“Ayos ka lang ba?” Kanina ko pa naririnig kay Riabelle ito. Nakatingin lang ako sa walang buhay na lalaking nasa harap ko. Tinanggal ko na rin ang itim na maskarang tumatakip sa mukha niya. Wala naman siyang ninanakaw na iba. Wala ding nawala sa mga gamit namin na nasa kanya. Ang nakakapagtaka ay ang panloob niya sa bahay.
“Sino kaya ang taong ito? Mukhang hindi naman magnanakaw.” Wika ko. Nilapitan ni Riabelle ang lalaki at sinuri. May tiningnan siya sa bandang leeg ng lalaki. Pagkatapos ay humarap siya sakin.
“Maaring galing siya sa kabilang organization.” Sagot niya sabay turo duon sa kaninang tiningnan niya. Napakunot ang noo ko kaya nilapitan ko iyon at tiningnan. May kung anong marka ang nakalagay duon.
“Nakausap ko na rin si Clark kani-kanina lang. Sila na bahala sa bangkay na iyan.” Sambit niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Saglit na nagkatinginan kami ni Riabelle. Pagkatapos ay tinanguan ko na siya at umakyat na ako. Hindi na ako nag-abala pa sa pag-aantay ng darating na alagad ni Clark. Nagtungo na agad ako sa kwarto ko upang magpahinga.
Ngayon, alam ko na kung sino ang pinuno ng kabilang grupo. Ang problema, hindi ko alam kung paano ko siya papatayin. Hindi ko rin alam kung paano siya hahanapin. Ilang sandali ay naramdaman ko na ang pagbigat ng aking talukap.
NAGISING ako ng makaramdam ako ng p*******t ng tiyan. Naalala kong di pa nga pala ako kumakain. Pati ba naman pagkain ay nakakaligtaan ko na. Siguradong malalagot talaga ako kina Mommy kapag nalaman nila ito.
Pagtayo ko ay natanaw kong madilim pa sa labas. I get my phone to check the time when I see the unread message flash on my screen. I immediately recognize the sender through his name that I wrote on it. Mr. Unknown.
The message was sent 4 minutes ago. I open it to see what is it. It's unusual for him to text me. Sometimes, he always calls me whenever he wants to say something. I find it weird when I read his message.
How are you Sync? The assassin of The Coetus.
Napakunot ako ng noo. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. May kung anong kakaibang pakiramdam ang bumalot sakin. Ngunit isang tanong ka umiikot ngayon sa utak ko. Sino ito?
I disregard the message and stick to my plan. Nagugutom na ako. Kailangan kong kumain para magkalaman naman ang utak ko hindi lang puro sa tiyan. Naglakad na ako patungo sa pinto. Pinakiramdaman ko pa kung may tao sa labas. Kung nasa labas ba si Riabelle. Ngunit wala akong narinig na iba. Walang tao.
Binuksan ko ang pinto. Madilim sa labas. Nasan kaya si Riabelle? Bakit parang wala siya dito? I walk toward her room to check her. Walang tao duon. Naglakad na ako pababa. Maayos na rin ang bahay. Walang bakas ng panloloob. Wala na rin ang mga nagkalat na dugo kanina. Nagtugo ako sa kusina upang mag-init ng tubig. Confirm, wala dito si Riabelle. I don’t know why but I guess nanduon siya sa mansion. Paniguradong hindi na siya dito tutuloy. Lalo na at isang assignment nalang ang ibinigay sakin ni Clark, iyon ay patayin si Syncro.
Pagkatapos ng ilang minuto ay kasalukuyan akong nakaupo dito sa kusina. Inaantay kong medyo lumamig ang kape ko upang hindi ako mapaso. Nasa isip ko parin ang mensahe ni Syncro o kung sino mang nagtext niyon. Para kaseng may ibang ibig sabihin ng message na iyon. Hindi ko maipaliwanag.
Inabot ako ng isang oras na nakatambay lang sa kusina. Nakatulala lang habang nagiisip ng posibleng gawin upang matapos na ang trabahong ito. Makakaalis na rin ako sa organization na ito kapag natapos ko ito. Wala mang kasiguraduhan niyon ngunit alam kong may isang salita si Clark. Ang kailangan ko lang gawin ay matapos ito.
Matapos kong uminom ng kape ay napansin kong mag-uumaga na. Sumisilip na din ang araw sa kalangitan. Paniagong araw nanaman. Kailangan ko ng magtrabaho.
I take a bath and change my clothes. After kong mag-ayos at maghanda ay umalis na din ako. Hindi ko na binuksan ang security ng ahay. Alam kong uuwi din naman si Riabelle. Wala na rin akong kasiguraduhan kung uuwi pa ako. Kailangan kong seryosohin ito ng matapos na. Masyado nang sumasakit ang ulo ko dahil sa mga nalalaman ko. Idagdag mo pa si kuya Steve. Alam kong nakakakaba ang pagiging American agent niya at bilang impostor sa organization, alam kong kaya niya ang sarili niya.
Ang iniisip ko lang ay ang sarili ko. Dapat nga ay matuto akong maging selfish. Kaya naman kailangan ko ng burahin ang Syncro na iyon, kakampi man siya o hindi.
Pina-andar ko na ang sasakyan ko. Wala akong idea kung saan ako puputa. Kung saan ako magsisimula. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang lugar ang pumasok sa isip ko. Ang bahay namin dati. Kung saan ko nakita si Senator Mariano Villafuerte.
Tila ba nagkaraoon na ng isip ang iba ko pang parte ng katawan. Tinahak ng sasakyan ang ahay namin at duon ako dinala. Ilang oras ang byahe ng makarating ako duon. Nung huling kong punta dito ay yung pagbuntot ko kay Mariano Villafuerte. Pumasok siya dito ngunit hindi ko alam kung paano. Posible kayang may ibang tao nun?
Pagbaba ko, mabilis akong naglakad papunta sa pinto. I check if it is lock. Nagulat ako ng makitang hindi ito nakalock. Ibig sabihin may ibang tao dito?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Dahil sa katagalan na ng bahay namin, hini maiiwasan na gumawa ito ng kakaibang tunog. Yung sa mga horror movies. Nang mabuksan ko na ng tuluyan ito, nakita ko ng maayos ang kabuuan ng loob. Madilim kase kaya ang nagsisilbing liwanag ay mula sa liwanag mula sa labas.
I tried to check if the switches are working. As I expected, hindi na. So, ginamit ko ang flashlight ng cellphone ko upang magsilbing source of light ko. Nang may sapat na ilaw na ako, saka ko na sinarado ang pinto.
Inilibot ko sa loob ang ilaw. Muli ko nanamang naalala ang mga panahon na nandito kami nila Mommy at Daddy. Mga panahon na hindi ko pa napapasok ang mundong ito. May mga gamit din dito na natatakpan ng puting tela. Nakaramdam tuloy ako ng konsensya dahil hindi ko ito naalagaan. Pagkatapos mamatay nila Mommy, hindi na ako nakabalik sa bahay na ito. Hindi ko na rin nabantayan ito.
Naglakad ako patungo sa loob ng kusina. Sobrang linis non at walang kagamit-gamit. Tiningnan ko kung may tubig paring lalabas sa gripo. Ngunit wala. Kung ganon, sino ang pinuntahan dito ni Mariano? Mukha namang wala nang nakatira sa bahay namin. Anong koneksyon niya dito? Anong kailangan niya?
Tiningnan ko mabuti ang kabuuan ng kusina namin bago ko ito lisanin. Naglakad ulit ako patungo sa sala. Inikot ko ang aking paningin at napatingin sa taas. Napakunot ang noo ko. May aninong dumaan. Hindi ko alam kung matatakot ako o ano. Kadalasan napapanood ko ito sa mga horror movies. Pero hindi naman ako naniniwala sa multo. Kung talagang may multo, edi sana minulto na ako ng mga pinatay ko.
Dahil sa curiosity ko, mabilis akong umakyat sa taas upang tingnan kung sino iyon. Posibleng may tao dito. Kung sino man siya, trespassing ang ginawa niya. Pedeng-pede ko siyang patayin gaya ng kahapon. Dahil kahit papaano, bahay ko parin ito. Pagmamay-ari ko parin.
Nang makarating ako sa tuktok, inihanda ko na ang sarili ko. Ayokong matulad kahapon. Inihanda ko ang sarili ko sa mga posibleng surprise attack. Nang masiguro kong walang naka-ambang na kalaban ay nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Naalala ko ang mga detalyadong parte ng bahay namin. Nanunumbalik sakin lahat habang nilalagpasan ko ang mga parteng iyon na siyang nagbigay ng masasayang ala-ala saming tatlo.
Sa dulo, naroon ang kwarto nila Daddy. Nakauwang iyon ng konti. Medyo kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng lungkot ngayon. I miss them. Pakiramdam ko ay nandyan sila. Dahan-dahan akong naglakad. Pinapabagal ang oras upang hindi ako masaktan sa katotohanang wala silang dalawa sa loob ng kwartong iyon. Ngunit may parte sakin na umaasang sila ang nasa loob non.
Pagdating ko sa tapat ng kwarto ay sinipa ko ito upang bumukas. Pinakiramdaman ko ang mga paggalaw mula sa loob. Ngunit wala akong maramdaman. Huminga ako ng malalim at naglakad patungo duon. A hard kick welcome me the time I enter the room. Tinamaan ako sa mukha dahilan para mapabagsak ako. s**t! Palagi nalang.
Mabilis pumatong sakin ang taong iyon at saka inilagay ang isang mahabang kahoy sa leeg ko. Halos mapaubo ako dahil sa hirap sa paghinga. Pilit nitong idinidiin sa leeg ko ang kahoy dahilan para masakal ako. Malabo din ang paningin ko dahil hindi ko na magawa pang dumilat ng buo. Hindi ko rin siya maaninag. Madilim masyado ang loob ng kwarto dahil sa mga nakasaradong bintana na natatakpan ng kurtina. Pilit kong nilalabanan ang pagkakasakal nya sakin gamit ang kahoy. Unti-unti ko na ring nararamdaman na nawawala na ang aking hininga. Bullsh*t!
Naramdaman ko nalang ang panghihina ko ngunit pilit ko paring nilalabanan. Hindi maaaring dito na ako mamamatay. Hindi sa ganitong paraan, hindi sa ganitong tao. Maya-maya, biglang kumalas ang pagkakasakal sakin ng kung sino man ito. Mabilis siyang bumagsak sa gilid ko. Agad kong binawi ang nawalang hininga sakin. Paubo-ubo pa ako habang iniisip kung paano o anong nangyare. Nakapikit ako habang nakahiga sa sahid. Pinakikiramdaman ang mga nangyayare. Muntik na ako duon. Lintik talaga! Ano bang nangyayare sakin?
“Ayos ka lang?” Bungad sakin ng isang pamilyar na boses. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata upang tanawin ang nagsasalita. Medyo madilim ang mukha niya. Nakatalikod kase siya sa bintana. Ramdam ko ang mga titig niya sakin ngunit inisip ko muna ang sarili ko. Kailangan kong bumawi ng lakas. Hindi ko alam kung mamaya ay kalaban pala siya. Walang kasiguraduhan.
“Mabuti nalang at dumating ako. Ayos ka lang ba, Miss?” Wika ulit ng pamilyar na tao. Narinig ko na ang boses na iyon, hindi ko lang maalala kung saan. Gusto kong malaman kung sino siya ngunit nanghihina pa ako.
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa tunog ng isang kanta mula sa radio. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Nandito ako sa isang pamilyar na kwarto. Napangiti ako. Tuwing nakakatulog ako sa sala, nagigising nalang ako sa kwarto ko. Sabi ko magic iyon, pero inililipat lang talaga ako nila Daddy dati.
Hindi ko maalis ang ngiti ko. Nakakamiss ang mga ala-alang iyon. Lahat ng masasayang ala-ala na naganap sa kwartong ito. Bumangon ako ngunit nanghihina parin ako. Ang nangyare kanina, muntik na ako duon. Teka?! Paano ako napunta dito?
Agad akong napalingon sa pintuan at iniluwa ang hindi ko inaasahang tao. Nakangiti siya sakin na akala mo may nangyareng maganda. May dala-dala siyang tray na may nakalagay na mga pagkain. Napakunot ako sa ginagawa niya. Bakit nandito sya?
“Kamusta, Llana?” Bati ni Jasmin. Napakurap ako. Ano bang sasabihin ko?
“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Muli niyang tanong. Hindi ako makasagot. Anong sasabihin ko sa kanya? Naguguluhan ako sa paglitaw niya ngayon. Paano siya nakapasok?
“By the way, pasensya na kung ginamit ko yung mga luma mong gamit dito…” Sambit niya. Napakunot ako ng noo at tumingin sa kanya.
“Hindi ko ito bahay.” Maikli kong tugon. Nawala ang ngiti niya at tumingin sakin. Ayokong may ibang maka-alam ng pagkatao ko. Kahit pa si Jasmin. Mahirap magtiwala sa tao.
“Eh? Akala ko sayo ito. Nagtrespassing ka din pala.” Wika niya. Hindi ko magawang ngumiti sa kanya pabalik. Nakita kong tumalikod siya sakin at nagtungo sa pinto. Bago lumabas ay sumilip muna siya sakin at ngumiti.
“Pahinga ka muna o kaya kumain.” Sambit niya. Lumabas na siya ng kwarto at naiwan akong mag-isa. Nakatulala parin ako sa pintuan kung saan siya lumabas. Pilit kong isinasaisip lahat ng nangyare kanina. Muntik na talaga ako duon. Mabuti nalang at dumating si Jasmin. Kung hindi niya ako tinulungan kanina, malamang na patay na ako ngayon. Kahit nag-trespassing siya, ayos na sakin. Nabayaran na niya. Baka nga utang na loob pa.
Inalis ko mula sa pagkakapatong sakin ang malambot na kumot na ito. Amoy luma na ito dahil sa tagal na hindi nalalabhan. Wala rin naman kaseng naglalaba nito. Simula ng umalis ako, hindi ko na napakailaman lahat ng gamit namin. Mabuti at nahanap ito ni Jasmin.
Nilapitan ko ang table kung saan nilagay ni Jasmin ang tray na may lamang pagkain. Medyo lumalamig na ito dahil mukhang kanina pa naluto. Siguro ay hinantay niya akong magising. Kinuha ko na ito at dinala sa kama upang duon kumain. Kahit kailan talaga, palagi nalang akong napaghahandaan ng pagkain. Nagmumukha tuloy akong tamad at hindi marunong pagdating sa mga ganitong bagay.
Pagkatapos kumain ay ako na mismo ang nagkusa na dalhin ito sa baba. Masyado naman nakakahiya kay Jasmin. Kahit na bahay ko ito, ayoko paring malaman niya na may kaugnayan ako dito. Lalo na’t mukhang alam niya ang bahay na ito. Napansin ko ito sa kumot na gamit ko kanina. Nakatago iyon ngunit mukhang alam niya kung saan nakatago. Mamaya ay may malaman pa siya kapag sinabi kong akin ito.
Pagdating ko sa baba, naabutan ko siya na kumakain ng mansanas sa kusina habang pinapaikot ang balisong na hawak. Nagkatinginan kaming dalawa. Agad nya ring itinabi ang balisong na iyon.
“Tapos kana pala kumain.” Wika niya. Tumango ako sa kanya. Lumapit ako sa lababo upang ilagay iyon. Pasimple kong tiningnan kung may tulo sa gripo. Wala.
“Alam mo, ang weird ng babay na ito.” Wika niya. Nilingon ko siya ng may pagtataka. Hindi siya nakatingin sakin at nakatuon ang atensyon sa mansanas na kinakain.
“Paano mo naman nasabi?” Tiningnan niya ako sa mata.
“Eh kase, matagal na ako dito tumatambay pero wala namang dumarating na may-ari para mag-claim nito. Wala rin akong mahanap na kahit anong information tungkol sa mga previous owners nito.” Wika niya. Naiwan akong nakatulala. Walang information? Teka, ibig sabihin wala siyang nakitang mga litrato namin dito? Nasaan na ang mga personal na gamit namin?
“Have you tried to ask the neighbours?” Natigilan siya sa pagkain ng mansanas at napatingin sakin. Tumango siya. Ngunit base sa sagot niya, wala siyang nakalap na sagot. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong nabunutan ng tinik. Kahit papaano ay wala siyang nalaman tungkol sa may-ari ng bahay na ito. Wala din siyang idea na sa akin ito.
“By the way, sabi mo matagal ka na dito?” Tanong ko. Tumango siya sakin.
“Yes. I think mga two years na akong tumatambay sa lugar na ito. Ayos naman. Kaso wala lang kuryente at tubig.” Sambit niya habang sabay tawa. Napangiti ako ng maliit. Good to know that she’s taking care of it. At least, there is still someone na nagbabantay ng bahay namin. “…yun nga lang, hindi maiiwasan na may mga ibang intruders na pumasok dito. Gaya kanina…” wika niya. Naubos na rin niya ang mansanas na kinakain. Inilapag nya ito sa mesa at kinuha ang mineral bottle sa plastic na mukhang binili niya sa malapit na convenience store. Nang maalala ang lalaki kanina, nilapitan ko siya at hinarap. Napatingin siya sakin dahil sa ginawa ko.
“Nasaan na nga pala ang lalaking iyon?” Tanong ko. Dahan-dahang ibinaba ni Jasmin ang bote ng tubig. Napakagat siya sa labi habang nakatingin sakin. I raised my eyebrows as if I’m asking.
“Wala na.” Iyon lamang ang nasagot niya at tumayo na. Napa-atras ako para bigyan siya ng space. Nagsimula na siyang maglakad papuntang sala. Sinundan ko siya. Pinagmasdan ko kung paano niya inalis ang puting kumot mula sa isa sa mga sofa namin at nahiga duon. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa ito sa sarili kong bahay.
Namayani ang katahimikan saming dalaa. Kahit naman hindi kami nagkikita ni Jasmin, kahit naman medyo close kami, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang ilang para sa kanya. Ang huli pa naming pagkakasama ay duon sa party ng kaibigan niya.
Isa pa iyon.
Medyo nagi-guilty ako dahil sa ginawa ko sa kaibigan niya. Ngunit kailangan kong gawin iyon. Napapikit nalang ako ng mariin at huminga ng malalim. Naramdaman ko ang paglingon niya sakin. Mabilis siyang bumangon at umupo ng maayos.
“Sino ka ba talaga, Llana?” Para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung anong klaseng tanong ang ibinabato niya sakin ngayon. Kinakabahan ako. Ramdam ko ang mga titig niya sakin. Para bang inuusisa niya ako.
“Huh?” Nakita kong huminga siya ng malalim bago nagwika.
“Gusto kitang makilala pa, Llana. Gusto kitang maging kaibigan.” Natigilan ako sa sinabi niya. Sa ikalawang pagkakataon, may nagsabi nanaman sakin tungkol sa pagkakaibigan. It’s been so many years since someone asks me to be their friend. At si Lexin iyon. Ngayon, para bang nagsalpukan lahat ng emotions ko inside. Para akong bumalik sa high school at kaharap ang kaklase ko na gusto daw akong maging kaibigan. Hindi ko alam ang isasagot ko. I wanted to. But my world stops me to say ‘yes’. I’m not a normal person. I am not belonging to their world. I don’t think she will understand it. We are different.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Nakatingin lang siya sakin at pinagmamasdan ang mga susunod ko pang gagawin. I look around to observe the changes in our house. After that, I look at her.
“Can I stay here?” Wika ko. Napangiti si Jasmin. Tumango siya saka tumayo. Pinagpagan niya ang sarili at lumapit sakin.
“Oo naman no. Saka mukhang wala na rin naman yung may-ari nito e.” Sambit niya habang pinagmamasdan din ang buong bahay. Tiningnan ko siya at ngumiti. I don’t know if this is right, but as long as I didn’t reveal my identity, it all matters.