CHAPTER TWENTY FOUR

2427 Words
Zerrie’s POV   “What do you want?” I ask. Nakatingin lang sakin ang mga lalaking sumundo sakin kanina. Nakita kong tumayo ang matandang lalaki. Hindi ko alam kung anong papel niya sa bahay nila Jasmin. Ngunit base sa kung paano niya tratuhin si Jasmin, malakas kutob ko na isa siyang butler.   “I should be the one who supposed to ask you. Who are you? Anong kailangan mo kay Miss Alex?” Tanong niya. Tiningnan ko siya sa mata. Now I know, they just want to protect their Master. Naiintindihan ko na. I smiled to calm them down. But it looks like what I did was wrong. They just look more serious now.   “Don’t worry, I don’t have a bad intention to your granddaughter.” Sagot ko. Nagkatinginan sila. Pagkatapos ay tumingin ulit sakin ang matandang lalaki. Sinenyasan niya ang mga tauhan niya na lumabas habang nakatingin sakin. Nagulat ako sa ginawa niya. What does it mean?   Nang maiwan nalang kami. Dahan-dahan siya lumapit sakin at may kinuha sa bulsa. Pagkatapos ay inilagay nya ito sa mesa. It looks like a sort of small device. Comparable to a tracking device. After he put it on the table, he looked at me. I frowned at those looks. I do not understand what he means.   “We found it under your car. Now tell me, who are you?” he asked. I was stunned. I immediately looked at that little device. I can’t explain why I seem to feel something. Hindi ko maintindihan. May isang idea ang pumapasok sa utak ko ngunit pilit ko itong pinipigilan. Ayokong mag-isip ng kung ano.   “Bakit hindi ka makasagot? Sino ka ba?” I looked at him. I do not know what to answer. I also have no intention of telling them who I am. Tiningnan ko siya saka ngumiti. Kinuha ko mula sa mesa ang tracking device pagkatapos ay tinapakan ko ito dahilan para masira ito ng tuluyan. Nakatingin lang sakin ang matanda sa ginawa ko.   “Don’t worry, wala akong intention na kung anong masama sa apo ninyo.” Sambit ko saka lumabas. Pagbukas ko ng pinto. Bumungad sakin ang mga tauhan niya. Para silang dumaan sa isang takbuhan dahil sa mga itsura nila. Tiningnan ko sila isa-isa. Lahat sila ay panay iwas lang ng tingin. Huminga ako ng malalim bago bumalik sa kwarto ni Jasmin. Akala ko naman kung ano iyon.   When I entered Jasmin's room, I took a deep breath. An idea that might have something to do with Riabelle came to my mind earlier. About that tracking device, does that mean he knows where I am going? Now I know why Clark doesn't even ask me about his assignment to me.   Bakit hindi ko ito naisip?   He would not give me a car for no reason. Lalo na’t hindi pa sila gaanong nagtitiwala sakin. why did I not think of it? They must have an idea of where I am going. Is that why Riabelle doesn't ask? s**t!   “Oy! Ang aga mo naman magising…” Natigilan ako ng marinig ko si Jasmin. Mukhang kagigising nya lang. Mabilis akong lumapit sa kanya at kinuha ang mga gamit ko sa gilid ng kama niya. Napabangon siya sa ginawa ko. I saw her look at her watch on the side of the table and look at me again.   “It's 3 AM. Why so early?” Sambit niya. Nang makuha ko na ang mga gamit ko, tinignan ko siya.   “I have something to do. Magkita nalang tayo sa bahay ko… I mean duon sa bahay na luma...” wika ko saka mabilis na lumabas. I need to talk to Riabelle.   Narinig kong may sinabi pa siya ngunit hindi ko na iyon pinakinggan pa. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko ang ilan sa mga tauhan nila. I ignored them and continued walking outside. I was close to the door when I saw that old man. Nakangiti siya sakin na para bang alam niya ang gagawin ko. Nilagpasan ko lang siya at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Nagulat ako ng makita ang kotse sa tapat ng bahay nila Jasmin. Nakahanda na ito. Nilingon ko ulit at matandang lalaki. He’s so weird.   Pinag-andar ko na ito at nilisan ang lugar. Gaya ng The Coetus, medyo mahaa din ang daan patungo sa bahay. Nakatayo ito sa gitna ng guba. Hindi ko alam kung bakit ang hilig-hilig nilang magtayo ng bahay sa gitna ng gubat.   Mula sa di kalayuan, may natanaw akong kotse na papunta sa bahay nila Jasmin. Itim na Van ito. Hindi ko na ito pinansin. Ang nasa isip ko ngayon ay ang tungkol sa tracking device. Alam kong sila ang may gawa non. I need them to explain about it.   ILANG oras ang inabot ko sa byahe. Mag-alas otso na ng makarating ako sa mansion nila Clark. Walang gaanong tao ngayon duon. Konti lang ito ngayon. Maski ang mga guards na nagbabantay, konti lang din. Medyo naninibago ako ngunit hindi ko maiwasang mapaisip. Anong meron? Anong nangyayare? Bakit parang pakiramdam ko ay nagkaroon ng pagabago? Hindi naman ako ganon katagal nawala. Ngunit hindi ko maiwasang manibago sa mga nakikita ko ngayon.   Pagbaba ko sa kotse, may ilang mga guards ang napatingin sakin. Hindi ko maintindihan ang ibig iparating ng mga tinging iyon. Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa entrance ng mansion ng isang guards ang humarang sakin. Napakunot ang noo ko. Bago ba siya dito? Hindi niya ba ako kilala.   “I need to talk to Clark and Riabelle.” I ask. Tiningnan lang ako ng guard saka tumingin sa isa nya pang kasama. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nila. Alam kong may ibig sabihin ang mga tingin na iyo. Hindi ko na inantay pa ang kanilang sagot. Hinawi ko ang kamay ng guwardiyang iyon at pumasok sa loob. Pagbukas ko ng pinto ay dalawang lalaki ang may hawak ng baril na nakatutok sakin. Mga seryoso ang mukha nito habang nakatutok sakin ang mga baril. Tiningnan ko sila ng walang halong emosyon. Hindi ko maintindihan, what’s happening here?   “Isang hakbang, hindi kami magdadalawang isip na paputukan ka.” Wika ng isa sa kanila. Bakit a napapalapit ako sa kamatayan ngayon?   “Where’s Clark and Riabelle? I need to talk to them.” Nagkatinginan ang mga lalaking may baril. Pinakiramdaman ko ang dalawa pang lalaki sa likod ko. Nakabantay sila ngayon. Four versus one ang labanan. “Wala sila dito.” Maikling tugon ng isa pa niyang kasama. Tiningnan ko silang dalawa habang ang pakiramdam ko ay nasa dalawa pa sa likod.   “Okay.” Sambit ko. Nakita ko ulit ang pagtitinginan ng dalawang lalaki sa harap ko. Sinamantala ko ito. I kicked the gun held by one man as I quickly approached the other to retrieve the gun he was holding in his hand. I also kicked the second man in his genitals to somehow weaken the opponent. I rapidly moved my foot to kick the first man's jaw. I felt the two men quickly approach me so I immediately fired the gun at the leg of the first guard. The second guard just stopped pulling the gun because I immediately pointed the gun, I get from the second man.   Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay na patungo palang sa lalagyanan nito ng baril. Sinenyasan ko siya na itaas niya ang dalawa niyang kamay. Sinunod niya ako. Bago ako lumapit sa kanya, sinipa ko muna ang mukha ng lalaki na balak sanang tumayo upang lapitan ako. Pinagmasdan ko pa ang dalawa niya pang kasama, ang isa ay halos mamilipit na sa sakit dahil sa pagkakasipa sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Samantalang ang isa ay halos maglawa na ang dugo sa sobrang dami. Nakita kong may mga nakasilip saming nagtatrabaho din sa organization na ito. Sinensyasan ko ang isa na dalhin sa medic ang lalaking duguan. Sinunod naman nila ito. Muli kong tiningnan ang lalaki na ngayon ay nakataas na ang kamay.   “Now tell me? Where are they?” Tanong ko. Mukhang hindi pa sana magsasalita ang lalaking ito ng ipinakita ko sa kanya ang pagkasa ko ng baril. I could feel him swallowing because of the intense nervousness.   “H-Hindi ko po alam…” Sagot niya. Mas pinaigi ko pa ang pagtutok ko ng baril sa kanya. Ramdam ko ang tingin ng ilang mga taong inaasikaso ang lalaking nabaril ko kanina.   “Talaga bang hindi mo alam?” Tanong kong muli. Tumango siya sakin. Ngumiti ako sa kanya at akmang tatalikod nang pinaputukan ko ng baril ang gilid ng paa niya. Halos mapatalon ito sa sobrang bigla. Ramdam ko rin ang gulat ng mga taong nasa likod ko ngayon.   “Sagot!” Wika ko.   “Nakita po namin kahapon sila Sir na umalis, sakay ng helicopter.” Sambit nito. Humarap ako sa mga taong nasa likod ko. Halos magulat sila ng tingnan ko sila isa-isa.   “Totoo po iyon Miss Sync…” sambit ng isa sa medic.   Umalis sila? Saan naman sila nagpunta? Bakit hindi manlang sinabi sakin ni Riabelle na aalis sila? May hindi ako magandang pakiramdam tungkol dito. Hindi ko iyon matukoy kung ano. Parang sakto naman ata. Kung kailangan naman kailangan ko silang makausap, saka sila wala.   Isang idea ang pumasok a utak ko. Pinagtataguan nila ako. Hindi ako sigurado tungkol duon pero base sa nakikita ko, parang ganon nga. Isa pa ay ang pagbabago dito. Sobrang konti nalang ng nagbabantay dito. Hindi gaya dati na madami. Anong ibig sabihin nito? May hindi pa ako alam sa nangyayare?   Naglakad na ako patungo palabas ng pinto. Bago ako umalis, ibinato ko sa kanila ang baril. Kita ko ang mga kabado nilang itsura. May hindi tama dito. Lalo na kanina, ang pagtutok nila sakin ng baril. Posible kayang si Clark ang nag-utos nun? Sa lahat ng taong nandito, si Clark ang pinaka-sinusunod nila. Walang-wala ako na isang assassin lang. Kaya ba pinalagyan niya ng tracking device ang binigay niyang kotse?   Shit!   Mabilis akong naglakad papunta sa kotse ko. Walang gaanong tao sa labas. Talaga ngang nagbawas sila ng tao. Para saan?   Nang makarating ako sa tapat ng kotse ko, isang bagay ang napansin ko sa labas nito. Tiningnan ko lang ito at pumasok na sa loob ng kotse ko. Huminga ako ng malalim habang nakamasid sa labas. Sobrang tahimik sa labas dahil wala ka talagang makikitang tao.   “You can now get out of your hiding place, kuya Steve.” Wika ko. Maya-maya, naramdaman ko ang ilang paggalaw sa loob ng kotse ko. Kasabay nun ang paglitaw niya mula sa likod ng kotse. Nakasimangot itong nakatingin sakin.   “Paano mo nalaman?” wika niya. Napa-crossarm nalang ako habang tinitingnan siya sa rear-view mirror.   “Footprints…” Sagot ko sabay nguso sa labas. Napapikit siya ng mariin. Nakalimutan nya bang umulan kagabi? Malamang na medyo magpuputik ang lupa. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.   “Hay nako, teka nga... bakit ka nandito?” biglang nagseryoso si kuya Steve. Really?   “Nothing.” Sagot ko. Ipina-andar ko na ang kotse saka nilisan ang lugar. Lumipat si kuya sa passenger seat habang tumatakbo ang sasakyan. Binagalan ko ang takbo para naman hindi siya gaanong mahirapan.   “Anong nothing? Anong kailangan mo at bumalik ka?” Muli niyang tanong. Umiling ulit ako bilang sagot sa tanong niya. Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim.   “Hindi parin ako makapaniwala na kasama ka sa organization na ito. Teka! Ano palang trabaho mo dito?” Natigilan ako sa tanong niya. Hindi pa nga pala niya alam na isa akong assassin. Hindi nya pa alam na ako mismo ang pumapatay sa mga traydor sa organization. Ang serial killer na matagal nang tinutugis ni Lexin.   “Nga pala kuya, ano ng nangyare sa gamot? May nakalap na kayo?” Tanong ko bilang pagabago ng topic. Mukha namang hindi niya ito nahalata dahil parang may kinakalikot siya sa cellphone niya. Hinayaan ko lang siya na gawin ang dapat niyang gawin habang nagmamaneho ako.   “Meron na, ngunit mahihirapan tayo” wika niya. Napakunot ako ng noo ngunit hindi parin ako tumitingin sa kanya. Hinayaan ko siyang magsalita.   “Base sa pag-aaral tungkol sa nakalap nating gamot, medyo kakaiba daw ito. Hindi maipaliwanag na kemikal ang nakapaluob dito. Alam kong imposible ito ngunit hindi talaga kapani-paniwala. Masyadong matatalino ang mga gumawa ng gamot na ito…” tugon ni Kuya. Biglang pumasok sa isip ko si Daddy. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Ano itong ginawa mo, Dad?   “Yun lang?” tanong ko. Ramdam ko ang pagtingin ni kuya bago magwika.   “Meron pa, may nakita din silang THC duon.” A/N: Ang THC or Tetrahydrocannabinol ay isang sangkap na matatagpuan sa m*******a. It is a hallucinogen that alters a person’s awareness of their surroundings as well as their own thoughts and feelings.   Agad kong napahinto ang sasakyan sa gilid. Hindi pa kami nakakalabas ng tuluyan sa mahabang gubat na ito kaya naman walang mga kasunod na sasakyan o kasalubong na sasakyan. Gulat akong napatingin sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sakin na para bang inaasahan na niya ang magiging reaction ko.   “Teka, hindi ko maintindihan. Seryoso ka ba?” Tanong ko. Ang gamot na ibinigay ko kay kuya ay galing sa loob ng organization. Nakuha ko ito nung nagpanggap akong isa sa mga doktor. Anong big sabihin nito? Ano ba talaga ang binubuo ng organisasyong ito?   “Iyon lang ba?” Tanong ko. Tumango siya sakin. Huminga muna ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang pagmamaneho.   “Ngayon ay kumikilos na ang buong team, ngunit matatagalan pa. Walang sapat na ebidensya.” Sambit niya sabay tingin sakin. Hindi ko pinansin ang mga tinging iyon. Kasalukuyang gumugulo sa utak ko ngayon ang nalaman ko tungkol sa gamot na iyon. Bakit may halong ganong klaseng kemikal sa ginagawa nilang gamot? Ano ba ang binubuo nila? Ano ba ang nililikha nila na minsan nang naging parte si Daddy? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lalo lang akong nauuhaw na malaman ang katotohanan. Kung anong meron sa organisasyong ito at sa balak nilang gawin. Sa kabilang banda, hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.   Nakarating kami sa bayan ng wala manlang nag-uusap sa pagitan namin ni kuya. Tahimik din siya. Ano kayang iniisip niya? Tumatakbo kaya sa utak niya ang tungkol sa gamot na iyon? Tuwing iniisip ko na si kuya ay isang American agent at isang traydor at espiya sa organizaton, hindi ko maiwasang kabahan para sa seguridad niya. Kinukuha ko pa ang loob nila, ayokong madawit ako ngunit, kapamilya ko siya. Sya lang ang tangi kong kamag-anak dito sa Pilipinas.   Sinulyapan ko si kuya mula sa passenger seat. Nakita kong tulog na siya. Seriously? Ang bilis naman nito matulog. Napapailing nalang habang pinakikiramdaman si kuya. Mukha ngang nakatulog siya. Nagdadalawang isip ako kung ihahatid ko ba siya kina Lexin dahil duon siya tumutuloy o wag na. Baka kase kapag nalaman ni Lexin na magkasama kami, baka magtanong lang siya about dito. Malaan nya pa ang kaugnayan ko sa organization. Tama!   I took a deep breath bago mapagdesisyunan kung saan ko iuuwi si kuya. Ito ay sa bahay namin nila Mommy. Muli kong sinulyapan si kuya sa tabi ko bago pinaandar ang sasakyan papunta duon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD