KINABUKASAN, walang laman ang balita tungkol sa pagkamatay ni Senator Mariano Villafuerte. Paniguradong panibagong problema nanaman ito ni Lexin. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti tuwing iniisip ko ang kanyang mukha sa tuwing problemado siya. Dahil duon, kinuha ko ang cellphone ko at nagtext sa kanya. Kinumusta ko lang siya at sinabing may problema nanaman siya. Hindi na ako umaasa na magrereply iyon pabalik.
Muli akong humiga sa kama. Nakatitig ako sa kisame ng tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako. Ambilis naman magreply ni Lexin. Kinuha ko iyon at sinagot.
"Congratulations..." Napakunot ako ng noo. Tiningnan ko ulit ang tawag. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na si Syncro iyon. I didn't activate my voice changer. Napapikit ako ng mariin.
"Job well done sa pagkakapatay mo kay Mariano..." Muli niyang sabi. May halong sarcasm ang pagkakasabi niya. Nanatili lang akong tahimik. Hindi ako sumagot. Ganun din ang ginawa niya ngunit nagsalita ulit siya.
"Who's next?" He asks. I bite my lower lip while waiting for his next words. I heard him chuckled. Medyo nairita ako sa tawa niya.
Mabilis kong pinatay ang tawag. Inilagay ko iyon sa loob ng cabinet. I didn't kill Mariano. Medyo naiinis ako. Tama si Riabelle, that was supposed to be easy for me. Kahit pa nanduon ang bodyguard niya.
Muli akong humiga. Tuwing iniisip ko ang itsura ni Mariano at ang huli niyang sinabi, para akong nakakaramdam ng kakaiba. What if kilala nya ako through my voice? But how it is possible? I don't know him, I don't know him personally. Ang masasabi ko lang ay nararamdaman kong may kaugnayan kami. Parang matagal ko na siyang kilala or whatsoever. Pero huli na ang lahat. He's already dead.
Maya-maya ay muli nanaman akong nakaramdam ng antok. Hindi ko na rin napigilan iyon dahil wala naman akong gagawin. Hindi ko alam kung ilang oras na ang nagdaan ng muli akong magising. Medyo madilim na sa labas. I get my phone. Nakita kong may text message duon from Lexin. Napangiti ako. Agad ko siyang nireplayan. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Ngunit nagtaka ako ng wala manlang akong makitang Riabelle sa paligid. Wala pang pagkain sa kusina, patay din ilaw sa sala. San naman iyon nagpunta? Nagtungo ako sa labas. Wala rin si Riabelle duon. San naman nagpunta ang batang iyon? Gabi na.
Muli akong umakyat at nagpunta sa kwarto niya. Hindi iyon nakalock. Pagpasok ko ay wala ring senyales na naduon siya. I was about to leave ng makita ko ang isang piraso ng papel sa ibabaw ng lamesa niya. Kunot noo akong naglakad patungo duon. Nagulat ako ng makita ko kung ano iyon. Isa itong larawan. Sa tingin ko kay group photo ito na para bang sa reunion. May mga tao ding nakasuot ng lab coat. Ang iba naman ay naka suits. Medyo luma na ito pero kung titingnan ng maayos ay makikita rin ng malinaw ang mga nandito.
Pinagmasdan ko isa-isa ang mga nasa larawan. Hindi pamilyar sakin ang mga ito ngunit isang tao ang hindi ko inaasahang makikita ko. Nakangiti siya ng malaki habang naka-akbay sa isa pang lalaki na nakasuot ng lab coat. Lalong kumunot ang noo ko. What does it mean? Anong ginagawa ni Daddy dito? Wala akong matandaan na nagtatrabaho si Daddy bilang isang Doctor or scientist or anything. Muli kong tinitigan mabuti ang larawan. Positive! Si Daddy nga talaga. What the heck?!
Kinuha ko mula sa aking bulsa ang cellphone ko saka kinunan ito ng larawan. Alam kong anytime ay darating na si Riabelle. Ayokong maabutan niya ako. Pagkatapos ay lumabas na ako. Punong-puno ng tanong ang utak ko. Dumiretso ako sa kwarto. Nalulunod nanaman ako sa dami ng iniisip ko. Bakit nanduon si Daddy? Bakit mayroong larawan na ganon si Riabelle? Sino ka ba talaga Riabelle? Ngayon ay nagdududa na rin ako sa pagkatao ni Riabelle. Pinagmasdan ko mula sa cellphone ko ang larawan. Hindi ako pwedeng magkamali, sa Daddy talaga ito. Hindi ako makapaniwala.
NANG gabi ding iyon, hindi pa umuuwi sa Riabelle. Sinamantala ko ito at lumabas. Isang lugar ang gusto kong puntahan. At kumalap pa ng kasagutan. Sa The Coetus.
Pinaandar ko na ang kotse ko at nagtungo duon. Inabot ako ng ilang oras. Inihinto ko ito sa malapit na gasoline station. Ipinarado ko ito tumawag ng taxi upang pumunta duon sa lugar. Hindi ko ito ipinahinto sa saktong lugar ng Coetus. Bumaba ako sa medyo masukal na parte ng lugar. Gusto kong pumasok dito ng lihim. Dito ako nakakita ng mga naka lab coat. Maaring dito rin galing iyong picture na yon.
Naglalakad ako sa madilim na gubat dito. Dahan-dahan ang lakad ko at nag-iingat na makagawa ng tunog. Posible kaseng may ibang tao na nagbabantay sa paligid. Hindi nga ako nagkamali. Malayo pa aki sa The Coetus ay may mga mangilan-ngilang lalaki ang may hawak na flashlight habang lumilinga-linga. Agad akong nagtago sa isang malaking puno ng itutok niya ang Flashlight sa posisyon ko. Pinakikiramdaman ko ang kanyang pagkilos. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong pinagmamasdan niya ang paggalaw sa pwesto ko. Maya-maya ay naglakad siya ng dahan-dahan patungo sa pwesto ko. Agad kong hinanda ang aking sarili. Mula sa likod ng puno, alam kong ilang hakbang nalang ay malapit na siya sa pwesto ko. Hindi nga ako nagkamali, nasatabi ko na siya. Pero dahil hindi ko pa siya nakikita, agad kong sinipa ang kamay niya dahilan para malaglag ang flashlight. Mabilis siya lumingon sakin ngunit agad ko din sinipa ang binti niya dahilan para matumba siya.
Agad ko siyang dinaganan at binali ang kanyang leeg. Wala na siyang buhay ng bitawan ko siya. Muli akong naglakad ng dahan-dahan patungo sa likurang bahagi ng mansyon. May pangilan-ngilan akong nakikita na nagmamasid-masid sa paligid pero di ko na iyon pinansin.
Nakapasok ako ng mansyon ng wala manlang nakakapansin sakin. Good thing walang CCTV sa paligid. Bakit kaya? Masyado ba silang tiwala sa kakayahan ng mga tauhan nila?
Medyo madilim sa loob pagpasok ko. May mga parte lang dito ang may ilaw. Naglakad ako ng dahan-dahan. Bawat kwarto ay chineck ko ang loob. Nakakapagtaka dahil wala namang tao ang mga iyon. Nakarating ako sa left wing na mansion. Dito ko nakita na may pangilan-ngilan ding mga tao na nakasuot ng lab coat. Nagtago ako sa isang kwarto ng makita kong papalapit na sila sakin. Wala akong ideya kung bakit puro kwarto ito at parang ospital ang itsura. Never pa ako nakakapunta sa gawing ito. Puro sa second floor lang at duon sa event hall.
Pagpasok ko sa kwarto ay may nakita akong taong nakahiga sa puting kama. Nakasuot ito ng hospital gown. Namumutla na ang itsura nito pero ramdam kong natutulog lang siya. Nilapitan ko ito at pinagmasdan maigi. Anong ibig sabihin nito? Bakit may mga ganito sa mansyon ito? Ano bang ginagawa ng organisasyong ito?
