MAGDADAPIT-HAPON na ng makauwi si Jasmin. Nasa kalagitnaan kase kami ng pag-uusap ng tumunog ang cellphone niya. It turns out na Daddy nya pala iyon. Minsan na ring nabanggit samin ni Jasmin ang tungkol sa Daddy nya. Hinayaan ko lang siya umalis. Nakikita kong medyo may pagkarebelde ang Jasmin na ito. Napa-iling nalang ako.
“May dala pala akong foods.” Sambit niya saay abot ng dalawang plastic. Mukhang nagtake out pa siya sa isang fast-food restaurant. Balak ko naman na sanang kumain sa labas just in case na hindi siya umuwi.
Inilapag nya ito sa malapit na lamesa. Mabuti nalang ay nakita ko ang emergency flashlight namin sa bodega ng bagay. Duon kase tinatago ni Daddy dati ang mga emergeny kit in case na may problema. Pagkaukas ko ng flashlight, kahit papaano ay lumiwanag ang paligid. Kinuha na ni Jasmin ang isang plastic na may lamang pagkain. Kinuha ko na din ang isa pa. Tahimik kaming kumakain. Minsan ay nag-uusap kami tungkol sa mga bagay dito sa bahay na ito. Sinabi niya na nung una niyang kita dito, medyo sorang dumi daw. Wala naman da siyang ginagawa nung araw na iyon kaya naman nilinis na niya. Hindi ko tuloy mapigilang ma-guilty. Ang responsibilidad na iyon ay dapat ako ang gumagawa.
Nagkwento pa siya ng mga karanasan niya dito. Dahil daw sa sobrang luma at halos walang may-ari sa bahay na ito, may mga pumapasok dito na kung sino-sino. Hindi naman daw niya masabi kung magnanakaw ba dahil kapag umaalis ang mga ito, tinitingnan niya ang mga gamit. Wala naman daw nawawala. Napaisip ako sa sinabi niya. Agad pumasok sa isip ko si Mariano. Posile kayang ginawa nilang tagpuan ang bahay namin nun ng kung sino mang kausap niya? Ngunit parang di makatotohanan. May susi siya. At palaisipan kung paano niya iyon nakuha. Paano siya nagkaroon nun. Paano nila nalaman ang bahay namin? Nagflash sa utak ko ang larawan ni Daddy na nakita ko nuon sa kwarto ni Riabelle. Kasama niya sa litrato si Mariano. Posibleng nagkakilala na sila. Kaya pala medyo pakiramdam ko ay malapit siya sakin. Maaring ito nalang ang naisip niyang tagpuan sa mga naka-transaction niya dahil patay na ang may-ari nito.
Teka?!
Kung kilala niya sina Daddy, then he must know me too? Natigilan ako sa pagnguya. Bumalik sa ala-ala ko ang araw na papatayin ko si Mariano.
"Adios." Sambit ko. Medyo naramdaman ko ang pagod ngunit hindi pa pala duon nagtatapos ang laban ko. Nakarinig ko ang kasa ng baril sa aking likuran. Mukhang alam ko na kung sino siya.
"Huwag kang gagalaw. Kung hindi, papatayin kita." Sabi niya. Napangiti ako. Narinig ko na iyan sa mga action films na napanood ko. Humarap ako sa kanya. Napa-atras siya sa ginawa ko. Mas idiniin niya ang pagtutok niya ng baril.
"Papatayin talaga kita." Sabi nya pa.
"Then do it." Sagot ko. Nagulat siya ng marinig ako. Hindi ko alam kung bakit. Ngunit binaba niya ang baril. Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. What the heck?!
"C'mon, do it." Muli kong sinabi. Ngunit nakatitig lang siya sakin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng marinig ako.
"Ikaw si...." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Ngunit hindi na niya natapos ang sasabihin ng tumama ang isang bala ng baril sa kanyang ulo. Tumalsik ang dugo nito sa aking mukha. Napakurap ako dahil sa gulat. Agad siyang bumagsak. Nanatili lang ako sa posisyon ko ng marinig ang paglapit ng isang tao sa likod ko.
Impossible! Imposibleng alam niya na ako si Zerrie that time. Walang nakaka-alam na ako si Sync. Depende nalang kung nakilala nya si Zerrie ng personal.
“Hoy Llana ano ang iniisip mo? Kanina pa kita tinatanong. Sabi ko, taga saan ka?” Wika ni Jasmin sa aking tabi. Nilingon ko siya. Malapit ng maubos ang kanyang pagkain. Napatingin din siya sa pagkain ko na madami pa rin. Sa hindi namin malamang dahilan, pareho kaming napatawa. Ang bilis naman niyang kumain. Hindi halatang gutom siya.
“Ang bagal mo naman. Ano bang iniisip mo kase?” Sambit niya habang tumatawa pa. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti. Totoo ngang hindi ko napansin. Baka nga ilang minuto na akong nakatunga-nga dito.
“Wala naman. May iniisip lang. Pero hindi na importante.” Sambit ko. Tumango-tango siya habang tumatawa. Pinagmasdan ko siya habang unti-unting nawawala ang ngiti sa aking labi. Muli nanamang bumalik sa utak ko ang kanina ko pa iniisip. Maaaring alam nga ni Mariano Villafuerte na ako si Zerrie.
Matapos kong kumain, si Jasmin na ang nagprisinta na magtatapon ng lahat ng pinagkainan namin. Hindi na rin naman ako nangialam pa. Masyado kase siyang mapilit. Naiwan ako sa loob. Medyo madilim na rin dahil gabi na. Tanging ilaw lang na nahanap ko sa storage ang nagsisilbing liwanag sa buong bahay.
Hays!
Hindi ko mapigilang huminga ng malalim habang inaalala nanaman ang mga panahon na kasama ko sina Daddy. My twelve years of existing was here. Exactly here. Together with my Mommy and Daddy. I can’t help but miss them a lot. Dahil sa pananatili ko dito, mukhang hindi magiging madali.
Narinig ko ang pagpasok ni Jasmin. Lumingon ako sa kanya ng makita kong basa siya. Dahil duon, napatayo ako. Mabilis kong kinuha ang tela sa malapit at inabot ito sa kanya. Nagpasalamat siya sakin. Bigla kong naalala si Riabelle sa kanya.
“Umuulan ba sa labas?” tanong ko. Tumango siya sakin. I look around if I can see something that belongs her. Pero mukhang wala siyang damit dito.
“May dala ka bang extra damit?” I ask. Umiling siya sakin. Nagkatitigan kami. Ang alam ko ay wala na rin ang mga gamit ko dito. At kung meron man, di na iyon kasya sa kanya. Pero hindi naman pwedeng hindi sya magpalit. Magkakasakit siya.
“Don’t worry ate, uuwi nalang ako.” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba ng banggitin niya ang salitang ‘ate’. Para bang sa unang pagkakataon, naranasan kong maging panganay.
“Saan ka naman uuwi?” Sambit ko. Nakita kong napakagat siya ng kanyang labi. Pagkatapos ay nilingon ako saka nagwika;
“You come with me if you want...” sambit niya saka ngumiti. Nanatili ang mata ko sa kanya. Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako. Medyo hindi ako sanay pumunta sa bahay ng isang kaklase o kaibigan. I never experience that before.
“Can I?” Tumango siya sakin.
GUMAYAK na kami papunta sa bahay nila Jasmin. Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako makakapunta sa bahay ng kung sino man. Wala namang nag-aya sakin dati. They say that I’m just a nobody. Palamuti lang sa klase. Only Lexin is the only one who accept me and ask me about being friends with him.
Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o ano. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ano kayang itsura ng bahay nila? How about her parents? Matatanggap kaya nila ako? Minsan na niyang nabanggit ang ama niya, ano kayang uri ng tao ito?
“Bakit pala hindi mo kasama si Riabelle?” Napalingon ako kay Jasmin. Nagkibit balikat lang ako sa kanya.
“Mag-kaaway ba kayo?” Tanong pa niya. Umiling ako. Naramdaman ko ang titig niya sakin bago niya ako tantanan.
Inabot kami ng ilang oras bago makarating sa bahay nila. Namangha ako sa laki nito. Hindi mo mahahalata na dito nakatira si Jasmin. May malaking garden sa harap bago makarating sa mala-palasyo nilang bahay. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan at mahiya. Parang galing sa elite clan itong si Jasmin. Hindi halata.
“Pasensya na sa bahay namin.” Sambit ni Jasmin. I just raised my eyebrows to her. Seriously?
Ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Isang lalaki ang nakita ko sa entrance ng bahay. Mukhang inaantay na niya ang pagdating namin. Napakunot ako ng noo.
I stop the car in front of the man. Naunang bumaba si Jasmin. She signs me to follow her. Ginawa ko ito. Paglabas ko sa kotse ko, bumungad sakin ang isang lalaki. Umatras ako pa-kaliwa dahilan para makapasok siya sa loob ng kotse ko. Pagkatapos ay pina-andar niya ito. I look at Jasmin. She lips sync the word ‘its okay’.
“Good evening Miss Alex. Akala po namin hindi kayo uuwi. Halina po sa loob at basang-asa po kayo.” Sambit ng lalaki na medyo matanda na. Nilipat nito ang tingin sakin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Napakunot ako sa paraan niya ng pagtingin sakin. Duon ko lang napagtanto na umuulan at basa na rin ako. Napatingin ulit ako sa lalaki na ngayon ay nakatingin na kay Jasmin.
“Pumasok na kayo.” Wika nito. May mga maids din sa likod ng matandang lalaki. Tumingin ako kay Jasmin na halos hindi na maipinta ang mukha. Halatang hindi niya gusto ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Ngayon ay alam ko na. Kaya naman pala mas pinili niyang mag-stay sa bahay namin na halos ilang siglo na ang itsura sa tagal ng walang nakatira. Hindi niya gusto ang ganitong buhay.
“Nasaan pala si Papa?” Bulalas ni Jasmin. Napatingin ako sa kanya. May lumapit naman na maid sakin at inabot ang tuwalya. Hindi ko rin maipaliwanag ang titig nito sakin. Para bang inaaral niya ang bawat anggulo ng aking mukha. Hindi ko maiwasang mailang dahil hindi lang ang maid na ito ang ganun sakin, halos lahat. Sana lang ay napapansin iyon ni Jasmin.
“W-Wala po siya Miss. Umalis po siya simula kaninang tanghali. May importante daw pupuntahan.” Wika ng matandang lalaki sabay tingin sakin. Muling kumunot ang noo ko. Awkward.
“Okay. By the way, dito muna tutuloy ang friend ko.” Sambit ni Jasmin at mabilis akong hinatak sa kung saan.
Hinayaan ko lang si Jasmin na tangayin ako. Hindi ko rin naman alam ang pasikot-sikot dito. Isa pa, ayokong mag-stay sa lugar na iyon. Lalo na ang mga mata nila na halos matunaw na ako sa kakatitig sa hindi ko malamang dahilan.
“I’m sorry about that. Alam kong naiilang kana kaya inalis na kita duon.” Sambit niya. Ibig sabihin, napapansin niya ang mga tingin na iyon.
“Thanks.” Sagot ko.
ALA-UNA na ng madaling araw ngunit hindi parin ako makatulog. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Jasmin. She was sleeping beside me. Nakakainggit nga siya dahil buti pa siya ay nakatulog na, samantalang ako ay nangangapa pang makatulog.
I get my phone to check if there is a message. Wala naman. Napapaisip tuloy ako. Kamusta na kaya si Lexin? I left him without words. Magkikita dapat kami pero pinatayan ko sya agad ng tawag.
Hays!
I open my messenger and send him my voice message. Kahit sa ganitong paraan manlang ay makabawi ako sa kanya. Nakakaguilty kase yung ginawa ko.
After I send my VM, I tried to sleep. But my eyes don’t want to sleep yet. So, I end up waking up again. Pinagmasdan ko si Jasmin. Tulog na tulog na siya ngayon. Ganyan siguro kapag mga nasa edad 18-19.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. I stretch my arms. Hindi talaga ako makatulog. Nasanay na ang mga mata ko sa matinding puyat. Siguro nga ay sakit na ito. Pero kung mamamatay man ako sisiguraduhin kong natapos ko na lahat-lahat.
Pumasok ako sa banyo ng kwarto ni Jasmin. Maayos ang mga iyon. Mukhang maayos sa gamit at sarili ang batang ito.
Naghilamos ako bago lumabas. Tulog na tulog si Jasmin. Lalapitan ko na sana siya ng maramdaman ko ang mga yabag sa labas ng kwarto ni Jasmin. Although tahimik ang mga iyon, ramdam ko ang vibrations sa aking paanan. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ngunit huli na ng makita kong bumukas ito ng kusa. Iniluwa nito ang ilang lalaki na nakasuot ng black lab coat. Napakunot ako ng noo ng lapitan nila ako.
“Sumama ka sa amin.” Sambit ng isa sa mga lalaki. Pinagmasdan ko sila. Hindi ko ipinakita sa kanila na kinakabahan ako o natatakot. I didn’t feel anything actually. Sa lahat ng mapanganib na nagawa ko, dito pa kaya?
“What do you want?” Kalmado kong sagot. Nagkatinginan sila. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayare. Nakita ko ang isa sa kanila na para bang may binubunot sa pantalon sa pagitan kanyang baywang. I immediately prepare myself. Mukhang naintindihan ng mga ito ang ibig iparating ng posisyon ko. Ngunit agad ding natigil ang nakahandang labanan ng sumulpot sa likod nila ang matandang lalaki kanina. Gulat akong napatingin sa kanya. Seryoso ang mukha niya sabay senyas sa mga lalaking nasa harap ko.
“Can we talk, Miss?” Mahinahong wika nito. Nagkatinginan kaming dalawa. Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Tumalikod na sakin ang matandang lalaki at sinenyasan muli ang mga lalaking ito na sumunod sa kanya.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko gustong gumawa ng gulo dito. Lalong ayokong lumabas ang tunay na ako dito. Nilingon ko si Jasmin. Mahimbing parin ang tulog niya. Mabuti pa siya ay hindi nagigising kahit na may muntik nang magsagupaan sa kwarto niya. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto.
Third person’s point of view
Naglalakad papasok sa loob ng conference hall siya habang nakasunod sa kanya ang mga lalaking inutusan niya upang sunduin ang kanilang bisita. Pagpasok duon, mabilis siyang umupo at inantay ang pagpasok ng bisita.
“Teka po Sir, totoo po ba ang sinabi ninyo?” Tanong ng isa sa mga lalaking tauhan nila. Binigyan niya ito ng malamig na tugon. Kasabay nun ang pagkuha niya sa kanyang kanang bulsa ang isang maliit na device. Napatingin sa kanya ang mga tauhan nila.
“Ano po iyan?” Tanong ng isa sa kanila.
“Iyon ang kailangan nating alamin.” Sambit ng matanda sabay balik ng maliit na device sa bulsa niya. Gusto nya ring malaman kung sino ang babaeng iyon. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam pagdating sa babaeng iyon. Para bang may kakaiba sa kanya na hindi niya maipaliwanag. Ngunit ngayon ay malalaman na niya. Hindi naman sa ayaw niyang magkaroon ng kaibigan ang kanilang among babae, ngunit gusto niyang masiguro kung sino ito, para na rin masagot ang kakaibang pakiramdam para sa bisita.