CHAPTER TEN

2070 Words
WARNING: MAY SPG PART ITO. (medyo slight lang pala)   HALOS tatlong araw akong hindi naglalalabas ng kwarto. Pagkatapos kong kumalap ng impormasyon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Medyo hindi na rin ako komportable kay Riabelle. It was past 2pm at nakaupo nanaman ako sa kama. Kagagaling lang dito ni Riabelle para dalhin yung hinihingi kong gamot. Idinahilan ko nalang sa kanya na may sakit ako.   Hindi na rin ako nagtanong sa kanya kung saan sya galing nung isang araw. Alam ko rin naman di nya sasabihin iyon sakin. Napailing nalang ako. Paniguradong nagkita sila ni Clark. Medyo iniiwasan ko ring magkausap kami ni Riabelle. Hindi dahil sa ayaw ko sa kanya, ayoko lang magtanong. Traydor ang dila ko. Mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko at matanong ko sa kanya ang litrato sa kwarto niya.   Muli ko iyong tiningnan. Isang ideya ang pumasok sa isip ko. Alam ni Daddy ang organisasyong ito. Alam niya ang sikreto ng organisasyong ito at lalong alam niya na mapanganib ito. Alam kaya ito ni Mommy? Alam kaya niya na may ginagawang ganito si Daddy? Napapikit ako sa dami ng tanong na umiikot sa utak ko.   Humiga ako sa higaan at muling tinitigan ang litrato. Sa oras na ito, pinagmamasdan ko isa-isa ang mga nanduon. Medyo nasa isang daan ang mga iyon kaya medyo maliit lang. Kailangan mong titigan maigi para makita ang itsura. Sa kakatitig ay pumukaw ng atensyon ko ang larawan ng lalaking naka-suit. Kahawig niya si Mariano Villafuerte. Napabalikwas ako ng bangon. What is he doing here? Napakagat ako sa ibabang labi ko. I have a bad feeling about this.     LUMIPAS ang isang araw. Medyo hindi kami nagpapasinan ni Riabelle. Hindi ko rin alam kung bakit. Hanggang ngayon kase ay hindi niya alam na nagpunta ako sa The Coetus nung isang araw. Nalaman ko rin mula sa kanya na nagkaroon ng problema. May natagpuan daw na patay sa kakahuyan at isang Doctor naman sa kwarto ng isang pasyente. Hinihinalaang nagpanggap ito bilang isa sa mga Doctor. Medyo nakaramdam ako ng ilang nang ikwento ito ni Riabelle.   Maghahapunan ng muli kaming magkita ni Riabelle. Nakaluto na siya. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa gagawin namin sa last victim namin. Pero ngayon ay io-open ko na iyon para matapos na ito.   Pagdating sa dining room ay agad na akong umupo. Ngayon ko lang narealize na nakakahiya pala na siya ang palaging nagluluto. Para ko na tuloy siyang katulong. Nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti siya. I raised my left eyebrow. Anong nginingiti-ngiti niya?   "What?" I ask. Umiling siya saka tumawa. Nababaliw na ba sya? I rolled my eyes as an answer.   "Sorry sorry. Ang awkward kase e..."   "Mas lalong awkward kase tumatawa at ngumingiti ka ng walang dahilan." Sambit ko. Nagseryoso siya ng mukha at tumitig sakin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya.   "Ano nanaman?"   "Ano nang plano?" Wika niya. Duon ko narealize na ginawa nya lang iyon para maalis ang ilang namin sa isa't isa. Kahit saang anggulo tingnan, bata parin siya. Nginitian ko siya saka tumikhim.   "Ngayong gabi?" Tanong ko. Sumilay ang ngiti sa labi niya. Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin. Matapos kumain ay naghanda na ako. Si Riabelle lang ang sinusundan ko dahil alam niya kung saan matatagpuan ang huli naming victim: si Prifano Lee. Isang negosyante na kilala ngayon dahil potektado ng gobyerno. Sa pagkakaalam ko, medyo may illegal sa mga business niya ngayon.     Habang nagsasalita si Riabelle tungkol sa gagawin naming hakbang, hindi mawala sa isip ko kung paano ako kikilos. Bukod kase sa ginagawa kong ito, kailangan ko ring makahanap ng kasagutan sa mga tanong ko. Pakiramdam ko ay wala pa ako sa kalahati ng aking nalalaman. Ilang oras lang ay nakarating na rin kami sa lugar kung saan ay makikita daw namin si Prifano Lee. Isa itong handaan na puro mayayaman lang ang nandito. Mabilis din naman naming nakita si Prifano. Nasa kanya kase ang atensyon ng mga tao dito kahit hindi siya ang bida. Nakasuot kami ni Riabelle ng pang staff. Hindi ko alam kung paano siya nagawa ang ganito pero ang masasabi ko lang ay mahusay sya.   "Sync.." narinig kong bulong niya sakin. Tiningnan ko siya. May kinuha siya sa kanyang bulsa at inabot ito sakin. Nagulat ako ng marealize na ang gamot na iyon ay ang gamot na pumatay kay Maricar. Seryoso ang mukha niya kaya di ko na nagawang magsalita. May papatayin nanaman ako gamit ang gamot na ito. Third Person's Point of View   Kasalukuyang nag-uusap sina Prifano at ang ibang kasosyo sa negosyo. Kaarawan ngayon ng kanyang kaibigan na nagtatrabaho bilang Head ng Police Force. Nandito din ang iba nitong katrabaho lalo na ang mga bata nito sa unang dibisyon.   "Masyado ka nang busy, akala ko ay hindi kana pupunta.." Saad ng kaibigang pulis. Napangisi siya.   "Ikaw pa ba? Malakas ka sakin e." Sagot ni Prifano. Ngumiti ulit siya sa kaibigan kahit halata sa kanya ang pagiging tensyonado. Hindi narin niya maiwasang lumingon-lingon sa paligid. Alam niyang kahit anong oras ay nandito na ang mga taong papatay sa kanya. He's aware of the organization's game. Lalo na kapag ramdam nila ang panlalamig mo sa grupo. Alam niya iyon lalo ng dahil kay Senator Mariano Villafuerte. Wala pang lead ang pulisya sa pagkakamatay ng Senator pero alam niyang hindi lang siya ang nag-iisang nakaka-alam ng katotohanan.   "Punta lang akong CR." Sabi ni Prifano. Tumango siya sa kaibigan at tumalikod na. Naglakad siya patungo sa CR. Mabuti nalang at walang tao duon. Ni-lock niya ang pinto. Ngayon ay wala nang pumapasok sa isip niya. Tanging takot ang nararamdaman niya. Gusto nya mang magsumbong sa mga pulis ay para bang may pumipigil sa kanya. Ayaw niyang mawala ng isang iglap ang mga negosyong pinaghirapan niya. Binuksan niya ang gripo at naghilamos. Kailangan nya na sigurong tanggapin ang alok ng taong iyon. Ang alok na pagiging ka-anib nila para siya ay protektahan, kapalit ng nalalaman niya sa The Coetus.   "Baka gusto mo ng maiinom, pampakalma." May halong sarcasm na pagkakasabi ng isang nilalang sa loob ng CR. Nagulat siya dahil hindi niya napansin na may tao pala sa loob.   "Ang lalim naman po ng iniisip nyo, Sir." Malanding wika nito. Napalunok siya ng makitang lasing na ang babae dahil sa itsura nito. May hawak itong dalawang bote ng alak.   "Ahh, i-ikaw lang ba m-magisa?" Napakagat ng labi ang babae saka dahan-dahang naglakad patungo sa kanya. Napa-atras siya dahil dito.   "Hmm, hindi na. 'Coz I'm with you na e." Mas lalo pang lumandi ang tinig nito habang tinutungga ang isang bote ng alak. Naisip ni Prifano na sa pamamagitan nito ay baka makalimutan nya muna kahit saglit ang mga problema. Sinimulan na niang tingnan ng malagkit ang dalaga saka lumapit dito. Silang dalawa lang ngayon sa loob ng CR. Mabuti nalang at ni-lock niya ang pinto.   "Want some.." Alok ng dalaga sa kana. Tinanggap niya ang isang bote ng alak at mabilis itong ininom. Napapikit siya sa tapang ng alak.   "Can you really do this, here?" He ask. Umaktong nag-iisip ang dalaga saka tingnan sya ng malagkit.   "Mas challenging kapag dito." Bulong nito sa kanya. Agad ginapangan ng kakaibang sensasyon si Prifano. Agad niyang hinawakan sa baywang ang dalaga at pwersang inilapit sa kanya. Hahalikan na sana niya sa labi ito ng umiwas ang dalaga. Kumunot ang noo niya pero nawala din iyon ng makitang iinom lang pala ng alak ang dalaga. He do the same. Ayaw niyang magpatalo sa dalaga. Halos nasa kalahati ang nabawas sa kanyang bote. Ngumiti sa kanya ang dalaga. Hindi na nagsayang ng oras si Prifano. Hinalikan na niya ito sa leeg. Napaliyad ang dalaga dahil sa marahas nitong pagdampi ng labi sa kanang leeg. Kasabay nun paglalakbay ng kamay ni Prifano patungo sa kanyang dibdib. Napakagat ng labi ang dalaga.   "Challenging pala ah.." Bulong sa kanya ni Prifano. Tiningnan lang ito ng dalaga at yumakap ng mahigpit dito. Mabilis na bumaba ang halik niya sa balikat niya. Ang kamay naman ni Prifano ay dumausdos papunta sa kanyang puwetan. Napailing ang dalaga. Bumaba ang halik ni Prifani sa dibdib niya at saka ito humalik na parang walang bukas. Hindi malaman ng dalaga kung saan itutuon ang ulo dahil sa ginagawa ng mapusok na ginoo. Hinahayaan nya lang ito hanggang sa dumating ang oras na hinihintay niya.   Hindi nga nabigo ang dalaga. Habang ang isang kamay ni Prifano ay nasa kaliwang dibdib ng dalaga at ang isang kamay ay nasa kanyang hita, agad nakaramdam ng hilo ang Ginoo. Dahil dito, huminto sila sa kanilang ginagawa.   "What's wrong? Is there a problem?" May halong pag-aalala sa boses ng dalaga. Umatras si Prifano sabay hawak sa leeg. Para bang nanunuyo ang lalamunan niya at uhaw na uhaw.   "Tu....big..." mahina ngunit may garalgal na sabi niya. Nakatayo lang ang dalaga habang nakatingin sa kanya. Itinaas niya ang kamay niya upang abutin ang baae ngunit hindi na niya nagawa pang humakbang. Para bang hinatak ng malakas na gravity ang kanyang tuhod dahilan para bumagsak ito sa sahig. Naglakad ang babae patungo sa sink upang maghilamos.   "Goodbye. I really like those kisses. Sweet dreams." May halong landi sa boses ng babae. Hindi niya alam kung saan nagtungo ang babae. Unti-unting lumabo ang kanyang paningin hanggang sa hindi na siya nakahinga. Zerrie's POV   "Mukhang may kailangan pang proseso..." Narinig ko si Riabelle na bumubulong sa gilid. Kasalukuyan akong nagmamaneho patungo sa The Coetus. Isang araw na ang lumipas ng mapatay ko si Prifano. Medyo lutang parin ako hanggang ngayon dahil sa mga nangyare.   Tumikhim ako upang tumigil siya sa kakabulong. Naririnig ko naman kase. Napatingin siya sakin saka itinaas ang kanang kilay. Napailing nalang ako at muling itinuon ang atensyon sa kalsada. tatlong kilometro nalang ang layo namin. Tanaw na namin ang bubungan ng Mansion.   "Sync, I'm really sorry about that---" Agad ko siyang pinutol sa pagsasalita. Ayokong maalala iyon. Nakakadiri.   "It's okay. Look, I'm still a virgin." Wika ko. Tumawa siya sa sinabi ko. Wait, do I look like making a joke?   Ilang minuto ay narating na rin namin ang mansion. May ilang sasakyang nakaparada dito. Naunang bumaba si Riabelle ng makita sa pintuan ng mansion si Clark. Mukhang kanina pa siya nag-iintay. Agad niyang hinalikan si Riabelle. Naalala ko nanaman ang kalandian ko nung isang gabi. Naglakad ako patungo sa kanila. Nang makita ako ni Clark ay ngumiti siya sakin, nang may halong pang-iinis.   "Yow, Sync." Wika ni Clark. Hindi ko sya inimikan Inaantay kong papasukin nya na kami. Mukhang nakaradam naman siya kaya inimbita na niya kami sa loob. Hindi ko nilingon ang kung sino mang nakakasalubong namin. Ayoko munang dumikit sa mga taong ito, lalo na ang mga lalaki.   Gaya ng dati, nagtungo kami sa opisina niya. Walang pinagbago ito. Ganun parin. Gayon din si Riabelle na dumiretso sa palagi niyang pwesto. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto.   "I heard of what happens to yo---"   "Is there any job na?" Pagputol ko sa sinasabi niya. Natahimik si Clark. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Sana naman makaramdam siya.   "Meron. But this time, you need to find this man first. Wanted sya ngayon sa amin." Sambit niya. Nagkatitigan kaming dalawa. Anong ibig niyang sabihin?   "Find this man.." Sabay abot niya sakin ng isang larawan. Nang tingnan ko ito ay napakunot ako. Saan naman namin hahanapin ang taong to? Picture lang yung binigay niya.   "Eto lang?" Tanong ko kay Clark. Tumango siya saka inabot ang isang kaha ng Tabaco. I sigh. Seriously? Masyado naman tong mahirap. Hindi naman tagahanap ng nawawalang tao ang trabaho ko.   "Okay." Sambit ko. Gulat na napatingin sakin si Clark.   "A-Are you sure? Hindi talaga ako nagkamali sa pag-hire sayo." Nakangiting saki niya. I look at him with whatever-look. He chuckle then look at Riabelle. Nakatayo na ito papalapit samin. tinanguan siya ni Clark. Pinagmasdan ko sila pareho. Nauna nang lumabas si Riabelle. Sumunod na ako sa kanya. Tahimik nanaman kaming naglalakad sa hallway palabas. May pangilan-ngilan kaming nakakasalubong. Hindi ko ito tinitingnan. Sa mga paa ko lang ako nakatingin. Ano kayang kasalanan nito. Bakit wanted sya dito? Bakit pinapahanap sya ni Clark.   Sa kakalakad ko habang nakatingin sakin paa, hindi ko inaasahang makabunggo ng tao. Nalaglag ang dala niyang gamit. Agad ko siyang tinulungan. Hindi ko siya tiningnan. Medyo madaming papel ang dala niya. Nang makuha ko na ang mga iyon, saka ko inabot sa kanya.   "I'm sorry---" Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ito. Hindi pa siya nakatingin sakin dahil sa pag-aayos niya ng mga papel. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nagtaasan ang balahibo ko sa kaba. Mabilis kong nilaglag sa sahig ang mga papel saka umalis. Naramdaman ko ang paglingon niya sakin. Kinakabahan ako. Bakit nandito si Kuya Steve?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD