Mabilis ang patakbo ni Fernando sa sasakyan. Mabuti nalang at walang ibang sasakyan na nakaharang sa kalsada. Dahil sa nangyayare ngayon, nagmistulang gyera ang buong syudad. Ang mga kalsada ay walang kalaman-laman. Wala ring gaanong tao sa paligid dahil sa gulong nangyayare. Ang nakaka-awa lang ay may iipan paring bangkay ang nasa gilid-gilid na hindi pa nakukuha ng pulis. "Dumiretso na tayo sa mansion." Wika ni Syncro. Tumango si Fernando at mabilis na sumunod sa sinabi ni Syncro. Wala na ring gaanong nakasunod sa kanila. Muling lumingon sa likod si Zerrie upang makatiyak na wala na talaga. "Paano napunta sa ganitong sitwasyon ang lahat?" Bulalas ni Zerrie habang nakasilip sa likuran. Napalingon sa kanya si Steve. Maski si Steve ay wala ring idea. Hindi rin nito inaasahan na ganito ang

