CHAPTER TWENTY ONE

2516 Words
ALAS SIETE na ng magising ako. Nag-antay pa ako ng ilang oras bago bumangon at bumaba. Naabutan ko pa si Riabelle na nag-eensayo. Tumingin siya sakin. Sinubukan kong ngumiti ngunit hindi ko alam kung paano. Para bang nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya. Naglakad na ako deretso sa dining room upang kumain. Naramdaman ko ang pag-sunod niya. Nilingon ko siya ngunit hindi niya ako tinapunan ng tingin. Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa kusina. Malamang ay para uminom. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kumain na. Ilang segundo ay lumabas na ulit siya para ipagpatuloy ang pag-eensayo niya. Dinaanan nya lang ulit ako. Ang awkward! Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako. Pagpasok ko ay sakto namang tumunog ang cellphone ko. When I look at it, galing ito kay Lexin. He ask me kung nasaan ako. Kinabahan ako. Paano kung sinabi ni kuya kay Lexin? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Maya-maya ay halos mapatalon ako ng tumawag sya. It takes me five rings before I answer it. “Yes?” “Saan ka?” Tanong niya. Teka, wala ba siyang trabaho ngayon? Paniguradong busy siya dahil sa nangyare kagabi. “Why?” Bigla siyang natahimik. Napakunot ang noo ko dahil sa biglaan niyang pananahimik. Nagtatanong siya kung nasaan ako tapos tatahimik sya? Anong klase yan? “Excuse me, may kausap pa ba ako?” Sambit ko. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Hindi ko maiwasang mapangiti. “I miss you.” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng banggitin niya ang mga salitang iyon. Mabilis na pumintig ang puso ko dahil sa mga salitang iyon. I suddenly feel the same. Saglit lang kaming nagkasama. I think that was the best part of my life. “Okay.” Sambit ko. I heard him murmur something. I was about to ask about it when I hear knocking outside my door. I know who is it. Mabilis kong pinatay ang tawag at lumapit sa pinto. Pagbukas ay bumungad sakin si Riabelle na may dalang papel na sa tingin ko ay galing sa fax machine. “What is this?” Sambit ko. Walang emosyon siyang tumingin sa mata ko. Dahil duon ay tiningnan ko ang papel. It is a logo of something. Napailing ako at tumingin sa kanya. “There are literally traitors in the organization. As you can see, that is the logo of another group. Medyo nagkakagulo na sa organization ngayon. We need to go.” Sambit ni Riabelle. Natigilan ako. Muli kong tiningnan ang papel na may logo. Ngayon ko lang narealize. Sila Syncro. “Okay.” Tugon ko.     HABANG binabagtas namin ang daan papuntang The Coetus, hindi ko maiwasang mag-isip. Bakit ngayon ko lang narealize? Maaring sila ang tinutukoy nila Riabelle. Muling nanumbalik  sa ala-ala ko ang mga pag-uusap namin nila Syncro. Hindi sila masama. Hindi daw sila ang kalaban. Posibleng kasama din sa organization na iyon ang babaeng ilang araw ko nang nakakaharap. Pagkakarating sa organization, naabutan namin sina Clark sa labas ng mansion. Pagka-parada ko ng sasakyan ay lumapit na kami ni Riabelle ngunit natigilan ako. Nagtama ang mga mata namin ni kuya Steve. Maski siya ay kita ko sa mukha ang gulat. Ngunit saglit lang iyon at hindi niya ipinahalata. Nang makita kami ni Clark, mabilis siyang lumapit samin. Kita mo sa mukha niya ang inis. Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung paano gagala ngayon nakatingin si kuya. “Natanggap mo na ba?” Tanong ni Clark kay Riabelle. Tumango siya sabay tingin sakin. Ganun din ang ginawa ni Clark ngunit umiwas din siya at nagpatuloy sa pagsasalita. “Let’s go.” Sambit ni Clark. Na-una na silang maglakad. Nanatili akong nakasunod sa kanila. Nang magpantay ang aming balikat ni kuya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Isa siyang pulis. Natatakot ako para sa kanya. Hindi ko pa alam kung ano pa ang kayang gawin ng organization kapag nalaman nilang napasok na sila ng mga otoridad. Gaya ng dati, pumasok kami sa hall kung saan may mahabang table. Nagulat ako ng makita ko ang ilang mga nagtataasang politiko. Mga seryoso ang kanilang itsura ng tumingin sakin. Hindi na ako sumunod sa kanila. Tumayo ako sa gilid ng pinto habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa aking bulsa. May ilang mga politiko ang napapatingin sakin. Ang iba ay kapag tinitingnan ko ay umiiwas. “I’m sorry for the urgent meeting. I hope na alam nyo na kung bakit kayo nandito.” Panimula ni Clark. Biglang nag-ingay ang buong hall dahil sa samu’t saring opinyon na kanilang inilalabas. “Paano kapag lumabas na ang sikreto neto? Madadamay kami. Alam mo yan Clark.” “Oo nga. Alam mong inaalagaan namin ang aming mga reputasyon. Kapag ito nakalabas sa publiko ng dahil sa pesteng grupo na iyan, alam mo na mangyayare.” Natahimik bigla ang lahat dahil sa sinabi ng isang Senator. Napatingin sa kanya si Clark. Tumaas din ang kilay ni Riabelle. Biglaang katahimikan ang namayani sa lugar. Napakurap lang ang Senator na nagsalita. “Mr. Amor, ako ba ay pinagbabantaan mo?” Malamig na tugon ni Clark. Ramdam ko ang namumuong tensyon sa loob ng hall. Nakamasid lang ako sa kanila. “That’s not what I meant…” Mahinang sai ng Senator. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Clark. Lumapit sa kanya si Riabelle at saka siya hinawakan sa balikat. Nakaupo sa gitna si Clark habang si Riabelle ay nasa likod. “Hindi ito ang panahon para mag-away away tayo. You are just giving the opponent an excuse to further overthrow the organization.” Natahimik lalo ang mga nasa loob ng hall. Walang nagtangkang magsalita. Nakita kong pumikit ng mariin si Clark pagkatapos ay tumingin sakin. “Sync…” sambit niya. Halos lahat ay napatingin sakin. Hindi ko ipinahalata ang gulat at kaba kaya naman buong tapang ko silang hinarap. Tinanguan ko si Clark. “…. As your assignment, I want you to find the other’s leader. And after that…” nakita ko ang pagtingin ni Clark kay Riabelle. Bahagyang ngumiti si Riaelle kay Clark sabay tingin sakin. “Kill ‘em” sambit niya. Nakita ko ang pag-sang ayon ng lahat. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Pero ang isinisigaw ng utak ko ay gagawin ko iyon. Tatapusin ko iyon. Yumuko ako sa kanila para lumabas sa kwarto. Ngunit bago ako lumabas ay narinig ko siyang magsalita muli. “Pagkatapos ay maaari ka nang umalis ng organization.” Sambit niya. Napatingin ako kay Clark. Seryoso siyang tumitig pabalik. Anong ibig niyang sabihin? Paanong malaya na ako? Makaka-alis na ako sa organization? Umiwas na siya ng tingin pagkatapos. Ipinagpatuloy ko na rin ang paglalakad palabas ng pinto. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako ngunit kinakabahan. Hindi dahil sa nape-pressure ako kungdi dahil sa hindi malamang dahilan. Kinakabahan ako para sa isang bagay na hindi ko naman alam. Nagtungo na ako sa pinagparadahan ko ng kotse. Walang katao-tao duon ngayon. Nagtungo na ako sa driver side ng maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa braso ko. Pagkalingon ko kung sino iyon, si kuya Steve pala. “Zerrie, anong ipinapagawa nila sayo?” Seryoso niyang tanong. Napakunot ako ng noo. Agad kong kinuha pabalik ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. “It doesn’t matter. I have to go.” Sambit ko saka binuksan ang pinto ng kotse. Nakita ko ang seryoso niyang mukha na nakatingin sa kotse ko. I closed my eyes firmly and got out of the car again to face him. He still looks at me with his serious face. “Kuya, please, don’t you ever tell him about this.” Sambit ko at tumalikod na. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Inabot siya ng ilang segundo ng marealize niya ang tinutukoy ko. Pagsakay ko sa kotse ay agad ko na itong pinatakbo. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ngunit habang nasa akin ang numero niya, it all matters.   