CHAPTER THIRTEEN

2359 Words
KASALUKUYAN akong naka-upo sa harap ng desk kung saan may pulis na panay tanong sakin. Hindi ko siya sinasagot. Maski din ako ay di ko maintindihan ang mga nangyare. Tahimik akong nakaupo at nakatingin lang sa aking stilettos.   "Miss, tatanungin ulit kita. Maaari mo bang ikwento samin ang mga nangyare? Bakit nanduon ka? Kilala mo ba ang lalaking iyon?" Sunod-sunod na tanong ng pulis. Nanatili parin akong tahimik. Mamaya ay may pumasok ulit na pulis na may dalang papeles. Nang marinig ko ang boses niya ay ginapangan ako ng kaba.   "Sir, ito na po yung impormasyon tungkol sa biktima." Sambit ni Lexin. Kasabay nun ang pagtingin niya sakin. Tumingala ako para tingnan siya. Nahihiya tuloy ako sa kalagayan ko.   "Zerrie, bakit nandito ka? Teka, ibig sabihin ikaw yung babaeng witness?" tanong niya. Napakagat ako ng labi.   "Kilala mo ang babaeng to?" Tanong ng pulis na kanina pa nagtatanong.   "Yes Sir." Sagot ni Lexin. Yumuko ulit ako upang antayin ang susunod na hatol sakin.           NAKAUPO ako ngayon sa loob interrogation room. Nakikita ko ito dati sa mga action movies na pinapanuod ko. May lamesa at upuan tapos may ilaw sa gitna namin habang my tinted na bintana kung saan nanonood ang ibang pulis. Pakiramdam ko ay hinahatulan na ako dahil sa murders na ginawa ko.   "Let's be professional here..."  Sabi ni Lexin. Hindi ko rin maiwasan pansinin ang panay sulyap niya sa akin, lalo na sa aking dibdib. Medyo nailang ako. Alam ko na ang tumatakbo sa utak niya. Malamang ay nagtataka siya kung bakit ganito ang suotan ko.   "First, anong ginagawa mo sa lugar na iyon?" Napakunot ako ng noo. Nalilito ako. Nagtatanong ba sya bilang Lexin o bilang isang professional police?   "Uhmm, ano kase, nagsasaya lang..." Mahina kong sabi. Tiningnan ako ni Lexin. Hindi ako tumingin sa kanya. Bakit ba sya nakatitig?   "Second, kilala mo ba ang biktima?" Umiling ako sabay tingin sa tinted na salamin. Naramdaman ko ulit ang titig ni Lexin.   "Kung ganon, anong ginagawa mo sa lugar na iyon sa mga oras na pinatay sya?" Tanong nya ulit. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito kay Lexin. Bakit ba nakakatakot sya?   "N-Nagpapahangin..." may pag-aalinlangan sa boses ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba sila o hindi. Siguro ay nagdadalawang-isip sila sa sagot ko. Nasaan ba kase si Riabelle? ILANG oras akong nanduon sa interrogation room ng palabasin ako. Paulit-ulit lang halos ang mga tanong nila. Idagdag mo pa ang kaba ko dahil sa kakaibang aura ni Lexin ngayon. Nasan na ang bestfriend ko?   "Makakalabas kana Ms. Marcos." Sabi ng isang pulis. Kumunot ang noo ko pero sumunod nalang ako. Hindi ko na rin nakita si Lexin pagkatapos. Saan kaya yun? Naglakad na ako palabas ng station. Hindi ko alam kung anong gagawin ko next. Muli kong tiningnan ang builiding ng police department. Ano nanaman kayang dahilan ng next na punta ko dito? Maya-maya ay may kotseng tumigil sa aking harap. Pagtingin ko ay si Riabelle iyon. Ngayon ko lang napansin na kotse ko ito.   "Sakay." Sambit niya. Hindi na ako nagdalaang isip. Pagsakay ko ay agad ko siyang hinarap.   "Marunong ka?" Tanong ko. Tiningnan niya ako ng seryoso.   "Nakapunta ako dito on my own. I guess marunong ako." Sambit niya. I rolled my eyes. Seriously?   "Saan ka pala galing kagabi? Nabalitaan mo na bang patay na si Michae--"   "Yes." Mabilis niyang tugon.   "By the way---"   "I want to know who is the girl in black that night.." Bulalas ni Riabelle. Napatingin ako sa kanya. Napansin kong may benda ang kanyang balikat. Muli kong ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata. Duon ko napagtanto na siya ang babaeng kapalitan nung girl in black.   "Same.." Sagot ko. I want to know her too. Not for organization, but for my own. Lalo na yung mga pag-uusap nila. What does it mean? Bakit inaalok ng babaeng iyon na sumama sa kanila si Michael? As I remeber may sinabi din si Michael sakin nung napagkamalan niya ako. Kinukumbinsi siya to joined them. But why? Also, bakit hinahanap sya ng The Coetus?   Isang ideya ang pumasok sa isip ko. Ideya na maaaring posible. What if there is an existing organization too? Paano kung kaya nila kinukumbinsi si Michael ay dahil may alam ito? Those possibilities may be true. HINDI ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising nalang ako ng maramdaman nanaman ang isang kamay sa aking pisngi. I immediately open my eyes hoping that its Mommy. But I as wrong. Si Riabelle ang bumungad sakin. She's smiling at me and it creeps me out.   "What's wrong?" I ask. Umiling siya.   "We are here. Sa the Coetus." Napakunot ang aking noo. Anong ginagawa namin dito? Umayos ako ng upo. Saka kotse parin pala kami. Tumingin ako kay Riabelle na ngayon ay may inaayos sa laptop.   "Bakit nandito pa tayo?" tanong ko. Huminto si Riabelle saka tumingin sakin.   "Wala lang. Masama ba?" Sagot niya. Kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang nakita si Riabelle na ganito. This is something new to me. I smile.   "Let's go." Sambit ko. Kumunot ang noo niya ngunit huli na dahil nakababa na ako. I was about to walk when I suddenly remember something. I instantly feel the nervous flowing into my nerves. It is because of Kuya Steve. Pumikit ako para mag-isip kung ano bang gagawin ko sakaling magkasalubong kami gaya dati. Pero wag naman sana. Ayokong makita ako ni Kuya Steve dito. Pero bakit nga ba siya nandito?   "Hey Sync, let's go." Narinig kong sabi ni Riabelle. Nasa unahan ko na siya ngayon. Tumango ako sa kanya. Naglakad na ulit si Riabelle. Huminga muna ako ng malalim bago maglakad.   Pagpasok namin sa loob ay medyo hindi na ako mapakali. Minsan ay lumilingon ako kung saan-saan upang tiyakin na wala ang kahit na akong presensya ni Kuya Steve. Hindi ko lang alam kung napapansin ba ni Riabelle iyon. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng office ni Clark. Pagbukas ng pinto ay bumungad samin si Clark na kasalukuyang nagbabasa ng aklat. Nang maramdamang nandito na kami ay ibinaba ito at tiningnan kami. Agad lumapit si Riabelle sa kanya. As usual, naghalikan nanaman sila sa harap ko.   "Masyado mo naman akong namiss, babe." wika ni Clark sabay tingin sakin. Inirapan ko lang siya. Ngunit nagsalita pa siya. "Nakakahiya kay Sync.." dagdag niya.   "Sorry." Mahinang wika ni Riabelle. Nagkindatan pa sila right in front of my innocent face. Tumikhim ako saka umayos ng tayo. Gusto ko ng maka-alis dito para naman hindi na ako makaramdam ng awkward.   "By the way, nalaman kong nakipagpalitan ka ng bala last night." Tanong ni Clark kay Riabelle. Agad nyang siniyasat ang balikat niyang may benda.   "I'm fine. Don't worry." Sambit pabalik ni Riabelle. Muli silang naghalikan pagkatapos ay tumayo na si Clark. Tumingin siya sakin mula ulo hanggang paa. Hindi pa nga pala ako nakakapagpalit.   "You may rest here, Sync." Sabi niya saka tumalikod. Napalunok ako dahil sa huli niyang titig sakin. Napatingin tuloy sakin si Riabelle. Umiwas ako sa kanya ng tingin ng magtama ang aming mga mata.   Pagkatapos ng ilang pagtatagpo ay isinama na ako ni Riabelle sa isa sa mga kwarto. Akala ko ay sa isang kwarto nanaman na palagi kong napapasukan, pero hindi. Nalaman kong kwarto ito ni Riabelle. Mabilis siyang dumiretso sa cabinet upang bigyan ako ng masusuot. Hindi ko rin napansin na ganito parin pala ang damit ko.   "Bayaran mo nalang kapag nasa bahay na tayo. For now, magpahinga ka muna." Wika niya. Pagkatapos ay lumabas na siya. Kapag talag nasa mansion kami, ibang Riabelle ang kasama ko. Mas gusto ko pa ang Riabelle sa labas.   Nag-shower muna ako bago magpalit. Inabot ako ng halos isang oras sa loob. Pagkatapos ay lumabas na rin ako. Naabutan ko sa lamesa ang aking agahan. Lumabas pa ako para tingnan kung may tao duon. Huminga ako ng malalim. Sana naman ay magkaroon ng magandang bagay ang mangyare sakin ngayon. Pero una ay kailangan ko nang kumilos. Bukod sa trabaho ko dito, tinatrabaho ko din ang aking mga katanungan. Nandito naman na ako.   Kumain muna ako bago maghanda. Pagkatapos ay lumabas ako. Good thing walang mga tao sa hallway. I look up to see if there is a CCTV out there. Wala naman. Bakit kaya di naglalagay ng CCTV ang mansion na ito. Ganon ba talaga sila ka-kampante sa mga myembro nila?   Naglakad na ako hanggang sa makarating ko sa terrace. Lumapit ako duon at bumungad sakin ang parking lot. Mula duon ay natanaw ko sina Clark at Riabelle na pasakay sa isang Lamborghini. Umatras ako upang hindi nila Makita ang aking anino. Pagsakay nila sa kotse ay umalis na rin sila. Hindi ko alam kung saan sila pupunta. Pero magandang pagkakataon ito upang makahanap na ako ng sagot.   Nagtungo ako sa lugar kung saan ko Nakita ang mga naka-lab coat. Mabuti nalang at may Nakita akong available lab coat at mask to cover my identity. Nakayuko akong naglalakad hanggang sa palapit na nang palapit ang mga paa ko sa lugar kung saan maraming mga naka-lab coat.   May mga naka-lab coat na pumapasok sa iba't ibang room. Alam kong na kung bakit. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Minsan ay sumasabay ako sa iba. Hanggang sa narrating ko na nga ang isang malawak na lugar kung saan ako nahatak ng kung sino man. Hindi gaya nung una, hindi ko pinahalata kahit kanino na hindi ako kabilang sa kanila. Naglakad ako pababa sa hagdan kung saan dumaan ang ibang mga Doktor. Ang iba ay nagpunta na sa kani-kanilang pusisyon. Luminga-linga lang ako sa buong paligid ng maramdaman ko ang kamay sa aking balikat. Agad akong napa-atras dahil duon. Agad pumasok sa isip ko si Kuya Steve kaya mabilis akong umiwas ng tingin.   "Bakit nakatayo ka lang dyan? Pumunta kana sa pwesto mo. Duon sa testing unit. Available dun." Tumango ako sa kanya. Kinabahan ako duon ah. Bakit ba nagiging tensyonado ako?   Naglakad na ako sa lugar na itinuro niya. Para itong maliit na kwartong gawa sa kurtinang makapal. May ilang Doktor na nanduon. May mga hayop din duon na nagsisilbing test subject. Napakunot ako ng noo. Anong ibig sabihin nito? Bakit nila ginagawa ito sa mga hayop? Napailing nalang ako habang pinagmamasdan ang kanilang ginagawang pagturok ng kung anong chemicals sa mga kawawang hayop. Rinig ko pa ang kanilang mga ingay habang pinagmamasdan kung gaano ka-epektibo ang kanilang itinurok.   Ilang minute naming pinanuod ang resulta sa mga kawawang hayop. Pagkatapos din ng ilang segundo nilang pagwawala ay naging kalmado na ang mga ito. Nagtanguan ang ilang mga Doktor at tila may isinusulat sa kanilang notebook. Naglakad ako papalapit sa mga hayop at pinagmasdan itong mabuti. Hindi ako makapaniwala. Para itong tao kung pumirmi. Para bang napapasunod ito ng dahil sa gamot.   Naramdaman ko ang paglapit ng isang Doktor sakin at may ini-abot. Akala siguro niya na isa ako sa mga assistant dito. Iniabot niya sakin ang isang checklist saka isang syringe.   "Sa room 6078." Yon lang ang sabi niya saka tumalikod. Naglakad na ako papunta sa tinutukoy niya. Ang problema ay hindi ko alam kung saan iyon. Muli akong tumalikod at humarap sa kanya. Ang problema, kapag naman nagtanong ako, baka isipin niya na nagpapanggap lang akong doktor. Napailing ako.   Nagsimula na ulit akong maghanap. Naliligaw na ako sa dami ng hallway na napasukan ko. Muli akong umikot at nagbabasakaling makita ang room 6078 ng masalubong ko ang pamilyar na lalaki. Umayos ako ng pagkakatayo at naglakad patungo sa kanya. NAkatingin lang ng diretso si Kuya Steve ng magpantay ang aking mga balikat. Para bang bumagal ang segundo dahil duon. Nakita ko din sa peripheral vision ko ang paglingon ng kanyang mata sakin. Hindi ko siya tiningnan at diretsong nakatingin sa daan. Nang lumagpas kami sa isa't isa ay mabilis na akong naglakad. Ibang Steve ang naramdaman ko ng mga oras na ito. Parang hindi siya ang kuya ko. Bakit nga ba siya nandito? MABILIS akong bumangon ng bumukas ang pinto. Iniluwa non si Riabelle. Tumingin siya sakin n akala mo ay sinisiyasat ako kung may nagawa ba akong pagkakamali. Hindi ko na itinuloy ang ginawa ko kanina. Iniwan ko sa ibabaw ng lamesa sa kusina ang checklist at tanging ang gamot na may syringe ang dala ko. Gusto kong pag-aralan ang gamot na kanilang ginagawa.   "Hey.." Wika ko. Hindi ako nagpahalata kay Riabelle. Ngumiti lang siya saka nagtungo sa cabinet. Hindi naman ako kinakabahan. Ayos lang. Sanay naman na akong magtago ng lihim, I also know how to lie. Hindi na bago sakin ang ganitong pakiramdam.   "Later pala, bago umuwi, dumaan daw tayo sa office ni Clark." Sambit ni Riabelle. Tumango ako sa kanya. Bumango na ako at nagtungo sa CR. Pagpasok ay agad kong ni-lock ang pinto. Muli kong tiningnan ang nakadikit na packing tabe sa braso ko. Duon ko inilagay ang syringe na may lamang gamot. Nagsuot ako ng long sleeve para maitago iyon.   Lumabas na rin ako pagkatapos kong siguraduhing maayos ang pagkakatape. Nakita ko si Riabelle na may dinudutdot sa laptop. Lumapit ako sa kanya.   "What's that?" I ask. Nakita kong gumagawa sya ng parang grafts or something.   "Nothing." Maiklig tugon ni Riabelle saka sinara ang laptop. Tumango ako saka nagpunta sa kama. Inayos ko na ang gamit ko. Naalala ko, naiwan pala namin sa hotel ang iba naming gamit.   "by the way, ano pala nangyare sa gamit natin?" Tanong ko.   "Ipinakuha ko na kanina.." Sagot niya. Tumango ako. Iyon siguro yung umalis siya. Hindi nagtagal ay pinapunta na kami sa office ni Clark. Hindi na ako masyadong umimik. Every time I see people with their lab coat reminds me of what happened earlier. I feel sad for those animals who used it as a test subject in an experiment. May mga nakakasalubong ako pero kung titingnan, akala mo walang ginawang masama. Well, parang ako lang. Napangiti ako sa iniisip ko. Why do I feel bad for them though I am the worst here? I already kill hundreds of people every night.   Pagpasok namin sa loob ay nakita ko si Clark na may kausap na naka-men in black. Meron silang dalang briefcase. I have no idea kung ano iyon. But I sense money.   "Thank you... don't worry about the assistance, I can provide it." Sambit niya sabay tingin samin ni Riabelle. I raise my eyebrows when our eyes meet.   "Sure. Thank you." Sabi ng naka men in black saka lumabas. Naiwan kaming tatlo.   "What was that?" I ask. He sighs and then smiles.   "I want you to protect someone from something... something unexpected." Napakunot ako ng noo. I didn't get it. Anong something unexpected?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD