"Ganito lang ba tayo dito? Tatayo? Magbabantay?" Pagrereklamo ko. Nandito kami ngayon sa illegal na gusali kung saan nagsimula ang lahat. Nakatayo lang ako sa sulok habang pinapanood ang mga tao na siyang-siya sa pagwawaldas ng pera. Karamihan ng nandito ay mga sikat na celebrities, lawyers, at mga pulitiko gaya ng dati. Hindi na rin bago sakin ang paligid. Ganitong-ganito parin ito gaya ng mga punta ko dito.
"Kalma Sync..." Riabelle said while laughing. We are both wearing a mask to hide our face. We are not able to talk too. You can't even recognize us if we are a girl or boy. I pouted my lips and face her. I'm not doing this because I hate it. Its just like, it's not my nature. I am a murderer, not a bodyguard.
"tss."
Tumagal pa ng isang oras ang pagkakatayo namin. Minsan ay umuupo kami sa available seats. Naiinis parin ako kay Clark. It is all his fault. I don't know kung ano ang dahilan at pinabantay nya samin ang Luigi Soriano na iyon. Pero malakas ang kutob ko na hindi ito simpleng businessman or something, and all I can sense is money..
Nakita kong tumayo siya at may ibinulong sa men in black na katabi niya. Tumango ito pabalik sa Luigi Soriano. Naglakad na ang Luigi na iyon papunta sa exit door. Tumingin sakin si Riabelle na sumenyas na sundan ko iyon.
Naglakad na ako patungo sa labas. Pagbukas ko ng exit door ay wala ng tao duon. Mabilis akong naglakad at lumibot sa paligid. Saan naman kaya nagtungo ang taong yon? Parang ambilis naman niya. Naglakad ako mula sa madilim na sulok upang tingnan iyon gamit ang flashlight ng cellphone ko. Walang tao.
"This is bullsh*t." Hindi talaga ako makapag-concentrate sa trabaho kong ito. Sa totoo, ayoko nito. Kapag nakita ko talaga ang lalaking ito, baka mapatay ko sa inis. Muli akong bumalik sa dati kong pwesto. Bilog ang buwan ngayon. Maliwanag kahit papaano ang gabi. Mula sa malayong parte ng gubat sa aking tapat, may naaninag akong dalawang nilalang. Napakunot ang aking noo at dahan-dahang naglakad. Hindi ko tukoy kong sino ang mga iyon. Ang nasa isip ko lang ay baka si Luigi Soriano na iyon.
Lumapit pa ako sa kinaroroonan nila. Maliwanag naman ang buwan pero madilim sa parte nila. Siningkitan ko pa ang aking mata para mas lalong makita ang dalawang nilalang. Isang metro nalang ang layo ko ng nakita kong bumagsak sa lupa ang isa. Nanatili namang nakatayo ang isa pa at saka lumingon ito sakin. Nang maglakad siya paabante, nakita ko mula sa sinag ng buwan ang kutsilyong naliligo sa dugo. Balot ang kanyang mukha. Ngunit alam kong tinitingnan nya rin ako ng may pagtataka. Medyo gumilid pa ang ulo niya saka muling umatras. Pagkatapos niyang ipakita ang kutsilyo ay saka na siya umalis. Through my curiosity, hinabol ko sya. Mabilis at maliksi siyang kumilos. Sa tingin ko ay magka-height lang kami. Malakas ang kutob ko na babae siya dahil sa paraan niya ng pag-iwas sa mga obstacle.
Medyo nahirapan ako dahil hindi ako pamilyar sa bahaging ito ng gubat. Iyon ang advantage niya. Mukha kaseng alam niya ang pasikot-sikot dito. Nasa kanya lang ang atensyon ko habang tumatakbo. Minsan ay nararamdaman ko ang pagod niya pero hindi niya iyon iniinda. Dito ako bumilib sa kanya. Hindi ito ordinaryong tao. Mukhang sanay--- sinanay.
"Stop." Sabi ko habang tumatakbo. Ngunit mas lalo pang bumilis ang pagtakbo niya. Hindi ko na alam kung nasaan kami. Maya-maya, nakita kong lumiko siya sa isang malaking puno. Mula sa pwesto ko, agad akong lumiko pakanan upang sorpresahin siya sa isa pang puno. Ngunit ako ang na-sorpresa ng ibungad nya sakin ang isang solid na sipa. Tumama iyon sa aking baba dahilan para matumba ako. Kasabay nun, agad niya akong dinaganan at sinampal ng malakas. Napa-ungol ako sa lakas ng sampal niya. Agad akong gumanti sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang ulo habang ang aking dalawang hinlalaki ay nakapatong sa kanyang mata. Diniinan ko iyon. Dahil duon, nabawasan ang pag-atake niya at naramdaman ko ang pagbitiw niya sakin. Sinamantala ko na iyon at saka siya idinapa pa-kanan.
Ako naman ang pumatong sa kanya. Rinig ko ang pag-aray niya sa ginawa ko. Imbis na saktan siya, pinilit kong hatakin ang suot niyang nask na kulay itim. Agad niyang hinawakan ito at pilit na nilalabanan ang aking lakas. Ramdam ko ang titig niya sakin. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong reaksyon sa aking mukha lalo na sa aking mata. Alam kong inaaral niya sa bawat titig niya ang nararamdaman ko through my eyes. Walang reaksyon akong tumitig sa kanya pabalik.
"Sino ka ba?" Rinig kong wika niya. Nanatili parin kami sa ganong pusisyon. Hawak namin pareho ang mask niya.
"Ako ang dapat magtanong sayo nyan." Malamig kong tugon sa kanya.
"Wala ka nang paki-alam. Hindi ko alam kung saan ka nagtatrabaho pero ito lang ang nakasisiguro ko, babagsak kayo..." Sambit niya. Napakunot ako ng noo. Kayo? Babagsak? What does she mean?
"HALUGHUGIN NINYO ANG LUGAR. NANDYAN LANG SILA SA PALIGID." Mula iyon sa boses ni Riabelle. Pareho kaming nakatingin sa hilaga kung saan nanggagaling ang tunog. Muli kaming nagkatinginan. Mabilis ang kanyang mga kilos. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya para i-umpog sa ulo ko ang ulo niya dahilan para mabitawan ko siya. Kasabay nun ang mabilis niyang pagtayo at saka ako sinipa. Kasalukuyan ko pang hinihimas ang noo ko sa ginawa niya nang sipain niya ako. Napatumba ako mula sa pagkakaluhod.Tatayo na sana ako ngunit isang matigas na bagay ang tumama sa ulo ko mula sa aking likuran. Kasabay nun ang sakit na naramdaman ko dahilan upang makaramdam ako ng pagkahilo at pagdilim ng aking paligid.
Third person's point of view
Napatingin ang babae sa bagong dating. Humihingal pa ito sabay tingin sa kanya. Napakunot ng noo ang babae sabay tingin sa nakahandusay na nilalang. Nagdadalawang isip pa ang babae kung tatanggalin nya ba ang takip sa mukha ng kalaban. Kanina pa siya mangha sa galing nito sa pakikipaglaban. Halatang sanay--- sinanay.
"Mabuti nalang at ako ang unang nakakita. Umalis kana. Pinaghahanap ka na ng organisasyon.." sabi ng lalaking nakasuot ng pang-guwardiya. Mula palang duon ay alam na niya kung bakit ito nandito. Kasabay nun ang papalapit na mga boses.
"Bilisan mo na. Umalis kana. Ako na bahala dito." Sambit niya at agad siya hinila at tinulak palayo. Napailing na lang siya. Alam na alam niya ang dahilan kung bakit dumating ang taong iyon. Ito ay mula sa utos ng kanyang ama. Habang naglalakad palabas ng gubat ay hindi maalis sa isipan ng babae ang mga tanong. Wala bang tiwala sakin si ama? Akala nya ba ay hindi ko iyon magagawa? Nag-aalinlangan parin ba siya sa akin? Ilan lamang sa mga katanungang nalulungkot siya sa magiging sagot.
Paglabas sa gubat ay may kalsada na papunta sa bayan. Malayo na siya sa mansion. Nagulat siya ng may naka-abang na isang kotse duon. Kulay itim ito at alam na niya agad kung sino ang sakay nito. Ang kanyang ama. Huminga siya ng malalim bago maglakad patungo sa kotse. Hindi niya maalis ang inis sa kanyang sarili habang papalapit siya dito.
Kumatok siya sa bintana na tinted. Agad iyong bumukas at bumungad sa kanya ang kanyang ama. Nakangiti ito sa kanya. Napairap siya dito.
"Good job..." Bulalas nito.
"You don't have to do that. I can finish my job, Dad." Tuamngo-tango ang ama niya saka nagseryoso.
"But your job is to kill that Luigi Soriano. Hindi mo na kailangan pang mandamay ng iba." Napakunot siya ng noo. Hindi niya maintindihan ang ama.
"That person is not just a staff. Malakas ang kutob ko na siya ang tinutukoy nilang 'greatest assassin' sa organization. Dapat pinatay ko na yon kung hindi lang dumating ang isa sa tauhan mo." Sambit niya. Tiningnan lang siya ng kanyang ama.
"I know, but it is not the right time for that, Jasmin." Sambit ng kanyang ama. Napailing siya. Alam niyang kaya nagkakaganito ang ama ay dahil sa isa niyang misyon na hindi matagumpay. Ito ay isama sa organization nila si Michael Alvarin.
"Okay." Maikli niyang tugon. Hindi na siya nakipagtalo sa ama. Tumaas na rin ang bintana nito. Umatras na siya at tinanaw ang papaalis na kotse ng ama. Huminga siya ng malalim saka naglakad papunta sa bayan.
Zerrie's POV
Masakit parin ang ulo ko ng pilitin kong bumangon. Naramdaman ako rin ang mga taong nandito sa paligid ko. Hindi ko pa minumulat ang mata ko. Nahihilo ako.
"Don't pressure yourself, Sync." Narinig kong sabi ni Riabelle. Minulat ko ang mata ko at bumungad siya sakin. Medyo madilim ang paligid at tanging mga nagliliwanag na flashlight lang ang nagsisilbing ilaw. May mga guards din na nakapalibot samin.
"Ano bang nangyare?" Tanong ni Riabelle. Hindi parin ako sumasagot. Wala na rin pala ang suot kong mask. Hawak-hawak niya ito. Ang iba namang guards at naglilibot sa paligid.
"Huh?"
"Sabi ko, anong nangyare? Nakita naming wala nang buhay si Soriano duon. Hinahanap kita ngunit ganito ng matagpuan kita." Dahil sa sinabi niya, duon ko naalala ang mga nangyare. Bumangon ako. Pinigilan nya pa ako but I resist.
"There is one person earlier na..." napatigil ako sa pagsasalita. Tiningnan ko siya sa mata sabay tingin sa mga kasama namin. Napakunot ang noo ni Riabelle sabay tingin sa mga kasama naming guards. Nawala din ang kunot sa noo niya ng mapagtanto ang ibig kong sabihin.
"Later.." sambit niya. Tumango ako. Mukhang alam na niya ang pinupunto ko. Tinulungan na niya akong tumayo. May lumapit din saking isang guard at tinulungan ako. Naiilang pa ang mga ito na lumapit sakin. Bago ako tuluyang naglakad ay pinagmasdan ko muna sila isa-isa. Sino kaya sa kanila ang posibleng may gawa non? Sino ang traydor?
NAGPAPAHINGA na ako sa sofa dito sa opisina ni Clark. Mainit din ang ulo niya ngayon. Kanina pa niya sinisigawan ang mga guards. Tahimik naman kami ni Riabelle. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang mga nangyare. Bakit naman papatayin ng kung sino ang Soriano na iyon? Isa pa, sino ang taong iyon? Malakas ang kutob ko na siya din ang babae na nakita kong kasama ni Michael Alavarin. Bakit siya nanduon? Hindi ko na maintindihan. Nalilito na ako.
"MAGSILABAS NA KAYO MGA INUTIL." Sigaw ni Clark sa mga guards. Mabilis itong umalis sa harapan niya. Napatingin naman ako kay Riabelle na malalim din ang iniisip.
"Si Luigi Soriano ang isa sa pinakamalaking tao sa organization na ito. Paanong napatay sya ng di nakilalang tao habang binabantayan ng isang professional murderer. Sige nga PAANO?" Sambit ni Clark sabay tingin sakin. Napatingin din sakin Si Riabelle. Napapikit nalang ako. Kasalanan ko bang hindi nanlaban ang Sorianong iyon?
"Hindi ko na kasalanan kung hindi sya nanlaban." Sagot ko. Napakunot ang noo ni Clark.
"What do you mean?" Huminga ako ng malalim. Bumangon ako mula sa pagkakahiga.
"Nang makita ko siya, kausap na niya ang assailant niya. After that, nakita ko nalang ding bumagsak siya. It's clearly sees that it's not my fault. Isa pa, mukhang kilala niya ang killer niya." Wika ko. Napatayo naman si Riabelle.
"Hindi ba't may sasabihin ka sakin tungkol sa nangyare kanina? You stop when you realized that I'm with the guards. Why?"
"Nakasisiguro ba kayo na tapat sa inyo ang mga employees nyo?" Tanong ko. Natigilan si Clark sabay tingin sakin ng seryoso. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. May laman na ang bawat salita sa aking tanong. Mula sa kanyang expressions, alam kong may something. May hinsi ba ako alam?
"Ipatawag ulit lahat ng guards kanina. Ngayon din!" Sabi ni Clark. Tumango sa kanya si Riabelle. Naiwan kami ni Clark sa loob. Hinimas-himas ko pa ang ulo ko dahil makirot ito. Malaks ang kutob ko na isa sa mga guards ang mga gawa. Ang tanong, bakit? Bakit niya tinulungan ang babae kanina?
Maya-maya, nagsipasukan na ang mga guards na kasama ni Riabelle kanina. Konti nalang ito ngayon. Parehong kumunot ang noo namin ni Clark.
"Sila nalang ngayon." Dahil sa sinabi ni Riabelle, halos hindi na maipinta ang mukha ni Clark. Animo'y sasabog na ito sa galit.
"Sino-sino ang mga wala dito?" Pinagmasdan ko isa-isa ang mga nanditong guards. Ni isa sa kanila ay wala akong maramdamang ilang towards me. Ibig sabihin, wala sa kanila ang naka-encounter sakin kanina. Then, its clearly stated that there is a traitor. Napatingin ako kay Clark. Nakatulala na siya ngayon at malalim ang iniisip.
"Anong gagawin natin sa mga ito?" Tanong ni Riabelle. Nakita kong nanlilisik ang mata ni Clark sabay tingin sa mga guards.
"Kill them."