Naglakad ako paikot sa buong kwarto. Walang ibang gamit. Tanging kama lang at mga machine na nakaconnect sa katawan ng pasyente. Pinakiramdaman ko kung may mga tao pa ba sa labas. Ngunit nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang Doctor. Hindi pa niya ako napansin dahil nakatingin ito sa kanyang gadget. Dahan-dahan akong umatras at inobserbahan ang gagawin. Nakatayo na ako ngayon sa likuran niya. Isinarado ko ang pinto at mabilis na ni-lock.
Nakita kong may kinuha siya sa bulsa. Isang syringe na may liquid sa loob. Itinusok niya iyon sa braso ng pasyente. Nakita kong nangisay ang taong iyon at mabilis ding binawian ng buhay. Umiling-iling ang Doctor at saka kinalikot muli ang gadget. Pagharap niya sakin ay nanlaki ang mata niya ng makita ako. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon pang gumawa ng ingay dahil mabilis ko siyang sinipa sa panga dahilan para bumagsak siya. Inabot ko ang isang cord na malapit sa machine saka ipinulupot sa leeg ng Doctor. Nakita kong nagpupumiglas siya dahil sa hirap na nararamdaman. Ilang segundo ay naramdaman kong bumigay ang katawan niya, senyales na wala na itong buhay.
Agad akong tumayo at tinanggal ang lab coat niya at isinuot ko ito. Kinuha ko rin ang gadget niya. Dahil babae ang Doctor na ito, wala naman makakapansin kung magbago ang itsura niya. Isa pa, meron itong mask kaya walang makakakita sakin.
Lumabas ako ng kwarto na parang walang nangyare. Huminga muna ako ng malalim at naglakad sa direksyon kung saan nanggagaling ang mga Doctor kanina. Papunta ito sa basement pero mukhang underground floor ito. Habang naglalakad ako pababa, mas lalong madaming Doctors ang nakikita ko. Mas lalo tuloy akong ginapangan ng kuriyosidad.
Nang makarating ako sa dulo ng hagdan ay bumungad sakin ang napakalawak na paligid. Punong puno ito ng mga hospital bed. Ang iba ay parang clinic at ang iba ay parang manufacturing. Napakunot ako ng noo. Ano bang ginagawa ng organisasyong ito? Paano nila nagawang mag-establish ng ganito ng hindi nasisita ng gobyerno?
Duon ako natigilan. Kaya ba puro nasa gobyerno ang kasali ng organisasyong ito ay dahil dito? Ano bang meron sa mga ito? Bakit parang hindi ito maganda? Nanatili lang akong nakatitig sa buong paligid. Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako kinabahan at kinilabutan ng ganito. Bigla kong naalala ang gamot ni binigay sakin dati ni Riabelle, pati na rin ang gamot na tinutukoy ni Syncro, at ang gamot na nakita kong hawak ulit ni Riabelle nung isang araw. Ito na ba iyon? Ito na ba ang tinatago ng organisasyong ito, o meron pa akong hindi nalalaman? I want answers. Alam kong hindi ko dapat ginagawa ito ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto ko pa ng kasagutan.
Nakatulala lang ako ngayon habang pinagmamasdan ang buong paligid ng isang mahigpit na hawak mula sa braso ang naramdaman ko. Nagulat ako ng makitang may humatak sakin patungo sa likod ng isang malaking container. Hindi ko kita ang mukha niya. Nakamask siya gaya ko.
"Hindi ka isa sa mga Doctor, hindi ba?" Mahina niyang sabi. Kinabahan ako ng sabihin niya iyon pero hindi ko ito ipinahalata. Pinanindigan ko ang matibay kong pagkakatindig at tiningnan siya sa mata. Medyo matangkad ang lalaking ito sakin. Idagdag mo pa ang sobra niya lapit sakin dahil masikip ang pwesto namin.
"Itigil mo na ito Miss, mapapahamak ka lang." Sambit niya. Napakurap ako at saka mabilis siyang umalis sa harap ko. Wait, pano niya nalaman na hindi ako isa sa mga Doctors? At bakit nya yon nasabi? Don't tell me hindi din sya Doctor? Natawa ako sa iniisip ko. Mas lalo pa akong napangiti ng maramdaman ko sa kaniya ang presensya ng isang pulis. Mabilis lang sakin maramdaman ang presence ng isang pulis. Napailing ako.