Zerrie's POV
"Michael Alvarin?" Tanong ko kay Riabelle. Tumango siya. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa resto. Napakunot ako ng noo. Paano nya naman nalaman ang pangalan nun? Saan nya nakuha? Bilib na talaga ako sa galing ng batang ito.
"Mamayang gabi, saka natin gagawin ang dapat gawin." Wika niya. Tumango ako. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko. Medyo marami ang tao ngayon dito. Karamihan ay mga nagde-date Tiningnan ko si Riabelle.
"Psst.." Agad siyang lumingon sakin. Itinaas niya ang kanyang kanang kilay. Ngumiti ako sa kanya saka nagwika.
"Matanong ko lang, anong meron sa inyo ni Clark? Legit ba na..... alam mo na.." sabi ko saka ipinakita sa kanya ang ibig kong sabihin. Natawa siya sa sinabi ko.
"Well, I say yes." Maikli niyang tugon. Nakatulala lang ako sa kanya. Seryoso ba sya? Ilang taon na ba ang lalaking iyon? Napailing ako.
"Eh ikaw. Wala kabang, alam mo na, love interest." Napakunot ako sa sinabi niya. Love interest? Hindi ko rin alam. Wala naman. Crush siguro meron. Nung bata ako. Crush ko si Lexin. Kase ang bait nya sakin tapos lagi nya pa akong ipinagtatanggol sa mga bullies. Binibigyan nya din ako pagkain. Ewan ko ba. Siguro kase sya lang naman ang malapit sakin dahil wala nga akong mga kaibigan halos. Kaya ko lang siguro sia nagustuhan a dahil duon.
"Wala." sagot ko kay Riabelle. Tumaas nanaman ang kanyang kilay. Halatang di naniniwala.
"Weh? maniwala ako sayo. Imposibleng wala. Dapat meron."
"Siguro nga meron, pero hindi naman seryoso." Sagot ko sa kanya. Umiling-iling siya. Hindi ko talaga to maintindihan. Pero kahit ganon pa man, mas gusto ko na ganito kami.
"Imposible. C'mon, tell me. O kaya naman ay ikwento mo nalang." Sambit niya. Natatawa ako habang pinagmamasdan siya. Kitang-kita sa mata niya ang ningning na gusto niyang malaman ito. Huminga ako ng malalim. I have no choice.
"Okay, well I met him when I was a child. He used to be my knight in shining armor. Well, that's the reason why I like him. We've been together for how many years. The reason why I say that it is not so serious is because, I have no friends. Sya lang. Siguro kaya nasa kanya lang ang atensyon ko." Paliwanag ko. Hindi talaga sya kwento. Nakita kong tumango-tango siya.
"Okay, maniniwala na ako." sagot niya saka muling kumain. Natatawa naman ako sa reaction niya. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko. Habang kumakain hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga tao. Hanggang sa makita ko ang pamilyar na tao. Naglalakad sya ngayon at mukhang naghahanap ng table. Out of the blue, I call her attention. Napatingin din si Riabelle ng tawagin ko si Jasmin.
"Hey, here." Sabi ko. Kita ko sa kanya ang pagdadalawang isip ngunit dahil wala nang acant table napilitan siyang maglakad papunta samin. Umayos ng upo si Riabelle to welcome a new guest.
"Hi Jasmin, this is Riabelle, my friend." Tugon ko. Riabelle smile ate her and grab Jasmin's hand.
"Nice to meet you." Halos mapatulala ako ng makita si Riabelle. I never seen this attitude before. Ganito siguro kapag kailangan mong humarap sa tao, sa totoong tao.
"Same to you." Sagot ni Jasmin. Umupo na si Jasmin sa isang bakanteng upuan. Umorde na daw sya. Hassle daw kapag sa buffet sya. Madami daw tao. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"So you must be the girl last night.." sambit ni Riabelle. Tumango si Jasmin.
"I'm sorry for the inconvenience.." Sabi ni Jasmin.
"It's okay." Maikli kong tugon. Tumingin siya sakin. Naramdaman ko nanaman ang titig niya. Hindi ko iyon pinansin at umaktong hindi iyon nakikita. Napansin naman iyon ni Riabelle kaya nilingon niya si Jasmin. Duon na umiwas ng tingin si Jasmin.
Maya-maya ay dumating na rin ang pagkain ni Jasmin. Mabuti nalang at hindi pa gaanong ubos ang pagkain namin dahil sa puro kwentuhan ang naganap. Nalaman kong magka-age lang silang dalawa ni Riabelle. They are both 18. So too young. Masyado pang bata pero parehong pumapasok sa mundo na hindi naman nila dapat nararanasan.
"Ako pala ate dito. You should respect me kiddos.." Sambit ko. Nagtawanan sila pareho.
"Hindi naman halata sayo na 22 kana e. Mukha kang 40's na." wika ulit ni Jasmin. Sumingkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang mainis at the same time natutuwa naman ako sa nangyayare. We encounter a new friend and this is my first time to see Riabelle laughing so hard. Siguro nga dapat sa mga ka-edad nya siya sumasama.
"Ewan ko sa inyo." Sambit ko at kunwari ay nagtatampo. Maya-maya ay naiba ang usapan. Tungkol naman sa mga bagay-bagay na hindi ako maka-relate. Hinayaan ko silang mag-usap. Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila. Hanggang sa naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.
"Excuse me.." Sabi ko saka lumabas upang sagutin ang tawag. Tumango silang dalawa. Tiningnan ko si Riabelle na seryosong nakatingin sakin. Nagtungo ako sa CR upang duon sagutin. Hindi ito galing sa una kong cellphone kaya medyo nag-aalinlangan ako. As I always do, I activate the voice changer.
"Yes?" Panimula ko. Pero tahimik ito. Alam ko na agad kung sino ito.Si Syncro.
"Just talk, I know who you are. Syncro." Dagdag ko pa. Dahil duon, narinig ko rin ang maliit niyang tawa.
"Good to know that you still remember me..." Panimula niya. Nairita ako. Bakit ba sya tumatawag?
"What do you want?" Malamig kong tugon. Natahimik nanaman siya. Maya-maya ay narinig ko siyang bumingisngis.
"Gusto ko lang kamustahin kung may proseso na sa paghahanap nyo kay Michael Alvarin." Nanlaki ang mata ko sa gulat. Natahimik ako ng ilang segundo. Paano niya nalaman na ang hinahanap namin ay si Michael Alvarin? May hindi tama dito. Agad kong pinatay ang tawag. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Pagdating ko sa table namin ay nagtatawanan na ang dalawa. Sa tingin ko ay nagpapalagayan na sila ng loob. Iyon ang maganda para kay Riabelle. Kahit papaano ay may kausap siyang ka-edad niya.
"Oh, eto na pala si ATE.." Sambit ni Riabelle na ikinatawa ni Jasmin. She also emphasizethe word 'ate'.
"Wow ah..." Sagot ko saka umupo. Umayos ng upo si Riabelle saka tumingin sakin.
"Who's that?" Tanong niya. Umiling ako saka tumingin sa pagkain.
"Nothing. Di naman sya importante.." Sambit ko. Naramdaman ko nanaman ang titig ni Jasmin.
Pagkatapos ng ilang pag-uusap ay nagpagdesisyonan ng dalawa na mamasyal sa Mall. MUkhang close na talaga sila. Pumayag na rin ako. Minsan kailangan ding mag-enjoy. Mamayang gabi ay siguradong matrabaho na ito.
Pagpasok namin ay nakasunod lang ako sa kanilang dalawa. Para silang magkapatid. Nakakatuwang tignan. Hindi naman nalalayo ang itsura ko sa edad nila. Kahit na 22 na ako, kapag kasama ko sila ay parang 18 din ako. May kagandahan ding taglay si Jasmin. Medyo singkit siya na matangkat at maputi. Straight black long hair sya. Kung titingnan ay Mature na mature na siya. Samantalang si Riabelle ay maikli ang buhok at bilugan ang mga mata. Matangkad din at medyo kayumanggi ang balat.
Nagtungo sila sa arcade para daw maglaro. Mukhang sanay si Riabelle. Meron kaseng arcade duon sa illegal na gusali. Nanood lang ako sa ginagawa nila. Hindi naman kase ako sanay sa ganyan. Hindi ko naranasan iyan.
Ilang oras ang lumipas ng tinamad na ang dalawa. mag-aalas singko na ng mapagdesisyonan ng dalawa na maghiwalay na. May importante daw kaseng gagawin si Jasmin. Hinayaan na namin siya. Mabilis siyang umalis. Pinagmasdan pa namin siya hanggang sa makasakay ng taxi.
"Balik trabaho na." Wika ni Riabelle sa tabi ko. Tiningnan ko sya. She's smiling. Kita mo talaga sa kanya na first time ito to encounter a people with her same age.
"Saan nga ulit matatagpuan?" Sambit ko. Hindi ko sinabi sa kanya na tumawag si Syncro at sinabing alam niya kung sino ang hinahanap namin. Alam kase ni Riabelle na patay na ito.
Time checked: 11 pm
Nakaupo kami ngayon ni Riabelle sa loob ng kotse habang pinagmamasdan ang mga taong pumapasok sa isang bar. Ayon sa lead niya, dito daw madalas matagpuan si Michael Alvarin. Inantay ko munang magdesisyon si Riabelle bago ako kumilos. Pagkatapos niyang magdutdot sa kanyang laptop ay lumabas na siya ng kotse. Sumunod ako sa kanya. We're wearing a skirt and a sleeveless shirt. Naglakad kami patungo sa entrance ng club. Bumungad samin ang bouncer nito. Si Riabelle na ang kumausap habang ako ay nagmamasid-masid lang. Hindi ako marunong makisalamuha. Mas magaling si Riabelle duon.
"Thank you." Sagot ni Riabelle sa bouncer. Nagbigay ng daan ang bouncer para papasukin kami. Nakatingin pa sakin ang bouncer na akala mo ay kinikilatis ang pagkatao ko. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Pagpasok sa loob ay bumungad sakin ang maingay na tugtugan. May mga babaeng sumasayaw sa entablado ng halos wala ng suot. Hindi na bago sakin ang ganitong paligid. Madalas na akong nakakakita ng ganito.
"Duon.." rinig kung sabi ni Riabelle. Tumingin ako sa direksyong tinuro nya. Nakita ko agad ang lalaking nakikipaghalikan sa isang babae. Napailing ako. Kitang-kita namin ni Riabelle ang kalaswaang taglay nila. Ngunit wala naman iyon sakin. Sanay na ako makakita nun.
Naglakad ako papunta sa pwesto nila. Kasalukuyan silang nasa mainit na paghahalikan ng huminto dahil sa pagdating ko.Nakataas ang kilay ng babae sakin. Ngumiti ako ng malagkit. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni Michael Alvarin. Ganon din ang ginawa ko sa kanya. Iniisip kong kung bakit ipinapahanap siya ng organization. Hindi naman siya mukhang mayaman, pulitiko, o kilalang celebrity. Umupo ako sa tabi niya at tumawag ng waiter. Nakatingin parin sakin ang dalawa. Nang dumating ang waiter ay saka ako humingi ng pinakamahal na inumin. Pagkatapos ay tumingin ako sa kanila.
"Wanna drink with me?" I ask. Nagkatinginan pa sila ng dumating ang inumin na in-order ko. Halos lumuwa ang kanilang mga mata ng makita ito. I'm sure alam na nila kung ano ito.
"Mahal ito miss, sure ka ba na pwede namin inumin ito." Ngumiti ako ng malagkit saka tumango. Abot langit ang tuwa nila dahil duon. Kumuha ako ng baso upang magsalin. Pagkatapos ay iniabot ko sa kanya ito. Tumingin pa siya sakin bago kunin ang baso.
"Don't worry. It's poison-free." Sambit ko saka tumawa. Nagkatinginan nanaman silang dalawa. Tahimik lang silang umiinom. Wala naman akong paki-alam kung nandito ang babae. Makakahanap din ako ng paraan para masolo siya. Agad hinanap ng mata ko si Riabelle. Kahit saan ako lumingon ay hindi ko siya makita. Saan naman iyon nagpunta?
"Punta lang ako CR." Bulalas ng babae. Tumayo na siya at agad umalis. Nagkatinginan kami ni Michael. Ibinaba ko na rin ang baso ko saka humarap sa kanya.
"Hi. Finally, solo na rin tayo." Sambit ko. Ibinaba nya rin ang bote niya.
"Miss, kung isa ka sa mga babaeng bayaran dito, wala akong pera pambayad sayo." Sabi niya. Natawa ako. Mukha ba akong p****k gaya ng palaging sinasabi ni Aling Cyntia.
"Ganyan ba tingin mo sakin? So cheap. Besides, I am not a prostitute." Diretsa kong sabi. Tumango-tango siya saka lumingon sakin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Halatang hindi siya naniniwala.
"Sabihin mo, galing kaba sa organization?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ako makakibo. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ng diretsa ang tanong niya. Nakatitig lang ako sa kanya.
"Kung nandito ka para kumbinsihin ulit ako, siguraduhin nyo muna ang protection ko." Sambit niya. Muli siyang uminom ng alak. Mas lalong kumunot ang aking noo. Anong ibig niyang sabihin? Kumbinsi? Saan? Hindi ko maintindihan. Kinukumbinsi ba siya ng organization? From what? Nanatili parin akong tahimik at hindi nagsasalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Naubusan ako ng sasabihin. Wala namang sinabi si Clark about sa pangungumbinsi na sinasabi ni Michael. Maya-maya ay nakita ko siya tumayo. Naglakad siya patungo s gitna hanggang sa matabunan na siya ng mga sumasayaw na tao. Naiwan akong tahimik.
Iniisip ko kung bakit nga ba talaga siya ipinapahanap ni Clark. Anong kasalanan niya sa organization. Nalilito ako. Pakiramdam ko ay may hindi pa ako nalalaman bukod sa purpose ng mga gamot na nililikha nila. Wala pa ako sa kalahati.
Tumayo na ako. Naglakad ako para sundan siya. Medyo marami ng tao kaya hindi ko alam kung nasaan na siya. Basta ay tanda ko ang direksyon niya kanina. Sa kakalakag ko ay napunta ako sa exit door. Luminga-linga ako para matiyak ko kung dito ba pumasok si Michael. Pagbukas ko ng pinto ay malawak na parking lot ang bumungad sakin. Walang gaanong sasakyan dito. Mula sa malayo ay natanaw ko ang isang lalaking nakatayo. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya. I was about to call him ng makita kong may babaeng lumapit sa kanya. Nakasuot ito ng hoodie at mask with all black. Huminto ako sa paglalakad at pinagmasdan ang gagawin ng babae. Nakita kong inabutan siya nito ng sobre.
"Here.." Wika ng babae. Tiningnan siya ni Michael ng may pagtataka.
"Sino ka?" Sambit niya.
"Is it enough para sumama ka sa amin?" Sagot ng babae. Napakunot ako ng noo. Dito ko napagtagpi-tagpi ang lahat. Hindi kaya ang tinutukoy ni Michael ay ito? Ngunit wala akong maalala na may inutusan pa si Clark.
"Teka, ang gulo. Hindi ba nagkita na tayo kanina sa loob? Pinipilit mokong sumama sa inyo. Teka, baka naman kasama mo iyon." Sabi ulit ni Michael. Hindi sumagot ang babaeng nakaitim Sa pagkakataong iyon lumingon siya sakin. Tumingin siya sakin. Hindi ako gumalaw. Hindi dahil sa takot kundi dahil naguguluhan ako. Anong ibig sabihin nito? Maya-maya ay agad niyang tinutok ang baril sakin saka ipinaputok. Mabilis na kumilos ang aking katawan. Gumulong ako sa gilid. Mabuti nalang at may sasakyan dito. Ginamit ko itong panaggala.
Patuloy na nagpaputok ang babae. umikot ako sa harapan ng sasakyan para magtago. Wala akong dalang baril. Damn!
Nakita ko si Michael na yumuko sabay takip ng tenga. Walang katao-tao dito sa parking lot. Paniguradong hindi ito rinig sa loob dahil sa tugtugan. Humanap ako ng paraan para maka-atake. Samantalang ang babae ay panay parin ng pagputok. Naglakad siya paikot sa sasakyan. Mabilis akong kumilos papunta kay Michael. Nilapitan ko siya at hinatak. Tumingin siya sakin at nagpumiglas.
"Bitawan moko. Sino ka? Hindi ikaw yu---"
"We don't have a time. Let's go." Sambit ko. Nagdadalawang isip pa siya ngunit nung magpaputok ulit ng baril malapit samin ay saka siya tumayo.
Tumakbo kami papunta sa isang nakaparadang kotse at nagtago. Humihingal kami pareho. Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.
"Would you like to explain?" I ask. Tumingin siya sakin. Ganon din ang ginawa ko. Maya-maya ay agad syang tumayo. Kumunot ang noo ko.
"Ibig sabihin, sa Coetus ka.." Sambit niya. Nagtaka ako. Ano bang ibig sabihin nito? Maya-maya ay lumabas siya sa pinagtataguan namin. Bago siya lumabas ay nagwika siya.
"Ipinahahanap ako para patayin. Kaya ka nandito hindi ba?" Wika niya. Tumingin siya sakin bago naglakad patungo sa babaeng kanina na may hawak ng baril. Nakatayo na ngayon ang babae at nakatingin sakin. Kahit madilim sa pwesto namin, aninag ko ang mata niya. Hindi ko alam kung nakikita nya rin ako dahil madilim. Naglakad na sila palayo ng isang bala ng baril ang tumama sa puso ni Michael. Nagulat ako dahil sa biglaang pangyayare. Napaupo ang babae upang saluhin ito. Muling nagpaputok ang kung sinoman sa direksyon ng babae. Ngunit bumawi ito at pinaputukan ang pinanggalingan ng bala. Pinagmasdan ko ang nangyayare. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makagalaw ngayon. Walang pumapasok sa utak ko kung ano ang susunod kong gagawin. Hindi ko alam kung natatakot ba o hindi. Muli kong tiningnan sina Michael. Wala ng buhay ito na nakahiga habang ang babae ay nakikipagpalitan ng baril.
Maya-maya ay natigil ang putukan. Muli akong tumingin sa kanilang direksyon. Wala na ang babae. Hindi ko na rin naramdaman ang presensya ng bumaril kay Michael. Agad akong lumapit sa pwesto ni Michael at tiningnan ito. Naglawa ang dugo niya sa parking lot. Kitang kita ko din ang maraming dugo na nagmumula sa dibdib niya. Agad akong napatingin sa exit door at lumabas ang isang bouncer. Akmang maninigarilyo ito ng makita ang walang buhay na lalaki. Nagkatinginan kami. Mabilis siyang tumawag ng 911.