Third person’s point of view “Nagsisimula na silang kumilos.” Bungad ng pamilyar na boses kay Syncro. Nagsalin sya ng imported alcohol sa baso niya. Naramdaman niya ang paglapit ng bagong dating sa kanya. Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Anong gagawin natin, Dad?” Tanong ni Jasmin sa ama. Humarap si Syncro sa kanya ng may ngiti. Napakunot ng noo si Jasmin. Hindi niya maintindihan kung paano nagagawang ngumiti ng ama ngayong nararamdaman na niya ang paparating na gyera. Hindi pa ganon karami ang kasapi ng   kanilang organisasyon. Kinakabahan siya na baka hindi sila manalo laban sa The Coetus. “Calm down, Jasmin.” Wika ng ama. Napapailing nalang siya sa ginagawa ni Syncro. Hindi siya makapaniwala. Paano niya nagagawa ang kumalma? Dapat sa mga panahon ngayon ay nag-iisip na sila ng mga dapat gawin upang matapatan ang The Coetus. “But Dad, we don’t know kung kailan sila aatake.” Sambit ni Jasmin. Huminto ang ama sa paglalagay ng alak sa kanyang baso. Tiningnan niya si Jasmin na ngayon ay tensyonado. “Hindi natin kailangan magmadali. Sila mismo ang hahanap satin.” Natauhan si Jasmin sa sinabi ni Syncro. Napagtanto niya na tama ang ama niya. Malamang na sila na mismo ang lalapit sa kanila. Ang kailangan nalang nilang gawin ay paghandaan ang pagdating nila. “Tingin mo, sino kaya ang pupunta dito upang patayin tayo?” Sabi ni Syncro. Napakunot ng noo si Jasmin. Hindi niya maintindihan ang ama. “What do you mean?” Sumilay ang ngiti sa mukha ni Syncro. Tumalikod siya kay Jasmin ngunit ramdam niya ang mga ngiting iyon kahit hindi niya nakikita. “Hindi na ako makapaghintay.” Wika ni Syncro at lumabas na sa loob ng kwartong iyon. Naiwang gulong-gulo si Jasmin habang pinagmamasdan ang paglabas ng kanyang ama sa loob ng kwartong iyon.  Paulit-ulit tumatakbo sa utak niya ang mga huling sinabi ng ama. Sa unang pagkakataon, ngayon nya lang nakita ang ganoong pagkatao ng ama. Simula bata siya, sobrang strikto ni Syncro sa kanya. Wala siyang ibang inalam kung hindi ang paraan sa paggamit ng armas at pagdepensa sa sarili. Hindi nya rin kilala ang kanyang ina. Lumaki siyang kasama na ang ama. Tuing tinatanong niya ito tungkol dito, wala itong sinasabi sa kanya. Wala din siyang mahanap na mga litrato o kahit anong bagay na makakapagpakilala sa kanya sa kanyang ina. Napaupo nalang si Jasmin sa malapit na upuan. Bilang anak ng pinuno ng organization na ito, kailangan niyang may gawin. Hindi dapat ang nag-iintay lang sila. Kailangan niyang pag-handaan ang pagdating ng kung sino mang taong iyon. Malakas ang kutob niya na hindi ito basta-basta. Gaya ng babaeng ilang araw na niyang nakakatunggali. Nang maalala ang babaeng iyon, hindi maiwasan ni Jasmin ang mapatanong. Sino ang taong iyon? Sino ang misteryosong taong iyon? Kailangan kong kilalanin kung sino iyon. Ito ang mga tumatakbo sa utak niya. Muli siyang lumingon sa pinto kung saan lumabas ang kanyang ama.   Zerrie’s POV  Kanina pa ako dito sa loob ng kotse ko kung saan nakaparada sa sementeryo. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Blangko ang utak ko habang nagmamaneho. Hindi ko na napansin na dito ako dumiretso sa sementeryo kung saan nakalibing sina Mommy. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa labas ng aking sasakyan. Malapit nang magdili. Hindi ko rin alam kung uuwi ba ako o hindi. Maya-maya, naramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko. When I look at it, galing iyon sa second phone ko. A registered number flash on the screen. Nabuhayan ako. I activated my voice changer bago ko ito sinagot. “Yes?” Bungad ko. Narinig ko ang pagtawa niya. Sa pagkakataong iyon, hindi ako makaramdam ng pagka-inis. “Yan lang ba ang sasabihin mo? How about…. Where are you?”  Sambit niya. Napakunot ako ng noo. Pakiramdam ko ay may dating ang mga salitang iyon. Alam kong normal lang ito sa iba ngunit sakin, parang may ibig sabihin. “Anong kailangan mo?” Tanong ko. Hindi siya sumagot. Huminga ako ng malalim. “Alam ko na, kahit hindi mo sabihin sakin, alam kong ikaw ang pinuno ng isa pang organization.” Sambit ko. Wala akong naririnig sa kabila kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita. “Nahuli na ang iba ninyong kasamahan sa organization. Malapit na rin kitang mahuli. Wala akong pakialam kung kalaban ka o hindi.” Tama. Kapag napatay ko siya ay malaya na ako. Makaka-alis na ako sa organization. Kapag nangyare iyon, malaya na akong makakagalaw. “I can’t wait.” Sambit niya saka pinatay ang tawag. Napahampas ako sa manubela. Anong karapatan niyang babaan ako ng tawag? Tsk. Pinagmasdan ko ang numero niya. Pagkatapos ay ibinalik ko na ito sa bag ko. Tuluyan na ngang dumilim sa buong paligid. Nagsisilabasan na rin ang mga midnight vendors sa tabi-tabi.  Binuksan ko na ang engine ng aking sasakyan. Sa susunod nalang siguro muna ako pupunta sa inyo Mommy kapag ayos na ang lahat.   PAGKATAPOS ng ilang oras ay nakauwi na rin ako. Medyo madilim sa bahay. Napakunot ako. Hindi ba uuwi si Riabelle? Ipinarada ko na ang sasakyan sa labas at pumasok na ako. Pagpasok ko ay bigla akong tumigil. Nakita ko na nakauwang ang pinto ng bahay. Napakunot ako ng noo. Bakit nakabukas iyon kung wala pa si Riabelle? Naglakad ako dahan-dahan papasok sa loob ng bahay. Binuksan ko ito ng maliit na espasyo na kasya para sakin. Pagpasok sa loob, medyo madilim ito at tanging ila mula sa labas ang nagsisilbing liwanag dito. Tinungo ko ang switch ng ilaw at binuksan iyon. Bumungad sakin ang magulong mga gamit. Halos nakataob ang mga upuan at sofa. Tumingala ako sa itaas. May naaninag akong anino mula duon. Ngayon ay sigurado na ako, may ibang tao sa bahay. Mabilis kong inihanda ang sarili ko sa anumang mangyayare. I immediately get a gun inside the near table. Napapansin ko kaseng nag-iiwan si Riabelle ng mga baril kung saan-saan. Good thing ay nandito iyon. Mabilis akong naglakad patungo sa taas. Hindi naman ako natatakot sa kanya. I have a right to kill whoever it is because of trespassing. Pagdating sa pinaka tuktok ng baitang ng hagdan, dahan-dahan akong sumilip sa hallway kung saan nanduon ang mga kwarto naming dalawa. Walang ka-ilaw ilaw duon kaya mahirap para sakin ang tukuyin kung sino ang pangahas na pumasok sa bahay namin. Sisilip pa sana ako ng makita ang paparating na matigas na bagay. Mabilis ko itong inilagan. Gumulong ako patalikod at kinasa ang aking baril. Ngunit mabilis din ang kanyang kilos. Patakbo siyang lumapit sakin upang ihampas ang matigas na bagay na iyon. Dahil hindi ako nakabwelo, tinamaan ako ng bagay na iyon. Nabitawan ko ang baril at nahulog sa first floor. Nasa tuktok pa pala kami ng hagdan. Kaya naman sinamantala na niya ito upang itulak ako. Dahil duon, nagpagulong-gulong ako. Shit! Paika-ika akong tumayo. Hawak-hawak ko ang aking ulo. Hinanap ng aking mata ang baril. Nakita ko iyon malapit sa gilid ng hagdan. Lalapitan ko na sana ito ng maramdaman ko ang isang malakas na pagsipa sa aking likuran. Mabilis akong nawalan ng balanse. Dahil dun ay napasubsob ako sa sahig. Sobrang sakit na ng likod ko. Siguro ay dahil ilang linggo na akong hindi nahaharap sa ganito. Hindi na tuloy nasanay ang katawan ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang paglapit niya sakin. Umibabaw siya sakin habang hinahatak ang buhok ko. Dahil duon, nakahanap ako ng paraan upang mapabawas ang lakas niya. Agad kong sinipa ang gitna niya. Dahil dun, sandali siyang napahinto habang iniinda ang sakit. Sinamantala ko na iyon upang kunin ang baril. Pagkatapos ay mabilis ko itong ipinaputok sa kaya. Tinamaan siya sa balikat. Muli kong ipinaputok ang baril at tumama iyon sa binti niya. Kitang-kita ko ang panghihina niya habang pilit na tumatakas sakin. “Tsk.” Muli kong ipinaputok iyon at siyang tumama diretso sa puso niya. Mabilis na bumagsak sa sahig ang walang buhay niyang katawan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD