SA WAKAS ay naka-uwi na rin kami sa aming bahay. Medyo ma-alikabok ang loob dahil sa tagal naming nawala. Mabuti nalang at nagpasama si Clark ng maglilinis upang hindi na kami mapagod. Dumiretso na rin ako agad sa kwarto ko upang magpahinga. Sobrang daming nangyare sa labas. Marami ding dugo ang dumanak sa labas. Sadyang magulo talaga sa labas.
I took a shower before I go to bed. Inabot pa ako ng isang oras dahil duon. Ngayon lang naman kase ako nakapag-relax ulit matapos ang ilang araw. Paglabas ko, agad kong inabot ang aking cellphone. Ngayon ko lang ulit ito sisilipin matapos ang ilang araw na trabaho. Bumungad sa akin ang mga missed calls from Lexin. Napakunot ako ng noo.
Agad kong tinawagan ang number niya. Hindi ko tuloy mapigilang tumawa ng ilang rings lang ay sinagot na agad niya. Hindi siya busy ah.
"Hello, Lexi---"
"Zerrie Llana Marcos, would you like to explain to me about the last day?" Napapikit ako ng mariin ng marinig iyon. Inaasahan ko na ito mula sa kanya.
"About tha---"
"And also, why you didn't answer my calls? Nasaan ka ba?" Napakagat ako ng labi. Nakalimutan kong ang alam nga pala nila ay nasa malayong lugar ako. But then makikita nalang ako ni Lexin in that kind of situation. Nakaramdam ako ng hiya gaya nung nangyare sa interrogation room.
"I'm sorry." Sambit ko. Narinig kong huminga siya ng malalim. Tahimik lang ako habang inaantay ang susunod niyang sasabihin. Kinakabahan ako.
"Where are you?" Malamig niyang tugon. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ito. Ayoko namang baliwalain siya. Ayoko nang madagdagan ang aking mga kasinungalingan. Pero wala akong magagawa. Iba ang mundo ko sa mundo niya.
"Ako nalang ang pupunta sayo..." Mahina kong wika. May halong pagdadalawang-isip pa ito. Ayokong madamay si Lex. Lalong ayokong malaman nilang may kaugnayan ako sa mga pulis. I was currently getting their trust. Kailangan kong mag-ingat. Pero kahit ganon, ayoko naman mawalan ng kaugnayan sa kanila.
"Okay.." Maikling tugon ni Lexin. Napakagat ulit ako ng labi. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Iniisip ko, alam na rin kaya ni Kuya Steve ang tungkol duon? Mas lalong patay ako nito.
Nagbihis na ako at naghanda. Paniguradong hindi ako makakauwi dito mamayang gabi. Naghahanda narin ako ng idadahilan kay Riabelle. Isa pa yon, kailangan ko ring mag-ingat sa kanya.
Palabas na ako ng kwarto ng tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako dahil paniguradong kay Lexin iyon ngunit napawi ito ng makitang sa pangalawang cellphone galing iyon. Nang makita ko ang nakaregistered na pangalan ay halos mapakunot ang noo ko. Anong kailangan niya?
"Kamusta Sync." Sambit ng pamilyar na boses. Muli akong umatras papasok sa kwarto at ni-lock ang pintuan. Ibinaba ko sa kama ko ang dala-dala kong gamit.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko. Ano kayang dahilan at napatawag si Syncro?
"Wala lang. Nabalitaan ko lang ang mga nangyare sayo. By the way, how's the battle between my comrade?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Comrade? Sino? Hindi ko siya maintindihan.
"What do you mean?" I ask. May isang idea ang pumapasok sa utak ko ngayon. Ito ay may ugnayan sila ng babaeng dalawang beses ko nang nakaharap at ang Syncro na ito na sinasabing patay na.
"Alam kong nalilito ka, Sync. But we are not an enemy." Sambit niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Dahil dito, mas lalo akong nacurious sa mga sasabihin nya pa. Agad ko ring naalala ang sinabi ng babaeng iyon. Ang sinabi niya kay Michael Alvarin.
"I didn't get it." Sambit ko.
"Be careful. Just be careful next time." Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay ibinaba na niya ang tawag. Naiwan akong nakatulala at gulo ang isip. Hindi sila kalaban. Pero kalaban ng ano? Sa pagkaka-alala ko, ang tinutukoy ni Syncro ay ang organization ayon sa babaeng kasama nila.
Hindi ko parin mapagtagpi-tagpi ang mga nangyayare. Parang sasabog na ang utak ko sa dami ng iniisip. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Andami nang nangyayare pero wala parin akong ginagawa. Muli kong inalala ang mga nakita ko sa loob ng organization. They are making drugs. At sa pakiramdam ko suportado ito ng gobyerno. Halos lahat ng kasali sa The Coetus ay nasa pamahalaan. Ang iba ay kilalang personalidad. Hindi ko alam kung anong pinupunto ang organization na ito, pero isa lang ang alam ko, they are planning something to the humanity.
Napapikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung paano na ako kikilos. How am I going to escape now? Ngayong may isa pang organization nagsasabing, they are not the enemy. I don't know kung nagsasabi sila ng totoo. Pero dahil sa nakikita ko sa loob ng The Coetus, mukhang kitang-kita na ang totoo.
Ginulo ko ang aking buhok. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Riabelle sa labas. Wala na rin akong paki-alam kung nandyan sya sa tapat ng kwarto. Gusto kong mapag-isa at mag-isip. Muli kong naalala ang mga panahon nung ako'y bata pa. Namimiss ko na ang dating ako. Yung panahong di pa ako pumapasok sa magulong mundong ito. Yung panahong buhay pa sina Daddy. I open my phone and look at an image of Daddy. Ang picture na kinunan ko mula sa kwarto ni Riabelle. Tinitigan ko iyon ang pinagmasdan si Daddy mabuti. Hindi ko napapansin ang trabaho ni Daddy nung bata ako. Ang alam ko lang nun ay sa office sya together with my Mommy. I wondered kung alam din ni Mommy ito.
Muli kong pinagmasdan ang mga nanduon. Nakita ko ulit si Senator Mariano at ang iba pang scientist. I don't have any Idea kung anong ginagawa nila. Hindi kaya may alam din si Daddy sa gamot na ginagawa ng organization? But why?
Para sa ikatatahimik ng diwa ko naisipan kong magtungo sa sementeryo. Gusto kong makausap sina Daddy. Mababaliw na ako sa mga nalalaman ko.
Lumabas ako ng kwarto. Pagbaba ko ay naabutan ko si Riabelle na naglilinis ng baril. Tumingin siya sakin. Tiningnan ko rin siya ngunit saglit lang. Agad ko rin itong iniwas sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad palabas. Hindi na rin siya nagtanong o umimik manlang. I don't know why.
Sumakay na ako sa aking kotse. Pina-andar ko na ang makina saka lumisan na. I got a message from Lexin pero hindi ko na binasa iyon. I'm sorry Lex, mukhang di tayo magkikita ngayon.
Ilang oras ang inabot ko sa byahe bago makarating sa sementeryo. Gaya dati, may mga bata uling naglalaro sa parking lot. Mga nakatira malapit sa sementeryo. Pagbaba ko duon, I gave a tip to a young boy to guard my car. Dinumog pa siya ng kapwa niya kalaro dahil sa 1k tip ko.
I forgot to buy a flower. Mabuti nalang ay mga mga nagtitinda ng bulaklak at kandila dito sa labas ng sementeryo. Pagkatapos kong bumili ay naglakad na ako papasok. I smile to the guard at the entrance. He gave me a sweet smile that makes me weird.
Naglakad na ako patungo sa libingan nila Mommy. Nakakamangha dahil marami ang dumadalaw ngayon. Medyo madaming tao. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng matanaw ang pamilyar na taong naglalakad din patungo sa direksyon ko. Umiinom siya ng buko juice habang nakatuon ang atensyon sa cellphone. Napangiti ako. Kay liit talaga ng mundo. Dito pa kami magkikita.
"Baka matisod ka." Sambit ko ng magtapat kami. Napatingin siya sakin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"Ate Llana!" Sambit ni Jasmin. Nanlaki ang mata niya sa gulat dahil sa muli naming pagkikita. Lumingon-lingon siya sa paligid. Alam kong hinahanap niya si Riabelle.
"Riabelle is not here. May ginagawa kase siyang importanteng bagay." Wika ko. Tumango siya saka ngumiti.
"Ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong niya.
"May bibisitahin lang." Tugon ko. Tumango siya saka muling ngumiti. What a sweet and innocent smile!
"How about you?" Tanong ko pabalik. Naubos na niya halos ang buko juice niya saka tumingin sakin.
"Sinamahan ko lang ang ama ko, may bibisitahin daw siya dito." Sambit niya. Tumango ako sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Ang gaan but at the same time, there is something weird about her. I can feel it. I can sense it.
"Ganon ba. O sige, baka naaabala na kita." Sabi ko. Tumawa siya na ikinatawa ko rin.
"Ang liit ng mundo, Llana." Sambit niya. Nagseryoso ang mukha niya. Nawala din ang tawa ko at tumingin ng seryoso sa kanya.
"You're right." Sagot ko. Huminga siya ng malalim.
"Saan naman kaya tayo next na magkikita?" Tanong niya saka umakto na nag-iisip. Bakit ang weird at ang awkward?
"I don't know."
"Sana kapag nagkita ulit tayo, you are with Riabelle. Namiss ko na iyon." Sabi niya. Tumango saka ngumiti to light up the atmosphere.
"Sure. By the way, ginagawa mo parin ba yung alam mo na..." wika ko.
"Nope. Hindi na. I have work na. Something exciting.." Sambit niya saka ngumiti. Ngumiti din ako.
"Mabuti. Keep it up and....." Tumigil ako sandali at tumingin sa mga mata niya. "...... be careful. Just be careful next time." Mula sa mga salitang binitiwan ko, unti-unting naglaho ang kanyang ngiti. Nakatitig lang siya sakin at para bang nag-iisip ng malalim. Hindi ko na rin nakuha pang ngumiti. Parang bumagal ang takbo ng paligid. Maya-maya ay umiwas na siya ng tingin at inilipat ang tingin sa cellphone.
"Tanghali na pala, sige mauna na ako. Baka nanduon na si Daddy sa kotse." Sabi niya sa ngumiti. Tinanguan ko siya saka ngumiti din. Ngunit pilit nalang. Nilagpasan na niya ako at hindi na lumingon sakin. Huminga ako ng malalim. Ipinagpatuloy ko na ulit ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa puntod nila Mommy at Daddy. As usual, may bagong kandila nanaman at bulaklak ang nanduon. Malinis din ang lapida ni Mommy.
"Hello, po." Bumangd ko. I place the candle in both tombstones together with the piece of rose.
"Kamusta kayong dalawa?" Sambit ko habang nilalagyan ng apoy ang kandila. walang gaanong tao sa bahaging ito ng sementeryo.
"Medyo magulo ang isip ko po ngayon. Please guide me." Sambit ko. Medyo lumakas ang hangin. I feel their presence.
"I have so many questions to you, especially Daddy...." Medyo nakaramdam ako ng lungkot. Pumikit ako upang hindi pumatak ang luha ko. Naiiyak na ako. Pero ayokong umiyak dito sa harap nila Mommy.
"Naguguluhan po ako." wika ko. Naramdaman ko nalang ang mainit na likidong namumuo sa aking mata. Kasabay nun ang pagdausdos nito sa aking pisngi.
"I miss you Mommy and Daddy." Pagkasabi ko tuluyan na ngang bumagsak ang luha ko. Kahit 10 years na silang wala, I can feel their presence. Para bang nandito lang sila. Malapit sakin.
"Here." Natigilan ako ng makarinig ako ng boses sa aking likuran. Paglingon ko, bumungad sakin si Lexin. May hawak itong panyo at nakatingin ng seryoso sakin. Hindi ako makagalaw sa pagkabigla. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Paano niya nalaman na nandito ako? Nakatingin parin siya sakin . Hindi ko maalis ang pagkabigla sa aking mukha. Umupo siya sa harap ko saka ipinahid sa aking mukha ang panyong dala niya. Seryoso paring ang mukha niya habang ako ay hindi makapaniwala.
"A-Anong ginagawa mo d-dito?" Tanong ko. Tumingin siya sa mga mata ko. I see the sadness in his eyes. Why?
"Alam kong nandito ka. 11th death anniversary ng parents mo. Kung gusto mo ng kausap, nandito naman ako. Always." Mula sa mga sinabi niya, ngayon ko lang napagtanto, death anniversary nga pala nila today. Bakit nakalimutan ko? Today is September 12, 2020. 11th death anniversary nila. Napaiyak nalang ako. Nakalimutan ko pa.
"Ssshh. Calm down." Sambit niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. I do the same. Ito ulit ang unang pagkakataon na nayakap ko siya after so many months. Bukod sa busy siya dahil sa trabaho niya, hindi rin ako masyadong nagalalapit dahil sa mundong ginagalawan ko. Pero iba ang araw na ito.
"Lexiiiiin" Sambit ko habang umiiyak. Mas lalo niyang hinigpitan ang kanyang yakap sakin. Mabuti nalang at walang tao sa bahaging ito.
SABAY kaming naglalakad ni Lexin palabas ng sementeryo. Hawak-hawak niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung paano nangyare iyon. Ambilis naman ni Lexin. Kanina pa rin walang umiimik samin. Nahihiya naman akong magsalita dahil sa mga nangyare, lalo na yung sa interrogation room. Alam kong madami parin siyang tanong sakin. Pagdating namin sa parking lot ay bumitaw ako sa kaya. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.
"Ano kase, may dala kase akong sasakyan. Kaya ko nang umuwi." Sambit ko. Naging seryoso ang mukha niya saka tumingin sa mata ko.
"Hindi ka uuwi." Maikli niyang tugon sakin. Ginapangan ako ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na lagi kong nararamdaman tuwing kasama ko siya dati.
"Paano yung car ko?" Natahimik siya. Napakagat ako ng labi ng makita ko ang paghawi ng hangin sa kaunting buhok sa kanyang noo. Lumilitaw ang kagwapuhan niya. Hindi ko maiwasang kiligin dahil duon. Ano ba naman ito? Ang tanda ko na, pero nakikiganito parin ako.
"Tatawagan ko nalang si Steve para sya na ang kumuha." Tumango ako. Inilahad na niya sakin ang kanyang kamay. Kinuha ko ito at sabay kaming naglakad papunta sa kotse niya. Namiss ko ang kotse niya. The scent inside of his car.
Wala akong idea kung saan kami pupunta. Medyo hindi ako pamilyar sa direksyong tinatahak namin. Hindi ito papunta sa condo niya. I look at Lexin. Seryoso siyang nagmamaneho. Muli akong napakagat ng labi.
"Oo nga pala, maalala ko lang, saan ka nagpunta after nung interrogation nung isang araw? Nawala ka bigla." Hindi siya sumagot sa tanung ko. I pouted my lips. What's wrong with him? I crossed my arms and look at the window. Traffic ngayon dahil rush hour na. Hindi parin ako kinikibo ni Lexin. Galit kaya sya?
"Ano bang pinagkaka-abalahan mo sa buhay?" Tanong niya. Nagulat ako duon. Agad akong napatingin sa kanya na nakatingin na din sakin. Nakahinto ang sasakyan namin dahil sa traffic.
"H-Huh?"
"Sabi ko anong ginagawa mo ngayon sa buhay? Bakit nasa pulis ka nanaman? Also, bakit ganon ang suotan mo?" Napakagat ako ng labi. Kahit ilang araw na ang lumipas, parang kanina lang iyon sakin. Nakakatakot naman siya.
"Wala. N-Nag eenjoy lang ako sa buhay."
"Kaya pala nasa bar ka at ganon ang suot.." sabi niya saka muling itinuon ang atensyon sa kalsada. Pina-andar na nya ang sasakyan habang tumatango-tango. Napapikit ako ng mariin. Ano nang sasabihin ko? Kinakabahan ako sa kanya.