CHAPTER EIGHT

3322 Words
Nakaupo ako ngayon sa harap ng study table dito sa kwarto habang nakatingin sa larawan ni Mariano Villafuerte. Lalo tuloy sumakit ang ulo ko. I have so many things I need to focus on right now, dumagdag pa ito. Hindi ko na dapat pa iniisip to but I feel like, if I didn't do anything, it's too late. Muli ko nanamang inisip kung saan ko ba nakita ang lalaking ito. Sobrang lapit niya sa feeling ko. Napayuko ako. Kailangan ko ng mag-isip bago pa ang nakatakdang araw ng trabaho namin no Riabelle, sa sabado ng gabi.   Nakatungo lang ako sa table ko. Mag-aalas dose na ngunit wala parin akong alam na gagawin. Agad nag-pop up sa utak ko sina Mama. What if bisitahin ko kaya sila? I was about to stand up when I suddenly remember something again. Nung huling punta ko, may lalaki akong nakita sa puntod nila Papa and the surprising part is he knows that I am Sync. Paano kung nanduon ulit siya? I stand up and proudly go outside. I sense Riabelle's stares at me as I walk towards the door. She didn't ask a question. Hindi ko na rin siya pinansin. Basta ang alam ko lang ay nakatitig lang siya sakin.   Pumasok ako sa loob ng kotse at pinaandar ito. Mabilis akong umalis sa tapat ng bahay at nagmaneho papunta sa sementeryo. Medyo malayo lang ito at inabot ako ng ilang oras dahil iba na ang tirahan ko ngayon. Dumaan pa ako sa bilihan ng bulaklak para kahit papaano ay may madala naman ako para kina Mama at Papa.   Pagdati ko duon ay may pangilan-ngilan ding mga bumibisita. I parked my car. May mga nakikita pa akong bata na nagpalaro. Mga nakatira sa tabi ng sementeryo. Nagtungo na ako sa gate. Pagkatapos ay mabilis na rin akong nagpunta sa puntod nila Mama. Pinagmasdan ko pa ang paligid kung may ibang tao sa paligid. Baka kase makita ko nanaman ang lalaking iyon.   Nang nasa tapat na ako ng magkatabing puntod nila mama, nagulat ako ng makita ang ilang sariwang kandila at bulaklak. I sit down and look at those flowers and candles. Para bang may bumibisita dito araw-araw. Wala naman akong ibang kamag-anak dito. Si Kuya Steve lang ngayon na recently lang dumating. Pero imposibleng siya yun, di naman sila close nila Papa. Saka hindi siya maglalaan ng oras para lang dalawin sila Papa.   Huminga ako ng malalim. Wala naman akong ideya kung sino ang posibleng pupunta dito. Kinalma ko ang sarili ko at pilit inaalis ang mga problema sa utak ko. Sa ngayon, gusto ko munang magkaroon ng mapayapang isipan sa harap nila mama.   "Hi Mommy, Hi Daddy." I said. Last visit ko dito wala namang ganap. Hindi kami nakapag-usal ng maayos.   "If you're asking me if how's my life? Well, not really good and not really bad...." Inilapag ko ang kumpol ng bulaklak sa pagitan ng puntod nila Daddy. Although I kill so many people, I still have a heart. I'm a human.   "May bisita pala kayo dito palagi, at least kahit papaano may dumadalaw..." I said again. Alam kong mukha akong tanga dito dahil parang hangin lang ang kinakausap ko, but I feel them. I know they are here.   "I'm sorry.." mahina kong sabi. Kahit hindi na ako magpaliwanag, alam naman na siguro nila kung ano iyon. Malamang ay nakikita pa nila ako na ginagawa iyon. Muli kong inalala ang mga araw na kasama ko sila. Those memories is so precious. I was too young that time kaya hindi ko pa naiisip yung spend time with your loved ones because we don't know kung kailan sila mawawala. Kahit konting memories lang iyon, it's so precious to me.   Ilang oras pa akong tumambay sa harap ng puntod nila Mommy. Minsan nagkukwento ako ng ganap ko sa buhay gaya ng mga trabahong ginagampanan ko gabi-gabi. Minsan naman ay nakatulala lang ako.   I checked my wrist watch. It's 1pm. Hindi naman gaanong mainit dahil makulimlim ng konti. Pinunasan ko muna ang lapida nilang dalawa bago ako tumayo. Pinagpagan ko ang sarili ko saka muling huminga ng malalim.   "Bye Mommy and Daddy, see you next time." I said with a smile. Naglakad na rin ako palayo. May mga nakikita na rin akong naguuwian. Pagdating ko sa parking lot ay napansin kong wala na ang mga batang nagpalaro duon kanina. Malamang ay nagsiuwian na iyon dahil tanghaling tapat na. Oras na para matulog sa tanghali.   Nang makarating ako sa kotse ko ay pinatunog ko ito. Sasakay na sana ako ng matanaw ko sa hindi kalayuan ang isang pamilyar na lalaki. Pasakay siya sa kanyang black van. Napakunot ang noo ko. That man was Mariano Villafuerte. What is he doing here?   Mabilis akong sumakay sa kotse ko. Pinagmasdan ko ang mga galaw niya. Para bang may inaantay siya. What a coincidence. Sya ang next target namin pero kailangan ko muna makahanap ng sogot bago ko sya patayin. Kailangan ko iyon gawin. Ayokong makahalata si Riabelle dahil alam kong nasakay Clark parin ang tiwala niya.   Nakita kong sumakay si Mariano sa kanyang van. Pagkatapos nun ay nakita kong umalis siya. Agad kong pinaandar ang kotse ko at sumunod dito. I keep my distance para hindi niya mahalata. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya. I need an answers right now.   Patuloy lang ako sa pagbuntot. Hindi ko alam kung napapansin na nya ba ako o hindi. Wala na rin akong ideya sa lugar na pinupuntahan niya but it seems like so familiar to me. I feel like I've been here before. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa ang mga bahay ay parang hiwa-hiwalay na. Mula sa malayo ay natanaw kong huminto siya sa isang bahay. Nanlamig ako ng malaman ko kung kaninong bahay iyon. Dun ko naalala, it's our house way back when my parents are still alive. What is he doing there? Napakunot ako ng noo. Bumaba sya duon at pumasok sa bahay. He was with his bodyguards. Napailing tuloy ako.   Hindi ako bumaba sa sasakyan for at least 3 hours. Sa mga oras na iyon ay nakamasid lang ako sa kanila. Maya-maya ay lumabas na din si Mariano Villafuerte. May dala itong briefcase. Tumango siya sa isang bodyguard saka pumasok sa van. Luminga-linga pa ang mga ito bago sumunod. Pagka-alis ni Mariano Villafuerte ay bumaba ako sa sasakyan. Tumakbo ako papunta sa bahay namin. Naka-lock na ito ngayon. Paano siya nagka-susi?   I bite my lower lip as I look around. Meron kaming back door pero siguradong nakalock iyon. Ano namang sinadya ng Senator na iyon sa bahay namin?   Huminga ako ng malalim. Ayoko na rin namang pumasok pa ulit sa bahay na iyan. Umatras ako at naglakad papunta sa kotse ko. Mas lalo akong ginapangan ng curiosity ko. Nang dahil sa trabahong ito sa organisasyong iyon, mas lalo akong nakakaramdam ng curiosity. Alam kong mali iyon because curiosity kills the cat but I can't help it. I want an answer.   Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar iyon. Tiningnan ko pa sa huling pagkakataon ang bahay namin bago ako tuluyang umalis.   Third person's point of view   Tahimik na nakamasid sa maliit na bintana ang lalaking kanina pa nakatayo duon. Ginapangan siya ng kaba ng makita ang pamilyar na tao sa tapat ng bahay. Inaabangan nito ang susunod na gagawin ng babaeng iyon. Ngunit nadismaya siya ng makita itong umatras at naglakad palayo. Huminga siya ng malalim at naglakad patungo sa lamesa kung saan niya kinausap ang kaibigan. Mukhang tama nga ang kaibigan niya, may kutob na ang organisasyong iyon. Maaaring sa mga susunod na araw ay bigla nalang itong gumawa ng aksyon para ubusin sila.  Silang lahat na nakakaalam ng sikreto nito.   Itinaas niya ang isang bote ng alak habang nakatingin sa mga larawang nakadisplay duon. Napapailing nalang siya tuwing tumatama ang mata niya sa larawan ng isang batang babae. Nilapitan niya ang larawan at binasa ang pangalang nakadisplay duon.   "Zerrie Llana Marcos..." Basa niya sabay tungga sa bote ng alak. Muli siyang umiling at nagtungo sa ikalawang palapag. Duon ay maraming kwarto ang pwede niyang pagpilian. Pumasok siya sa kwarto kung saan siya namamalagi. Muli niyang inalala ang sinabi ng kaibigan.   "Nararamdaman ko ng ako na ang isusunod nila. Patay na si Alfred. Patay na rin ang isang whistle blower na kasama namin..." Wika ng kanyang kaibigan. Tumango tango siya.   "Anong sa tingin mo ang magandang gawin?"   "Meron silang bagong miyembro. Hindi ko pa alam kung sino siya ngunit mukhang hindi ito maganda. Sa balitang nakalap ko, magaling ang isang to..." Dahil sa sinabi ng kaibigan ay napangiti siya.   "Talaga?? Mukhang mahihirapan tayo sa bagong salta."   "Basta, mag-iingat ka. Kamusta na nga pala?" Muli silang nanahimik. Kahit hindi banggitin ng kaibigan ang tinutukoy nito ay para bang nagkakaintindihan na sila.   "Hinahanap ko parin siya..." Wika niya. Tiningnan siya ng kaibigan ng may lungkot sa mga mata nito. Alam niya ang pinagdaanan nito lalo na ang mga trahedyang sinapit nito sa buhay. Matagal na katahimikan ang bumalot sa kanila bago magpasya ang kaibigan na umalis na.   Hinatid niya ito ngunit hindi siya lumabas ng pinto. Iniabot niya rito ang isang briefcase na naglalan ng mga bagay o hakbang na kanilang gagawin. Hindi madaling kalabanin ang isang organisasyong may kapit sa gobyerno. Muling nagkatinginan ang dalawang magkaibigan na para bang ito na ang kanilang huling pagkikita.   Muli niyang nilagok ang isang buong bote ng alak hanggang sa maubos ito. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang isang tableta ng gamot. Tinitigan niya ito ng masama ng maalala kung saan ito nakuha.   Just be careful. Wika niya sa kanyang isip.   Zerrie's POV   Nakatulala lang ako habang nakatuon ang atensyon sa kalsada. Blangko ang utak ko. Hindi ko alam kung bakit. Ngayon ay nakagawa na ako ng plano. Naisip kong magimbistiga muna kami ni Riabelle. Nang sa ganon ay hindi siya maghinala sakin at magagawa ko pang alamin ang tungkol sa Mariano Villafuerte na iyon.   Ilang oras ay nakauwi na rin ako. Pasado alas-otso na ng gabi. Naabutan kong kumakain si Riabelle ng pizza. She look at me with amazed.   "Yow." Bungad ko. Tinaasan nya ako ng kilay saka lumapit sakin.   "San ka galing?" Pag-uusisa niya.   "Sa sementeryo." Pagkasabi ko ay hindi na siya nagtanong pa. Mukhang alam na niya ang ibig kong sabihin. Tiningnan nya muna ako sa mata bago tumalikod. Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.   "Ano nga palang plano?" Inaasahan ko ng itatanong niya iyan. Huminga ako ng malalim saka sinundan siya sa kusina.   "Gusto kong magimbistiga muna tayo." Tugon ko. Tumango siya saka may iniabot na briefcase. Kumunot ang noo ko dahil duon.   "What's this?" I ask. She waved her hands as if she's saying that 'why don't you look at it on your own?'. Binuksan ko ang briefcase at tumambad sakin ang isang baril, some chloroforms, and Balisongs. Tumingin ako sa kanya.   "As you said, we're going to investigate Senator Mariano Villafuerte..." Sambit niya ng may halong ngiti. Kinabahan ako. Hindi pa ako nakakahanap ng sagot bukod sa pagpunta niya sa bahay namin kanina. Paano kung plano ni Riabelle na patayin na si Mariano Villafuerte ngayong gabi? Hindi pa naman sabado.   "Why we need this? Diba sa Sabado pa?"   "Yes, but this is the easiest way to know the information. Let's go." Sambit niya at lumabas na. Napagtanto ko na kanina pa pala siya nakabihis at iniintay nalang ako. Napalunok ako ng muling tingnan ang briefcase na iyon.   Time check: 10:05pm   Nakaupo kami ngayon ni Riabelle sa kotse habang nakamasid sa van ni Mariano Villafuerte. May pinuntahan itong party ngayon at kasalukuyan kaming nandito. May mga bodyguards din sa paligid. Sinulyapan ko si Riabelle na ngayon ay busy na pagta-type sa kanyang laptop.   Muli kong ibinaling ang tingin sa van. Maya-maya ay nakita ko si Mariano Villafuerte na nagmamadaling umalis habang may kausap sa telepono. Tinanguan niya ang tatlo niyang bodyguards at saka sumakay sa van. Mabilis nitong nilisan ang lugar. May mga taong nagtataka pa dahil sa biglaang pag-alis ng Senator. Pinaandar ko na rin ang kotse at sumunod duon. Napatingin pa si Riabelle sakin at sa labas.   "They are gone." Sambit ko. Tumango siya at muling ibinaling ang atensyon sa laptop. Sinikap kong huwag mawala ang atensyon ko sa van nila kahit na malayo ang agwat namin.   "Everything is orderly fine." Narinig kong wika ni Riabelle saka ngumiti ng malaki. Napakunot ako ng noo. Ano nanamang ginawa ni Riabelle?   Nakabuntot lang kami sa kanila hanggang sa napansin kong papunta kami ngayon sa isang masukal na lugar. Sa pagkakaalala ko, ito yung daan patungo sa lugar kung saan kami nagpunta ni Sean Salvades. Mas lalo akong nagtaka. Tiningnan ko si Riabelle na ngayon ay nakangiti parin. Maya-maya ay huminto ang van ni Mariano Villafuerte sa abandonadong gusali. Tama nga ako, ito yung lugar na iyon. Inihinto ko ang sasakyan mula sa malayo. Nakita kong may bumabang isang bodyguard ay pinagmasdan ang paligid. Saka siya sumenyas sa loob. Nakita kong bumaba si Riabelle sa passenger side.   "What are you doing?" Bulong ko sa kanya. Pinakita nya sakin ang laptop nya. Duon ko narealize na pakana nya ito. She hacked something para mapapunta sila dito. For what reason?   Hindi na niya ako pinansin at naglakad na patungo sa pwesto nila. Napailing ako at bumaba. I wear my hoodie and mask. Sumunod ako kay Riabelle. Nakita kong nakababa na pala si Mariano Villafuerte. Ngayon ko nakita ng malapitan sa personal ang itusra niya. Nakaramdam nanaman ako ng something familiar. Para bang hindi ito ang una naming pagkikita.   Humarang sa harap ni Riabelle ang dalawang bodyguards. Tiningnan nila ni Riabelle ng masama. Sa sitwasyong ito, mukhang si Riabelle ang leader samin.   "Would you mind Mr. Senator?" Malambing na wika ni Riabelle. Nakita ko ang kaba sa mukha ni Mariano Villafuerte sabay tingin sakin. Kahit madilim ay kita ko sa mata niya ang takot, kaba, at galit. Inilipat nya muli kay Riabelle ang tingin saka tumango. Nauna nang maglakad si Riabelle papasok sa abandonadong gusali. Sumunod silang apat sa kanya. Nasa pinaka huli nila ako. Nakalagay ang baril ko sa pagitan ng pantalon ko at ng aking waist. Habang ang balisong naman ay nakalagay sa bulsa ko.   Pagpasok sa loob ay may nakahandang upuan at lamesa duon. Naupo si Riabelle sa kanan at si Mariano Villafuerte sa kaliwa. Nakatayo lang ako sa likod ni Riabelle habang ang mga bodyguards niya ay sa likod naman ni Mariano.   "Ano nang pag-uusapan natin?" Tanong ni Mariano. Tiningnan nya ako. Iniwas ko ang aking paningin. Ayokong may maka-alam ng totoo kong pagkatao.   "Siguro naman, may ideya ka Mr. Senator."  Tanong pabalik ni Riabelle. Napapikit si Mariano ng mariin.   "Hindi ibig sabihin na hindi ako active sa organisasyon nyo ay tumatalikod na ako. May mga bagay lang talaga na importante. Kailangan kong unahin." Taas noong sagot ni Mariano. Tiningnan siya ni Riabelle sabay tawa.   "Ano bang sinasabi mo? Gusto ko lang itanong kung may ideya ka ba sa bagong proyekto ng organisasyon..." Nakangiting wika ni Riabelle. Nagulat si Mariano dahil sa sinabi ni Riabelle. Muling nagseryoso ang mga mata ni Riabelle.   "Kung ganon, wala.." muli niyang tugon. Halata na sa mukha ni Mariano ang kaba. Napatingin si Riabelle sa mga bodyguards na ngayon ay mukhang naghahanda na sa pagbunot ng baril.   "By the way, I'm with our greatest assassinator. So don't you dare to try something wrong." Sabi ni Riabelle. Tumingin na silang apat sakin ngayon. Para akong natutunaw sa mga tinging iyon.   "Isa pa, pinasasabi ni Clark, you are out." Diretsang sambit ni Riabelle. Mukhang alam na ng Senator ang sinabing iyon ni Riabelle kaya naman mabilis itong bumunot ng baril.   "Huwag nyo kong subukan. Alam ko lahat, lahat-lahat...." Ikinasa niya iyon at itinutok sa ulo ni Riabelle. Isinuksok ko ang aking kamay sa kaliwa kong bulsa upang abutin ang balisong. Nakatingin naman sakin ang tatlo niya bodyguards sabay tutok ng baril. Napangiti lang si Riabelle. Tumayo siya saka kinuha ulit ang laptop.   "Alam mo, wala naman kaming pakialam e. Masyado nang maraming nalalaman ang utak mong iyan. It's time for you to rest." Sabi ni Riabelle. Lumingon siya sakin saka kumindat. Napakunot ako ng noo.   "Ako na bahala sa tatlo, just kill the Senator." Bulong ni Riabelle sa aking tenga. Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nag-alinlangan. Hindi ko alam kung paano ko siya papatayin. Para bang ang lapit niya sa puso ko dahil sobrang pamilyar niya sakin. Naba-blanko ako.   Inilabas ko sa bulsa ko ang balisong. Iwinasiwas ko ito sa ere upang lumabas ang patalim. Nagkatinginan kami ng Senator. Maya-maya ay lumapit sakin ang isang bodyguard. Mabilis niyang nasipa ang hawak kong balisong. Napapikit ako dahil sa sakit na naramdaman ko ng tumama ang sapatos niya sa aking kamay. Napahiyaw ako sa sakit at dahil duon, napabagsak ako. Mabilis akong sinugod ng bodyguard na iyon. Mabuti nalang at naka-ilag ako papunta sa kaliwa. Tumayo ako agad habang iniinda ang sakit sa aking kamay. Mabilis ding nakabawi ang isang ito at mabilis na pumunta sa pwesto ko. Napapailing nalang ako. Hindi ako ito. Hindi ako ito na nakakaramdam ng sakit.   Mabilis ang bawat suntok at galaw niya. Lahat ng iyon ay naiilagan ko. Panay depensa lang ang ginagawa ko. Wala pang laman ang utak ko kung paano siya lalabanan. Panay ang atras ko habang siya ay panay lapit sakin habang sinisipa ako. Minsan ay tinatamaan ako sa balakang, binti o tuhod.   "Akala ko ba greatest assassinator ka? Bakit di ka lumaban?" Tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. I am, Sir. Hindi ko lang maintindihan, wala paring pumapasok na ideya sa utak ko.   Patuloy lang na ganon ang sitwasyon ko ng maramdaman ko ang baril na nakaipit sa pantalon ko. Mabilis ko iyong binunot at ipinutok sa kanyang binti. Dahil dun ay agad siyang bumagsak at namilipit sa sakit. Huminga ako ng malalim at mabilis na lumapit sa kanya. Muli kong kinasa ang baril at ipinutok iyon right in his chest. Mabilis siyang nilagutan ng hininga. Nanatili lang ang mata ko sa bodyguard na ito habang ang dugo nito ay patuloy na gumagapang sa sahig. Narinig ko rin ang dalawang sunod na putok ng balir mula sa pinakaloob ng gusali.   "Adios." Sambit ko. Medyo naramdaman ko ang pagod ngunit hindi pa pala duon nagtatapos ang laban ko. Nakarinig ko ang kasa ng baril sa aking likuran. Mukhang alam ko na kung sino siya.   "Huwag kang gagalaw. Kung hindi, papatayin kita." Sabi niya. Napangiti ako. Narinig ko na iyan sa mga action films na napanood ko. Humarap ako sa kanya. Napa-atras siya sa ginawa ko. Mas idiniin niya ang pagtutok niya ng baril.   "Papatayin talaga kita." Sabi nya pa.   "Then do it." Sagot ko. Nagulat siya ng marinig ako. Hindi ko alam kung bakit. Ngunit binaba niya ang baril. Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. What the heck?!   "C'mon, do it." Muli kong sinabi. Ngunit nakatitig lang siya sakin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng marinig ako.   "Ikaw si...." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Ngunit hindi na niya natapos ang sasabihin ng tumama ang isang bala ng baril sa kanyang ulo. Tumalsik ang dugo nito sa aking mukha. Napakurap ako dahil sa gulat. Agad siyang bumagsak. Nanatili lang ako sa posisyon ko ng marinig ang paglapit ng isang tao sa likod ko.   "Ang tagal Sync, ang tagal." Narinig kong wika ni Riabelle sabay sipa sa tagiliran ni Mariano Villafuerte. Parang tumigil sa pag-process ang braincells ko. Ang mga salitang binigkas niya kanina, hindi kaya.....   "Let's go. Ilang oras lang ay darating na ang mga pulis." Narinig kong sabi ni Riabelle. Nauna na siyang maglakad. Sa pagkakataong to, tiningnan ko si Riabelle habang naglalakad palabas. Anong problema nito?   Hindi nga nagtagal ay may dumating na mga pulis. May mga media din. Natapos na rin ni Riabelle linisin ang mga dapat linisin. Mula sa malayo ay nakamasid kami sa mga nagaganap. Nakita kong inilalabas ang bangkay ng Senator habang panay picture ang mga nasa media. Napapailing ako. Wala manlang akong nakalap na ibang information tungkol sa kanya. Ngunit ang mga salitang binanggit niya, medyo kakaiba.   "Tara na Sync." Mahinang wika ni Riabelle. Tinanguan ko siya saka umalis duon.   "Bakit wala ka sa sarili mo ngayon?" Bulalas niya. Hindi ko magawang tumingin sa kanya.   "Paano mo nasabi?"   "Madali nalang sayo patayin yung Mariano Villafuerte na iyon. Bakit inabot ka pa ng ilang minuto?"   "Kase yung isang bodyguard---"   "Kahit na!" Natigilan ako sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim saka itinuon nalang ang atensyon sa kalsada. Hindi na rin nagsalita pa si Riabelle. Ayokong makahalata siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD