makarating siya sa isang malaking bahay. Inihinto ko ang sasakyan sa medyo malayo ngunit sapat na para matanaw namin siya. Luminga-linga pa ito bago pumasok duon. Agad kaming bumaba ni Riabelle. I don't know why but I feel so excited.
Naunang maglakad si Riabelle patungo sa bahay na iyon. Ordinary house lang siya. Wala naman kaming ideya kung anong meron sa loob. Nagpakad kami sa gilid ng bahay. May back door duon. Nagulat ako ng walang pakundangang pumasok duon si Riabelle. I was about to call her but it's too late. She already enter the house. I was poke my forehead because of that. Wala na rin akong nagawa, sinundan ko siya sa loob. Pagpasok ko ay isang madilim na kusina ang sumalubong sakin. Hindi ko makita si Riabelle.
"Riabelle?" Mahina kong tawag. Liwanag mula sa labas na sumisilip sa bintana ang tanging gabay ko para hindi ako mabunggo sa mga gamit dito. Hindi ko maprin makita si Riabelle. Ano ba kaseng pumasok sa utak nun? Bakit nagmamadali sya?
Naglakad ako papunta sa sala. Walang tao duon. Siguradong nasa second floor si Antonio Vera. Hindi ko rin makita si Riabelle. Hindi na ako nagdalawang isip at naglakad pa-akyat sa second floor. May ilang mga kwarto duon.
"Please, tell me you still love me...." Napahinto ako ng marinig ang isang babaeng umiiyak. Nagmumula iyon sa dulong kwarto. Dahan-dahan akong naglakad patungo duon. Nakauwang ang pinto dun kaya nakikita ko ang ganap sa loob.
"I'm sorry. Ayaw sayo ni Daddy..." Rinig kong sabi ni Antonio Vera.
"Nang dahil lang dun? How about our baby?"
"Pananagutan ko iyan. Pangako..." Muli ko nanamang narinig ang paghagulgol ng babae. I sigh. Masyado kaseng mapupusok. Patuloy ko lang silang pinagmamasdan. Hindi ko man maintindihan ang nangyayare pero hindi ko maiwasang panoorin sila. Para tuloy akong chismosa na nag-aantay ng mangyayare para may ichismis.
"Anong plano?" Halos mapatalon ako ng marinig si Riabelle sa likuran ko. Umatras ako dahil baka napansin kami nila Antonio. Nakita ko mula sa liwanag ang inosente niyang mukha.
"San ka galing? Tangina! Ginulat moko." Bulong ko. Tiningnan lang ako ni Riabelle. Hindi ko alam kung pinagtatawanan nya na ba ako sa isip niya.
"Tumingin-tingin lang sa paligid. Just in case." Sagot niya. Napapikit ako saka muli siyang tiningnan. Wala pang plano ang nabubuo sa utak ko, pero isa lang ang gusto ko. Kill them both.
Third person's point of view
Kasalukuyang nakaupo sina Antonio at ang kanyang lihim na kasintahang si Annie. Umiiyak ito ngayon habang nagsusumamo para sa kanilang dalawa. Mahal niya ang dalaga. Ngunit wala siyang lakas na ipaglaban si Annie. Kung gagawin niya ito, paniguradong mabubura siya sa mundo. Kilala niya ang kanyang ama. Lalo na ang organisasyong sinalihan nito. Ano mang oras ay kaya siya nitong ipapatay lalo na kung itutuloy parin niya ang balak kasama si Annie. Alam din kase ni Annie ang mga sikreto ng kanyang ama. Ayaw niya itong mapahamak kaya naman kahit masakit sa kanya ay kailangan na nilang bitawan ang nabuo nilang relasyon.
"Kaya ko naman Nio..." Humahagulgol parin ang kanyang kasintahan. Kanina nya pa gustong umiyak ngunit pinipigilan nya lang ito.
"I'm really sorry. Please, lumayo na kayo ni baby..." Wika niya sabay tingin sa tiyan ni Annie. "Kapag ayos na ay saka ako susunod. Pangako." Sambit niya. Napapailing nalang si Annie. Alam niyang mahina ang loob ng binata. Alam niyang hindi nito magagawa ang pangako.
"Bahala ka. Duwag ka naman." Sagot ni Annie saka marahas na tumayo. Nagtungo ito sa pinto upang lumabas. Sa huling pagkakataon ay nilingon niya si Antonio.
"Kung iyan ang gusto mo, bahala ka." Sambit ni Annie at tuluyan ng umalis. Naiwang mag-isa si Antonio duon. Tuluyan na ngang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Iniisip niya ngayon kung ano nang gagawin niya. Maya-maya ay nakarinig siya ng malakas na galabog mula sa baba. Mabilis siyang tumayo ay nagtungo sa hagdan. Halos hindi siya makagalaw ng makita si Annie na nakahandusay sa baba. Punong puno ng dugo ang buong sahig. Nakadilat ang mata ng dalaga at tila hindi na humihinga. Mabilis siyang bumaba upang gisingin ito. Ngunit huli na ang lahat dahil wala na itong buhay. Hindi malaman ni Antonio ang gagawin. Nakatitig lang siya sa bangkay ni Annie habang dahan-dahan niyang isinasara ang nakadilat nitong mata. Napakabilis ng pangyayare. Iyan lamang ang tangi niyang nasa isip. Sa isang iglap, nawala ang kanyang mag-ina.
Pagkatapos ng ilang minuto, tumayo na siya. Walang katao-tao sa loob ng bahay. Paniguradong may nakakita sa kanya na pumasok siya dito. Kapag nalaan na may patay dito ay siguradong siya ang pagbibintangan. Ayaw niyang makulong, ayaw niyang madungisan ang pangalan ng ama.
Naghanap siya ng malaking sako at pala. May bakanteng lote sa likod ng bahay. Matataas ang talahib kaya walang makakakita sa kanya. Inilagay niya ang dalaga sa loob ng sako. Kinakabahan siya habang ginagawa ito. Pagkatapos ay hinatak niya ang sako palabas ng bahay. Luminga linga muna siya bago tuluyang hatakin ang sako patungo sa bakanteng lote. Naghukay siya ng malalim. Pagkatapos ay saka niya inihulog ang bangkay na nasa sako at muli tinabunan. Halos matinding kaba ang bumabalot sa kanyang katawan habang ginagawa ang bagay na ito. Nang matapos ay saka siya tumayo na punong puno ng pawis sa katawan. Sandali nya munang tinitigan ang hukay bago tumalikod.
"Goodbye" Wika ng isang babae ang bumungad sa kanya kasabay nun ang pagtama sa kanyang noo ng isang bala ng baril.
Zerrie's POV
Nagkatinginan kami ni Riabelle habang pinagmamasdan ang mga pulis. Kasalukuyan kaming nakaupo sa loob ng aking sasakyan. Mula sa malayo ay tanaw namin ang mga pulis at ambulansyang nagdadatingan. Mula rin sa pwesto ko ay hindi ko maiwasang hanapin ng aking mga mata ang isang pamilyar na tao. Paniguradong panibagong problema nanaman ito sa kanya.
"May inaantay ba tayo? Nandito na yung mga pulis." Wika ni Riabelle. Tiningnan ko siya sabay tingin sa kanyang kamay. Hawak nanaman niya ang gamot. Mabilis na tinago ito ni Riabelle sa kanyang bulsa.
"Ano yan?" Sa wakas ay nagawa ko ring itanong.
"Nothing." Sambit niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Iyon ang gamot na binigay nya sakin para paslangin si Maricar. Paanong NOTHING lang?
"Okay." Sagot ko. Gulat siyang tumingin sakin. Akala nya siguro ay magtatanong pa ako about sa hawak niya. Napagpasyahan ko na ako na mismo ang kakalap ng kasagutan.
Pinaandar ko na ang kotse. May dalawa pang target ang natitira. Sa ngayon, ito ang pinakamalungkot na krimeng ginawa ko. Pero atleast, magkasama na sila ngayon sa kung saan man. Wala ng ibang tao ang pipigil para sa kanila. Malungkot man ang pagkamatay nila, magiging masaya naman sila dahil sama-sama silng tatlo sa langit.
NAALIMPUNGATAN ako sa tunog ng aking cellphone. Hinayaan ko lang itong tumunog. Medyo lutang parin ako hanggang ngayon. Imposible namang si Lexin ang tumawag dahil sinabihan ko na siya na lalayo na ako.
Itinalukbong ko ang aking kumot. Gusto ko pang matulog ngunit dahil sa tunog na iyon ay hindi ko na magawa. Nakakairita!
"Sync. Kakain na. Tulog ka parin ba?" Mula naman sa labas ay narinig ko si Riabelle. Sandali pa akong tumulala bago bumango. Naghilamos ako bago ko siya hinarap.
"Okay." Sagot ko ay sumunod na sa kanya sa baba. Panibagong normal na araw nanaman para samin. Akala mo walang krimeng ginawa. Hindi naman ako masyadong proud sa ginawa ko, halos hindi ko nga iniisip. Ang gumugulo lang sakin ngayon ay kung paano ako makakahanap ng sagot about sa gamot na ibinigay sakin dati ni Riabelle, at ang gamot na nainom ko.
"Nga pala, kailangan nating gumawa ng plano. Malaking tao ang susunod natin." Bulalas ni Riabelle. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.
"Who??" I ask. Nakita kong kinuha niya ang papel saka binasa ito.
"His name is Mariano Villafuerte. He is one of the senators. Medyo may pag-aalinlangan na ang organization sa kanya dahil in-activate na ito. Kaya naman naisip na ng organisasyon na burahin na agad ito. Ngunit hindi ganon kadali iyon...." Wika ni Riabelle. Tumango-tango ako. Medyo pamilya sakin ang Mariano Villafuerte na iyon.
"Ano pa ang alam mo sa kanya?" Pag-uusisa ko. Tiningnan ako ni Riabelle bago nagwika.
"Wala siyang asawa't anak." Sagot niya. Natigilan ako. Pamilyar talaga sakin ang taong iyon. Lalo na ng makita ko ang larawan niya na nakalagay sa papel na iyon.
"Okay." Sagot ko. Nagpatuloy na ako sa pagkain ngunit ang isip ko ay lumilipad parin. Alam kong nakita ko na siya, hindi ko lang alam kung saan.
Kinagabihan ay nakita kong naghahanda na si Riabelle. Pababa ako ng hagdan ng makita niya ako. Tiningnan niya ako ng may pagtataka. Nakapambahay parin kase ako ako.
"Anong suot yan?" Tanong niya.
"Pwede bang wag muna natin gawin ngayon?" Diretsa kong tanong. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkabigla. Ngayon lang ako lumiban sa gagawin.
"Why?" Malamig niyang tanong.
"Gaya nga ng sabi mo, kailangan nating pagisipan ang gagawin. Malaking tao ang kaharap natin ngayon." Sambit ko. Bukod duon, hindi pa ako nakasisigurado. Malakas ang kutob kong may something sa Mariano Villafuerte na iyon. Gusto kong malaman iyon bago ko siya bawian ng buhay.
"Okay." Sabi ni Riabelle saka nagtungo sa kanyang kwarto. Nilagpasan niya ako. Hindi ko siya nilingon. Kailangan ko talaga malaman kung sino ang taong iyon, before it's too late.