CHAPTER ELEVEN

2714 Words
NAG-IIMPAKE na kami ni Riabelle. Meron na daw syang lead kung saan makikita ang lalaking pinapahanap ng organization. Wala ako ngayon sa mood habang inilalagay sa bagahe ang aking mga damit. Hindi ako mapakali. Bakit nanduon si Kuya Steve? Anong ginagawa niya duon?   "Sync, ready kana?" Tinanguan ko siya ng makita ko siya sa pintuan.   "Okay, bumaba ka nalang." sambit pa niya. Di na ako sumagot. Matapos kong isara ang zipper ng baggage ko ay lumabas na rin ako ng kwarto. Wala ako ngayon sa mood.   Naabutan ko si Riabelle habang dala-dala ang isang bag at isang de-gulong. Patungo siya sa kotse. Sumunod naman ako. Wala akong ideya kung saan namin makikita ang taong ito, tangin si Riabelle lang. Hindi ko na rin naman nagawang magtanong dahil hindi muna ako interesado ngayon. Napaisip ako bigla. Hindi ko nga pala alam kung bakit umuwi dito si Kuya Steve. Hindi kaya dahil dito... Dahil sa organization na ito.   "Hoy Sync, bat nakatulala ka dyan?" Narinig kong wika ni Riabelle. Nasa harapan ko na siya ngayon. Napakurap ako sa gulat. Mas lalo pa siyang lumapit. Umatras ako saka umiling.   "M-May iniisip lang.." Sagot ko. Tumaas ang kanan niyang kilay. Halatang gusto nya pang magtanong ngunit umiwas na sya. Isang tango lang ang binigay niya sakin.   Pagkatapos kong ilagay sa loob ang mga gamit ko, pinaandar ko na rin ang kotse. Inantay ko muna si Riabelle na mai-secure niya ang buong bahay ago kami umalis. Habang nasa byahe ay iniiwasan kong hindi ipahalata kay Riabelle na lutang ako ngayon kakaisip. But I was wrong.   "Ano bang iniisip mo?" Tanong niya. Napakunot ang noo ko. Umayos ng upo si Riabelle.   "Kanina muntik mo na masagasaan yung babaeng tatawid kanina..." Sabi niya. Nilingon ko siya.   "Ganon?" Ito lang ang nasabi ko. Wala naman akong nakitang tatawind ahh.   "Ano bayang nasa isip mo? Palagi nalang malalim ang iniisip mo." Sabi niya. Nagkibit balikat ako. Narinig kong huminga siya ng malalim.   "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Naramdaman kong kinuha ni Riabelle ang kanyang laptop at binuksan iyon. Nakita kong may dinudutdot nanaman siya duon.   "Sa La Buenavista. Alam mo ba yon?" Umakto akong parang na-iisip. Alam ko ang lugar na iyon. Puro mayayaman ang nanduon. May mga hotels and nag-gagandahang buildings just for rich peoples.   "Nandun sya?" I ask. Tumango siya. Bilib na talaga ako sa husay niya pagdating sa pagkakalap ng impormasyon. Ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Ilang oras din iyon hanggang sa makarating kami sa lugar na iyon. Kahit mag-gagabi na, kitang-kita parin ang buhay na syudad. May magagarbong ilaw ang ibang mga nagtataasang gusali. Medyo traffic lang dahil rush hour na.   Tumuloy kami ni Riabelle sa isang 5-star hotel. Siya na ang nagbayad dahil inasikaso ko ang mga bagahe. Pagsakay namin sa elevator ay saka ako huminga ng malalim. Sa wakas, makakapag-pahinga na rin ako. Napag-desisyonan kase namin ni Riabelle na bukas na kami maghanap sa taong ito.   Pagpasok sa kwarto namin ay mabilis akong sumampa sa kama. Napaka-lambot talaga. Isama mo pa ang comfortable environment dahil sa ganda ng kwarong ito. Kapag binuksan naman ang malaking binta na nababalutan ng magarbong kutrina, matatanaw mo ang mga naggagandahang ilaw mula sa mga sasakyan at isa iba pang hotels and condo. Dahil sa komportableng pakiramdam, mabilis din akong nakatulog.   NAGISING ako ng makaramdam ako ng gutom. Nakalimutan kong kumain kanina. I check my phone. Nagulat ako ng makitang galing kay Lexin ang isang missed call. Nagdadalawang isip ako kung ite-text ba siya para magtanong kung bakit sya tumawag. Ngunit nangibabaw ang gutom ko. Hindi pa ako kumakain and its almost 12 midnight. Sinilip ko sa kabilang kama si Riabelle. Himbing na himbing ang kanyang tulog. Napagod din siguro.   Bumaba na ako sakay ng elevator. Medyo may mga tao parin dahil ang iba ay galing sa mga night clubs. Meron ding bar at restaurant ang hotel na ito. Gusto ko sanang tumawag nalang mula sa kwarto namin pero hindi ako makakapili ng maayos sa pagkaing gusto ko. Isa pa, maaabala lang sila sa pag-akyatbaba. Nasa 20th floor pa naman kami.   Pagpasok ko sa loob ng restaurant nila ay namangha ako sa ganda ng loob. Pangmayayaman lang talaga. Pero dahil 12 midnight na, konti nalang kaming nanduon. Pumunta ako sa buffet area at ako na ang kumuha ng gusto kong kainin. Maraming vacant tables kaya makakapili ako kung saan ako kakain. I walk towards the table next to the window area in which I will able to see the beauty of the city at night. I sit down and focus on my meal. The ambiance is so refreshing even though it's already dark.   Ilang minuto na ang nakalipas simula ng kumain ako ay kanina ko pa napapansin ang magkasintahang parang hindi magkasundo. Isang table lang ang layo nila sakin ngunit rinig ko ang pangilan-ngilan nilang pag-uusap. Hindi ko ito pinapansin pero hindi ko maiwasang ma-irita lalo na sa tuwing umiiwas sa lalaki ang babaeng iyon.   "Let me go." Rinig kong sabi ng babae. Pero ayaw siyang bitiwan ng lalaki. Pinagmasdan ko ang paligid kung may nakakapansin ba sa kanila. Pero wala. Kami lang tatlo ang nandito sa side ng restaurant. Nagtatalo tuloy ang utak ko kung tutulong ba ako o hahayaan nalang sila at wag nang pansinin.   "Isa lang naman.."   "I don't want to do it.. just f*cking go." Wika ng babae. Muli nanaman siyang hinawakan ng mahigpit ng lalaki sa kanyang balikat at pilit siyang pina-uupo. Mdyo nakaramdam ako ng ilang dahil duon. I remember something.   "Anong ayaw mo. Baka nakakalimutan mo na binayaran na kita.."   "Anong binayaran? I didn't receive any money from you, assh*le." Sa pagkakataong ito, tumayo na ako at naglakad papunta sa kanila. Hindi nila napansin ang paglapit ko. Akmang hihilahin ulit ng lalaki ang braso ng babae ngunit agad ko iyong hinawakan at binali. Nagulat ang babae sa aking ginawa habang namimilipit sa sakit ang lalaki.   "Oh my gosh!" Bulalas ng babae. Napatingin ako sa lalaki na ang sama na ng tingin sakin ngayon.   "TARANTADO KA AH!" Sigaw ng lalaki. May pangilan-ngilang staff ang nagsilapitan samin. Pinagmasdan ko ang lalaki. Hindi na siya magkanda-ugaga sa kakamura dahil sa sakit na natamo. It's his fault.   Naramdaman ko ang pagtitig sakin ng babae. Hindi ko siya nilingon. Pinakiramdam ko lang kung saan aabot ang pagtitig niya sakin. Hindi naman ako na-iilang. iniisip ko lang na baka nagpapasalamat siya sa kanyang isip. Lumapit ang isang manager sa lalaki at tinanong kung anong nangyare. Panay lang siya mura sa kanila. Dahil duon, ako nalang ang nagsalita.   "He's doing some s****l harassment to this girl..." sabay turo sa babaeng katabi ko. Umiwas na siya ng tingin saka sabay yakap sa sarili. "...nakita ko iyon right in front of my beautiful, delicious midnight meal." Dagdag ko pa. Nagkatinginan ang mga staff. May ilan ding nakiki-chismis.   Nagsalita na ang manager ngunit di ko na iyon pinansin. Tumalikod na ako sa kanila at dumiretso sa tablko. Kinuha ko ang isang shrimp tempura saka naglakad palabas. Bago ako tuluyang makalabas, nagtama ang mga mata namin ng babaeng iyon. Sa pagkakataong iyon nakaramdam ako ng kakaiba. Malakas ang kutob ko na hindi siya ordinaryong whatsoever people. There's something about her. Nang makalagpas ako ay umiwas na ako ng tingin. Ayoko na ring maki-alam pa. Sumakay na ako sa elevator pa-akyat sa room namin ni Riabelle. Tinamaan narin ako ng antok.     NAGISING ako ng marinig ang ilang mga pag-uusap mula sa labas ng kwartong ito. Pilit kong iniisip kung anong meron. Bakit ang ingay? Wala pa ako sa diwa ng maramdaman ang mga yabag ng mga paa. Hindi ko pa naididilat ang aking mga mata. Pinakikiramdaman ko lang ito hanggang sa naramdaman ko ang isang kamay sa aking pisngi. Napakunot ako ng noo. Gusto kong tingnan iyon ngunit parang ayaw bumukas ng aking mga mata.   "Zerrie anak, wake up..." Nang marinig ko ang boses na iyon ay agad akong napabalikwas ng bangon ay tumingin sa paligid. Malakas ang kabog ng aking dibdib. Habol-hininga kong inisip kung ano iyon.   "Mommy?" Wika ko. Ngunit walang sumasagot. Imposibleng panaginip iyon. I really feel her hands on my cheek. Parang kidlat na nanumbalik sa aking ala-ala ang gabing na-aksidente kami. Before that night, I was sleeping but I can hear Mommy and Daddy arguing about something. I want to wake up, but something forces me no to do it until I feel my mommy's presence. She touches my cheek and gently wakes me up. Kumabog ang aking dibdib ng maalala iyon. So it's a dream. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mata at ang pagdausdos ng luha sa aking mata.   "Sync. Are you crying?" Mula sa aking gilid ay narinig ko si Riabelle. May kinakalikot siya sa kanyang laptop. Pinunasan ko ang mata ko at saka bumangon. Dumiretso ako sa CR to wash my face. Bakit ba bigla kong napanaginipan ko? Nakakainis naman.   Matapos kong mahimas-masan ay bumalik ako sa kama. Katatapos lang pala maligo ni Riabelle. Nagsusuklay siya ngayon. She look at me with her amazed look.   "You are a hero now." Sabi ni Riabelle habang tumatawa. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Umayos siya ng pagkakatayo saka pumalakpak.   "Sabi sa labas, mula daw sa room 1976 ang nagligtas sa isang babae mula sa s****l harassment ng isang lalaki. If I remembered, di ako lumabas kagabi." I rolled my eyes. Seriously?? I sigh. Nakita kong umiling siya. Hindi naman na talaga ako mangingialam e. Naano lang ako dahil I almost experience that, I guess.   Nakita ko siyang lumabas bitbit ang bag nya na may lamang laptop. Lumingon siya sakin bago buksan ang pinto. "Sa resto lang ako. Puntahan mo nalang ako. I think by this night matutunton na natin ang taong iyon." Sambit niya. Tumango ako. Tuluyan na siyang lumabas at isinara ang pinto. Naiwan akong tulala. Naalala ko yung nangyare kagabi. Napailing ako.     PAGKATAPOS kong maligo ay nag-ayos na ako ng sarili. Lumabas na rin ako ng makaramdam ako ng gutom. Saktong tanghali na rin. Sumakay na ako sa elevator. Mabuti nalang at walang ibang tao. I click the G(ground) botton. Tahimik lang akong nakatayo habang inaantay bumaba ang elevator. Maya-maya ay bumukas ang elevator sa fifth floor. Bumungad sakin ang pamilyar na babae. Nagulat siya ng makita ako. Hindi ko siya tiningnan at umatras upang bigyan siya ng daan. Tahimik siyang pumasok. Siguradong naiilang siya ngayon. Ang kaibahan lang sakin, iba ang nararamdaman ko sa kanya.   Nagsimula na ulit umandar ang elevator. Katahimikan ang namamayani sa aming dalawa. Hindi ko rin maintindihan ang aking pakiramdam. Ang weird lang dahil parang may something talaga sa kanya. Maya-maya ay narinig ko siyang tumikhim. Napalingon ako sa kanya. Ganun din siya.   "About last night..." Panimula niya. I look at her and smiled.   "It's okay. Just be careful next time." Sagot ko. Gulat siyang napatingin sakin. Nakatitig nanaman siya sakin. What now?   "Why?"   "Nothing, it's just like, I've been heard that somewhere, I mean from someone.." Tumango-tango ako sa kanya. Kaya naman pala.   "Iyan din kase ang mga linyahan niya. He used to say that whenever I do some dangerous jobs.." Dagdag nya pa. Tumango nalang din ulit ako. Kasabay nun ang pagbukas ng pinto ng elevator. Nauna na akong lumabas. Sumunod siya. Agad sya nagsalita kaya nilingon ko sya.   "By the way, I'm Jasmin. Nice to meet you." Wika niya sabay lahad ng kamay. Inabot ko iyon bilang tugon.   "I'm..." ngunit agad ding naputol iyon. What name should I say? Napailing ako. I need to be careful about this stuff. Masyadong sensitive ito. I sigh ans smile at her.   ".....Llana. Just call me Llana. Nice to meet you too." I said. Ngumiti din siya. Bumitaw na ako at naglakad papunta sa resto. Hindi ko na siya nilingon pa. Iniisip ko parin if that is the right decision to make.   Pagpasok ko ay medyo madaming tao. Nawalan tuloy ako ng gana. Nagpunta ako sa parking lot para sa aking sasakyan. Naisip kong sa iba nalang ako kakain. Tutal namiss ko na ring kumain sa labas. I start the engine. Pagkatapos ay minaneho ko na ito. Narinig kong tumunog ang aking cellphone. I answer it without knowing who is it. It turn out that it came from Lexin nung marinig ko ay Hello niya.   "Napatawag ka?" Bulalas ko.   "Masama ba?" Tanong niya.   "Hindi naman. Baka kase busy ka."   "Actually yes, pero day off ko naman today." Sagot niya.   "Ganon ba, magpahinga ka nalang."   "No. I want to hear your voice..." Natahimik ako sa sinabi niya. Ano nga ulit iyon? Siraulo. Dapat nagpapahinga nalang siya. Bakit nya pa sisirain ang araw niya?   "Hey.." Narinig kong sabi niya sa kabilang linya.   "You need to rest Lex. By the way, kamusta na si..." Agad akong napahinto. Nang maalala ko nanaman ang araw na iyon hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Bakit nanduon sya? Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko. "....si Kuya Steve?" Dagdag ko pa.   "Uhmm.... h-he's fine. Don't worry." Maikli niyang tugon. Tiningnan ko ang cellphone ko. Why do I feel like he's doubting? I sense... secrets.   "Okay." Sagot ko. Hindi siya sumagot sa kabilang linya. Huminga ako ng malalim.   "Do you want me to visit you there?" I ask.   "Hindi na. Mag-iingat ka lang dyan, okay." Rinig ko sa boses niya ang pag-aalala. Hindi ko naman siya masisisi. Dapat kasama niya ako para siya mismo ang magbabantay sakin. Pero dahil sa komplikado kong buhay, I think hindi na iyon mangyayare.   "Okay. Thank you. Bye." Sambit ko at agad na binaba ang telepono.    Lexin's point of view   Nagkatinginan kami ni Steve. Napapailing nalang ako. Hindi ako yung tipo ng tao na maglilihim, lalo na kay Zerrie. Tumayo na si Steve at saka kinuha ang isang can ng alak sa ref. Ibinato nya sakin ang isa at nasapo ko iyon.   "Tingin mo, mahahalata nya kaya?" Nagkibit balikat ako. Kilala ko si Zerrie. Matalino iyon kahit ganon sya.   "Maiba nga ako, ano nang balita?" Tanong ko. Lumapit siya sakin. iniabot niya sakin ang tablet niya kung saan may nakalagay na mga details.   "Iyan palang ang nakalap ko. Don't worry, me and my team handle the situation. Nakapasok na rin naman kami sa loob..." natigilan siya saka tumingin sakin, "... iyon nga lang, under surveillance pa kami." Tumango ako at binasa iyon. Bukod sa serial killer, isa sa top priority ng team namin ang organization na ito. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang sakop nito, pero sisiguraduhin ko na babagsak ko.   "Mabuti walang nakakahalata sayo duon.." Sabi ko. Umayos ng upo si Steve.   "Sa totoo nyan, nung isang araw na nagkaroon ng problema sa organization, may nakita akong babae. Hindi ko alam kung isa sya sa mga nagtatrabaho duon. Ang kakaiba kase, halatang hindi sya isa sa mga scientists. Nakasuot siya ng lab coat. Hindi ko maintindihan. Pag-alis niya, nalaman ko na lang na dalawa ang patay." Sabi ni Steve. Napakunot ang noo ko. Imposibleng isa siya sa mga undercover.   "Nakita mo itsura niya?"   "No. Only her eyes. Naka mask kami." Tumango-tango ako. Pakiramdam ko, hindi lang kami. Pero kung tama ang iniisip ko, I won't let others do it. I want the US to do it.   Third person's point of view   Pag-labas ng hotel ay mabilis siyang nagtungo sa malapit na parke. Katatapos lang ng kanilang pagkikita. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may kamukha ang babaeng iyon. Pagdating sa park ay agad niyang nakita ang taong kanyang inaantay. Nakaupo ito sa upuan na gawa sa kahoy habang hawak ang tungkot. May suot itong salakot at itim na shades.   "Dad.." Bungad niya sa ama. Nilingon siya nito sabay alis ng salamin. Nang makita ang mata ng ama ay nabigla siya. Nakaramdam siya ng kaba.   "Kamusta?" Bati ng kanyang ama. Tumabi ito sa kanya at sabay nilang pinagmasdan ang isang fountain sa gitna kung saan may mga batang naglalaro.   "I'm fine Dad. Thanks for the question." Sambit niya. Hindi naman sa naiilang siya. Hindi lang siya sanay sa ganito nilang usapan. Hindi kase sila gaanong close ng ama. Bata pa siya ay sinasanay na siya sa paggamit ng baril at self-defense.   "I have a new job for you." Wika ng ama niya. Tumingin siya dito.   "I want you to find this man..." Sambit ng ama niya sabay abot ng larawan kasabay ang isang pangalan. Tiningnan niya ito mabuti. Michael Alvarin, basa niya sa pangalan. Tumango siya sa ama saka tumayo. Bago umalis, binigyan niya ito ng isang Hershey's kisses chocolate. Ngumiti siya dito saka umalis na.   Pag-alis ng anak ay saka niya isinuot ang shades at muling tiningnan ang mga bata. Napangiti niya ng maalala ang isang alaala na kahit kailan ay hindi niya mai-aalis sa kanyang isipan. Mga panahong bata pa ang anak niya. Muli niya itong tiningnan at nagwika.   "Good luck, Jasmin." Sambit niya saka kinuha sa bulsa ang isang tableta ng gamot na palagi niyang dala.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD